webnovel

Who got bullied?

Nasa hide out kaming lahat ngayon it's been a week simula ng ibully namin si Nerd. Pero parang walang nangayayari. Inis na inihagis ko naman ang dart dahilan para dumikit ito sa pader at mapunta ang atensiyon nilang lahat sa'kin.

"Ano ng balita sa babaeng yun?" Seryosong tanong ko. Umayos naman sila ng upo.

"Idol ko talaga yun e, no'ng inutos kong ipakulong siya sa CR. Hindi siya nag ingay akala namin patay na siya, pagbukas daw nila ng pinto hindi man lang sila pinansin tapos tuloy tuloy lang na nagbasa ng libro..."may paghanga sa bawat salita nito.

"Ikaw Ekon" inilipat ko ang tingin kay Ekon na busy lang kaka laro sa cellphone niya.

"Hoy, ikaw na daw" kalabit ni Tristan sa kanya. 

"Ako?" gulat na tanong nito. I glared at him.

"Ayy oo, binato siya ng mga kaklase niya ng kodigo habang nagtetest...nahuli siya ng teacher at pinalabas pero..."putol nito sa sasabihin.

" pero?"kunot noo kong tanong.

"Sobrang talino niya kaya hinamon niya ang teacher na bigyan siya ng test question na may 500 items pero magbibitaw ito sa trabaho pag na perfect niya kaya natahimik ang teacher..." Awkward pa itong napangiti. Nagtagis naman ang bagang ko sa sobrang Inis. Walang kwenta!

Tiningnan ko naman si Khero.

"Pinadulas ko siya ng juice sa harap ng klase at napahiya siya sa lahat" napangiti naman ako.

"Kaso..." Agad namang napawi 'yon ng may kadugtong na naman.

"Sinapak niya ang kaklase niya at hindi pa nakakapasok hanggang ngayon"

Napahilamos naman ako sa mukha ko. Agad kong sinipa ang mesang nasa harapan ko. I took my phone and dialed a number.

"Nagawa mo na ba ang pinaguutos ko?" 

"Sige" pagkatapos ibaba ang phone ay tumayo na ako.

"Anong plano mo?" sabay na tanong nilang tatlo.

"Madami" binigyan ko sila ng nakakalokong ngiti. Humanda ka ngayon hindi pa ako tapos.

-Arc-

I don't know kung ano ba ang dapat kung maramdaman dahil sa sobrang tahimik ng boung room. This has been the talk of the school and they said I ruined the reputation of Class A Biology kaya mainit ang dugo nila sakin. 

Inilibot ko ang tingin sa mga kaklase ko at hindi nila ako pinapansin. What the heck is happening? Sumuko na ba agad si Grint? HAHAHAHAHA

Patay malisyang umupo nalang ako sa pwesto ko at nagbasa ng libro. Halos boung oras ay naging payapa ang klase pero naguguluhan pa rin. Ano to a calm before the storm. 

~krrrnggggggggg

Mabilis kong inayos ang mga nagkalat kong gamit.

"Tara na" aya ni Teya kaya tumango naman ako at mabilis na nilagay sa bag ang mga gamit, ng may biglang bumato sa akin ng itlog dahilan para mamantsahan ang mga ito.

Masama kung tiningnan ang pinanggalingan ng itlog. Ngunit mas lalong dumami ang binabato nila sa akin.

"Shit!" Mura ko habang sinasangga ang binabato nila. Akmang tatayo na ako ng maramdamang nakadikit ang palda ko sa upuan.

"Arc! Hoy! Tama na!" Sigaw ni Teya na pilit sinasangga ang binabato sa akin.

"Kulang pa yan!"

"Oo nga! Ang kapal kasi ng mukha!"

"Pangit na nga pangit pa ugali"

"Feeling genius" nagpanting agad ang tenga ko ng marinig yun.

"Pakers! I won't be accelerated this far kung hindi ako genius!" Sagot ko rito habang pilit hinihila ang palda ko. Nakakainis! Balak ba nila akong gawing fried chicken para hagisan ako ng harina at itlog. Kulang nalang ng mantika tutal nagbabaga na yung classroom kasi puro demonyo yung kaklase ko.hmp.

"Hoy! Tigil na!"pilit na sigaw ni Teya habang iaawat sila. Masakit yung itlog ha! 

Idinuko ko ang salamin ko para Hindi masyadong madumihan ng biglang may nagpaligo sa akin ng mabahong likido.

" Patis ba to?" inamoy ko naman ang likidong yun.

"Pucha! Patis nga!" Ang bantot ko na taenang yan!

Itinaas ko ang palda ko para I check kung mahaba ang sout kong short bago napagtantong maikli ito pero keri na! 

Tinanggal ko ang butones ng palda ko at hinubad.

"Ayan na siya! Ayan na siya!" sigawan nila bago nagsitakbuhan palabas.

"Hoy! Magsibalik kayoooo! Ginigigil niyo ako!" Galit na galit na sigaw ko at hinabol sila palabas ng classroom. Agad namang tumakbo papunta sakin si Teya.

"Teh, ayos ka lang?" nag aalalang tugon niya na nababalot na rin ng itlog at harina. Hinawakan ko namang siya sa balikat.

"Sige na, you can go para makapagpalit ka na. Ako na bahala sa sarili ko" utos ko sa kanya.

"Sure ka?" nag aalangang tanong nito. I gave her a reassuring smile.

"O sige, una na ako" paalam nito bago umalis. Hinayaan ko muna siyang makalayo layo ng konti bago ako naglakad patungo sa locker ko. Mas okay na mag P.E uniform kaysa nakashort lang.

"HOY ANONG GINAGAWA NIYO!??" Galit na sigaw ko ng madatnan ang mga estudyante sa locker ko. Dali dali namang silang nagtakbuhan. 

"Pucha!" napatampal nalang ako sa noo ng makita ang gutay gutay na damit na nagkalat sa harapan ko. Bwisit!!

"Did you see how that ugly girl look? HAHAHAHA funny" 

"Gaga! Kahit wala siyang harina sa mukha she look funny na talaga" 

"Ohhh she's here" nang aasar na sambit ng maarteng nilalang na kakapasok lang sa cr.

"Ohhh she's here" sinadya ko namang artehan ang boses ko bago sila inirapan.

"Are you mimicking me?" Inis na asik nito. Nilapag ko naman ang dala kong panyo at hinarap siya.

"That's a stupid question, because you saw it! I am mimicking you" irap ko. 

"You bitch!" Asik nito sabay hila sa buhok ko na agad niya ding nabitawan.

"Iwww ang baho! Amoy patis! Grrrr..." Pagiinarte nito na nginiwian ko lang.

"Ano gusto niyo din maging amoy patis!? Kung ayaw niyo maglaho na kayo sa harapan ko!!". Akma ko namang ingungod ngod ang ulo ko sa kanila ng magsigawan sila at magtakbuhan palabas. 

" Arte niyoo!"pahabol kong sigaw.

"Kawawa ka namang bata ka...tsk tsk tsk" 

"Pucha manang! Kanina ka pa diyan?" Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat.

"Oo,nasa loob ako ng cubicle kaso ayaw ko istorbohin ang POV mo kaya di muna ako lumabas" kunot noo ko siyang tiningnan.

"What point of view?" Takang tanong ko.

"Feeling mo kasi nasa wattpad ka, yang bully bully nayan at badboy badboy? Gasgas na sa wattpad yan. Walang ganun sa tunay na buhay..." Naka drugs na ang janitress nato? Mukhang high e.

"Ewan ko po sa inyo" deadma ko dito at pinagpatuloy ang paghuhugas.

"Aray! Napakabigat naman ng balding to. Tapos ang dumi dumi pa" reklamo ng janitress. Bigla namang may pumasok sa isip ko.

"Akin nalang manang, ako na magtatapon" paalam ko dito na agad namang napangiti ng malapad.

"Talaga?"

"Opo" agad ko namang binuhat ang balde at inilabas.

"Hoy! Teka! San mo dadalhin yan? Alan mo ba kung saan yan dapat itapon?" Habol niya sa akin. Tinapik tapik ko naman ang balikat niya at ngumiti.

"Alam na alam ko, manang" after that I left her dumbfounded. Humanda sila sa ganti ko.

Bab berikutnya