webnovel

Chapter 2

Napanganga siya pagkakita niya sa bahay, este sa mansion na nasa harap niya. Grabe yemen ng magiging pasyente niya, my ghad. Excited siyang kinuha ang maleta at maliit na bag niya sa compartment ng taxi na sinakyan niya.

Napatingin ulit siya sa kabuoan ng mansion.

'Sobrang ganda kahit sa labas pa lang, ay. Sana all.'

Pinagpatuloy niya na ang paglalakad at agad pinindot ang button sa intercom.

"Good morning, Ma'am. Ano po kailangan nila?" Bati ng isang malamyos na boses sa speaker ng intercom.

"Hello po! I'm Kyra Melendez. Ako po 'yong pinadalang private nurse para kay Mr. Sevilla." Sagot niya.

"Ay! Ok po Ma'am! Pasok po kayo." Sagot sa kabilang linya.

Then narinig niya na lang ang pag automatic unlock ng gate.

'Bongga.'

"Thank you po!" Sabi niya sabay pasok na sa loob.

Medyo malayo pa 'yong nilakad niya bago niya narating ang mismong mansion. Manghang mangha talaga siya lalo na noong nakalapit na siya sa malaking pinto na kung saan ay may nag-aantay sa kanyang isang magandang babae na naka maid uniform. Tantya niya ay kaedad niya lang yata 'yong babae.

"Hello!" Bati niya dito ng nakangiti sabay wagayway ng dalawang kamay.

Napahagikhik ito, "Hello po, Ma'am. Pasok po kayo."

Agad siyang tumalima at mas lalo pang namangha noong nakapasok na. Sobrang yaman talaga ng pasyente niya. Makikita talaga 'yon sa mga muwebles, mga painting, ang napaka eleganteng chandelier sa gitna ng mismong sala, at ang sobrang laki at garang staircase.

"Wow!" Hindi niya na talaga napigilan ang pagkomento. "Sobrang yaman naman ni Mr. Sevilla! Sana all!"

Napahagikhik ulit 'yong babae, sabay muwestra sa malaking sofa, "Upo po muna kayo, Ma'am. Sabihan ko lang po si Don Eduardo na nakarating na po kayo."

"Sige. Thank you po!" Sagot niya ditong nakangiti sabay upo at gala ulit ng mga mata sa buong sala.

Napadako ang mga mata niya sa malaking family portrait na nasa taas ng bonggang fireplace. Hindi niya napigilang tumayo at lumapit doon.

'Oh. May isang anak na lalaki pala si Mr. Sevilla at ang sobrang ganda naman ng asawa niya. Hmm.. Ang bata pa yata ni Mr. Sevilla dito sa picture, for sure malaki na 'tong anak niya. Ilang taon na kaya siya ngayon? Pogi 'to panigurado. Ahihi.' Sabi niya sa isip niya.

Sa sobrang pagcoconcentrate niya sa iniisip at kakatingala sa itsura ng anak ni Mr. Sevilla, ay hindi niya napansin na nasa likod niya na pala 'yong magandang katulong kanina.

"Ma'am.." Tawag nito sa kanya.

Agad siyang napatili ng slight sa gulat.

"Ay, sorry po Ma'am! Hindi ko po sinasadyang gulatin ka." Sabi nito na parang nahindik sa pagkagulat niya.

"Hindi, hindi. Ok lang, Miss! Kasalanan 'to ng kape, at naging magulatin ako. Haha." Sabi niya dito sabay tawa. "Ano pala name mo? At ilang taon ka na?" Tanong niya.

Paakyat na sila noon sa hagdanan, "A-ako po si Grace, Ma'am, twenty-three na po." Mahiyain talaga ito pero magaan agad ang loob niya dito.

"Waaa! Magka-edad lang pala tayo, Grace eh! Tawagin mo na lang akong Kyra, 'wag na Ma'am feeling ko matanda na ko niyan eh!" Sabi niya ditong nakangiti.

"Sige po, K-kyra." Tugon nito na parang nahihiya pa pero napangiti din sa kanya.

Tumigil na din sila sa isang pinto at agad kumatok doon ng dalawang beses si Grace bago nito binuksan ng tuluyan at iginaya siyang pumasok sa loob. Hindi na talaga siya nagulat nang nakita niya ang loob ng kwarto, sobrang laki noon. Four times yata ang laki noon sa kwarto ng mga magulang niya.

Agad dumapo ang tingin niya sa malaking kama kung saan nakaupo si Mr. Sevilla sa gitna. Nakangiti itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Grace.

"Good morning po, Mr. Sevilla! I'm Kyra Mae Melendez po, but you can call me Kyra for short. Ako po 'yong inassign ni Ma'am Ember na maging private nurse niyo." Maligayang bati niya dito.

"Welcome to my house, Kyra. I do remember you. Kahit na fifty na ko, at malapit ng maging senior citizen ay hindi ko pa din nakakalimutan ang mga magagandang katulad mo." Sabi ni Mr. Sevilla.

"Aysus, mambobola ka pala Sir. Hehe!" Sabi niya dito na napahagikhik.

Natawa talaga ito sa sinabi niya, "Magpahinga ka na muna ngayong araw, Kyra at bukas ka na magstart. Feel at home, huh? And since dito ka magsistay for six months, then mas mabuti siguro if maging familiar ka sa buong bahay. Si Grace na ang bahalang magtour sa'yo." Sabi nito ng nakangiti.

"Thank you po sobra, Mr. Sevilla. Its a great honor po 'to serve you. I promise you po, I'll be your greatest nurse ever!" Sabi niya dito sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa.

Tawang-tawa na napailing na lang si Mr. Sevilla at Grace sa kanya.

"You're welcome, and thank you din, Kyra. Ituturo ni Grace kung saan ang magiging kwarto mo para makapagpahinga ka na din. Huwag kang mahiyang sabihin sa kanya ang mga kailangan mo, okay?" Sabi ni Mr. Sevilla.

Sumunod na siya kay Grace palabas sa kwarto ni Mr. Sevilla pagkatapos nilang magpaalam. Umakyat ulit sila papunta sa third floor ng mansiyon. May walong guest rooms doon, at ang unang pinto sa kaliwang hall ang binuksan ni Grace.

"Eto ang magiging kwarto mo, Kyra." Sabi ni Grace sabay giya sa kanya papasok ng kwarto.

"Wow! Ang ganda naman nito, Grace! Hindi ko talaga mapigilan ang mapa-wow sa sobrang ganda ng bahay ni Mr. Sevilla. Sana all meyemen!" Komento niya pagkakita niya sa kwartong inilaan sa kanya.

Doble ang laki noon sa kwarto niya, my ghad. Pink pa halos lahat ng gamit sa loob ng kwarto na 'yon, at 'yong kama parang pang prinsesa lang.

Grabe, grabe.

Buti na lang talaga at pumayag siya kay dragon ah. Gusto niya tuloy tumawag dito at magpasalamat. Hehe. Naglakad siya papasok sa isang pintuan doon at mas lalo siyang namangha sa nakita. Bathroom iyon, tapos halos lahat ay pink pa din, kahit na 'yong bath tub.

Bumalik ulit siya sa kama at umupo doon habang dinadama ng kamay ang fluffy pillow na kulay pink, habang si Grace ay nanatiling nakatayo malapit sa pinto.

"Halika dito, Grace. Upo ka sa tabi ko." Tawag niya dito. Nahihiya pa itong lumapit pero tumalima din at umupo sa tabi niya. "Ui, Grace. Pwede magtanong about sa family ni Mr. Sevilla? Hindi ko yata napansin ang asawa't anak niya. Nakita ko kasi 'yong picture nila doon sa sala."

Oo na! Chismosa lang talaga ampeg niya. Curious siya eh, bakit ba?

Parang nagdadalwang-isip pa 'tong sumagot kaya napatikhim muna ito bago sinagot ang tanong niya, "Uhmm.. P-patay na po nang dahil sa cancer si Donya Carmelita, 'yong asawa ni Don Eduardo. Magsasampung taon na po. T-tapos si senyorito po, uhmm.. may hidwaan po sila ni Don Eduardo, sabi noong mga dati pa nilang kasambahay. Sa tatlong taon ko na pong paninilbihan dito ay apat o limang beses ko palang yata siya nakitang bumisita dito."

Nakaramdam siya ng lungkot sa nalaman, "T-talaga, Grace? Nakakalungkot naman pala ang nangyari sa buhay ni Mr. Sevilla. Pero... Grace.. Pogi ba siya? Ilang taon na siya?"

Curious lang talaga siya, nu. Pero honestly, nalungkot talaga siya sa nalaman.

Napatili ito ng slight. Ay wow.

"Oo, Kyra! Sobrang gwapo!" Sabay tili ulit. "Mas matanda sa 'tin ng three years yata."

"Really??" Medyo malandi lang ng slight.

"Oo, promise! Lalo na kapag nakasmile siya. Tsaka kilalang artista 'yon! Kaso 'di masyadong ngumingiti 'yon kapag bumibisita dito." Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. "Sana nga magkaayos na sila ni Don Eduardo, sobrang saya kasi ni Don kapag nandito ang anak niya kahit hindi 'yon nagtatagal."

"Ahay.. Kawawa naman si Mr. Sevilla.. Pero artista pala anak niya? Anong name? Baka kilala ko?" Tanong niya na parang naexcite ng unti.

"Sa pagkakaalam ko Edward Bryan Sevilla talaga name niya, Kyra, pero 'yong screen name niya ay..

Bryan Lopez."

Bab berikutnya