webnovel

Chapter 28

Takot na takot siya kay Cindy lalo pa noong nalaman niyang best friend pala ito ni Georgina. Paniguradong wala siyang kakampi dito! At mas lalo pa siyang kinabahan nang inangat nito ang kamay na parang gustong makipag handshake sa kanya pero nanatiling maldita ang itsura nito. Pero tinatagan niya ang sarili at tiningnan rin ito pabalik at ginaya ang pagkamaldita nito. Hindi niya rin inabot ang kamay nitong nakalahad.

Nagulantang na lang siya ng biglang tumawa ng malakas si Cindy na parang sobrang naamuse sa kanya.

"She's so cute and adorable, Bryan!" Nagagalak na sabi ni Cindy na siyang ikinagulat niya. Bumungisngis pa ito sa kanya at tumingin pa kay Bryan.

Hinawakan nito ang kamay niya at agad siyang iginaya palapit kay Bryan. "Come and sit beside your fiancee, cute Kyra, so, we can start with your wedding plans na!" Excited na sinabi nito.

'What the?'

Maldita si Cindy kanina tapos bigla itong naging mabait and friendly sa kanya? Sino ang hindi mapapanganga? And she's smiling widely at her now! Nakakatakot! Bipolar ba ito?

"Hey! Upo ka na!" Natawa ulit ito ng tiningnan niya lang ito na parang naguguluhan dito. "Uy, cute Kyra! Don't look at me like that! I'm just teasing you a while ago, ano! Yeah, yeah! I'm Georgina's best friend but don't worry. I don't mix work with my personal life. C'mon, sit down na."

Kahit nagugulantang pa rin siya talaga dito ay sinunod naman niya ang sinabi nito. Naupo siya sa tabi ni Bryan na nanatiling tahimik at nakapoker face.

"Anyway! Napag-usapan na namin 'yong motif ni Bryan kanina. Plain white daw, is that okay with you? Nasabi ko nga sa kanya na sana pastel colors para kahit paano may dagdag na color. What do you think?" Sabi ni Cindy.

"Uhm.. Okay na ako sa plain white.."

Though mas gusto niya nga ang idea na pastel colors.. but susundin na lang niya ang sinabi ni Bryan.

"You sure?"

Tumango lang siya dito. "Ikaw na ang bahala, Cindy."

"Hay naku! This is one of the most boring and dull wedding that I will be handling then. Anyway, hindi pa naka decide si Bryan ng location ng kasal niyo, church and reception. And, the designs of your wedding gown, the clothes of your entourage, cake flavor and design, the flowers to be used for the decors and your bouquet."

"I want it simple, Cinds." Tipid na sabi ni Bryan. "Ikaw na ang bahala." Dagdag pa nito.

"Fine! Fine! But I want cute Kyra to choose her wedding gown, huh? Alam mo Bryan, this is one of the most awaited event of every women, so make your bride happy, nu. Basta ako na bahala sa lahat ha? Ayoko masira ang credentials ko. You know naman I'm already famous on this field tapos masisira lang because of your wedding." Nakasimangot na sabi ni Cindy. "Let's go, cute Kyra! I'll show you some of my masterpieces."

Tumayo na rin si Cindy at hinila siya patayo at inakay papunta sa malayong bahagi ng shop nito kung saan may nakadisplay na iba't ibang gowns. Sumama din ang isang assistant yata ni Cindy sa kanila.

"Mas maganda sana if magpapatahi ka talaga ng sariling design na gusto mo. But you're wedding is 13 days from now, my gosh! Good thing you're sexy kahit na medyo pandak." Nangingiting sabi ni Cindy.

Napalabi tuloy siya sa sinabi nito.

'Sorry naman kung pandak ako. Eh matatangkad at higante kayo eh. Hmpf! Kayo na pang mowdel.' Sabi niya sa isip pero nangingiti na lang din dahil kahit paano ay gumaan ang loob niya kay Cindy.

"Ang gaganda.." Anas niya ng tiningnan na niya isa-isa ang mga gawa nitong gowns.

"I know right! Thank you." Maligyang sabi nito at hinayaan siyang pumili na sa mga nakadisplay doon.

Napanganga na lang siya ng dumapo ang tingin niya sa isang gown na off-white ang color. Tube 'yon na may sweetheart neckline, puno din ng beads and embellishments ang sa skirt niyon, at parang may three-feet long na train.

"You like this one?" Tanong sa kanya ni Cindy, nang tumango siya ay pumalakpak ito. "Perfect!"

Agad nitong kinuha 'yon at inutusan siyang i-fit 'yon.

Kanina pa siya nasa loob ng fitting room at kahit medyo malaki at mas mahaba ang gown sa kanya at nahuhulog 'yon sa boobs niya ay nasasayahan pa rin siya sa nakikitang repleksyon sa salamin.

'Ang ganda mo, Kyra Mae. My gosh! Natotomboy ako sa 'yo!' Sabi niya sa isip at pinagmamayabang pa ang itsura niya.

"Hindi pa siya tapos, Cinds?" Dinig niyang boses ni Bryan na pumunta na pala doon sa kanila.

"She's still inside, Bryan! Wait ka lang diyan, nu. Atat much?" Sabi ni Cindy na tunog nanunukso.

Bago pa niya marinig ang sagot ni Bryan sa sinabi ni Cindy ay lumabas na siya sa fitting room. Kitang-kita niya ang paglaki ng mga mata at pag-awang ng mga bibig nina Cindy at ng assistant nito pagkakita sa kanya.

Ayaw niya sanang tingnan si Bryan pero napabaling pa rin dito ang tingin niya. Nakamaang ito sa kanya at kita niya rin na napanganga ito pero agad nitong tinikom 'yon. Umiwas ito ng tingin at napatikhim.

"So pretty! Perfect choice, girl!" Anas ni Cindy sabay lapit sa kanya kaya napabaling na dito ang tingin niya. "We just need to do some alterations here, here, and here." Dagdag nitong sabi ng nakitang nahuhulog na 'yon ng slight sa dibdib niya.

Hawak ni Cindy ang tape measure at nilalapat 'yon sa katawan niya. Ang assistant naman nito ang nagsusulat ng mga kuha nitong measurements. Nagbibigay din ng detalye si Cindy sa assistant nito kung ano ang mga kailangang gawin.

Hindi na niya tiningnan ulit si Bryan at umalis na lang ito. Siguro'y bumalik na sa opisina ni Cindy. Pagkatapos ni Cindy ay sinabihan na siya nitong magpalit ulit at marami pa silang kailangang planuhang detalye ng kasal nila ni Bryan.

Tama nga ang hula niya at bumalik na doon si Bryan sa opisina ni Cindy. Nakaprenteng upo ito na parang may malalim na iniisip pagkadating nila. May nakaserve na ring mga meryenda sa mesa. Nang napansin na sila ni Bryan ay dumiretso ito ng upo at inabot ang tasa ng kape at sumimsim doon.

Pinagpatuloy na ni Cindy ang mga detalyeng kailangan pa nila para sa kasal pagkaupo nilang dalawa. Tumatango lang si Bryan habang tinatanong sila ni Cindy at nagbibigay ito ng suggestion sa kanila. Ginagaya na lang din niya si Bryan. Umaayon na lang din siya sa lahat ng sinasabi ni Cindy.

"Hay naku! Am I the one who's going to get married here? Ewan ko sa inyo!" Asar na anas ni Cindy.

Narinig niyang napabuntong-hininga si Bryan, "As I've said Cinds, ikaw na bahala. Anything is fine. Ang importante lang ay makasal kami base sa kagustuhan ng ama ko."

Napakagat-labi tuloy siya sa sinabi nito.

"Okay, okay!" Sabi ni Cindy. "Sige na umalis na kayo, at ako na lang ang magpaplano ng kasal niyo na parang kasal ko. Tss."

Pagdidismiss nito sa kanila ni Bryan. Agad na itong tumayo at inirapan silang dalawa.

"Sobrang swerte mo, Bryan! If I were in your shoes, I won't let her go." Anas nito bago umalis at iniwan silang dalawa ni Bryan na nagulantang sa opisina nito.

"Let's go." Dinig niyang sabi ni Bryan sa tabi niya at mabagal na tumayo.

"W-Where?"

"We need to talk, Kyra." 'Yon lang ang sabi nito at nauna nang lumakad palabas ng opisina ni Cindy.

Napahugot muna siya ng hininga bago siya sumunod dito.

20 minutes na yata sila nasa loob ng kotse ni Bryan at feeling niya malapit ng mapanis ang laway niya. Hindi niya alam kung saan sila tutungo. Tatanungin na sana niya ito ng bigla itong lumiko sa isang kilalang hotel.

"Hotel? A-Anong gagawin natin dito?" Kinakabahang tanong niya.

Dinig niya ang malakas na pagbuga ng hangin ng katabi, "Talk. Don't worry wala akong gagawin sa 'yo." Seryosong sagot nito sa kanya.

Nang nasa entrance na sila ng hotel ay agad itong bumaba sa kotse at pinagbuksan siya ng pinto. May lumapit ring valet sa kanila at ibinigay ni Bryan ang susi ng kotse nito dito.

Hinawakan naman ni Bryan ang braso niya at iginaya siya papasok sa hotel. Kahit kinakabahan ay sumunod pa rin siya dito. Kitang-kita niya ang pagkamangha ng mga tao pagkakita kay Bryan kaya agad niyang binawi ang braso niya sa pagkakahawak nito. Nagulat din yata ito kasi agad siya nitong binalingan pero dumiretso na lang din ito sa receptionist na halatang nagpapacute dito para makakuha na ng kwarto.

'Mag-uusap lang, 'di ba? Ba't kailangang sa hotel pa? Pwede naman restaurant or sa kotse na lang nito. Hmm.. Honeymoon na ba 'to?!' Usal niya sa sarili pero agad na kinurot ang braso niya sa kalokohang naisip.

Nang nakakuha na ito ng card para sa isang kwarto doon ay agad siya nitong binalingan. Nauna na rin itong humakbang papunta sa elevator. Alam na niya ang ibig sabihin ng tingin na 'yon kaya sumunod din siya rito.

Habang lulan ng elevator ay ramdam na niya ang pagpawis ng buong katawan niya. Kinakabahan siya sa kung ano man ang gustong sabihin ni Bryan sa kanya, at sana hindi kasali sa pag-uusap nila o sa gagawin nila 'yong naisip niya kanina.

Jeskelerd!

Nang nasa tamang palapag na sila ay nauna na rin si Bryan sa paghakbang papunta sa kwartong nakuha nito. Sumunod pa rin siya dito kahit nagdadalwang isip pa rin talaga siya, pero mas lalo na talaga siyang kinakaban ng binuksan na nito ang pinto ng kwarto at nauna na itong pumasok.

"Pasok." Sabi nito habang hawak ang pinto.

Nag-aalinlangan pa rin talaga siyang pumasok at bakas yata sa mukha niya 'yon kaya dinig niya ang sobrang frustrations ni Bryan sa pagbuga ng hangin.

"Wala akong gagawin sa 'yo, okay? C'mon!"

Kaya pumasok na lang rin siya sa loob at agad ring isinara ni Bryan ang pinto. Nakahinga lang siya ng maluwag ng hindi nito nilock 'yon.

Dumiretso na ito sa isang upuan doon at minwestra sa kanya ang kama.

"Sit."

Medyo malayo 'yon sa inuupuan nito kaya napanatag na rin siya. Mabagal siyang umupo doon at agad ni iginala ang mukha sa buong kwarto. Parang ayaw niya pang tingnan ito.

"Kyra."

"Hmm?"

Parang sobrang problemada ang itsura ni Bryan.

Napabuga ito ng hangin, "I know. Ayaw mo din sa kasal na 'to. Alam kong napipilitan ka lang din dahil sa ama ko. As much as I wanted to back-out.. but I freaking can't. I think alam mo na kung bakit hindi pwede. So please. You have the chance to call-off the wedding. Gawin mo na, habang maaga pa."

Nalulungkot siya sa mga sinabi nito. Umasa kasi siya. Akala niya may pag-asa. Kaya nga sabi nila 'di ba? Maraming namamatay dahil sa maling akala? Tama pala 'yon kasi ramdam na ramdam niya ang pagkamatay ng puso niya. Pero hinding-hindi niya ipapakitang nasasaktan siya ngayon. She needs to show him that she's strong. She needs to!

"I-I'm sorry, Bryan. Nakapagdecide na ako. I won't call off the wedding. Pasensiya na." Sabi niya at akmang tatayo na sana pero napabalik siya sa inuupuan ng tumayo si Bryan.

"W-What?! Kyra! May girlfriend ako! Alam mo 'yan! Gusto mo bang magkasira-sira ang buhay nating lahat dahil sa pesteng kasal na 'to?! Payag kang magpakasal sa taong hindi ka mahal? I don't fucking love you! Marriage should only be done between couples who are in love, and we're not them! Mag-isip-isip ka!"

"I don't care if there's no love involved between us, Bryan! I already made up my mind. I'm gonna pursue this wedding kahit ano pang mangyari!" Matapang na sagot niya dito at mabilis na tumayo at akmang iiwan na ito doon.

Pero mabilis na hinawakan ni Bryan ang braso niya na siyang nagpigil sa kanya sa paghakbang. "I can't afford to lose Georgina, Kyra. Siya lang ang babaeng papakasalan ko! So, I'm warning you. Call off the wedding or else!" Mariin na sabi nito at ramdam din niya ang pagdiin ng pagkakahawak nito sa braso niya.

Piniglas niya ang braso niya para mabitawan nito 'yon pero mas lalo lang dumidiin ang pagkakahawak nito. Feeling niya magkakapasa talaga 'yon.

"You're hurting me!" Anas niya dito.

Siguro'y nakonsensiya si Bryan kaya dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya at mabilis niya ring inilayo ang sarili dito.

Malakas na napabuntong-hininga ulit ito, "Please, I beg you. Just help me out. Call off the wedding and that's it. I will never bother you again, kahit kay Mr. Sevilla hindi na ako magpapakita. Don't make this hard for us, Kyra."

Dahil sa sinabi nito ay mas lalo siyang naging desidido sa desisyon niya.

"I'm sorry. But I'll stick to my decision." Mahinang sabi niya dito at mabilis na humakbang palabas ng kwarto.

"I'll make you suffer throughout our marriage, Kyra! Do you hear me?!" Malakas na sigaw ni Bryan pero hindi na siya nito hinabol hanggang sa binuksan na niya ang pinto.

Nasa labas na siya ng pinto at tiningnan itong sobrang bigo ang itsura pero galit na mga mata ang nakatingin sa kanya.

"I won't change my mind, Bryan. See you on our wedding." Dagdag niya at tipid na ngumiti pa dito bago tuluyang isinara ang pinto at iniwan ito.

Bab berikutnya