webnovel

6. His Concern

Lucy Gabriela Celeste

**

NARINIG ko ang pag-ring ng cellphone ko sa sling bag ko. Kaagad kong binuksan ang zipper niyon at kinuha ko ang cellphone ko doon.

"Lucy! Nasaan ka na? Mukhang kumukulo na dugo sayo ni Von? Haha!" Natatawang sabi ni Nick. Bale kausap ko kasi siya ngayon sa cellphone habang naka-sakay ako ng taxi papunta 'don sa kuta nang Von na 'yon.

"Hayaan mo siyang kumulo ang dugo niya, nang maubusan siya ng dugo." Madiin kong sabi.

"By the way, papunta na kami sa tatrabahuin namin ngayon. Well, mukhang wala ka namang takot kay Von. Then, good luck. He'll god damn kill you, Lucy Gabriela Celeste!" Pabirong sabi niya. Narinig ko naman sa kabilang linya na sinabi niya na you're death na pabulong. G*go!

"Hey, Lucy. Ingat ka kay Von ha. Remember, his like a treasure. Be careful.." pabiro na may halong bantang sabi ni Blade nang mukhang agawin niya kay Nick yung cellphone.

"Anyway, sabi ni James. Kakausapin ka niya mamaya after this.." sa tono ni Blade ay mukhang may kakaiba ata. Pero malalaman ko rin iyon kapag mag-kita kami ni James mamaya.

"Bye, Lucy! I can't wait to see Von falling down on your own hands..Haha! And I bet it!" Pagkasabi niya niyon ay, pinatay na niya yung linya ng tawag.

Speaking of it, nag-usap kami ni Blade kahapon. At alam kong kaya niya nabanggit iyon ay dahil alam niya kung paano ko pag-lalaruan si Von.

Si Nick at James ay hindi nila totally alam ang pakay ko kay Von at tanging si Blade lang ang may alam. At alam kong mag-tataka na rin 'yon si Nick lalo na si James kung bakit hindi ko sila sinamahan sa trabaho nila. Bukod sa nagpa-huli ako, gusto kong hamunin kung hanggang saan ang ibubuga ng Von Carter Cohen na 'yon. Yes. Until he begs like a beggar. Kung 'yon ang paraan para bumalik si Lewis.

Nalaman ko kasi kila James na pina-talsik nung Von na 'yon si Lewis, at gusto niyang kamkamin ang grupo--para siya ang pag-lilingkuran namin sa lahat ng ipagagawa niya. Damn. Napaka-hayop!

"Ma'am, nandito na po tayo.." kinuha ko ang pambayad ko sa bag ko at iniabot ko 'yon sa driver.

Napansin ko na mukhang hindi maalis ang tingin niya sa katawan ko. Kaya tumikhim muna ako. Napukaw naman ang atensyon niya.

"Pwede niyo na bang abutin yung bayad? Nakaka-ngawit." Medyo nairita kong sabi. Buti nalang at hindi naman ako ganun ka-sama para pumatay nalang bigla nang tao. May konsiyensiya pa rin naman ako at alam kong may pangangailangan rin 'tong si tatang na driver. Pero, kapag lumagpas na siya sa limitasyon, baka humantong na siya sa hukay. Kinalma ko nalang muna ang sarili ko.

Lumabas na ako kaagad nang taxi. At mukhang hanggang sa pag-labas ko, sinusundan pa rin niya iyon ng dalawa niyang mga mata. Ngumisi ako. Mukhang may pagka-manyak rin 'tong gurang na 'to.

Hinawi ko ang bag ko sa gilid nang nilapitan ko siya sa bintana, at sinubukan kong ipasok ang ulo ko 'don.

"May problema ka ba sa akin?" Kalmado kong tanong sa kanya. Alam kong luwa na ang mga dibdib ko sa harap niya, pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"M-ma'am, pasensiya na ha? Concern lang kasi ako diyan sa suot mo. A-alam mo na, gabi na at baka may mga tarantado pa diyan at harangin ka. Maganda ka pa naman.."

Hindi ko inakala na 'yon yung sasabihin niya. So anong gusto niyang palabasin?

Speaking of dun sa sinabi niya, magaalas-dose na rin kasi ng gabi. Balot ng dilim ang paligid at payapa na ang lugar. Wala nang makikitang pagala-galang tao. Bukod sa, tago ang lugar na ito.

"Thank you for your concern kuya. Huwag kang mag-alala, takot sila sa akin." Sabay wink ko sa kanya. Inayos ko ang sarili ko ng umalis na ako dun sa bintana ng taxi.

Winave ko ang kamay ko sa kanya at saka ako tumalikod at umalis. Tinungo ko na kaagad ang gate papasok sa bodega.

hello there!

send gifts

comment

vote

thank you and lovelots ?❤️

Maiden_pinkishcreators' thoughts
Bab berikutnya