webnovel

Chapter 55

"H-Hubby!" Kyra called out to her husband pagkatapos nitong alisin si Arthur sa pagkakadagan sa kanya.

"Fuck you!" Sigaw ni Bryan kay Arthur habang kinekwelyuhan ito.

Kitang-kita niya ang galit sa mukha ng asawa niya habang sinusuntok nito si Arthur sa mukha. Arthur tried to punch Bryan, too, pero nailagan 'yon ng huli.

"Hubby! T-Tama na!" She wailed while still sitting on the bed.

Kitang-kita niya na halos wala ng patawad si Bryan kay Arthur habang sinusuntok nito ang huli ng paulit-ulit. Ni hindi nito hinayaang magsalita ang taong sinusuntok nito. Ang buong mukha ni Arthur ay puno na ng dugo at pakiramdam niya'y malapit na rin itong mawalan ng malay. And the only thing that's making him stand on his feet is because Bryan is holding his collar tightly.

Gusto niyang lapitan ang mga ito but she just can't do it without risking their baby. Ramdam niya ang panginginig ng katawan niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ni Arthur sa kanya at sa nangyayari ngayon.

"Anong nangyayari dito?!" Sigaw ni dad sa labas ng pintuan ng kwarto nila.

Kahit ang mga kasambahay ay nandoon na rin at natatakot na napapatingin sa nagaganap sa loob ng kwarto nila ni Bryan. Lumapit sa kanya si Manang Rosa at agad na niyakap siya. Agad rin siyang napayakap dito at umiyak sa balikat nito.

"Senyorito, tama na!" Sigaw ni Manang Rosa dito na umiiyak na rin habang yakap-yakap siya.

"Tama na, anak! Mapapatay mo siya!" Sabi ni dad at lumapit sa pwesto ng mga ito para pigilan si Bryan pero hindi pa rin ito natinag.

Hinawakan ni dad ang braso ni Bryan pero agad na piniksi 'yon ng huli.

Maya-maya lamang ay humahangos na dumating ang dalawang drivers at ang hardinero. Agad na hinawakan ng mga ito si Bryan para mabitawan na nito si Arthur. And when he finally did let go of the latter, ay agad na natumba iyon sa sahig.

"Bitawan niyo ako! I'm going to kill that motherfucker!" Sigaw ni Bryan at pilit na pumiglas sa hawak ng tatlong lalaki.

Si dad naman ay lumapit kay Arthur para tingnan ang kalagayan nito.

"Call the ambulance!" Utos agad ni dad at agad namang tumalima ang mga kasambahay na natataranta pa.

"What the hell is happening here? B-Bakit nandito si Arthur sa kwarto niyo? A-Anong nangyayari?" Natatarantang tanong ni dad. "Kyra, iha?"

"H-He tried to v-violate me, dad!" Pagkatapos ay niyakap siya ulit ni Manang Rosa.

"Diyos ko!" Sabi ni Manang Rosa.

"He tried to violate you o may relasyon talaga kayo, ha?!" Galit na anas ni Bryan na siyang nagpaangat ng ulo niya.

Naguguluhan siya habang tinitingnan ito at ilang beses na umiling dito.

"H-Hindi 'yan totoo!"

"Hindi?! Potangina niyo! Who would believe you?! Dito pa talaga sa kwarto ko! You have no shame! Who knows ilang beses na kayong gumawa ng-"

"Bryan, anak. Huminahon ka. Makakasama yan-" Pagputol ni dad sa sasabihin ni Bryan.

Pero pinutol din ni Bryan ang sasabihin nito. "No! Fuck! Ginagago niyo ako! At ikaw!" Sabi nito sabay tingin ng masakit sa ama. "Nagpauto ka sa dalawang 'yan! Tangina! At dinamay mo pa ako!"

Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ni Bryan.

"Ano bang pinagsasabi mo, anak?"

"Sige kampihan mo ang dalawang 'yan. Diyan ka magaling di ba? Ang magpauto sa ibang tao! At dinamay mo pa talaga ako! Potangina mo!" Galit na anas ni Bryan.

"H-Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, anak!"

"Bitawan niyo ako!"Utos nito sa tatlong lalaking nakahawak dito. "Wala ka talagang ka alam-alam. Ipapakita ko sa 'yo, Mr. Sevilla, kung paano tayo inuto ng dalawang 'yan!" Sabi pa nito habang mapait na ngumiti kay dad.

"A-Ano, hubby? Ano bang sinasabi mo?"

"Don't fucking call me hubby!" Maanghang na sabi nito na ikinamaang niya. "Bitawan niyo ako, pota!" Sabi nito sabay piksi ng katawan at nabitawan nga siya ng tatlong lalaki.

"D-Doon na muna tayo sa kwarto ko mag-uusap, anak." Sabi ni dad sa kanila, bago ito bumaling kay Manang Rosa. "R-Rosa, pakiasikaso na lang si Arthur kapag dumating na ang ambulansya at pakisabi na tingnan din si Kyra."

Nauna ng lumabas si dad sa kwarto nila at sumunod si Bryan dito.

"I-Iha.." Sabi ni Manang Rosa sa kanya habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Hindi ko naiintindihan kung ano ang sinasabi ni Bryan, Manang. Hindi ko.." Sabi niya dito.

"Tahan na iha, makakasama 'yan sa 'yo at sa baby niyo. Magiging maayos din ang lahat. Baka.. Baka nabigla lang si Senyorito.." Sabi nito sabay punas sa mga luha niya.

Alam niyang pinapagaan lang ni Manang Rosa ang loob niya pero hindi pa rin talaga matigil ang mga luha niya. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito ngayon.

This day started as a happy day for her, then everything went dreadful. Gustong-gusto niyang sisihin si Arthur dahil sa nangyari. Hindi siya makapaniwalang gagawin nito 'yon sa kanya. Nagpapasalamat rin siya dahil dumating si Bryan at hindi natuloy ang kung ano mang masamang balak ni Arthur. She and their baby could've been in great danger kung hindi ito dumating.

Pero ngayon, ang hindi niya maintindihan ay kung bakit galit na galit si Bryan sa kanya. She needs to know what he meant by his words. Kahit nanginginig pa ang mga paa niya ay tumayo pa din siya sa kama.

"P-Pupuntahan ko po sila sa kabila, Manang. Kailangan ko pong makausap si Bryan.." Sabi niya dito at akmang pipigilan siya pero mabilis na siyang tumakbo palabas ng kwarto nila.

Maingat niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ni Mr. Sevilla at agad niyang narinig ang sigawan ng mag-ama sa loob.

"Hindi 'yan totoo, anak!"

"What the fuck? Inuuto ka na nga nagtatangahan ka pa rin! Pinakita ko na sa 'yo ang mga pictures and video, those are fucking evidences of their affair! Tapos hindi mo pa rin paniniwalaan?! Potangina!"

Huh?

"A-Anong.. Anong affair ang sinasabi mo, h-hubby?" Sabi niya noong tuluyan na siyang pumasok sa loob at agad na sinarado ang pintuan sa likod niya.

Nakita niya ang ekspresyon ng mukha ni dad na parang pinagbagsakan ito ng langit.

Kita niya ang pagngisi ni Bryan sa kanya. "Mag-mamaang-mangan ka pa? Pwede mong mauto si Mr. Sevilla but not me, Kyra. Come here and sabihin mo nga kung paano ka magsinungaling at kung paano mo nauto ang taong 'to." Sabi nito sabay turo sa ama at nilapag ang cellphone nito sa mesa.

Kahit nanginginig ang mga kalamnan ay lumapit pa rin siya at kinuha ang cellphone nito. Sa email nito nakasend 'yon at may caption na "Beware! Your wife is a liar and a scum." from an email address with a username HeretohelpBryan. Napamaang na lang siya ng makita kung ano ang tinutukoy ni Bryan.

The email contains three pictures and a short video file of her and Arthur. One photo was taken last Tuesday when Arthur went here at nasa entrance sila ng mansiyon. Nakaangle 'yon kung saan nakatalikod si Arthur sa kanya kaya parang ang lapit-lapit nila sa isa't-isa.

Ang ikalawang picture naman ay kinunan kanina lang, nasa loob sila ng sasakyan ni Arthur. Ang likod na naman niya ang kita at parang nakatingala siya kay Arthur na nakapikit. At ang labas ay parang naghahalikan sila sa loob ng sasakyan nito.

The last picture was when both of them is walking towards the entrance of a hotel. Its a high-end one at may sariling grocery ang hotel na 'yon. 'Yon na ang pinakahuling grocery store na pinuntahan nila kanina dahil doon na rin siya nakabili ng sago na kailangan niya. 'Yon lang din ang time na sinamahan siya ni Arthur pumasok.

Pagkaclick niya ng video file ay mas napamaang siya. Kinunan din 'yon noong Tuesday and the video seems like Arthur was holding her while kissing her tapos ng tumalikod ito ay nanatili siyang nakatingin sa likod nito.

Ang galing ng pagkakuha ng pictures at ng video dahil ang makakapanood niyon ay mapapaisip talaga na may ginagawang kababalaghan ang mga kinunan. Na may relasyon ang mga ito.

"You're even wearing the same clothes just like in the pictures. Bakit? Hindi pa kayo nakuntento sa hotel kaya pinili niyo ulit na babuyin ang kwarto k-ko?" Maanghang na sabi ni Bryan at pumiyok pa ito. "Damn it! Umuwi ako to surprise you, pero sa huli ako pala ang masusurpresa! You just don't know how I feel pagkatapos kong mabuksan ang email na 'yan! Now, tell me, Kyra. Bakit? B-Bakit mo nagawa 'to? Bakit mo ako nagawang lokohin at bilugin? To think, I even fell madly in love with you. Did you and Arthur plan this? Ginawa ko rin naman ang lahat para itama ang mga pagkakamali ko sa 'yo ah, and this is how you repay me?"

Binitawan niya ang phone nito at mabilis din 'yon kinuha ni Bryan. "Y-You don't understand. T-Those are all fake! Tingnan mo ang mga angle, Bryan! H-Hindi ko kayang lokohin ka, mahal na mahal kita!" Sabi niya dito at akmang hahawakan ang kamay nito.

Umilag ito at patuloy na umiiling-iling sa kanya.

Namumula ang mga mata nito habang mariin na nakatingin sa kanya. "Tell me, paano ako maniniwala sa 'yo when you didn't even tell me na pumunta dito si Arthur at nag-usap kayo? Tsk. Stop with your pretensions. Its over, Kyra. Too bad, I found out. Maybe that's also the reason kung bakit may tumutulak sa 'king umuwi ngayon. Para mahuli ko kayo. Kaya pala pinipigilan mo 'kong umuwi ngayong araw. Everything makes sense now. I'm glad someone sent me these evidences." Bigong sabi nito.

"I'm begging you, maniwala ka, hubby. Please, maniwala ka. H-Hinding-hindi ko magagawa ang mga 'yan sa 'yo.. I'm begging you." Pagmamakaawa niya dito pero masiyadong matigas na si Bryan.

Sarado na ang isip nito.

"Anak, maniwala ka sa asawa mo. I know, Kyra, will never do that."

Tumayo ito at agad ng tumalikod sa kanila pero tumigil naman malapit sa pintuan. "Kasalanan mo 'to, Mr. Sevilla. I was living my life after I left you and this mansion. I have never asked you anything pagkatapos kung lumayas dito and I finally came back to ask for your help. But instead you turned my life upside down and made it fucking miserable. Bakit kasi nagpauto ako sa 'yo? Sa inyo? When I fucking know you have your ulterior motives kaya gusto mong bumawi sa 'kin. Now, if you really do treat me or even love me as your son, then its best if you help me get out of this arrangement." Narinig nila ang malakas na pagbuntong hininga nito. "P-Process the d-divorce papers for us, Mr. Sevilla." Sabi nito at agad ng humakbang para umalis.

Napamaang silang dalawa sa sinabi nito. Mas lalo rin siyang napaiyak habang nakatingin sa likod nito.

Bakit ganoon? Bakit ang bilis maniwala ni Bryan! Sabi nito mahal siya nito, bakit hindi nito kayang paniwalaan ang katotohanan? And now he's asking for a divorce. Bakit ambilis magdesisyon nito?

"Anak! Bumalik ka! We're not done talking! Please, anak! Pakinggan mo ang asawa mo!" Sabi ni dad at agad na sinundan si Bryan na tuluyan ng lumabas ng kwarto nito habang siya naman ay nanatiling nakatulala at umiiyak sa loob.

"Bryan! A-Anak!" Dinig niyang sigaw ni dad sa labas at bigla na lang may kumalabog.

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at nataranta ng makita si dad na nakahandusay na sa sahig habang sapo ang dibdib nito.

"Dad!" Sigaw niya at agad na dumalo dito.

"Don Eduardo!"

"Senyorito! Ang ama mo!" Dinig niyang sigaw sa baba.

She was about to give dad a CPR kahit nanginginig siya pero humahangos na dumating si Bryan at agad na dinaluhan ang ama nito. Mabilis nitong binuhat ang ama pababa ng hagdanan. Sumunod na rin silang lahat dito.

"Kakaalis lang ng ambulansya!"

"Manong Andres!"

"Ang sasakyan, Manong Andres!"

"Don Eduardo! Diyos ko!"

Nagkakagulo na silang lahat at natataranta na. Pagkalabas ni Bryan ng mansiyon ay agad nitong pinasok ang ama sa sasakyan. Ito na rin mismo ang nagdrive at mabilis na pinasibad 'yon, hindi na inantay si Manong Andres.

"Iha! Pupunta tayo ng hospital! Sakay ka na! Susundan natin si Senyorito!" Pukaw sa kanya ni Manang Rosa.

Napatulala na pala siya habang nakatingin sa sasakyan ni Bryan. Agad rin siyang pumasok sa loob ng sasakyan at bumyahe na nga sila papunta sa hospital. Kahit sobrang bilis ng patakbo ni Bryan ay naabutan rin ito ni Manong Andres kaya nakasunod na sila dito.

"Diyos ko! Sana maging okay si Don Eduardo!" Sabi ni Manang Rosa habang umiiyak ito. "Diyos ko! Tulungan Niyo po siya!"

Napaiyak na lang siya at taimtim ring nagdasal sa isip niya.

Sana binabangungot lang siya ngayon! At kung bangungot nga ito sana may gumising na sa kanya!

Kung ano man ang mangyari kay dad ay wala siyang iba pang sisisihin kundi ang sarili niya! This mainly happened because of her. She brought this to herself and to the family.

Bakit kasi naisip pa niyang maging instrumento para maging maayos sina Bryan at Arthur?

Ang rason niya kung bakit hindi niya sinabi kay Bryan na nag usap sila ni Arthur ay dahil ayaw niyang magselos ito. Mas gusto niyang sabihin dito lahat pag-uwi nito. Now, look at what happened because of her stupid decisions!

Kung iniwasan niya pa rin sana si Arthur 'di sana'y hindi makakatanggap ng pictures at videos si Bryan na puro kasinungalingan naman. Wala sanang magagamit na rason ang taong gustong sumira sa kanila! Hindi sana'y wala silang problema ngayon! Kasalanan niya lahat 'to! Ito ang pinakamaling desisyon na ginawa niya sa buhay niya at ngayon ay pinababayaran na niya!

'Lord, please save my father-in-law! Kahit maghiwalay na kami ni Bryan tatanggapin ko, huwag lang mawala si dad! Huwag lang siya, Lord!' Taimtim niyang dasal sa isip niya habang patuloy na umiiyak.

Bab berikutnya