Chapter 9.5:
Abby's POV:
"Are you ready?"
"Y-yes. Oo naman." Ready na ako but I'm actually tensed right now. In five minutes ay i-aannounce na kung sino ang nanalo sa event, local category. At marami-rami na rin akong napanuod na magagandang video. Thousands ang entries para sa unang event na 'to but the top 3 are the ones who will receive cash prize, the top 4-10 will be having the consolation prize na points na makakatulong sa kanila for ranking.
"Don't worry, it will be okay." Tumango lang ako bilang sagot.
~
"Bukas na lang kaya natin tignan?" Suhesiyon ko habang nakatingin sa screen ng phone ni Rigel na may takip na panyo.
"Nope, we should open this today." Unti-unti niyang inaalis ang panyo at kasabay no'n ay ang malakas na pagkalabog ng aking dibdib.
"5"
"4"
"3"
"2"
"1"
*Silence*
"Sabi ko na nga ba, tignan mo oh pangalan natin yung nasa unahan-- NASA UNAHAN ANG PANGALAN NATIN? OO NGA NASA UNAHAN!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtatatalon na ako sa couch at saka niyugyog ang mga balikat ni Rigel. "Ang galing galing galing mo talaga Rigel! Oh my gosh!"
"H-hey, chill ka lang. Baka maalis ulo ko."
"Oh sorry, na carried away lang ako." Napakamot ako ng ulo atsaka nag-peace sign.
"Haha it's okay. I just felt a lil bit dizzy." Ibinalik namin ang tingin sa cellphone. We got 97.5% out of 100 sa aming overall score na halos dikit lang sa score ng pangalawa na 97.00 at 96.2 naman ang score ng third place.
We immediately received a message from Peak-A about the prizes. The 50,000 cash will be transferred to my bank account tomorrow while the winning points were automatically added to our Peak-A account.
May mga pumuri at mayroon ding mga nag-bash sa naging resulta ng event pero mas marami pa rin naman ang pumuri lalo na sa idea at editing skills ni Rigel. May mga nakita na rin kaming gumaya ng aming quarantine dance which made me proud of us kahit halos wala akong nagawa para sa video.
~
"Opo kuya, pakilagay na lang po diyan sa tabi. Yes, right there. Thank you po."
"Ops, meryenda po muna tayo!" Magiliw na sabi ko as I entered Mar Vista's reception area. Inilapag ko ang mga sandwich at juice sa magkakahiwalay na monoblock chair at saka naman ito kinuha ng mga kuyang nagdeliver ng relief goods. Hashtag, social distancing.
"Salamat po madam, ser! Nako po, siguradong matutuwa ang buong Asuete kapag nalaman nilang mayroon nanamang may magandang loob na magbibigay ng rasyon bukod sa gobyerno." Kitang kita sa mata ni kuya ang saya habang tinitignan ang relief goods na dineliver nila.
Yes,the 50,000 cash was spent in buying relief goods. Kaya pala gustong-gusto na manalo ni Rigel sa event dahil ito ang purpose niya, to help Asuete this quarantine.
"Ah wala po 'yon. It's our pleasure to help po especially sa nangyayari ngayon na may COVID 19. Kung may kaya po tayong maitulong o maibigay sa ating kapuwa ay 'wag po tayong magdalawang-isip. Laban Pinas!" Umakto pa akong parang isang superhero na nakataas ang isang kamay at nasa baywang naman ang isa habang ang tingin ay sa taas.
Nagsitawanan kaming lahat dahil sa inakto ko. Pa'nong hindi sila matatawa eh mukha akong tanga haha.
"Nakakatawa ka naman po madam... Pero teka, dayo po ba kayo dito at ngayon ko lang kayo nakita?" Tanong naman ng isa pang kuya.
"Ngayon lang po ako nakapunta dito sa Asuete and we'll be staying here hanggang matapos ang pandemic dahil pinauwi po nila tita ang mga staff sa kani-kanilang mga probinsya." Sagot ko.
Nang matapos magmeryenda ay agad umalis sila kuya at sinimulan na namin ang pagre-repack ng mga relief goods.
"Abby bakit parang ang dami ng idineliver nila kuya?" Tanong ni Rigel habang sinisipat ang mga relief goods.
"Nagdagdag ako ng additional 20,000 pesos para mas marami tayong maipamigay habang hindi pa nakakapag-bigay ang gobyerno ng Social Amelioration Program."
"You did that?" Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat.
"Yup, there are 70 families living here in Asuete kaya sinakto ko na para may tig isang libong worth of goods ang bawat pamilya." Kinuha ko ang perang pinangdagdag ko sa kinita ko sa pagiging ambassador. Maliit lang ang naidagdag ko kung tutuusin. Yes, may kumpanya kami pero hindi naman lahat ng kinikita ay napupunta sa amin. Kadalasan ay naglalaan si mama para sa organizations and charities not only for tax avoidance but also mostly for her willingness to help other people.
"Kung tutuusin halos effort mo lahat ang 50,000 that's why gusto kong dagdagan ang ambag ko galing din sa effort ko. Don't worry hindi ko hiningi kila mama at papa yung pera." Napailing na siya sa sinabi ko habang nakangiti at itinuloy na ang pagre-repack.
"Abby!"
"Yes?"
*Click* *Click* *Click*
"Ano ba Rigel! Tigilan mo nga 'yan haha masyado kang eksena." Pilit kong tinatakpan ang mukha ko para hindi niya ako makunan ng litrato pero eksena talaga ang loko at itinuloy pa rin hanggang sa ngumuso na lang ako at pinabayaan ko na lang siya.
"Napaka-sipag naman ng aking girlfriend. Nakaka-proud. Ang swerte naman ng boyfriend mo sa'yo."
"Wala akong boyfriend." Tinignan ko siya at nakita kong sinisipat niya ang kaniyang camera, feel ko mukha nanaman akong adik do'n. Eksena ka talaga Rigel! Kitang nagrere-pack ang tao. Tsk.
"You already have one."
"Sinabi ko na sa'yo dati 'diba nbsb ako."
"Tsk. I saw his picture awhile ago."
"Sa'n mo naman nakita? Baka sa panaginip mo." Pinagtitripan nanaman ata ako ng loko.
"Here." Lumapit siya sa akin at saka itinapat sa mukha ko ang camera.
"Oh bakit 'yan? Aanhin ko 'yan aber?" Tanong ko nang makita ko ang litrato niyang naka-wacky.
"Your boyfriend." Agad ko siyang binatukan with all my power and strength.
"Ouch! That hurts!" Hinimas niya ang batok niya syempre sinong hindi masasaktan sa ginawa ko.
"Naku Rigel, ikaw, pinagloloko mo nanaman ako. Lumayo-layo ka nga muna sa'kin at nandidilim ang paningin ko sa'yo."
"I am really your boyfriend, on Peak-A." Proud na sabi niya.
Napairap na lang ako sa kaniya. "Sa Peak-A lang 'yon pero hindi sa totoong buhay. 'Wag kang eksena Rigel."
"Yes, I know. Pero kung gusto mo ay pwede naman nating totohanin 'diba."
"Bahala ka diyan! Ikaw na muna magre-pack magtitimpla lang ako ng juice natin." Bago pa siya makasagot ay agad na ako tumayo at naglakad papuntang rest house. Gosh! Walang hiya ka talagang loko ka. Pakiramdam ko ay umakyat nanaman ang dugo ko sa buong katawan sa mukha ko. Masyado kang eksena Rigel...
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.