webnovel

KABANTA 3

"Lah!" Gulat kung reaksyon nung mapansin kong Gabi na pala . Nakatulog pala ako , siguro dahil narin sa dami ng ginawa ko kanina kaunte lang yong hugasan pero yong labahan gabundok naman(Tumulong naman si mama sa pagbabanlaw) pero bat kaya hindi ako ginising ni mama ? Malamang pagod yon kaya nakatulog narin siguro ? Saglit, patay e sinong nagluto ng haponan ?? Lah napabangon ako bigla at mabilis na nagtungo sa kusena .

"Krekkpssss" naririnig ko habang papalapit sa kusena .(parang me nagpiprito)

"Oh Rhem butit gising kana, ilabas mo na yong mga plato para kumain na" bungad sakin ni mama pagpasok ko sa kusena. Tahimik lang akong sumunod sa utos nya ..

Sa hapagkainan tahimik lang din kaming kumakain ni mama binilisan kolang din pagkatapos e dumiretso nako sa lababo at agad na hinugasan yong plato ko. Sa totoo lang ngayon kolang ginawa to ,Hindi inantay si mama ,binilisan ang pagkain,naghugas na pinagkainan kolang. Siguro nagtataka si mama pero ewan ba medjo naiilang pa ako kay mama ,ngayon lng naman siguro to . Bukas wala nato .paglabas ko ng kusena nagpaalam narin ako kay mama na matutulog na . Tiningnan nya lang ako . Ako naman tumuloytuloy na .

Nilock ko yong pinto pagkatapos ay kinuha ko ulit yong libro sa ibabaw ng kama umupo akot binuklat yong libro sa parting nilagyan ko ng tanda. Dito kasi nilinaw ni papa kung kelan at saan babanggitin yong engkantasyon. Buo narin ang desisyon ko .Hahanapin ko si papa kahit hindi pa pumayag si mama . Isang buwan nalang din naman bakasyon na tama lang yon . Ngayon mag aantay nalang ako . Gagawa rin ako ng kopya nito para hindi maghinala si mama na hindi ko pa binalik tong libro .

Kinabukasan pqgkatapos naming mag agahan dumiretso agad ako sa computer shop. Sabi ko lang na me research paper kami kaya pumayag agad si mama. Pinaxerox ko yong libro pagkatapos ay umuwi na agad ako. Pagdating sa bahay dumiretso agad ako sa aparador ni papa at binalik yong lbro . Pagkatapos non naghanda narin ako para sa pagpasok ko . lunes ngayon at panghapon ako

Pagkatapos kung maligo nagpalit agad ako ,nagsuklay,nag gel ng kaonte ,(ayan pogi na ulit) naisa loob ko . paglabas ko ng kwarto saktong paglabas din nmn ni mama sa kwarto nya.

"Mah papasok na po ako"

"Oh e anong oras na ba ang aga mo naman ata"

"Maah 11:30 na oh kayo talaga . Sigeh na mah pasok nako"sabi ko sabay halik kay mama . Ganon lang talaga kasi kami ni mama magkakatampohan d mag iimikan pero saglit lng yon gaya ngayon .

"Oh sya ito yong baon mo. Wag mo n namang ibabarkada ha," pabirong sabi ni mama (20 pesos? Pano ko naman Ibabarkada yon Tss.)

"opo mah, ikaw talaga ma. Sige na po . Bka masigawan n nmn ako nung terror naming teacher" sumbong ko. Nangewe lng si mama ,nangiti nmn ako don pagkatapos e umalis na.

Sa gate ng school napansin kong parang me kumakaway papunta sa direksyon ko . Luminge linge ako sa mga kasabay ko mukang d' nmn sila ako nga talaga siguro dko pa kasi maklaro yong mukha nung babae .

Si Maya pala' naisaloob ko nung malapit nako sa kanya . Kaklase ko sya since 1st yr ewan ba bat ayaw nitong humiwalay sakin (as if naman😏) Maganda sya matangkad lang ako ng kaonte sa kanya pero mas maputi lang sya ng konte sakin . Hindi pako nakakalapit sa kanya nung me tumapik naman sa balikat ko . Si Troi pala nakangiting ewan .sa isang to? Parang wala akong masabi me lahi kasi kaya tisoy , Ganda ng smile kaya maraming babae nahuhumaling sa kanya nakukurot ko nga to minsan sa pisnge kasi makulit . Nga pala Bisexual ako kaya baka nagtataka kayo. Attracted ako sa Babae at ganon din sa lalaki . Aware naman sila don at wala naman daw problema basta ba magpormal lang ako. Lalo na si troi ok lang daw basta walang talo²x(tss. Yabang as if naman)

"Goodmorning baluga" pangaasar ko kay troi . Sanay n nmn sya don . Sa araw²x ba naman. Bali sya naging classmate na namin sya nung 2nd yr kaya magaan na talaga pakikitungo namin sa bawat isa.

"Ikaw ng gwapo Rhem" sabat naman ni maya na sumalubong samin .

"Tss" tugon ko.

"balita sa inyo?" tanong ko

"Alin ba?" tugon ni troi

"Yong kayo?!" sarkastiko kong sabi. Nagtinginan lang sila sabay tawa . Ako naman(😒) kababawan.

" Anong kami? Loko kaba ?" si troi

"Ou nga . Tong si Rhem kwento." Keme

" E diba sabi mo liligawan mo si maya" panunudyo ko pa. Me gusto naman talaga kasi tong si troi kay maya . Ayaw lang umamin don sa isa. Siguro nagaalangan din sya. Maski naman kasi ako kung sakali ,magaalangan din minsan kasi parang me sapi tong si maya . Buti nalang tlaga maganda to kondi pinagkamalan ko na tong loka²x.

Nagulat naman ako nung bigla akong sakalin sa bisig ni troi at kutosan.

"Aray! Loko! Ano ba . Tigilan mo nga yan bubugbogin kita" inis kong sabi habang pilit na kumakawala sa kanya . Pinakawalan din nmn nyako agad.

"Sweet nyo ah" nakangising sabi ni maya

"Sira, selos ka naman" asar ko pa si troi naman parang direng dire n tumungin sakin . Tss.

"Baliw ,d noh. Bilisan nyo na nga . Malalate na naman tayo nito e . " pag aalala niya . Para naman kaming asong sumunod sa kanya . Terror talaga kasi ung teacher namin .

Sa klase habang nagsusulat si sir .

"Rhem me baon kaba?" bulong ni maya . Parang bata e.

"Ou meron 20 bakit?"medjo naiinis. Ano na nmn kayang nasabad ng utak nito .

" Tange hindi yon lounch box me dala kaba" parang baliw eh lagot n nmn kmi nito.tsk!

" Huh ano ako bata?" medjo tumaas ng konte boses ko. Lumingon si sir kaya nagkunware kaming nagsusulat . Maya pa tinuloy narin ni sir yong pagsusulat nya.

"Troiii…" medjo me hanging pagkakabulong natawag nya don sa isa . Na katabi ko lng naman.

"Huh" sagot nmn nung bugok pero hindi lumilingon. Nagsusulat e . Sipag magtakenote pasang awa naman sa quiz . Tsk.

"Me baon ka?" parang ewan to si maya . Tanong ng tanong .

"Ou meron " bulong nya pero d parin lumilingon . Sipag talaga .

"Magkano?" alam ko na to e😒

"100 bakit" wow! D na masama . Rich kasi toh. Barya ngalang ata sa kanya yon.

"Pautang" tah moh. Nabigla nmn yong isa kaya npatigil sa ginagawa nya.

"Lumang tugtugin nayan maya" sabat ko. Nangisi naman si troi.

"Magpapalibre kalang d mo pa diretsohin. " 😒 dugtong ko

"Hahaha" tawa nya pero mahina lang . parang baaliiw. Wala n nmn sigurong baon to . Oh baka inaksaya n nmn sa pagbilibili nung mga colored na ballpen. Isip bata talga. Ano pabang silbi nun pag naubos? Kaartihan e.

"tawa ka kasi tama ako?" nangaasar na sabi ko. Tas bigla nalang 'Tok'. May chalk na tumama sa ulo ko. Napalingon ako sa harap . Patay ! Naka Poker face na naman si sir.

"kayong dalawa, araw²x nalang ba. Sigeh labas !"hindi ako mkatayo pati si maya parang nanginginig na . Bka mahimatay pa.

"Hindi kayo lalabas o hihilahin ko kayo palabas" salitang namutawi sa serpyenting bunganga ni sir na syang naging dahilan ng pagkataranta kong tumayo at hinila si maya palabas.

"Aray Rhem" narinig kong sabi ni maya . Binitawan ko nmn agad sya at napalingon sa mga kaklase kung naiwan sa loob. Halatang nagpipigil sila ng tawa. Si troi ayon d mkatingin ng diretso samin.

Yan yong pinaka worse na nangyare sa araw ko . First subject pa talaga haisst!. Mabuti narin siguro yon. Maliban don wala n namang ibang nangyare . Pwera nalang don sa isa. Nong break time ewan ba . To kasing si maya duda(anong akala nya sakin grade school? Nagdadala ng lounch box?) Hindi naniwala kaya ayon hinalungkat ng pkialamera ang bag ko. Nakita nya yong libro tas an daming tinanong kesyo para san daw yon . Bat daw ako me ganon e wala nmn dw sinasabi yong mga Teacher namin n humiram ng textbook . Hindi nako nakagawa ng palusot pati kasi tong si troi nkikisawsaw din. Haisst! Kaya ayon . Sinabi ko lahat as in lahat . Corner nako e Tss. Sinabi ko nmn sa kanila na conclusion ko plang yon pero ayon sasama daw sila 😒 diba ang saya .? Halos araw²x din nila akong kinukulit naririndi na nga ako e . Kung d lang talaga babae tong si maya sinapak ko na. Si troi naman panay suggest sya nadaw bahala sa foods, ano to picknick ? ako naman panay tangge . Ako kasi mananagot pag me nangyare sa mga kumag nato. Halos naging routine na ata namin ng ilang lingo yon at d ko namanalayan na ilang araw nalang pala Graduation na namin. Syempre excited ako pero mas excited ako sa pinaplano ko. Iniisip ko pa kung isasama ko tong dalawa . Dalawang araw narin kasi nila akong d kinukulit kaya baka nagbago na isip nila.

Bab berikutnya