webnovel

Chapter 16.5

Chapter 16.5:

Abby's POV:

*Knock* *Knock* *knock*

"Come in..."

"Good morning ma'am." Mahinhin na bati ni Ms. Lopez nang makapasok siya sa opisana ko.

"Good morning din Ms. Lopez. Coffee, tea, juice, or water?" Masiglang pagbati ko sa kaniya.

"M-Ma'am?" Tila ay nagulat siya sa sinabi ko. Well, ikaw ba naman ipatawag ng COO ng kumpanya tapos tatanungin ka kung ano'ng gusto mong inumin.

"Well, I guess I'll just give you a coffee." Napansin ko kasing medyo inaantok siya.

Mahina akong naghyhymn habang nagtitimpla ako ng kape para kay Ms. Lopez at juice para sa akin. Wala eh, masaya lang ako.

"Hmm, Ms Lopez... I know you're wondering why I suddenly called you so early in the morning."

"Ah hindi naman po masyado ma'am. Pero parang gano'n na nga po." Medyo napahalakhak siya, awww ang cute palang tumawa ni Ms. Lopez.

"Anyway, kaya kita ipinatawag ay dahil gusto kong makipag-chikahan sa'yo." Kita ko ang pagkagulat sa reaksyon niya dahil sa sinabi ko. Magsasalita sana siya nang inunahan ko na. "Alam ko ang tungkol sa inyo ni Jackie."

"P-Po?" Namula ang kaniyang mukha at saka napayuko ng bahadya. So cutie...

"Don't worry Ms. Lopez, dahil tutulungan kita." 

"Tutulungan po saan?"

"Tutulungan kita kay Jackie. Alam mo naman sigurong magkaibigan kami 'diba?" Bestfriend ko si Jackie at empleyado naman ng kumpanya namin si Ms. Lopez kaya naeexcite akong i-ship silang dalawa. Aylabet!

"Ahh ma'am hindi na po kailangan, nakakahiya naman po. Tsaka busy po kayo palagi, ayaw ko naman pong makadagdag pa sa iniisip niyo. Wala rin po akong pag-asa kay Jack alam ko po. Sa totoo lang ay every time na pinagtatabuyan niya ako ay nawawala yung confidence ko. Marami rin po akong pinagkaka-abalahan sa buhay kaya baka hindi ko na rin po matutupad ang pangako ko sa kaniya." Pilit siyang ngumiti at bumuntong-hininga.

"Ano ka ba girl, 'wag kang mahiya kasi sagot kita!" Medyo nagulat pa ata siya sa way ng pagkakasabi ko. "Yes, busy akong tao pero I can surely make time para sa love life ng bestfriend ko. At isa pa, I think this is not the time para sukuan mo siya." Humalakhak pa ako na parang demonyo sa isip ko. Gusto ko man tumawa sa personal ay 'wag na lang, baka isipin pa ni Ms. Lopez ay nababaliw na ako.

"What do you mean ma'am?"

"What I mean is, baka kapag sumuko ka ngayon ay baka magsisi ka sa huli. Hindi mo naman siguro gugustuhin 'yon 'diba? Take the risk, atleast if ever na hindi mag work-out ay wala lang pagsisihan dahil ginawa mo ang gusto mo."

"But ma'am, I think taking risk is not always the answer. Kasi sa totoo lang po, maraming beses ko ng sinubukan at maraming beses na rin po akong nasaktan. Paulit-ulit na lang po akong nasasaktan everytime na nagtatake risk ako, kasi paulit-ulit rin po akong umaasa. Alam niyo po 'yon, yung alam mo na sa sarili mong wala kang pag-asa sa isang tao, but deep inside, there is this little piece of hope na sana ay magkaroon ng pag-asa kahiy konti lang." Mapait siyang ngumiti. Wow, I didn't know na ang lalim pala ng pinanghuhugutan niya. 

"Pero part ng pagmamahal ang sakit." Pangagatwiran ko.

"Yes ma'am, alam ko po na part ng pagmamahal ang sakit. Pero kung yung sakit na 'yon at paulit-ulit na, to the point na nagiging manhid ka na, I think you should stop. Ayaw kong maging manhid, kaya kung pwede ay ayo'ko ng masaktan."

"So gano'n susukuan mo na ang kaibigan ko? Oh my gosh Ms. Lopez, I'm expecting a lot from you naman. You're performance here in the company is amazing, but the idea of you na susukuan ang taong mahal mo ay hindi ko ma-take." Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang sariling kamay na parang naiinitan, pero sa totoo lang ay malakas ang aircon dito sa opisina. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko.

"Pero ang tanong Ms. Lopez... Isang tanong, isang sagot, do you love Jackie?" Wala pang isang segundo ay sumagot na agad siya.

"Yes ma'am" Mabilis niyang sagot na siyang ikinangisi ko.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad ko na siyang hinila palabas ng opisina.

"M-Ma'm sa'n po tayo pupunta?" Aligaga niyang sabi.

"Ah basta, sumunod ka na lang sa'kin. Gagawa tayo ng research." Saka ko siya kinindatan.

~

"Hello bakla, nasa'n ka ngayon?"

"Duh bakla, tinatanong pa ba 'yan? Syempre nasa work, bakit, miss mo nanaman ako noh?" Sagot niya sa kabilang linya, napataas naman ang kilay ko.

"Huwag ka ngang amfee bakla. So ano, saang branch?" 

"Dito sa Sm North, sa may watsons. Alam mo na kung saan pwesto ko. Sige bakla, may customer na pogi, ientertain ko lang ha. Babush!"

Pagkababa ko ng tawag ay tumingin ako sa side mirror at nakita ko ang dalawa kong empleyado na mukhang clueless. Si Ms. Lopez, kasama ang kuya niya, both of them have this "Ano'ng nangyayari?" look on their faces.

Tumikhim muna ako bago i-explain sa kanila ang plano ko. 

"So guys, the reason why I brought you with me is that I want you to do me a favor."

"Favor?" Ani Lark, ang kuya ni Cheska.

"Yes, don't worry hindi makakaltas sa sahod niyo ang isang araw na pag-absent sa trabaho. May research kasi yung pinsan kong nasa college, and she asked me a favor. So I want to ask you a favor to act. Yes, you just have to act like a couple. Since magkapatid naman kayo ay madali na lang ang pag-arte. Don't worry, sagot ko talent fee niyo." Sabi ko habang nakatingin sa daan. Saglit ko silang sinulyapan sa rearview mirror at nakita kong nagsisikuhan sila. I sounded so confident, but deep inside ay kinakabahan ako baka i-turn down nila ako. 

"Ano pa bang choice namin ma'am, sinama niyo na kami eh." They chuckled. Oh right, haha, of course ay papayag at papayag sila. On the way na kami eh.

"Napaka-special po siguro ng pinsan niyo ma'am at pinag-eeffortan niyo pati research niya." Nakangiting sabi ni Ms. Lopez. Hays, mabuti na lang at inosente ang cute kong empleyado. Walang kaalam-alam na sineset-up ko na siya.

"A-ah, of course she is. By the way, since kayo ang magiging actor and actress of the day, ako naman ang magiging director at the same time ay videographer. Ipinakita ko sa kanila ang dslr na dala ko na gagamitin para sa pagkuha ng video mamaya.

"Wow, sana all ma'am prepared." 

"Ah of course. Tsaka ano ba kayo, 'wag niyo na ako tawaging ma'am kapag nasa labas tayo ng trabaho. Abby na lang, let's just be casual okay?"

"Sige Abby... Teka malapit na ba tayo?"

"Medyo malapit na, may dadaanan pero muna tayo saglit bago dumeretso sa SM North. Is that okay with you?"

"Oo naman, take your time lang. No need to rush." Ani Cheska.

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

kylnxxxcreators' thoughts
Bab berikutnya