webnovel

Kapitulo 1: Ang Pagbabalik

"Ayan, wala ng sasakyan na dumadaan..." bulong ni Mike sa mga kasama habang nakahiga sila sa may damuhan. Gumapang pa siya ng mas malapit sa may daan upang makasiguro.

"Are you sure?" pagtatanong ni Uno. "I-testing mo nga, Francis! Kapag may nagtitili na babae kapag nakita ka na naka-boxers lang, ibig sabihin hindi safe lumabas."

"Bakit ako?" pagkontra ng nakababatang pinsan. "Ikaw na lang!"

"Kasi, sinabi ko!" Hinawakan niya ang garter ng underwear ng inutusan at sapilitang pinatayo.

"Aray ko! Naiipit ang **** ko!" pagrereklamo niya habang nakangiwi. "Ang itlog ko, mapipisat na! Bitiwan mo ako!"

"Sabi mo e!"

Napaluhod sa gilid ng daan si Francis nang itulak siya papunta roon ni Uno. Kaagad siyang nagtago sa likod ng poste ng ilaw upang mag-obserba kung tunay nga bang walang makakakita sa kalagayan nila. Nanalangin siya na sana nga ay walang witness dahil medyo nako-conscious siya sa disensyong teddy bear ng kanyang underwear. Katulad kasi ng mga pinsan ay wala siyang suot na pantalon.

Kanina-kanina lamang ay na-deport sila mula sa Tsina dahil sa kasong "indecent exposure". Sila ay kamalas-malasang naparusahan ni Miss Elf na matanggalan ng mga pantalon dahil nainis siya. Kinukulit kasi nila itong tulungan sila na makahanap ng girlfriends. Upang mas mapabilis na makaakit sila ng mga babae, naisip ng duwende ang the "most convenient way".

Epektibo naman dahil nagkandarapa sa kanila ang mga babae. Ang problema ay hinuli sila at ikinulong, maliban kay Mike na menor de edad pa.

Nang masiguro na wala ngang ibang mga tao na makakasaksi ng kanilang kamalasan, winagayway niya ang kamay bilang senyales na ligtas ng lumabas mula sa damuhan.

Mas mabilis pa sa kabayong natatae at naiihi silang nagsitakbuhan at nag-unahan na makaakyat sa pader ng bakuran nina Uno.

"Sandali, aray ko!" Napapikit si Francis dahil naramdaman niya na bumaon ang alambre sa gitna ng puwet niya nang sumampa na siya sa bakuran. "Huwag niyo akong itulak!

"Bilisan mo! Ang bagal! Tsk!" naiinis na inutos ni Uno.

"Teka lang! Kung makautos e!" yamot na tugon niya habang pinipilit niyang tanggalin ang nakahadlang sa suot na manipis na shorts. Magtatagumpay na sana siya ngunit aksidente siyang nasagi nina Uno at Mike nang inunahan siyang pumanaog. Sa pagkagulat niya ay napaupo siya kaya mas bumaon ang makapal na alambre.

"Sige na, kumapit ka sa puno, pagkatapos ay dahan-dahan kang bumaba." mahinahong instruksyon ni Wiz. "Medyo dalian mo para ako naman. Giniginaw na kasi ang puwet ko, baka mapulmunya!"

Imbis na sumunod ay tinitigan niya ang nakatatanda na tila ba nagmamakaawa na tulungan siya. Nagtaka si Wiz sa kakatwang akto ng pinsan.

"Bakit? Takot ka ba sa heights?"

"Hindi. May bumaon!"

"Bumaon na ano?" pagtataka niya dahil hindi na naman niya ma-gets. Yumuko pa ito upang makita ang tinuturo ni Francis. Nang makita ang karumal-dumal na sitwasyon ay muntikan na siyang maduwal at masuka dahil sa malabangungot na pangitain.

"Dumudugo yata...si Uno kasi e! Minamadali ako pilit!" pagsusumbong ni Francis. "Huwag kang maingay. Pwede bang sa atin na lang-"

"Mga pinsan, tulong! Natusok ng alambre ang **** ni Francis!" malakas na pinahayag niya. Nagsitahulan ang mga aso at nagbukasan ang ilaw ng mga kapitbahay dahil sa narinig. Umakyat na rin sina Uno at Mike upang damayan ang kaawa-awang pinsan.

"Hindi **** ko, kumag ka! 'Yun puwitan ko!" pagtatama niya.

"Watch your language, young man." pinagsabihan pa siya ni Wiz dahil sa tinuring nito sa kanya. "Matuto kang gumalang sa mas nakatatanda sa iyo."

"Sorry na, Kuya. Ang puwet ko kasi, durog na durog na!" paghingi niya ng paumanhin.

"Magpasalamat ka at matuwa na hindi ang alaga mo kungdi siguradong sabog ang itlog mo." pagsusumikap ni Uno na palubagin ang loob niya. "Matusok na ang lahat huwag lang iyon!"

"Dapat pa pala akong matuwa!" mangiya-ngiyak na pinahayag ni Francis. "Sa sobrang saya ko, naluluha ako!"

"Masakit ba, Kuya?" pag-aalala ni Mike. Napansin kasi niya na medyo namumutla na ito.

"Subukan mo, mahal kong pinsan. Masarap." sarkastikong tugon niya sa nakababata sa kanya.

Maya't-maya ay may patrol car na mabilis na nagtungo sa kanila. Bumaba ang isa at nang-usig.

"Anong nangyayari rito? Mga akyat-bahay kayo, ano?" pagbibintang ng pulis na kasalukuyang rumoronda sa subdivision.

"Hindi po. Nagpapalamig lang kami kasi mainit." pagdadahilan ni Mike. "Atsaka pinsan po namin ang may-ari ng bahay na ito kaya hindi po kami mga magnanakaw."

"Ganoon ba? E, bakit naka-brief lang kayo? Mga manyak kayo, ano?"

"Hinding-hindi kami mga manyak at boxer shorts itong suot namin, hindi brief!" pagkontra ni Uno.

"Brief 'yan!" pagdidiin ng pulis.

"Shorts!"

"Brief sabi e!" pagmamatigas nito. "Kapag lumagpas na ng ten inches mula sa tuhod, brief na iyon!"

"Mas alam mo pa sa akin! Shorts nga ito!" naiinis na niyang dinepensa. "Kita mo 'yan brand, Calvin Klein Shorts! Galing America pa 'yan!" Inangat pa niya ang suot na pang-itaas upang ipakita ang tatak.

"A basta, brief 'yan! Hahaha!" Sumakay na sa kotse ang pulis at tawang-tawa na ikinuwento ang nasaksihan sa ka-partner. "Tama ka, P're! Mga weirdo nga ang mga Semira. Parang mga nakatama. Nakita mo ba 'yun isang may mahabang buhok? Tigang na tigang! May make-out session pa sa alambre, bwahahaha!"

Kahit na ilang metro na ang layo ng patrol car ay dinig na dinig pa rin ang tawanan ng mga pulis.

"Huwag mo na silang pansinin." pagpapakalma ni Wiz kay Mike na kanina pa iniinda ang hapdi at kahihiyan. "Kukuha lang ako ng local anesthesia at cutter para maputol yan alambre. Konting tiis."

"Baka matetano na ako! Bilisan mo!"

"Heto na nga! Uno, pakikuha ang bag ko sa ibaba!"

Paglingon niya ay wala na ang kausap sa tabi. Nagtaka si Wiz kung bakit bigla siyang nawala. Natanaw niya ito na nakatayo malapit sa may puno ng mangga. Nakatingala siya sa madilim na langit at para bang may hinahanap.

"Hoy!" pagtawag niyang muli sa atensyon nito. "Huwag ka munang magmuni-muni diyan!"

"Nakita niyo ba ang nakita ko?" pagtatanong ni Uno habang nagmamadaling bumalik sa kinaroroonan nina Francis.

"Ang alin?" sabay-sabay na naitanong ng tatlo na nasa itaas ng pader.

"May biglang gumalaw mula sa langit!" pagsasaad niya with matching hand gestures dahil amazed na amazed siya. "Parang hamburger ang hugis. Kung hindi ako namalikmata, umilaw pa iyon!"

"Gutom lang 'yan. Ako nga, nai-imagine ko pizza ang buwan." saad ni Wiz.

"Mga kuya, hindi ba ghost month ngayon?" nanlalaki ang mga matang pinaalala ni Mike. "Baka multo!"

"White lady?" pagsang-ayon ng dalawa. "O kaya ang Anghel ng Kamatayan?"

"Baka alien!" naisip ni Francis.

Bigla-bigla ay may narinig sila na sumipol na naging dahilan ng mas pagkataranta nilang tatlo sa pag-aakalang isang kapre ang may kagagawan noon. Namatay pa ang ilaw sa paligid kaya mas lalo silang nag-panic. Nakalimutan na niya ang nakabaon na bakal sa kanyang puwetan dahil sa pangamba. Napaangat siya ng di oras ngunit napa-aray siya sa sakit nang maramdaman ang pagkagasgas ng kanyang laman.

"Nakawala ka na! Salamat sa mumu sa langit!" masayang pinahayag ni Mike.

"Aray ko...napunit yata ang kaluluwa ko!" shook na shook na sinambit siya.

Bab berikutnya