"THIS agreement will be the proof that both of us agreed.." after hearing it from him, I took it and I read it from the beginning up to the end.
I know what might be the consequences I will face if I failed him and do against this agreement of us.
Yeah, if I do any wrong move, ako si Lewis at buhay ng mga ka-bandido ko rin ang nakataya dito.
It's not a big deal na mukhang ginagawa niyang panakot sa'kin. But I know, Max will become anger and hate me kapag niloko ko siya. At alam kong gaganti siya kapag niloko ko siya.
Hindi ko alam kung anong pag-iisip na ba meron ako at pinatulan ko pa ang gusto ng Max na 'to.
Damn it! I'm such a loser! I'll be so damn idiot too kung lulusot pa ako sa bagay na 'to.
Stupid Lucy! Yeah, for pete's sake, I should just stand for this.
"I'll sign it." he handed me a ballpen, and I took it to his hands. Then, I took a seat first kasunod ay inilapag ko sa table ang papel at saka ko pinirmahan iyon.
"Pinirmahan ko na. You happy now?" saad ko ng may halong pagkainis.
Inilapag ko sa harap niya yung papel matapos kong pirmahan iyon. He looked at it for a while saka siya umupo, kaharap ko.
He tried to show up his smile in front of me, seems like it teasing me that way. "I'll arrange our marriage right now. Therefore, we could finally have a wedding within this week." pagkasabi niya niyon ay tumayo na siya sabay kinuha niya ang papel. Isiniksik niya ang kanyang kamay sa bulsa niya saka siya naglakad nang tumalikod siya sakin.
"Are you really serious sa gusto mong mangyari? Hindi ka ba nag-aalinlangan or you just damn insane?" I asked seriously and frankly. Baka pinaglalaruan lang kasi ako nitong lalaking 'to.
Pwes, kung gayon, paglalaruan ko rin siya kung ganon ang gusto niyang mangyari.
Tumigil muna siya sandali nang humarap siya sa akin. He has just a blank expression at his face.
"I don't change my decision once I've said it.." he said in a calm way.
Pagkasabi niya niyon, napansin kong humakbang siya papalapit sa akin. Halos manginig ang buong kalamnan ko nang mapansin kong inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga. I don't know but I just wait for what he will do.
Damn it! Stupid!
"I know you will not disappoint me. And that's what will I do as well.." after hearing it from him, humarap siya sa akin at nginisian ako.
And speaking of me, I'm just a stupid girl na pinagmasdan lang siya. Hanggang sa tumalikod na ulit siya at saka naglakad paalis.
Damn it! Such an idiot! I mumbled to myself.
He's really out of his mind.
Ngayon, kapag ako nakasal na sa kanya, at nagkasama na kami - ano nalang mangyayari sa akin? Sa mga kasamahan ko? Pati kay Lewis?
At ngayong pinatulan ko na siya, I should expect na hindi na ako sisikatan ng araw dahil malamang ay nilibing na ako ng weak na Von na 'yon. And worst, baka may ibang pakay 'tong Max na 'to na hindi ko nalalaman.
Damn it! Damn it!
Sa loob-looban ko, gusto ko nang magwala. Pero hindi ko magawa. I'm just doing it within.
I tried to smile and have a heaved sigh.
Kailangan kong paganahin ang utak ko. Dahil pag nagkataon, it'll be a big shame. Lalo na kila Nick, James at Blade.
I took a seat at kinalma ko ang sarili ko.
While still on that position, sandali'y pumasok sa'king isipan ang sinabi niya sa akin tungkol sa mga magulang ko.
It suddenly flashbacking right now inside my head.
Napasugod kami ni mama noon sa hospital ng gabing iyon dahil si papa ay inatake sa puso. Hindi ko alam ang gagawin ko that time especially labing-isang taong gulang pa lamang ako noon. Si mama ay katulong sa isang kilalang Fabiano family at doon lang kami umaasa sa pang-araw araw namin.
Nang malaman iyon ni Don Fabiano, agad siyang tumulong sa amin. Nabalitaan ko 'yon kay mama dahil sinabi niya iyon sa akin. Bagaman hindi tinatanggap ni mama nung una ang alok na tulong ng Fabiano, wala siyang nagawa kundi tanggapin iyon lalo pa't malala na ang kondisyon ni papa at alam kong nasa pagitan na siya na maaari pa siyang mabuhay o hindi na.
Hanggang sa dumating ang araw na namatay si papa ilang araw matapos siyang dinala sa hospital. Naging isang masalimuot na pangyayari iyon sa aking buhay dahil dalawa nalang kami ni mama.
At tungkol kay mama, alam ko kung gaano niya kamahal si papa. Hangga't maaari, bagaman nais ni papa na kumayod para sa amin, hindi na siya pinayagan ni mama dahil alam niya na may iniinda na itong sakit.
Hanggang sa tumuntong ako sa labing-limang taong gulang, unti-unti ay, nagiging mulat na ako sa mga bagay-bagay - at tungkol sa bagay na ito, bago ako sumapit sa edad na 'yon, alam kong hindi na maganda ang takbo ng buhay ni mama. Dahil nararamdaman ko na sobrang naapektuhan siya sa pagkawala ni papa.
Kaya sa bagay na iyon, nagkaroon siya ng depresyon. Na itinatago niya lang sa akin sapagkat ayaw niya akong makita na ganoon siya sa kanyang kalagayan.
Hanggang sa isang araw, may dumalaw sa bahay namin na isang pamilya ng Fabiano - si Max. Kinamusta niya si mama dahil ilang araw na daw itong hindi pumapasok. Kinausap siya ni mama hanggang sa maka-alis na sila.
Hanggang isang araw, dinala si mama sa hospital dahil sa dami ng gamot na iniinom niya. At nung isang gabi ay nakita ko siya na nagtatangka siyang magpakamatay, ngunit pinigilan ko. Umiiyak kaming pareho dahil sa nangyaring iyon. Bagaman dapat ay nagalit ako sa ginawa niya, inunawa ko nalamang ang kalagayan niya nang sabihin niya sa akin kung bakit niya iyon ginawa - dahil sa pagkawala ni papa.
At tungkol sa hospital, kinabukasan ay nasawi rin si mama dahil hindi na kinaya ng katawan niya ang dami ng gamot at ang naging masamang epekto nito sa kanya, lalo na nang malaman ko na naapektuhan pati ang utak niya.
Hindi ko halos batid ang lahat ng nangyayari at naging malaking katanungan sa akin iyon, dahil hindi ko manlang siya nasubaybayan dahil noong mga panahon na iyon ay nagsimula na akong pumasok sa isang ilegal na gawain - at iyon ang pagpatay, pagnanakaw at paggawa ng krimen na hindi ko na sana pa pinasok dahil alam kong malaking pagkakamali, lalo pa't hindi ko manlang halos nasubaybayan si mama.
Matapos ang mga pangyayaring iyon sa buhay ko, nakilala ko si Don Fabiano at si Max - siya ang kumausap sa akin dahil may biniliin sa kanya si mama. Sa totoo lamang ay, mabuti ang pakikitungo ni mama kay Max at ganoon rin si Max kay mama. Dahil isang beses nun ay, nakita ko 'yon kung paano nila pakitunguhan ang isa't-isa kahit na bilang katulong doon si mama sa pamilya ni Max.
Ibinilin kay Max na mahal na mahal ako ni mama..at nais niya na makilala ko si Max dahil siya ang sumuporta sa akin sa pag-aaral na nahinto dahil kay papa - halos sa aking pamilya, para pasalamatan siya at tanawan ng utang na loob.
Bagaman nahihiya akona lapitan ang Don Fabiano, dahil sa nagawang kabutihan nito pati ni Max sa pamilya ko, hindi ko na nagawang lumapit para pasalamatan sila at tanawin ng malaking utang na loob dahil itinatago ko ang identidad ko sa lahat - dahil sa ilegal na gawain na pinasok ko at halos pinagkakakitaan ko na - para lamang mabuhay ako.
Kaya, ang ginawa ko ay, pinadalhan ko na lamang ng sulat si Don Fabiano at nalaman iyon ni Max dahil sa kanya ko halos ipinararating ang pasasalamat ko at pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya, na sa totoo lamang ay hindi ko masuklian sa anumang bagay, dahil ako mismo sa sarili ko ay wala akong maipagmalaki lalo pa't malaking kahihiyan ang pinasok ko.
Habang inaalala ko ang mga bagay na 'yon, naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko.
Suddenly, I made have something analyzed kung bakit rin siguro ganun na lamang ang gustong mangyari ni Max - na magpakasal sa kanya.
Dahil ito ang sa tingin niyang paraan para masuklian ko ang mga tulong at kabutihan niya sa aking pamilya.
Pero bakit sa ganitong paraan pa? Does he really wanted it? Or does it makes him really happy ngayong nakuha na niya ang bagay na 'yon?
I sighed. I really don't understand. Besides, dahil na rin sa dami ngayon ng mga bagay-bagay na gumugulo sa isipan ko.