webnovel

42: Perry Wales

HIS POV.

Nandito ako ngayon. Nakahiga sa damuhan dito sa garden at nakatingin sa langit. Malinis naman 'tong garden eh.

Dapat ko na nga bang sabihin kay Clarisse na gusto ko sya? Should I confess my feelings for her? Is this the right time? Is this the right place?

Mula sa pagkaka-higa, umupo ako.

"Clarisse, alam kong hindi maganda ang unang pag-kikita nating dalawa. Alam ko rin na ang tingin mo sakin ay bastos dahil sinabi kong wala kang boobs, wala kang pwet at wala kang kurba. Alam kong galit na galit ka sakin dahil sa mga pang-aasar ko sayo. I just want to say sorry. Sorry for everything I did to you. And I'm sorry for falling inlove with you. I didn't mean that. Hindi ko alam kung bat ako nahulog sayo pero ang alam ko lang, there's a something in you.You're one of a kind.You're simple.You're unique.You're not weird,you're unique and that's the reason why I love you."

Okay na ba 'yun? 'Yan sana 'yung sasabihin ko sa kanya mamaya eh.Ayoko kasi ng hindi ready.

Hayys. Ang hirap naman nito.

"Hoy, lalaki! " teka, kilala ko kung kaninong boses 'yun ah. Kay..

"Perry?! " tanong ko nang makita ko sya sa likuran ko.

"Hindi, poster ko lang 'to. " sabi nya saka umirap. Tumayo ako saka sya niyakap.

"Waaaaaaaah! Perry! Wala ka pa ring pinag-bago! " tuwang-tuwang sabi ko.

"Oo nga pero ikaw, mukhang nakasama ka sa samahang 'Change us coming' eh. Narinig ko kaya pagda-drama mo. " sabi nya with her serious face.

"Ah, narinig mo pala 'yun? " tanong ko.

"Malamang, may tenga ako eh. " sabi nya saka umirap ulit. Kaya kami mag-kasunod nito ehm

"Baliw! " kasabay nun ang pag-batok ko sa kanya.

"Aba't--! Hoy, lalaki! Sinong nag-sabing batukan mo 'ko ha?! " inis nyang tanong habang hinahabol ako. Para kaming bata na nag-hahabulan dito sa may garden.

"Ako, bakit? Angal ka? " maangas kong tanong sa kanya habang natakbo pa rin.

"May sinabi ba akong aangal ako? Tsk. " sabi nya saka naupo sa ilalim ng puno. Hahahaha! Takot pa rin sakin. Ginulo ko ang buhok nya.

"Good dog. " sabi ko saka tumakbo ulit.

"Letse ka talagang lalaki ka! " sigaw nya habang hinahabol ako. HAHAHAHA! Nakakatawa talaga sya.

Oo nga pala, sya si Perry Wales. She's my girl bestfriend. My childhood friend. Dati kasi, apat talaga kami. Ako, si Patrick, si Karl at si Perry. Prinsesa nga namin 'yang babaeng 'yan eh. Sa tuwing may aaway dyan, kami ang reresbak. Ganon namin sya kamahal hanggang sa dalhin sya ng magulang nya sa Japan, simula nun, hindi na kami nakapag-usap kaya sobrang saya ko nang makita ko ulit s'ya.

Bab berikutnya