webnovel

Chapter 19

Melbourne Airport,

Australia

Napatingin siya sa batang babaeng kumalabit sa kanya. Sa tantya niya ay nasa tatlong-taong gulang na ito.

Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong at napakaganda ng itim na itim na mata. Mamula mula ang kutis nito na lalong tumingkad dahil sa kulay mais nitong buhok. Para itong manikang gumagalaw.

Parang may kumurot sa dibdib niya habang nakatingin dito. Yumuko siya upang makapantay ito.

"Hello" bati niya dito. Nginitian niya ito na ginantihan din nito ng ngiti. Lubamas tuloy ang bungi nitong ngipin na mas lalong nag pa cute dito.

"Mama" tawag nito sakanya. Natigilan siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya sa tinawag nito sakanya. Bigla ay parang gusto niyang umiyak. Ilang beses niya bang pinangarap na may tumawag sa kanya ng ganon?

"Julianna!"

May lumapit na isang babaeng nasa mid thirties na ang idad at naka scrub suit na pink. Agad nitong Binuhat ang bata na kaharap niya "Naku kang bata ka malilintikan ako sayo nyan eh!" sermon nito sa bata. Lumabi lang si Julianna at humilig sa balikat ng hinuha niya ay nanny nito. "Sorry maam" baling sakanya ng yaya.

"Ok lang po" nakangiting aniya.

"Filipina ka mam?"

"Opo."

"Ay muka kang porener mam. Kinulit kaba ng alaga ko mam?" magiliw na tanong nito sakanya.

"Hindi naman. Kakalapit niya lang sakin ng dumating ka"

Na ilang siya ng mapansing titig na titig sakanya ang nanny ng bata. "Artista kaba mam? Para kasing nakita na kita mam."

Tinawanan niya lang ito. "Generic kasi ang mukha ko"

"Ay ganon ba yun" tumawa ito. "Mano mam dito na ho kami at kanina pa ito hinahanap ng daddy nito. Kuu mapapagalitan nanaman ako"

"Bye Julianna" hinimas niya ang ulo ng bata. Napansin niyang lumungkot ang magagandang mga mata nito.

"Bye Mama.." malungkot na anito at iwinave pa ang kamay sakanya.

Napatulala naman siya. Parang gusto niyang habulin ang mag yaya. Parang may bahagi ng puso niya na gustong sundan ang mga ito. Hindi niya napigilan ang mga luhang nag alpasan sa mga mata niya. Naitakip niya ang kamay sa bibig upang hindi kumawala ang hagulgol niya. Parang nilalamukos ang puso niya sa pag balik ng mga alaalang nag pa durog sakanya.

'Walang heart beat doc!'

Sa nanlalabong mata nakita niya kung paano itiniwarik ng doctor ang bagong silang niyang anak saka iyon pinalo ng pinalo sa pwet.

Pero kahit isa, kahit konti lang, walang lumabas na uha sa sanggol na nasa harapan niya. Hanggang sa lamunin na ng kadiliman ang kanyang kamalayan.

Nagising siya na nasa isang pribadong silid na. Nasa tabi niya ang itay niya. Ngumiti ito sakanya kahit bakas ang lungkot sa mga mata nito. Ganun din si Juancho na katabi ng itay niya. Binundol ng kaba ang dibdib niya.

"A-ang b-baby ko, tay?" kahit dama niya pa ang pang hihina ng katawan pinilit niyang bumangon.

"Anak, wag ka munang bumangon" saway sakanya ng itay niya. Hindi siya nag papigil. Naupo siya at mariing hinawakan ang mag kabilang braso nito.

"G-gusto kong makita a-ang anak ko, tay" pakiusap niya dito. Yumuko lang ito. Lalong nadoble ang kaba niya dahil sa inaakto nito.

"Asan ang anak ko, tay?!" may hinala na siya pero ayaw niyang isipin iyon. "Tay?"

Yumugyug ang balikat ng itay niya saka siya nito kinabig at niyakap ng mahigpit.

"P-patay ang sanggol anak" ani ng itay niya sa pagitan ng pag hagulgol nito. Napatingin siya kay Juancho na umiiyak narin sa tabi ng itay niya. Inaantau niyang mag salita ito at sabihing nag bibiro lang ang itay niya.

"Hindi.. Hindi totoo yan.. Buhay ang anak ko tay! Akina ang anak ko! Siya nalang ang meron ako tay.. tay ang a-anak ko.. " nag pumiglas siya sa pag kakayakap ng itay niya. Umiiyak siya, sumisigaw nag mamakaawa na ibigay sakanya ang anak niya hanggang sa pumasok ang mga nurse at may kung anong itinurok sakanya pag katapos ay nawalan ng lakas ang katawan niya at inantok na siya.

HINDI niya alam kung ilang minuto siyang umiiyak. pinilit niya na lang kinalma ang sarili. Kinuha niya ang panyo at tinuyo ang mga luha.

"Angela.." napalingon siya ng may tumawag sakanya. "There you are"

"Jonas."

"Kanina pa kita hinahanap-- what happen? Bakit malungkot ka nanaman? Nag bago na ba ang isip mo?"sunod sunod na tanong nito.

Umiling siya at pilit na ngumiti "Napagod lang siguro. May mga tinapos kasi akong report kagabi bago mag impake kaya halos 3am na ako nakatulog" pag dadahilan niya.

Bumuntong hininga ito. "Tsk sabi ko naman sayo mag bakasyon muna tayo bago bumalik sa pinas"

"Kailangan ako ng tatay" tumawag sakanya si Juancho at binalitang na-storke daw ang tatay nila. Umiyak siya ng umiyak ng mabalitaan iyon. Apat na taon na niyang hindi nakakasama ang pamilya. Sa skype niya nalang nakakausap ang mga ito, na ikinatatampo ng tatay niya. Pilit siya nitong pinapauwi pero hindi niya mapagbigyan. Hindi niya kasi kayang tumapak uli sa lugar kung saan naroroon ang isang taong pilit niyang kinalilimutan.

Pero ng malaman niyang na-stroke ang tatay niya para siyang sinampal. Paano kung napasama ang atake ng tatay niya? paano kung di niya na ito abutan? Hinding hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may nangyaring masama sa itay niya at wala siya sa tabi nito.

Kaya ngayon, iiwan niya ang trabaho bilang isang corporate secretary dito sa Australia para bumalik sa pilipinas at maalagaan ang tatay niya. Mahina narin ang lola niya. Si Juancho naman ay nasa Almendra at nag tatrabaho doon. Hindi narin naaasikaso ng kapatid ang tatay at lola nila dahil sa trabaho nito. Ayaw rin namang kumuha ng katulong ng itay nila.

Siguro panahon na para bumalik. Para narin maasikaso niya ang noon niya pa dapat inasikaso.

'This is the final boarding call for passengers booked on flight 372A to Manila, Philippines. Please proceed to gate 3 immediately.'

"That's are fligth. Let's go?" aya sakanya ni Jonas. Kinuha na nito ang maleta niya. Mag kahawak ang kamay na pumasok na sila sa gate 3.

Ilang minuto pa sakay na sila ng eroplanong mag hahatid sa kanila sa pilipinas. Masaya siya dahil muli niyang makakapiling ang pamilya. Pero nalulungkot din siya dahil kahit ayaw niya pilit bumabalik ang mga bagay na pilit na niyang kinalimutan.

Pinilit niya namang makalimot. sinubukan niya. Pero hindi niya pala kaya. Kaya pinilit nalang niyang tanggapin ang lahat. Ginawa niyang inspirasyon ang sakit at nag patuloy sa buhay niya.

It was four long years pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. She still feel the pain but can bear with it. Nasanay na siya.

Hindi man siya nakakapag turo pang muli, masasabi niyang matagumpay na siya. Naibangon at mas napag buti niya ang sarili. Binuhos niya ang lahat ng oras sa trabaho upang kahit papaano malibang siya. Umuuwi lang siya sa apartment na tinutuluyan niya sa melbourne kapag pagod na pagod na siya. Yung tipong hihiga nalang siya at matutulog na.

Nag papasalamat siya dahil tinulungan siya ni Jonas. Malaki ang utang na loob niya dito. Kung hindi dahil dito baka nasa pilipinas parin siya at miserable kasama ni..

"Handa kana bang makita siya uli?"tanong sakanya ni Jonas.

Nilingon niya ito at pilit na nginitian. "I've no choice. Kailangan naming maisaayos ang annulment namin. Mag kikita at mag kikita kami"

Nag email na ang abogado niya kay Mael according sa annulment na ipinale niya.

"Pumayag naman kaya siya? Knowing him.. "

Ibinaling niyang muli ang mga mata sa bintana. Ayaw niyang makita nito ang sakit na dumaan sa mga mata niya. "He's happy now, with his.. f-family. For sure he will be happy to sign the annulment papers" ramdam niya ang pait sa kanyang sinabi. Dapat ay para sakanya yon, para sakanila ni Mael. Pamilya nila ni Mael.

Naramdaman niya ang palad ni Jonas na gumagap sa kamay niya. Pinisil nito iyon para iparating ang pakikisimpatya sakanya. Hindi naman kaila dito na hanggang ngayon hindi parin siya nakaka move on sa pinsan nito. Kahit na ilang beses na siya nitong sinabihan, pinakiusapan at nilibang.

Nakakatawa lang. Hindi niya akalain na dadating sila sa punta na magiging matalik silang mag kaibigan pag katapos ng mga nakaraan nila.

Siguro mas ok silang maging mag kaibigan kesa sa mag karelasyon.

Buti nga ito, masaya na sa bagong pag ibig na natagpuan nito. Engaged na ito sa isang Australian citizen na kasosyo nito sa advertising company na itinatatag nito sa Australia. Masaya siya para dito. Minsan naiinggit din. Pareho lang silang broken ng umalis ng pinas pero heto sila, after four years siya lang ang hindi pa nakaka move on sa kanilang dalawa.

"Mag tatagal kaba sa pinas?" anito.

"I don't know.. Saka ko na yan iisipin. Ang mahalaga maalagaan ko ang itay ngayong kailangan niya ako. Lagi naman akong welcome sa company mo hindi ba?" Hindi pa niya napag iisipan kung gaano siya katagal sa pilinas o kung babalik pa ba siya ng Australia. Siguro hihintayin niya ng ma grant ang annulment nila.

After eigth hours na biyahe lumapag na ang eroplano sa NAIA. hindi alam ng itay niya na ngayon ang uwi niya. Kahit si Juancho ay hindi niya sinabihan. Gusto niya kasing sorpresahin ang mga ito sa pag uwi niya.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makababa sila. Nasa pilipinas na siya. Ilang oras pa makakasama na niya ang pamilya niya.

"Wait me here kukunin ko lang ang mga bagahe natin"

Tumango nalang siya kay Jonas. Nang makabalik ito ay tulak tulak na nito ang mga bagahe nila. Nasa labas na sila ng airpot ng may isang itim na van ang huminto sa harap nila. Hindi na sana nila yun papansinin pero ng bumaba ang limang lalaki na mga naka black suit at lumapit sa kanila.

Agad na hinarangan siya ni Jonas. Siguro'y miski ito ay kinutuban ng masama. "Yes?" tanong ni Jonas sa mga ito ng huminto ang mga ito sa harap nila at ang tatlo ay pumwesto pa sa likod nila. Bigla ang pag ahon ng kaba sa dibdib niya. Mahigpit siyang napahawak sa braso ni Jonas.

Hindi ito pinansin ng mga lalaki, bumaling ang nasa harapan nila sakanya. "My Boss wants to see you, Ma'am" magalang na anito sakanya. Walang mababakas na kahit ano sa mukha nito. Tinignan niya isa isa ang mga ito. Pare parehong malalaki ang katawan ng mga ito. At kung lalaban si Jonas paniguradong bugbog lang ang aabutin nito.

"Who's your boss?" tanong ni Jonas sa mga ito.

"Mr. Ishmael Capistrano" sagot ng lalaking mukhang kasapi ng men in black ang suot.

Napatiim bagang siya pag karinig sa pangalan ng dating asawa. Ano na naman kaya ang pakay nito? At paano nito nalaman na umuwi siya ng bansa?

"She's not going with you, so you better back off" maangas na sabi dito ni Jonas. Napangiwi siya sa laki ng katawan ng mga lalaking nasa harap nila paniguradong hindi uubra si Jonas.

Sinenyasan ng nasa harapan nila ang ibang kasama nito. Mabilis na lumapit ang dalawang lalaki kay Jonas puwersahang inihiwalay sakanya. Pipigilan niya sana ang mga ito pero mahigpit na hinawakan siya sa braso ng kausap nilang lalaki. Inilayo ng dalawang lalaki si Jonas sakanya. Nakita niya kung paano nag pupumiglas ito sa mga may hawak dito.

"Bitawan mo ko!" asik niya dito at nag pumiglas pero sadyang malakas ito kaysa kanya kaya ni hindi man lang ito natinag. "Jonas!" Malakas na sigaw niya, nilingon niya si Jonas. Lumingon din ito sakanya. Namumula na ang mukha nito sa galit pero hindi rin ito makawala sa may mga hawak dito. Bumuka ang bibig nito at nakita niyang bumigkas ito ng 'sorry'.

"We need to go now, Maam"

Galit na nilingon niya ang lalaking kaharap "Damn you!" sigaw niya dito sabay hampas sa dibdib nito. Pinag titinginan na sila ng mga tao pero ni isa ay wala man lang nakialam miski ang dalawang security na nasa di kalayuan sa kanila.

Napilitan na siyang sumama sa mga ito papalapit sa itim na van. Pero hindi siya doon isinakay ng mga ito kundi sa limousine na nasa likuran ng van. Ipinag bukas siya ng pinto ng isa.

And she froze when she saw the man sitting comportably while sipping his wine. Parang tumigil sa pag tibok ang puso niya ng muling masilayan ang mukha ng dating asawa. Unti unti itong lumingon sakanya at ngumisi. Bahagya pa nitong itinaas ang hawak na flute glass sa gawi niya.

"Welcome back, wife" malamig at walang buhay na bati nito sakanya "Missed me? " ikining pa nito ang ulo. Tumalim ang mga mata nito habang nakatingin sakanya. "Hop in"

Hindi siya makakilos. Nanatili siyang nakatingin dito. Kay lamig tumingin ng mga mata na parang gusto niyang ginawin. Halata ang panlalalim ng mata nito. He look more matured and more dangerous.

"Maam?" pukaw sakanya ng lalaking may hawak sa braso niya.

Malakas na inagaw niya ang braso dito saka ito tinignan ng masama. Napabuntong hininga siya. Wala naman siyang choice kung hindi sundin ang gusto nito. Kailan ba nasunod ang gusto niya? Sanay itong nakukuha ang anumang naisin nito. Kahit pa gumamit ito ng dahas.

"Saan dadalhin ng mga tauhan mo si Jonas?" tanong niya ditong hindi ito sinusulyaoan man lang. Nanatili lang siyang nakatingin sa bintana. Ayaw niya kasing makita nito kung gaano niya ito namiss. God. Apat na taon. Apat na taon siyang nag dusa sa sakit na nilikha nito. Pero eto siya, halos mag makaawa sa sarili niyang lingunin ito. Dahil miski sulyap lang. Kahit saglit lang, sapat na para mapunan ang pangungulila niya dito. Mapait siyang napangiti. Hindi ba dapat galit siya dito? Pero bakit ngayong mag kagabi na sila hindi niya mahanao ang galit niya, bakit ngayong ilang dangkal lang ang layo nila bumibigay na siya? God, bakit ba ang rupok niya?

"Babalik na siya kung saan man siya nanggaling." nag ngangalit ang bagang na anito.

Marahas na napalingon siya dito. "Anong karapatan mong mag desisyon para sakanya?"

"Ano ring karapatan niya para agawin ka niya sakin?!" malakas na sigaw nito sakanya. Nag babaga ang mga mata nito. Napaoitlag siya ng ihagis nito ang hawak na baso at nabasag.

Napakuyom ang kamay kamao niya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Mael, ikaw ang dahilan kung bakit ako uma-"

"Sapat ba yon para sumama ka sakanya?!"

"Oo!" malakas na sigaw niya na rin dito. Nag uunahang pumatak ang mga luha niya. "Sapat na ang nangyari noon para iwan kita! At bumalik ako para maging legal na ang pag hihiwalay natin" malamig na aniya dito. Lalong nag igting ang panga nito.

Mahigpit na pinisil nito ang pisngi niya ng palad nito kaya napaigik siya.

"That will never happened! YOU. ARE. MINE.FUCKING. MINE. ALONE!" mariin at puno ng galit na anito sakanya. Naningkit ang mga mata nito at mas lalo pang humigpit ang hawak sakanya "You can never leave me again. I'll make sure of that"

To be continued..

Bab berikutnya