webnovel

25

KABANATA 25: Steeplechase

I didn't moved. Pakiramdam ko'y nabato sa aking kinatatayuan. Gumapang ang takot sa aking katawan nang mas lalong lumakas ang putukan sa labas ng aming mansion habang ang main door ay patuloy na binubuksan.

Natatakot ako sa mga gwardiyang nakaabang sa labas at sa mga pulis na papasok sa aming mansion. Ngunit higit akong natatakot sa hindi kilalang lalaking nasa aking harapan.

I fearfully took a step back. Namuo ang luha sa aking mga mata nang mapagtanto kong pamilyar sa akin ang mukha ng matandang lalaki. He was the old man I met that night, iyong kumausap sa akin. He even asked me if I am a Beau Monde, and then everything fall into pieces.

Napalunok ako at napapikit ng mariin.

"At last," The old man said and smirked. Humakbang ito papunta sa akin habang ako'y patuloy ba umaatras.

Hindi matigil sa pagkalabog ang puso ko. Pakiramdam ko'y hihimatayin ako dahil sa panghihina.

"You are really alive,"

"Stay away!" Lakas loob kong sigaw. Sa isip ko'y patuloy kong isinisigaw ang pangalan ni Lyreb, tahimik na nananalangin na dumating siya at alisin ako sa peligrong ito.

"Tsk," The old man reacted. "Come before the police enter your mansion,"

"No!" I yelled and run away.

Dumagundong ang puso ko nang maramdaman mabilis na sumunod iyong lalaki sa akin. Kulang nalang ay madapa ako dahil sa pagkaripas ng takbo. Umalis ako sa library, nadaanan ko pa ang ground floor at muntik pa akong madapa nang bahagya akong madulas sa sahig.

I heard the old man cursed, he slid and fell off the ground. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang tumakbo pababa sa basement, baka naroon na si Lyreb at hinihintay ako.

Kung bakit ba naman kasi humiwalay pa ako sa kaniya, wala naman akong napala sa mansion. Wala ang pamilya ko doon, I haven't seen any jars either, meaning wala ang bangkay nila sa mansion.

I screamed when an arm gripped my waist. Tuluyan akong napaiyak at napatalon sa gulat.

"Gotya!"

The old man caught me! Ang bilis niya naman atang tumakbo? Naabutan niya pa ako.

"Let go of me!"

"Come," Aniya at hinila ako, "Hindi ko alam kung bakit hindi ka matagpuan ng binatang iyon, napakabilis mo lang palang hanapin."

He was talking about Lyreb. Napahagulgol ako nang tuluyan na akong mahila ng matandang lalaki. He's not that old, he look 50 above but he's undeniably fast and strong. Napakabilis lang para sa kaniya ang mahuli ako.

"I said let go of me!" Sigaw ko at sinuntok suntok siya habang pilit na kumakawala.

"Tarantado!"

Napasinghap ako ng isang malakas na pukpok sa ulo ang aking naramdaman. Napaluhod ako dahil sa pagkahilo at sakit. I gasped for air, I couldn't breathe that instant. Natulala ako at ibinuka ang aking bibig upang humigop ng hangin, lumikha pa ng tunog ang pilit kong paghigop ngunit tila nakalimutan ko kung paano huminga.

Nanlabo ang aking paningin.

Isang putok ng baril ang narinig ko bago ako tuluyang bumagsak sa sahig kasabay ng matandang lalaki. Someone shot the old man, and I am totally clueless who the heck just arrived.

Nakaramdam ako ng pagyugyog sa aking balikat. Halos wala na akong marinig o maintindihan sa paligid, ngunit isang pamilyar na tinig ang naging dahilan upang sikapin kong huwag mawalan ng malay. I tried opening my eyes, I'm coming back to my senses, and I was not right when I thought it was him.

It was Lyreb. He came, he shot the old man to save me again.

"C'mon!"

Unti-unting nagiging malinaw sa aking pandinig ang kaniyang mga sinasabi. Unti-unti na ring lumilinaw ang kaniyang mukha sa aking paningin.

"Wake up, hindi ka puwedeng matulog! Hindi ka pwedeng mawalan ng malay,"

"Ly-lyreb," hirap kong bulong.

I saw his eyes widened, "Oh God, you're alive!"

Mahigpit niya akong niyakap at paulit-ulit na hinalikan sa noo.

"Hindi na kita ulit hahayaang makalayo sa akin," bulong niya at muling hinalikan ang aking noo, "I am so sorry, hindi na mauulit. Hindi na,"

Tumango ako at pilit na binawi ang aking lakas. Hinimas niya ang aking napukpok na ulo, unti-unti nang bumabalik sa dati ang aking pakiramdam ngunit naroon parin ang panghihina. Gayunpaman ay nagawa ko paring tumayo sa pamamagitan ng kaniyang tulong.

"I'll carry you," He insisted.

"No," I weakly said, "I can still walk."

"Shut up,"

Mabilis niya akong isinakay sa kaniyang likod. Wala akong nagawa nang humakbang na siya palayo sa matandang lalaki habang sakay ako. Mabilis ang kaniyang pagtakbo sa tunnel, hanggang sa wala na naman kaming makita. Patuloy lamang siyang tumakbo. Ang pinangangamba ko lamang ay kung may ibang nakatuklas sa tunnel maliban sa amin.

"Are you okay?" Lyreb asked while running, "Hindi na kita isasama ulit. This will the first and the last,"

My tears formed and immediately fell, "Please don't cage me like what they did, I don't deserve to be imprisoned."

"Damn,"

"Please, handa akong masaktan ng paulit-ulit. Huwag mo lang akong ikukulong, ayokong makulong na lamang habang-buhay."

"Belle..."

I sobbed, "Don't cage me please. I'm trying to step out my coop, it's my happiness. I want freedom,"

"You can't have your freedom, Damsel. You are being hunt, don't chase freedom when death is just behind."

Humigpit ang yakap ko sa kaniyang leeg, "I wanna go out too. I was confined for a decade and eight, I never had the chance to meet other people."

"Dahil hindi pwede! Naiintindihan mo ba ako? May kamatayan na nakasunod sa'yo, ginagawa ko lang 'to para protektahan ka." Frustration filled his voice, "I can't afford to lose you,"

I can't afford to lose you... same with me, Lyreb. I don't want to lose you.

"Sana naman ay maintindihan mo kung bakit hindi na kita muling isasama," Mahina niyang saad, "Hayaan mo. Kapag naging maayos na ang lahat, libutin mo ang buong mundo."

"Mangyayari pa ba 'yon?"

At last, may liwanag na kaming nakita.

"Oo naman,"

Dumoble ang takbo ni Lyreb. Mabilis niya akong ibinaba at tiningala ang butas.

"You'll go with me when that time comes, right?" I asked.

Nangunot ang kaniyang noo nang sabihin ko iyon. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mukha, at para akong sinaksak ng paulit-ulit dahil nabasa ko ang hindi kasiguraduhan doon.

"Let's go," aniya at binalewala ang aking tanong.

Pasimple kong pinahid ang luha sa aking pisngi. Umakyat kami sa maliit na hagdang bakal. Tiningnan niya muna ang paligid kung walang nakabantay, at nang makasiguro ay nauna siyang lumabas saka ako tinulungang makaakyat.

Maingat kaming umalis sa bakuran ng mansion. Muli naming inakyat ang gate at patakbong umalis nang makababa. Hindi niya binitawan ang mga kamay ko at sinabayan ang aking pagtakbo.

"Are you tired?"

Umiling-iling ako, "Sasamahan mo akong libutin ang mundo, hindi ba?" Sa halip ay tanong ko.

"No time for that, kailangan na nating makaalis."

Pwersahan kong kinalas ang aking mga kamay at huminto. Iritado siyang huminto atsaka nilingon ako.

"What the fuck is your problem?" He frustratedly brushed his palms against his hair, "Please, huwag ngayon. May problema pa tayo."

Napansin kong wala siyang dalang libro. Ibig sabihin ay hindi niya nahanap ang itim na librong tinutukoy niya.

"Hindi mo nahanap iyong libro?"

Umiling iling siya, "Hindi, kaya tara na bago pa nila tayo matunton."

"Promise me you'll travel with me," Matigas kong saad.

"Fuck! Stop this, let's go!"

"Promise me!"

Nanlaki ang mga mata ko nang nakarinig ng putok ng baril. Malakas akong hinila ni Lyreb ngunit inagaw ko ang mga kamay ko at huminto.

"Ano ba?!" Galit niyang sigaw.

"Mangako ka!"

Patuloy na lumakas ang putukan. Hindi ko alam kung may nakapasok sa aming mansion maliban sa mga pulis at nakikipagbarilan.

"Stop this-"

"Promise me! Just promise me!"

Napamura siya ng paulit-ulit saka malakas na hinigit ang aking braso.

"Oo na! Oo na! I promise I'll travel with you! Are you happy?"

Napangiti ako at tumango.

"Fucking shit! Now, let's go! Stubborn knucklehead!"

Inalis ko ang pagkakahigit niya sa aking sa halip ay hinawakan ko ang kaniyang mga kamay.

"Let's go."

Mabilis akong tumakbo at hinila siya, ngunit mabilis niya akong napantayan at ngayon ay siya na ang humihila sa akin palayo. Napangiti ako, hindi ko alam kung nababaliw na ako dahil nagagawa ko paring ngumiti sa gitna ng delikadong sitwasyon. At nagagawa ko lamang ito dahil kay Lyreb, I couldn't do such things if it were not for and because of him.

The fact that I threatened him makes me laugh. Dati, ako ang tinatakot niya. Subalit kanina lamang ay naranasan ko kung paano magbanta sa isang halimaw. I just threatened the beast, and he, being the good tamed beast fell and nodded like a prey in my words. To what extent did I tamed the beast? Is there an edge for this? I hope this would last. I am badly addicted to his embrace, it's where I first found solace.

Bab berikutnya