webnovel

Kabanata 44

Kabanata 44

"Good morning, Madam," bati ko kay Madam Rhonda pagkasagot ko ng tawag niya.

"Hmm. Kamusta? Okay ka na ba?" tanong naman niya sa akin.

Napangiti naman ako at pinadausdos ang kaliwang palad ko mula sa hita ko pababa sa tuhod ko.

"I'm okay. Pagod lang po talaga 'ko kagabi," sagot ko naman.

"Good then. Oh, nga pala, I called Eunice. Magbe-breakfast na kami. Wanna come with us?" alok pa ni Madam Rhonda.

Kaagad naman akong napatingin sa orasan. It's already 7:30 am na pala. Nagising lang naman kasi ako dahil sa tawag ni Madam Rhonda. At sa totoo nga, masakit pa ang ulo ko. But oh well, hindi naman na bago sa'kin 'to. Being an actress is really hard. It's really more than just having a pretty face.

"May gusto po sana 'kong puntahan," sagot ko naman. "Madam, papayagan n'yo po ba 'kong kumain sa lugawan?"

"Saan? Sa lugawan?"

"Yes! I really missed it, Madamsh. Pero okay lang po kung—"

"No! Hindi! I'm fine with it! Sige, go!" kaagad niyang sabi sa akin. Kaya naman napangiti akong bigla.

"Talaga? Payag ka po?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hmm! Mas makakatulong 'yan sa image mo. Humble. Down to earth. Simple," masayang tugon naman sa akin ni Madam Rhonda.

"Thank you, Madam! Hintayin n'yo na lang po ako sa baba. Mag-aayos lang po ako," sabi ko naman.

"Oh sige!"

Pagkababa ko ng telepono ay inayos ko na ang kama ko. Pagkatapos ay naghilamos na rin ako at naligo nang mabilis. Simpleng halter dress na kulay teal at may disenyong mga bulalak ang isinuot ko. Tinernuhan ko naman iyon ng puting sandlas na two inches lang ang taas ng takong.

Nang makuha ko naman sa maleta ko ang micro bag kong puti rin ay biglang tumunog ang telepono. Akala ko pa no'ng una'y cellphone ko 'yon, pero naalala kong hindi nga pala gano'n ang ringtone ko.

Nagtatakang napatingin ako sa teleponong nasa bedside table. This one is a property of hotel. Who would be calling me? Hmm. Maybe the staffs. Baka tatanungin ako kung ano'ng gustong umagahan.

"Hello? Maureen Olivarez speaking," sambit ko matapos kong sagutin iyon.

"Maureen, this is Marquita."

Kaagad namang humigpit ang hawak ko sa telepono ng marinig 'yon. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to. Sinira na nga niya ang Araw ko kahapon, pati ba naman ngayon? At bakit ba sa lahat ng hotel, dito pa kami napunta sa hotel nila?

"Oh, hi! Kung wala kang magandang sasabihin, ibaba mo na lang ang tawag," sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Oh! Easy! I didn't call to argue, okay? Well, I'm just here to tell you Zeus really wants to talk to you. Please, pagbigyan mo naman siya! You really have to hear all his explanations! He'll be waiting at Ocean Dip. 1pm."

Sa totoo lang, ayoko sanang pakinggan ang kung ano mang sasabihin sa'kin ni Marquita. I'm not interested and we're not friends para tawagan niya ko at kausapin nang ganito. Sadyang napaismid lang ako at sumikip na naman ang dibdib ko sa inis.

"You two. . . You have to understand that I am no longer your servant. Hindi n'yo na 'ko pwedeng utos-utusan. Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!" inis na inis na sagot ko kanya.

"But, Maureen—"

Ayoko na siyang makausap pa, kaya naman hindi ko na siya pinatapos pa. Galit na ibinaba ko ang telepono, pagkatapos ay kinuhang muli ang bag ko sa kama. Kaagad ko itong isinabit sa balikat ko at saka ako lumabas ng kwarto ko.

Habang naglalakad ay masama pa ang tingin ko sa dinadaanan ko. Sino ba kasing 'di maiinis? Umagang-umaga, tatawagan ka ng taong kinabibwisitan mo?

Kaya nga ako bumalik dito para makita nila kung sino na ako ngayon. But they can't seem to understand! O sadya talagang mataas ang tingin nila sa sarili nila, na akala nila hanggang ngayon ay kaya nila ako? Huh! Sorry na lang sila.

"Maureen! Oh my gosh! Bakit ganyan ang mukha mo?" reaksyon ni Madam Rhonda nang makita ako.

"Oo nga, Ma'am. Ano'ng meron?" tanong pa ni Eunice.

"Wala," sagot ko na lang. "Halika na."

Nauna pa akong lumabas ng hotel kaysa sa kanila. Hindi ko na sila hinintay pa. Alam ko namang susunod din silang dalawa sa akin. Paglabas ko naman ay may nag-assist sa akin na isang staff ng hotel at iginiya ako papunta sa van na magsisilbing service namin ngayong araw.

When I came in, I instructed the driver where we're heading to. Tumango naman ito at nang makasakay na rin ang dalawa kong kasama ay pinaandar na rin niya ang sasakyan.

Ilang minuto rin naman ay nakarating kami sa isang pamilyar na lugar. Habang nasa loob pa lang ako ng sasakyan ay bumabalik na sa'kin ang mga alaala ako sa lugawan na 'yon. Jacob and Danica. My two great treasures in life.

I could still remember the way we laughed here. That was my last day with them. Bago ako sumama kay Mommy at maging isang Olivarez. Kamusta na kaya sila ngayon? Katulad pa rin kaya sila ng dati?

"Halika na po, Ma'am."

Natauhan lang ako nang kalabitin ako ni Eunice. Nakatayo na pala siya sa labas ng van habang may dala-dalang payong. Kasama rin niya si Madam Rhonda. Napangiti naman ako at tuluyang bumaba ng van.

Pagbaba pa lang namin ay nagtitinginan na ang mga tao. May ilang nagulat pa nang makita ako. Kaagad ko naman silang nginitian at kinawayan. At nang makapasok na ako sa mismong lugawan ay halos pagkaguluhan naman nila ako. Pero alerto naman ang driver na kasama namin. Pati si Madam Rhonda.

"Ay, jusko! Totoo ba 'to? Miss Maureen, nandito ka sa lugawan ko!" magkahalong gulat at sayang sabi sa akin ng tindera ng lugawan.

Napangiti naman ako. "Totoo po. Hindi po kayo nananginip."

"Ay, Ma'am!" singhap pa niya. "Ano pong order n'yo? S-Sige, libre na po!"

Napangiti naman ako, "Wag na po. Magbabayad po kami. Sayang naman po ang benta n'yo."

"Naku, Ma'am! Okay lang 'yon!" sabi pa niya. "Ano po bang gusto n'yo?"

Umorder ako ng lugaw para sa aming dalawa ni Eunice. Si Madam naman, gusto raw niya ay lomi. Inalok ko rin ang driver na kasama namin, pero tumanggi naman siya. Nag-umagahan na raw siya. Pinilit ko pa nga, pero ayaw talaga.

"So I'm guessing, nakakain ka na dito noon?" tanong sa'kin ni Madam Rhonda habang kumakain kami. "In fair ah! Masarap. Sulit."

Napangiti naman ako bago sumagot, "Yes, Madam. Nilibre ako dito dati no'ng kaibigan ko."

"Hmm. Sila rin 'yung pupuntahan mo mamaya?" tanong pa niya.

"Hmm! Oh! Kailangan ko rin palang dumaan sa market. Gusto ko sanang mag-boodle fight kami," sambit ko ng maalala ko.

'Yon naman kasi talaga ang plano ko bago pa man din ako bumalik dito. Bibisitahin ko sila Tita Maricar, tapos kakain kami ng mga seafood. I'm sure matutuwa sila. Balak ko pa nga sana silang ipamili ng grocery, para tulong na rin. Pero siguro, mag-aabot na lang ako ng pera. Pasasalamat na rin sa lahat ng naitulong nila sa'kin.

"But, Maureen, are you sure nando'n pa rin sila? Uh, baka kasi mamaya, 'di ba, masayang lang 'yang gagawin mo. Mas okay siguro, pumunta ka muna doon. And, pwede naman tayong mag-utos para sa mga gusto mong ipamili," suhestiyon naman sa akin ni Madam Rhonda.

Napatigil naman ako saglit sa paghalo ng lugaw ko noon at napatingin sa malayo. Madam Rhonda was right. Hindi ko pa sigurado kung ano'ng madadatnan ko no'n. Kung katulad pa rin ba sila ng dati o ano.

Sa huli ay bumuntong-hininga na lang ako. I guess I was too excited to meet them na hindi ko na naisip 'yon.

"Pero dadaan po muna 'ko sa puntod ni Itay," sabi ko na lang. "Can I go alone?"

Nagkatinginan naman si Eunice at si Madam Rhonda nang itanong ko 'yon. Kapwa hindi sigurado kung hahayaan ba ako o hindi. Nanatili naman akong tahimik at naghihintay sa sagot ni Madam.

"I can't let you go alone," panimula ni Madam Rhonda. "Buti pa, isama mo 'tong si Eunice. After nating kumain, ihatid n'yo 'ko ulit sa hotel. Then you could go wherever you want. As long as you're with your PA."

Saglit kong pinag-isipan ang offer niya habang tinitignan ang mga tao sa paligid namin. Halos lahat yata sila ay nakatingin sa amin ngayon. Kanina, may mga nagpapicture pa sa'kin. Hindi na nga pala ako katulad ng dati na parang wala lang sa lugar na 'to. Of course, I can't be alone.

"Sure, Madam," sabi ko naman at tumango-tango. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa pagkain.

* * *

Katulad nga ng sinabi ni Madam Rhonda, inihatid namin siya ulit sa hotel. Binilinan pa niya kami na mag-ingat. Pati si Eunice ay sinabihan niya na mag-report palagi sa kanya.

Thankfully, buong araw pa rin namin pwedeng magamit ang service ng hotel. Dumaan muna kami sa bilihan ng bulaklak na pampatay, at pinabili ko si Eunice.

"Stay here. Nando'n lang ako. Tanaw na tanaw mo naman ako," sabi ko kay Eunice nang malapit na kami sa puntod ni Itay.

Syempre, gusto ko pa rin namang magkaroon ng privacy. Mabuti nga at nagpaiwan ang driver sa loob ng van.

"Ah, eh, s-sige po," nag-aalangang sagot niya.

Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sa puntod ni Itay. Dahil public cemetery lang ito, hindi ko na rin pa napagawan ng mausoleum si Itay at si Inay Cynthia. But at least, nasa maayos silang puntod. Napaayos ko na rin ang lapida nila.

"Itay. . ." Napangiti ako kasabay ng pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko. Three years has passed, pero nandoon pa rin 'yung sakit sa t'wing naiisip kong wala na siya.

"Ang tagal na rin. Sorry, hindi kita palaging nadadalaw. Pero I know, alam n'yo po kung ga'no ko kayo kamahal. Kung ga'no ko kayo nami-miss. . ." Tuluyang tumulo ang mga luha ko kasabay ng marahan kong paghaplos sa lapida niya. Na para bang mukha niya 'yon na mahahawakan ko.

"Congrats sa'kin, Tay! I made it. Nakaya ko," sabi ko pa. Nakangiti man ay panay naman ang iyak ko. Napasinghot pa ako bago magpatuloy, "Nakaya ko lahat ng sakit na binigay sa'kin ng madayang mundo. Nakaya ko lahat, dahil alam ko, binabantayan mo pa rin ako."

Napayakap naman ako sa balikat ko habang napapaiyak pa rin. Binabaha rin kasi ang isipan ko ng mga alaala namin ni Itay. Mga alaalang sobrang sayang balikan. Kung maibabalik nga lang ang oras, e.

"Mahal na mahal po kita, Itay," sabi ko at muling hinaplos ang lapida niya. Pati rin ang kay Inay Cynthia ay hinaplos ko. "Ikaw rin, Nay Cynthia."

Matapos 'yon ay inaya ko nang muli si Eunice, na kaagad naman akong pinayungan. Nasa malapit lang din naman ang van, kaya nakabalik din kami kaagad doon.

"M-Ma'am, okay ka lang?" tanong ni Eunice sa akin pagkatapos kong sabihin sa driver ang susunod na destinasyon namin.

"I'm okay. Medyo naiyak lang," sabi ko at bahagya pang tumawa.

"Tubig ka muna, Ma'am." Inabutan pa niya ako ng isang maliit na bote ng mineral water. Malugod ko namang tinanggap 'yon at kaagad na uminom.

"Salamat," sabi ko at inabot ulit sa kanya ang bote.

Napasandal naman ako sa kinauupuan ko at tumingin sa bintana. Tandang-tanda ko pa ang bawat kalyeng dinadaanan namin kahit pa matagal akong hindi nakauwi dito. Habang palapit kami nang palapit ay lalo akong nasasabik. May kaunting kaba man sa dibdib ko ay hindi ko na lamang ito pinansin.

"Iliko mo d'yan," utos ko sa driver na kaagad naman nitong sinunod. Mayamaya pa'y nakarating na nga kami sa tirahan namin noon. Just the sight of it brings back a lot of memories.

"Dito na po ba, Ma'am?" tanong ng driver.

"Oo! Dito na nga," masayang sabi ko.

Nasa van pa lang ako ay kita ko na ang lumang bahay namin. Siguro one day, ipapagawa ko 'to para may mauuwian pa rin ako dito. Now that I am here again, I just realized that my heart is really in Doña Blanca. This is my hometown. No other place could be better than this.

"Tara na, Ma'am! Let's go!" sabi naman ni Eunice at kaagad na rin niyang binuksan ang pintuan ng van. Pagkababa niya ay binuksan naman niya kaagad ang payong na dala.

Mas matingkad pa sa sikat ng araw ngayon ang ngiti ko nang bumaba ako. Gustong-gusto ko na talaga silang makita ulit! Sabik na sabik na akong kamustahin silang lahat. Na-miss ko sila nang sobra sa loob ng tatlong taon na 'yon.

Isang tumatakbong bata ang bumungad sa amin. Tumangkad man siya ng bahagya at mas umitim ang kulay ng balat, ngunit hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

"Princess!"

Bago ko pa man din matawag ang batang 'yon ay may mas nauna na sa akin. Pagtingin ko sa direksyon na 'yon ay nakita ko si Tita Olive. Awang-awa naman ako dahil sa nasaksihan ko. Mas mukha pa siyang stressed ngayon kaysa dati. Ano na kayang nangyari sa kanila?

"Sabi nang 'wag kang tumatakbo, e! Papa'no 'pag napagod ka? Ha?" litanya pa niya doon sa bata.

"M-Mama. . ." daing naman ni Princess habang nakatingin sa direksyon ko.

Dahil doon ay unti-unti na ring napatingin sa akin si Tita Olive. Kitang-kita ko naman ang pagkabigla niya nang makita ako. Parang hindi pa siya makapaniwalang nasa harapan niya ako ngayon.

Nagmamadali siyang lumapit sa akin habang gulat pa rin ang ekspresyon niya.

"Maureen! I-Ikaw na ba 'yan?" Halos manginig-nginig pa siya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi rin niya malaman kung hahawakan ba ako o ano.

Natatawang hinuli ko naman ang dalawa niyang kamay at mahigpit na hinawakan.

"Ako nga 'to, Tita!" tuwang sagot ko sa kanya. Halos abot tenga na ang ngiti ko nang mga sandaling 'yon.

Napasinghap naman siya sa tuwa at marahang hinaplos ang dalawang braso ko. "Lalo ka pang gumanda! Ay! Pinapanood ko 'yung palabas mo! Ang galing-galing mo!"

"Salamat po, Tita!"

"Ah, h-halika sa bahay namin. Kaya lang n-nakakahiya. Mukhang basurahan 'yung bahay namin, e," sabi naman ni Tita na napapahawak pa sa batok niya.

"Naku, Tita, ayos lang 'yon!" sabi ko naman. "Sila Tita Maricar po ba?"

Napansin ko namang natigilan noon si Tita Olive, kaya maging ako rin ay kinabahan. Napaiwas pa siya ng tingin at pinaglaruan ang kanyang mga palad.

"Bakit po, Tita?" tanong ko naman.

"Ah, e. . . H-Halika muna sa bahay? Halika," sabi na lang niya sa akin at mas nauna na siyang maglakad.

Nagkatanginan naman kami ni Eunice. Parang nag-aalangan ang hitsura niya, pero nginitian ko lang siya. Naisipan ko na rin namang utusan siya.

"Uh, pasabi na lang do'n sa driver, tumawag ng kahit ano'ng restaurant. Basta masarap ang pagkain. Pa-deliver kamo dito. Uh, siguro good for

people?"

"Ah, sige po, Ma'am!" Tumango-tango si Eunice at kaagad na sinunod ang utos ko. Sa pagmamadali niya ay nadala rin niya ang payong, kaya't naitan akong bigla.

Napatawa na lang ako at napailing. Sanay naman ako sa init, kaya napagpasyahan ko na lang na sundan si Tita Olive. Napansin ko namang parang wala ring katao-tao sa bahay nila Danica nang madaanan namin 'yon. Bakit kaya?

"Jacob! May bisita ka!" sigaw ni Tita Olive pagkarating namin sa bahay nila. Si Princess naman ay panay pa rin ang tingin sa'kin kaya nginitian ko siya.

Mayamaya rin ay lumabas si Jacob na tulad na tulad pa rin ng dati. Maganda ang pangangatawan dahil sa ilang taong pagbabanat ng buto. May kaitiman pa rin, pero mas bagay naman 'yon sa kanya. Kaya lang, mukha rin siyang stressed.

Gano'n pa man, masaya pa rin akong makita siya ulit.

"Oh, Nay—" Natigilan din siya nang makita ako. Unti-unting dumausdos pababa ang kamay niyang kanina'y nakahawak sa hamba ng pintuan nila.

"Jacob!" bati ko habang malawak ang ngiti. "Kamusta?"

Tumango lang siya at matipid na ngumiti. "Ayos lang kami dito. Ikaw? Ang layo na ng narating mo, a."

Nawala naman ang ngiti ko sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko alam kung sa paraan lang ba niya 'yon ng pagsasalita o talagang may inis ang pagkakasabi niya noon sa'kin? Wala naman akong ginagawang mali, a?

"J-Jacob. . ." nasambit ko na lang.

"Tsk! Uy, Jacob! 'Wag ka namang ganyan! Kaibigan n'yo 'yan oh," sita sa kanya ni Tita Olive. Pagkatapos ay nilingon naman ako. "Pagpasensyahan mo na ito, a? Nitong mga nakaraan nagiging mainitin lang talaga ang ulo."

Nahihiya naman akong napangiti. "Okay lang po 'yon, Tita. Ang tagal na rin naman po naming hindi nagkasama, e."

Pagkatapos noon ay muli akong napatingin kay Jacob. Hindi na katulad ng dati ang tingin niya na laging masuyo. Mararamdaman mo talaga ang pagkalinga. Pero ngayon. . . Parang may halo nang hinanakit ang bawat tingin niya.

Kusang napakunot ang mga noo ko. Ano'ng nangyari sa'yo, Jacob?

"Ah, halika. Naku! Hindi pa 'ko nakakaluto ng ulam," nahihiyang sabi naman ni Tita Olive. Mukhang aligaga.

"Naku, 'wag na po! Nagpa-deliver na po ako ng mga pagkain dito," sagot ko naman. "Sila Danica po ba nand'yan?"

Muli ay umiwas ng tingin si Tita Olive na para ring iniiwasan ang tanong ko. Napatingin pa siya kay Jacob, habang ito naman ay nakatingin sa akin. Magkasalubong ang mga kilay nito.

"Bakit ka pa ba bumalik dito, ha? Masaya ka naman na sa El Rico, 'di ba? Masaya ka na sa buhay mo, 'di ba? Ha?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Pinandilatan ko siya kasabay ng pag-ikom ng bibig ko. Kaagad ding napakuyom ang magkabila kong kamay noon. Sobra na yata itong si Jacob! Para na siyang ibang tao kung pagsalitaan ako nang ganito!

"Jacob! Bumalik ako dahil kaibigan ko pa rin kayo! Hindi kayo nawala sa isip ko!" sigaw ko sa kanya. "At akala ko, matatanggap n'yo pa 'ko dito. Mukhang mali yata ako."

Nanginginig ako at namumuo na naman ang mga luha ko sa inis. Ito lang. Ito lang ang nag-iisang magandang bagay na pinakaaasam ko sa pagbabalik ko dito. Ang makita at makapiling ulit sila kahit isang araw lang. Pagkatapos, ganito pa ang sasabihin niya sa akin?!

"M-Maureen. . ." Hindi na naman malaman ni Tita Olive ang gagawin niya ngayong nasa pagitan namin siya ni Jacob.

Pinalis ko naman ang tumulong luha ko. "Nasaan si Danica? Nasaan siya?! Baka sakali, matuwa siya sa pagbabalik ko."

"Huh." Sarkastikong tumawa si Jacob at bahagya pang napairap. "Yon ang akala mo. Kung mapupuntahan mo man 'yon ngayon, sigurado akong mabibigla ka rin sa pagbabago niya."

"Katulad din ng pagbabago mo?" matapang na sagot ko sa kanya.

"Matagal nang wala dito si Danica, Maureen. Kahit ako hindi ko na rin alam kung sa'ng lupalop sila nagpunta," malamig na sabi niya sa akin. "Ngayon, kung ipapamukha mo rin samin 'yang yaman mo, 'wag na lang. Hindi namin kailangan."

"Jacob, tama na! Sumosobra ka na!" sigaw ni Tita Olive sa kanya.

Para namang walang pakialam si Jacob doon. Napailing pa ito pagkatapos ay parang inis pang pumasok sa loob ng bahay nila. Wala naman akong magawa kung hindi ang sundan siya nang may masamang tingin habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

Hindi naman ganito ang inasahan kong mangyayari kapag binisita ko sila, e. Akala ko, katulad ng dati, magkakasiyahan ulit kami. Akala ko gano'n pa rin, e. Katulad no'ng mga bata kami. Akala ko, magiging masaya ang pagbabalik ko dito. . . Pero bakit puro sakit?

"M-Maureen. . . Pasensya ka na talaga, ha? Problemado lang si Jacob. Pasensya talaga," paghingi ng paumanhin sa akin ni Tita Olive.

"Tita. . . Hindi n'yo po ba talaga alam kung nasa'n na sila Danica?" tanong ko naman sa kanya. Kahit man lang sana siya, makita ko.

"Patawad. Hindi ko talaga alam. . ." Napayuko naman si Tita dahil sa hiya.

Muli kong pinunasan ang dalawa kong pisngi na tinuluan na ng luha ko. "Kapag dumating 'yung order ko, 'wag po kayong mag-alala. Ako na po'ng magbabayad. Aalis na lang po ako. Mukhang hindi naman na ako tanggap dito."

"Maureen. . ." naaawang napatingin ng diretso sa mga mata ko si Tita Olive.

Sa huli at niyakap ko na lang siya. "Salamat po, sa maayos na maayos na pagtanggap n'yo sa'kin. Sorry din po sa abala."

Nang maghiwalay naman kami ay nagpalitan naman kami ng tipid na ngiti. Pagkatapos ay tuluyan na akong tumalikod habang ang puso ko ay puno pa rin ng pagkabigla at hinanakit.

Ang sakit isiping harap-harapan akong pinagsalitaan ng masama ng kaibigan ko. Na akala ko, hanggang ngayon kaibigan ko pa rin. Hindi na bago sa'kin ang masaktan dahil sa mga salita. Noon pa man, naranasan ko na 'yon. Pero ganito pala kasakit kapag galing 'yon sa isang kaibigan?

Wala na ba talaga akong babalikan dito sa Doña Blanca?

Itutuloy. . .

I made some mistakes pala. 16 si Maureen nang mamatay ang Itay niya. So 19 palang siya ngayon. Sorry sa pagkakamali ko : (

Bab berikutnya