webnovel

KABANATA 8

Sa paglabas namin ng kweba bumulaga samin ang napakaraming nilalang na katulad ni Catalena gaya namin nakasuot rin sila ng kalasag . Malalaki ang katawan ng mga lalaki , bunga siguro ng matinding pagsasanay . At sing ganda naman ni catalena ang mga babaeng minamanipula ang hangin At tubig. Mala venus de mello ang hubog ng kanilang katawan. Ang ibay nababalutan ng kalasag na tulad ng kay Maya na syang nagmamanipula ng tubig at tulad ni Catalena nakasuot din ng ibat ibang kulay na parang bistida ang mga diwatang nagmamanipula ng hangin. Naron din ang Sentelia na syang nagpapalakas sa hangin ng mga diwatang nagmamanipula nito .Kapansin pansin na abalang abala sila sa nalalapit na digmaan ng dalawang kaharian sa pagitan ng Luthea at Darksebia .

"Magbigay pugay" sigaw ng isang bruskong boses . At agad naman silang pumunta sa kanya kayang pwesto at nagbigay galang. Inangat ni Catalena ang mga kamay niya kasabay ng pagangat naming apat. Napatingin ako sa baba . At nakita kung nakatayo kami sa ibabaw ng tubig! Pati si Maya at Troi halatang nagulat.

"Narito ang mga tagalupang lalaban para sa kalayaan ng ating kaharian! Kasamang lulupig sa malupit na pinuno ng Darksebia!" sigaw ni Catalena at nagsigawan din ang lahat bilang tugon. Para silang grupo ng mga langgam sa sobrang dami nila . Bukod ang mga diwatang babae at lalaki . Naalala ko tuloy yong sinabi ni Catalena kulang daw sila sa Sandata Ganon din sa mandirigma . Natapatanong tuloy ako, gaano ba kadami ang grupo ng batsalom ni Zafira.?

Kumumpas sya ng kamay at may lumapit na tatlong diwata isang babae at dalawang lalaki nagbigay galang muna ang mga ito bago tumayo

"Sanayin nyo silang mabuti"wika ni Catalena napalunok nalang ako at tumingin don sa dalawa medjo nakaramdam ako ng kaba malamang pati rin sila. Pagkatapos niyon ay nagsimula na kaming magsanay . Sobrang hirap unang araw palang pero parang susuko nako . Hindi ko inakala na ganto kabigat ang magiging pagsasanay namin . Halos lahat ng aspeto sa pkikidugma ay tinuro agad nila . Sobrang hot at gwapo ng trainer ko, para na nga syang anghel para sakin pero hindi sapat yon para gawing inspirasyon. Nakakapagod sobra . Tinuro nya sakin kung pano gagamitin yong bracelet ng tama sa totoong laban at nalaman kung kaya ko palang lumipad gamit yon nakakamangha pero sa tuwing matatamaan ako nung braso nya talsik talaga ako ang sakit na tlaga ng katawan ko. Kainis wala bang mas maliit na pwede kung maka sparing ? Buti pa si maya pagmamanipula lng ng tubig yong ginagawa nya tyaka tamang pag hawak ng sandata . Kami ni Troi Grabeh .! Pero nkikita kung desido silang matuto . At parang ineenjoy lang nila yong ginagawa nila kahit na halatang napapagod narin sila. Kaya lalakasan ko rin ang loob ko at ibubuhos ang lahat ng makakaya ko.

Kinagabihan nagtipon tipon ang lahat nagkaroon kasi ng Bonfire na pinangunahan ni Catalena. Pinahayag nya sa lahat ang plano sa pagsalakay .magaling syang magsalita at malino syang pinuno masasabi ko at maganda rin ang planong inilatag nya. Pagkatapos ng pagpaplano pumasok na kami sa kanya²x naming tent na gawa sa petalya ng bulaklak .nagmistulang chandelier ang fallen nito na nagsilbing ilaw ko sa loob. Kakaiba tlaga ang mga bagay sa mundong toh ' naisaloob ko . Nagpasya nakong mahiga para matulog na sana pero Kung ano²x ng ginawa ko para mkatulog pero parang ayaw akong dalawin ng antok. Bumangon muna ako saglit

"Rhem?" me tumawag sakin mula sa labas . Pamilyar sakin ang boses . Pagbukas ko

"Troi?" medjo nagulat parin ako kahit na alam kung sya yon .

"Anong ginagawa mo dito ? Tyaka bat nasa labas kapa wala bang mga gwardiya?" pagtataka ko

"Hindi ako makatulog e. Ikaw bah?" Tanong nya

"Pumasok ka muna baka mkita ka ng mga bantay jan." agad nmm syang sumunod .

"Ang ganda pala ng tent mo " nawika nya habang nililibot ang tangin sa buong tent . Pinagmasdan ko lang sya , bagay na bagay kasi sa kanya yong armor na suot nya . Lalo syang naging hot . Wala syang abs pero wala din naman syang daddy fats . Medjo chobby kasi si Troi pero me hubog, dag²x nyo pang maputi sya tas gwapo rin naman. Ayokong e spoil tong isang toh . Baka lumaki ang ulo pumangit pa. Hihi choss

"Ahrrmmm.!"si troi me halong pagtataka sa mukha nya

"B-bakit?" naiilang kung wika

"Natutulala ka na naman kasi . Iniisip ko tuloy pinagnanasaan mo ko , kakaiba kasi yong tingin mo " maloko nyang sabi

"Pweeh! Feeling ka! As if naman " wala nakong maisip idahilan e . Medjo kinabahan kasi ko.

"Sus kunwari ka pa , pero yong totoo type mo nmn talaga ako, hot ko no?" asar nya pa habang nkangiting nakakaloko.

"Wow! Lakas ng hangin grabeh naramdaman mo ba ? Para kasing galing sayo " asar ko nmn . Gantihan lang to .

"Hindi naman" painosente nyang sagot abat ?! Napataas tuloy kilay ko

"Bat kaba kasi nandito ? Tyaka bat d mo sinama si Maya ?" pagiiba ko ng usapan

"Hindi nga kasi ako maktulog kaya naisip kong pumunta dito . Nagbabakasakali lang naman sana kung gising kapa tapos—"

"Dat kay Maya ka pumunta o d kaya kay Catalena bat dito pa?"pananaray ko

"Lam mo ang arte mo, bawal lalaki don gustong mo bang mamatay ako ng wala sa oras?" yamot nya tas biglang humilata sa higaan ko .

"Bumangon ka nga jan don ka sa tent mo" hinila hila ko sya . Akmang babangon na sana sya nung ma outbalance akot mafall sa kanya. Literal na fall not fall inlove FYI! Nagkatitigan kami as in sobrang lapit dug.dug.dug. ang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam korin yong tibok ng puso nya habang nkapatong ako sa ibabaw nya Tas biglang tsup' naramdaman kung dumampi yong labi nya sa labi ko ,saglit lang yon pero pakiramdam ko biglang tumigil ang mundo . Ang awkward sa feeling kaya tumayo agad ako . Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya

"T-tumayo k na jan."Naiilang kung sabi Pero imbis na bumangon tinitigan nya lang ako . Sobrang awkward na kaya ako na ang nagpasyang lumabas . Straight sya diba ,? pero bat nya ginawa yon. Hindi ko akalaing sya mismo ang gagawa ng first move . Ano bang pumasok sa ulo nya ? Baliw ba sya ? Tanga ?o baka naumpog ng malala ang ulo nya sa training kaya naalog utak nyA? Ang daming tanong sa utak ko ngayon habang naglalakad palayo sa tent . Nagulat ako ng me biglang humablot sa balikat ko

"Rhem saglit" pigil sakin ni Troi . Maliwanag sa labas dahil narin sa mga bughaw na ilaw na lumilipad sa buong paligid . Kaya kitang kita ko ang mukha nya . Gusto kung umiwas pero hindi ko magawa .bakit ba? Bakit ba kasi ang gwapo mo ? Bakit ang hot mo? At bakit ba ako nagkakaganto sayo ? Mga salitang gusto kung sabihin sa kanya pero hindi ko magawa. Kasi hindi pwede . Baka isipin nyang assuming ako .

"Ano ba Troi.! Ano batong trip mo? Nakadrugs kaba ? Sabog ? O talagang sira nayang ulo mo?" mga salitang binato ko sa pagharap ko sa kanya

"hindi ako nakadrugs ok? Hindi ako sabog at hindi rin sira ang ulo ko " mahinahong pag papaintindi nya .

" E bat ka nagkakaganyan? Bat mo ko hinalikan ? Straigth ka diba ?" sunod ²x kung tanong

"hahaha!" Hagalpak nya nagtaka naman ako, ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Yon bah? Wala lang yon . I just tested you " wika nya na hindi parin maawat sa pagtawa,

"heh nakakatawa noh . Sinubukan molang pala ko?"sarkastiko kung sagot . Napatingin sya sakin

"Alam mo namang bisexual ako diba?" hindi ko na natiis at tumulo na ang luha ko na knina ko pa pinipigilan. Naging seryoso nmn mukha nya

"S-sorry" seryoso sya . Kinagat ko yong lower lip ko para pigilan ang pag iyak pero wala e

"S-sorry? Heh' sana bago mo ginawa nag isip k muna noh? . Hindi kasi porke feeling mo gusto kita pwede mo nakong halikan . Na basta²x k nlng susugod tapos gagawa ng isang bagay na para sayo trip lang pala "

"Sorry Rhem . H-Hindi ko nmn sinasadja"

"hindi mo sinasadja ? E sira pala talaga yang ulo mo e noh. Ano yon kusang gumalaw yang bibig mo at hinalikan ako ?"

"Rhem–"hinawakan nya ang kamay ko .

"Enough Troi"marahan kung tinulak ko yong kamay nya. Akmang aalis nako ng

"Pero Rhem" muli nyakong pingilan sa braso ko

"I said enough!" tinulak ko yong kamay nya at mabilis na naglakad papunta sa tent . Nakasalubong ko si Maya .

"Rhem bakit? Anong nangyare bat parang umiiyak ka?" usisa nya habang nkahawak sa braso ko.

"Hindi ako umiiyak . Napuing lang" palusot ko

"Hindi e mugto nga yang mata mo oh"

"Sa training toh . Natamaan kasi ko nung siko ng kasparing ko." Mukang hindi sya naniniwala .

"Sigurado kaba? Kasi girl ok lang nmn sakin,handa akong makinig what ever it is" may panunuyo sa boses nya.

"Hindi na Maya . Kaya ko nato . Itutulog ko lng toh . Bukas paggising ko sigurado wala nato"

"Sigurado ka?"

"Ou, i-ikaw bat nga pala nasa labas kapa ?gabi na . Bumalik ka na sa tent mo " pagiiba ko ng usapan habang simpleng nagpupunas ng luha

"magpapahangin lang muna ako mamaya babalik narin ako "

"Ok ka na ?"

"Huh? Haha girl nakakatawa ka , I should be the one to ask that? Well if your asking about sa nangyare simula nung dumating tayo dito well yah im pretty sure nmn na ok nako ngayon" Nakangiti nyang sabi

"Masaya akong marinig yan . Wala pa tayong isang araw dito pero an dami ng nangyari" sobrang dami naisaloob ko

"Ou nga . Wait si Troi ba yon?" medjo nagulat ako nung mabanggit nya si Troi . Hindi paba sya umaalis?

"huh? San ? Wala naman ah " pagkukunwari ko pero sa totoo lang kitang kita ko nmn tlaga sya. Nakaharap sya sa direksyon namin ,siguro nga Hindi p sya umalis simula pa kanina .

"Hay naku girl ayon oh." Turo nya

"Ahh ou nga" walang gana kung tugon

"Tara puntahan natin " aya nya

"Sige lang ikaw nalang,"

"Huh? Bat naman? Hellow?? Si Troi kaya yon kaibigan natin, bat ayaw mong lapitan?" high light nya . Ou kaibigan at hanggang don lang yon.

"Ikaw na ngalang kasi , pagod nako gusto ko ng magpahinga ."

"Girl ok ka lang? Ang weird mo tlaga promise"

"Pagod lng ako" pGkatapos non umalis nako At iniwan sya pumasok nako sa tent at tila pagod na pagod na dumapa sa higaan kung gawa sa pinagsamasamang pitalya ng bulaklak , natulog nakot hindi ko na alam kung ano ng sumunod na nangyare.

Bab berikutnya