webnovel

Chapter 60

Hindi alam ni Kyra kung saan siya humugot ng lakas ng loob para sabihin 'yon sa taong mahal niya. Sa taong inibig niya ng lubos. Maybe.. Maybe si baby ang nagbigay sa kanya ng lakas para tanggihan ang pagmamakaawa ng ama nito.

Suko na talaga siya.

Suko na siya sa pagmamahal niya kay Bryan.

Takot na takot siya kanina sa ginawa ni Georgina. Akala niya mawawala ang baby niya dahil dito. Bakit kasi kailangan pang gawin 'yon ni Georgina? Aalis na nga siya 'di ba? Hindi na niya guguluhin ito at si Bryan pero sinaktan pa din siya nito.

Lahat ng hirap at masakit na karanasan niya ay nangyari dahil sa pagmamahal niya kay Bryan. Naisip nga niya na siguro patuloy pa rin siya sa pagiging martyr kung wala ang baby niya. Pero dahil dumating na ito ay kailangan na niyang itigil ang kahibangan niya.

Ang sakit.

Ang sakit makitang umiiyak si Bryan ngayon habang nagmamakaawa ito sa kanya. Pero pagod na talaga siya. At mas gusto niyang mabuhay kasama ang anak niya na walang pangamba. And the best solution for that is to let go of Bryan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatayo sa pagkakaluhod. Patuloy pa din itong umiiyak at nagmamakaawa sa kanya. Gusto na niyang bumigay kanina lalo na ng sinabi nito ang tungkol kay dad.

Si dad na namatay dahil sa kanya.

Sa totoo lang naaawa siya kay Bryan kasi alam niyang kakamatay lang ng ama nito tapos siya na naman ang mang iiwan dito. Pero naisip niya si Georgina. Nandiyan naman si Georgina para dito. Ang babaeng totoong mahal ng taong mahal niya.

Naisip nga niya na siguro kung hindi lang nalaman ni Bryan na buntis siya baka pumayag din ito agad sa gusto niyang maghiwalay sila. Kaso nalaman nga. Kaya ngayon eto si Bryan, nagmamakaawa sa kanya na huwag niya itong iwan. Pero alam niyang nagmamakaawa lang ito dahil sa baby niya.

"Bryan."

"W-Wife.." Parang umaliwalas ang mukha nito. She can see hope in his eyes.

Akala yata nito ay nagbago na ang isip niya.

Napahugot muna siya ng hangin bago niya pinagpatuloy ang gusto niyang sabihin dito.

"If you're thinking about my baby, huwag kang mag-alala. Hindi ko siya ipagdadamot sa 'yo, ipapakilala pa rin kita kahit hindi na tayo mag-asawa."

"H-Hindi, wife. Ayoko. Hindi ko kaya.. Ikaw at si baby ang kailangan ko.. P-Please.." Sabi nito habang paulit-ulit na umiiling.

"Bryan. Marami ng nangyari. Hindi na 'to maayos kung hindi natin itutuwid lahat ng mali natin. At magiging maayos lang ang lahat kung maghihiwalay na tayo. Our marriage is a mistake. Everything between us is a mistake, except for my baby. Kaya hayaan mo na ako.. Ayokong lumaki ang anak ko sa kasinungalingan.."

"No, no, wife.. Hindi.. Itutuwid naman natin lahat eh pero hindi natin kailangang maghiwalay.. Makakaya nating ayusin ang lahat wife, na magkasama. Mahal na mahal kita, wife. Sobrang mahal kita kaya nabulag ako dahil sa sobrang selos. Naging possessive at selfish ako pagdating sa'yo. Ayokong may ibang taong lalapit sa 'yo, kakausap sa 'yo, lalo na si Arthur, kasi natatakot ako.. Natatakot akong mawala ka. And I know mali 'yon, kasi dahil rin doon kaya hindi na ako nakapag-isip ng maayos. Mali ako, wife. Maling-mali ako. But I'm willing to pay for it, basta nandito ka pa rin. Basta huwag mo lang akong iwan.. Huwag niyo kong iwan ni baby. And if you're really doing this for our baby, hindi ba dapat isipin mo rin ang mangyayari sa kanya sa huli? Na lalaki siyang hindi kompleto ang pamilya? Wife.. Please.. May anak na tayong madadamay dito.. Please.."

Napamaang siya sa sinabi nito. Tama ito sa sinabi lalo na sa part kung saan lalaki ang anak niya sa isang broken family.. Pero masakit pa din kasi.. Natatakot na siya ulit sumugal sa pag-ibig niya kay Bryan..

Nagiging selfish ba siya ngayon? Dahil parang ang labas ay ang sarili lang niya ang iniisip niya at hindi ang kapakanan ng anak niya?

But is it wrong for her to be selfish?

Naisip niya kasi na kaya naman niyang gampanan ang pagiging ama at ina sa baby niya. Mamahalin niya ito ng sobra at hinding-hindi niya ito sasaktan at pababayaan. Nandiyan naman ang mga magulang niya na alam niyang magmamahal din sa anak niya. Nakpagdesisyon na talaga siya kanina eh.

Pero tama ba talaga ang desisyon niya?

Naging magulo na ulit ang isip niya kaya hindi niya napansin ang pagtayo ni Bryan galing sa pagkakaluhod at agad siya nitong niyakap ng mahigpit.

"W-Wife.. Nagmamakaawa ako.. Please.."

Magulo pa rin talaga ang isip niya. Gusto niya pang mag-isip ng mabuti sa magiging desisyon niya. At alam niyang hindi siya makakapag-isip ng maayos kung kasama niya si Bryan. Gusto niya munang lumayo dito. Kailangan niya ng space at oras para mag-isip ng mabuti.

She pushed Bryan away from her pero masiyadong mahigpit ang pagkakayap nito sa kanya. Namamasa na rin ang balikat niya sa sobrang pag-iyak nito.

Nasasaktan siya dahil alam niyang nasasaktan ang asawa niya dahil sa kanya.

"Please.. I'm begging you, w-wife.." Paulit-ulit nitong sinasabi at napaiyak na rin talaga siya pero hindi niya ito niyakap pabalik.

Patuloy pa rin ito sa pag-iyak sa balikat niya at kung hindi niya ito itutulak palayo sa kanya ay bibigay na siya dito. She was about to push him away ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at niluwa niyon ang kanyang mga magulang.

"Bitawan mo ang anak ko, at umalis ka na dito Bryan." Galit na anas ng daddy niya at dinig niya ang pagpigil ng mommy niya dito.

Pero hindi pa rin siya binibitawan ni Bryan kahit anong tulak niya at nanatili ito sa pagyakap sa kanya ng mahigpit.

"Didn't you hear me, boy? Umalis ka na! Hindi ka kailangan ng anak at apo ko! Get out! And process the goddamn divorce papers para makawala na ang anak ko sa 'yo!" Sigaw ng daddy niya habang nagmamartsa na ito palapit sa kanila.

Sumunod ang mommy niya dito pero sa sobrang galit ng ama niya ay hindi ito nagpapigil at mabilis na hinila si Bryan sa pagkakayakap sa kanya. Wala na rin siyang naging reaksyon sa nangyayari. Patuloy lang siya sa pag-iyak.

"P-Please.. Hindi ko kayang mawala sila... H-Hindi-" Pagmamakaawa ni Bryan ng napabitaw ito sa kanya.

Tinulak ito palayo ng ama niya sa kanya at akmang susuntukin sana pero agad na pumagitna ang mommy niya. Niyakap nito ang daddy niya.

"Huwag, hon!" Agad na sabi ng mommy niya.

Hindi nga tinuloy ng daddy niya pero kita niya ang pagkuyom ng mga kamao nito.

"Get out!"

"P-Pero.." Sabi ni Bryan na napapatingin na sa kanya na parang nanghihingi ng tulong.

"Umalis ka na, Bryan." Malamig na sabi niya dito na siyang nagpabagsak ng balikat nito.

"I-Iho, umalis ka na lang muna. Both of you need space.. Pakalmahin niyo na muna ang-" Sabi ng mommy niya.

"Hindi, umalis ka na at huwag ka ng babalik, Bryan." Pagpigil ng daddy niya sa gustong sabihin ng mommy niya.

"P-Pero, hon.."

"No! Sinaktan niya ang anak natin, Katherine! Pati ang apo natin muntikan ng mawala dahil sa kagagawan niya! Do you think I will accept him and allow him to be with our daughter and grandchild again? No!" Sabi ng ama niya na bakas sa boses ang paghihinagpis sa nangyari sa kanya, kaya napaiyak siya lalo.

Hindi lang siya ang nasaktan dahil sa nangyari, pati na ang mga magulang niya na walang ginawa kundi ang mahalin at protektahan siya buong buhay niya. So, maybe tama nga ang naging desisyon niyang makipaghiwalay na kay Bryan.

"B-Babawi po ako sa mag-ina ko-"

"No, Bryan. Umalis ka na! Nakapagdesisyon na ako. Hindi na ako babalik sa 'yo.. Tama na 'to.. Its over." Matigas na sabi niya dito na siyang ikinaiyak nito lalo.

"W-Wife.."

"You heard her, Bryan! Umalis ka na!" Sabi ulit ng daddy niya at akmang lalapit na ulit si Bryan pero mabilis na pinigilan ito ng mommy niya.

"Umalis ka na muna, iho.." Sabi din ng mommy niya dito.

Nagmamakaawa ang itsura ni Bryan habang nakatingin sa kanya, pero umiwas na siya ng tingin dito. Humiga siya ulit sa kama at tumalikod na dito.

Maya-maya lamang ay may narinig na siyang mabibigat na mga yabag palayo sa kanya, at narinig na din niya ang pagbukas at pagsarado ng pintuan. At doon na siya mas lalong napaiyak kaya binaon niya ang mukha niya sa unan.

Alam niyang umalis na ito.

Umalis na si Bryan.

Hindi alam ni Bryan kung saan siya tutungo pagkatapos niyang umalis sa kwarto ng asawa niya. Pakiramdam niya'y nawawala siya, at makikita niya lang ang tamang daan sa piling ng asawa niya. Pero hindi pa rin siya nito pinapatawad. She wanted him out of her life. Completely. Kahit anong pagmamakaawa niya dito kanina, kahit anong paghihingi niya ng tawad dito ay hindi niya napabago ang desisyon nitong makipaghiwalay sa kanya.

Pero hindi siya papayag. Kahit padalhan pa siya nito ng divorce papers ay hindi niya tatanggapin iyon. Hindi siya pipirma doon. Itatapon niya lang 'yon. Susunugin. Pupunitin. But he will never sign it.

Hindi pa rin talaga niya matigil ang mga luha niya habang binabagtas niya ang pasilyo ng hospital. Ang daming taong napapatingin sa kanya, but he doesn't care anymore. All he cares about is his wife. At bonus na lang ang baby nila.

Ngayon nga lang niya naisip na ang sama niya talaga, because he's using their child para hindi siya iwan ng asawa. Pero wala na kasi siyang choice. Kung hindi niya sasabihin 'yon dito at hindi niya gagamiti ang anak ay tuluyan ng magmatigas ang asawa niya sa kanya. Pero hindi pa rin talaga nagbago ang isip nito.

He badly needed someone to talk to.. Kaya kahit nawawalan na ng lakas ang kamay niya ay kinuha niya ang cellphone niya para tawagan ang mga kaibigan niya. He needs their advice and suggestions on how he can win his wife again. At gusto niyang maglasing.

"Bry?" Sagot ni Nathaniel pagkatapos nitong sagutin ang tawag niya.

"Inom tayo. Yayain mo sila. I need some c-company.." Sabi niya dito.

"Sure! Where to?"

"Sa paborito natin." Sabi lang niya dito at agad nitong nakuha 'yon.

Pagkababa niya ng tawag ay napatingin siya sa oras ng phone niya. Its only 4 in the afternoon. That's good then, para mas mapadami niya ang inom niya.

"B-Bryan Lopez?" Sabi ng isang babaeng buntis na lumapit sa kanya.

Naimagine niya tuloy ang asawa niya na ganito na kalaki ang tiyan kaya napangiti siya. Mas lalo itong gaganda panigurado. It gives him comfort while imagining his wife very pregnant like this lady in front of her. Gumaan talaga ang pakiramdam niya.

Tumango siya sa babae.

"P-Pwedeng magpapicture? Idol ka kasi ng panganay ko." Sabi nito sabay turo sa anak nitong babae na nakatago pala sa likod nito. Pagkakita niya sa bata ay kamukhang-kamukha ito ng ginang.

He was never an approachable type of celebrity pero pumayag siya. Wala na siyang paki kung makunan siya nitong mugto ang mga mata.

Sumaya ulit ang pakiramdam niya habang naiisip na sana babae din ang unang anak nila ng asawa. Tapos kamukha din nito.

Damn!

Mas lalo tuloy siyang naging determinado na suyuin ang asawa niya. Naisip na lang niya na baka kailangan nga nila ng space, and he will give his wife tonight and tomorrow. But on the next day after tomorrow ay susuyuin niya ulit ito kahit pagtabuyan pa siya nito. Hihingi muna siya ng tips sa mga kaibigan. Alam niyang tutulungan siya ng mga ito.

Pagkatapos magpicture ng ginang at anak nito sa kanya ay nagpasalamat ang mga ito. Hinalikan pa siya sa pisngi ng bata kaya mas lalo tuloy siyang naiyak. A crowd is already forming and was about to approach him but he immediately walked away.

Kakarating lang niya sa paborito nilang hang-out place ng mga kaibigan. Kilala na nila ang may-ari niyon. Nagtext na ang mga ito sa kanya kanina na nakarating na ang mga ito. Nag order na rin daw ang mga ito ng mga inumin at pagkain kasi gutom na daw si Justin.

Hindi na siya nagsuot ng disguise at basta na lang siyang pumasok sa loob. Rinig niya ang pagtawag ng mga tao pero tuloy-tuloy lang siyang dumiretso sa loob. Nasa VIP lounge na nga ang mga kaibigan niya at agad siyang kumaway sa mga ito habang tinitingnan siya ng seryoso na para bang isa siyang puzzle.

Alam niyang ramdam na ng mga ito na may problema siya. Kaya pagkaupo niya pa lang sa tabi ni Nathaniel ay agad na siyang nagkwento sa mga ito tungkol sa nangyari kanina. Lahat-lahat sinabi niya sa mga ito.

"Damn! Georgina deserves to rot in jail!" Agad na komento ni Russel ng sinabi niya sa mga ito na nakakulong na nga si Georgina.

Inupdate na siya ng abogado niya habang nasa byahe siya and he insisted that it should be a no bail case. Sabi ng abogado niya gusto daw siyang kausapin ni Georgina, but he rejected it, of course. Wala na silang dapat pang pag-usapan. Maayos ang pakikitungo niya dito, pero sinaktan lang nito ang asawa niya and what she did to his wife is unforgivable.

Bakas sa mukha ng mga kaibigan na kahit ang mga ito ay nalungkot at nabahala sa nangyayari sa kanila ng asawa niya. Lalo na ng umiyak siya sa harap ng mga ito.

"Ano na ngayon ang plano mo, Bry?" Tanong naman ni Nathaniel sa kanya.

"Dapat suyuin mo ng maayos si Kyra ganda, big bro!" Sabi naman ni Justin na tinanguan ng lahat.

"Y-Yeah. Kaso sobrang tigas ng asawa ko. Sumuko na siya but I won't. She needed space and I will give her that until tomorrow. Pero babalik at babalik pa rin ako doon. Susuyuin ko siya hanggang sa mapatawad niya ako."

"We can help you, bud." Sabi naman ni Wilbert.

"H-How?"

"Kami ang bahala." Sabi ulit ni Wilbert at nagsimula na nga ang mga ito sa pagplano at nakikinig siya ng mabuti sa mga ito.

He will forever be grateful for his friends. Swerte niya kasi nagkaroon siya ng mabubuting mga kaibigan. Minungkahi pa ng mga ito na unahin niya daw muna ang mga in-laws niya. He needs to win their trust again para matulungan din siya ng mga ito sa asawa niya. And this time, ay itatama na talaga niya ang lahat. Kapag tatanggapin na ulit siya ng asawa niya ay gagawin na niya ang lahat para dito. Hindi na niya uulitin ang mga maling ginawa niya. Hinding-hindi na niya ito sasaktan.

'I will win you back, wife, and you will accept me again. I will make sure of that. Just wait for me..' Determinadong sabi niya sa isip habang patuloy silang nagpaplano sa gagawin niya para sa asawa.

Hindi ko alam kung magugustuhan niyo pa ba ang flow ng story ko, or kung na deliver ko ba ng maayos ang pagkakasulat ko dito. hehe. Kaso eto na talaga ang plot nito. Madrama talaga 'to promise. Thankful pa din ako sa inyo lalo na pagbibigay ng oras niyo para sa pagbabasa nitong gawa ko. Hindi ko ineexpect na may magbabasa talaga kaya laking pasalamat ko na may nagsusuporta nito. Again from the bottom of my heart thank you!!♥♥♥

Aybeemingcreators' thoughts
Bab berikutnya