webnovel

Chapter 11

ANG KALAHATING oras na biyahe mula ospital hanggang sa mansion nila ay nagawa niya lang byahiin ng bente minutos. Halos paliparin na niya ang kotse niya. Wala siyang pakialam kung halos kumain na ng alikabok ang mga nadaraanan niya.

Nagpupuyos siya sa galit. Gusto niyang manakit. Muntik nang mapahamak ang anak niya.

Binunggo niya ang gate nila di na siya nag-antay na mapagbuksan pa siya ng guwardya na nakatalaga. Nang makarating sa front door humahangos na pumasok siya sa pintuan.

"Ang Mommy?!" pasigaw na tanong niya sa katulong na sumalubong sa kanya. Bumakas ang takot at pagkataranta sa mukha ng katulong. Hinaklit niya ang braso nito ng hindi ito magsalita. "Bingi ka ba?" asik niya dito.

"Darlin?"

Napalingon siya sa nagsalita. Nakatayo sa bukana ng dining room si Suzette. Nakangiti ng matamis sa kanya. Lalong nagdilim ang paningin niya. Mabilis na lumapit siya dito at napaatras naman ito sa galit na nakikita nito sa kanya.

"I-Ishmael--"

Hindi nito natuloy ang sasabihin ng malakas niya itong sinampal. Sumubsob ito sa sahig.

"Anong karapatan mong saktan ang asawa ko? Guston mo na ba talagang mamatay?!"

"Ishmael!" sigaw ng mommy niya na nagmamadaling bumababa ng hagdan kasama ang daddy niya. "What the hell are you doing!" Galit na sigaw nito nang makalapit sa kanya. Hinawakan nito ang braso niya na malakas niyang iwinaksi. Muntik na itong mawalan ng panimbang kung hindi lang naging maagap ang daddy niya.

"You son of bitch! Ano bang nangyayari sayo Mael!" Galit na mura sa kanya ng ama.

Matalim na tinignan niya ito.

"Bakit dito mo tanungin ang putang babae nato at diyan sa magaling mong asawa!" duro niya sa ina.

"Nawawalan kana nang respeto Ishmael!" May babala sa tono ng kanayang ama pero di niya yon pinansin. Kung galit ang mga ito dahil sa inaasal niya mas galit siya sa ginawa ng mga ito sa asawa at anak niya

"How can I respect them if they tried to harm my child? My child dad! My own flesh and blood!" gigil na sigaw niya.

Natigilan naman ang Daddy niya at napasinghap naman ang mommy niya pati si Suzette na nakalupasay pa rin sa sahig at nanginginig sa takot dahil sa galit na nakikita sa kanya niya.

"What do you mean?" bakas ang pagkalito sa mukha ng Daddy niya. Bumitaw na rin ito sa mommy niya.

"Pinagtulungan nila ang asawa ko na muntik nang makunan dahil sa dalawang yan!" Naginginig siya sa galit. Hindi niya mapigil ang pagtaas ng boses.

Galit na binalingan ng Daddy niya ang Mommy niya na ngayon ay namumutla na. Hindi ito makapagsalita. Takot sa galit na nakikita sa mag-ama nito.

"It's that true Matilde?" tanong ng Daddy niya sa Mommy niya.

"I-I didn't k-know that she's pregnant!" tili nito. Halatang guilty sa nagawa.

"Kahit na! Anong pumasok sa kokote mo at sinaktan mo ang manugang mo?!" Galit na sigaw dito ng Daddy niya.

"She has no breeding! Tinapunan niya ng tsaa si Suzette!" sumbong nito. Para itong bata na nasukol sa kasalanan at pilit ginagawan nang katwiran ang kasalanang nagawa.

"Oh god," sambit ng daddy niya na parang nauubusan na ng pasensya sa asawa.

Napailing siya. Pumayag siyang dito sila tumira mag-asawa dahil sa pakiusap ng Mommy niya kahit na lantaran ang pagkadisgusto nito kay Angela pero hindi naman niya akalain na aabot na sasaktan nito ang asawa niya.

Tumalikod na siya. Useless makipag-away sa Mommy niya. Mas mabuti pang hakutin na niya ang mga gamit nilang mag-asawa at umalis sa mansion ng mga magulang. Hindi siya mapapanatag na makasama ng asawa niya ang Mommy niya.

Sinenyasan niya ang mga katulong na nadaanan na sumunod sa kanya. Nang makarating sa kwarto nilang mag-asawa agad niyang inutusan ang tatlong katulong na i-impake lahat ng damit nilang mag-asawa. Tumuloy naman siya sa library niya. Kinuha ang isang kahon at inumpisang ilagay doon ang mga importanteng papeles na pag-aari niya.

Nang matapos siya ay tapos na rin ang mga katulong sa pagi-impake. Pinasunod niya ang mga ito pababa ng hagdan. Bitbit niya naman ang karton.

Pagbaba sa hagdan nakita niyang naka-upo sa sala ang Mommy niya at Daddy niya wala na si Suzette siguro ay pinauwi ng mga ito.

Agad na tumayo ang Mommy niya nang makita siya. Namumula ang mata nito halatang galing sa pag-iyak.

"Where are you going, hijo?" Parang maamong tupa na tanong nito sa kanya. May pagka-alarma rin sa boses nito habang nakatingin sa mga katulong na may bitbit na mga malalaking maleta.

"Isakay niyo yan sa kotse ko," utos niya sa mga katulong.

"Aalis na kami dito ng asawa ko," malamig na tugon niya dito.

Bigla itong napaluha. "Ako ang ina mo Ishmael. Siyam na buwan kitang dinala sa sinapupunan ko. Ako ang napupuyat kapag nagkakasakit ka ng bata ka pa. Pagkatapos ngayon ipagpapalit mo ako sa babaeng yon?" naghihinanakit na sumbat nito sa kanya.

Napatiim bagang siya sa sinabi ng ina pero hindi siya umimik dahil pag nagsalita pa siya lalo lang maraming sasabihin ang Mommy niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad ng magsalita uli ito.

"Kapag lumabas ka ng bahay na to tatanggalan kita ng mana!" sigaw nito.

Napahinto siya at malungkot na nilingon ito.

"Do it. The hell I care. All my life Mom sinunod ko lahat ng gusto niyo. I dont ask anything from you. Hindi ako naging maluho kahit alam kong kaya niyong ibigay ang lahat sa'kin. I dont pursue my dreams to become a chef because you say so... I do what you want. I've become what you want me to be. Isa lang naman ang hiniling ko, hayaan niyo kong mahalin ang taong mahal ko and that's Angela. I love her and she's the only one I need. Hindi ko kailangan ng mana o ng kahit ano. Si Angela lang, Mom... bakit ayaw mo pang ibigay sa'kin yon?" puno nang hinanakit na tanong niya sa ina pero hindi ito nakapagsalita. Tuluyan na siyang tumalikod at lumabas ng bahay. Iniwan ang mga ito na nakatunghay lang sa kanya.

NAKANGITING nakatanaw lang si Don Arturo sa papalabas na anak. Hinahangaan niya ang paninindigan nito sa babaeng mahal nito. Hindi kagaya niya na napilitang pakasalan ang esposa at iwan ang tunay na minamahal dahil lang sa buyo ng magulang niya.

Buti na nga lang at sa paglakad ng panahon natutunan niyang mahalin si Matilde ang babaeng ipinagkasundo sa kanya.

Inakbayan niya ito at inalo. May katigasan ang ulo ng asawa niya pero alam naman niya na mahal lang nito ang anak kaya ito nagkakaganon.

"Sshh... tumahan kana nga. matuwa ka na lang at lumaking may buto yang anak mo," naiiling na sabi niya sa asawa.

Natawa siya ng lalo lang lumakas ang pag-iyak nito at bahagya pa siyang kinurot.

"Hindi mo mahahadlangan ang tunay na pag-ibig Matilde. Just accept it." Hiinalikan niya ito sa sentido.

NAGISING si Angela na may mainit na kamay na humahaplos ang mukha niya.

Namulatan niya ang asawa. Nanlalalim ang mga mata nito. But there's a tenderness in his tired eyes.

"Hi," husky ang boses na bati nito.

"N-nasaan ako?" tanong niya dito.

Ginagap nito ang palad niya at pinatakan ng halik.

"Sa ospital. Dinugo ka kaya sinugod ka dito nila Nay Caring at Temyo," tugon nito.

Nangunot naman ang noo niya. Pilit inalala ang mga nangyari.

"B-bigla kasing sumakit ang puson ko. B-bakit daw ako dinugo?"

"Muntik ka ng makunan--"

"A-ano?!" gulat na tanong niya dito.

"You are four weeks pregnant honey, muntik ka nang makunan sabi ng Doctor dahil daw sa stress, but dont worry our baby is fine now," nakangiting sabi nito at hinalikan pa siya.

Tulala naman siyang napatitig dito. May tuwa siyang naramdaman sa kaalamang buntis siya pero agad iyong napalitan ng awa para sa batang dinadala niya. Iniisip niya kung paano lalaki ang anak niya kung hindi naman nagmamahalan ang mga magulang nito.

Napahawak siya sa impis na tyan at hindi napigilang tumulo ang luha niya. 'Kawawa naman ang anak ko dahil hindi magtatagal hihiwalayan na ako ng ama niya lalaki siyang walang buong pamilya. Paano ko ipapaliwanag na hindi siya bunga nang pagmamahalan. God what life can I give to my child?'

"I can't be pregnant."

Naisip niya iyon at hindi napansin na nasabi niya pala nang malakas.

Narinig iyon ni Mael at parang may kutsilyong sumaksak sa kanya dahil sa narinig.

"Pero buntis kana," nagngangalit ang bagang na sabi ni Mael.

Napatingin siya dito. Kita niya ang sakit at galit na nasa mata nito. Matagal silang nagtitigan hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa no'n ang doctor.

"Good morning, Mr. and Mrs. Capistrano," magiliw na bati nito. "I just want to inform you na puwede nang i-discharge si Misis anytime you want, after ma settle ang bill." nakangiting inporma nito.

Tumayo si Mael at nakipag-usap sa doctor na may mga inabot na reseta para sa sa kanya.

Pagkalabas ng doctor ay bumaling ito sa kanya.

"Magpahinga ka muna. Antayin mo si Nay Caring, aasikasuhin ko lang ang bill."

Tinanguan niya na lang ito.

Pagkalipas ng halos isang oras ay nasa sasakyan na sila ni Mael at bumabiyahe pauwi. Si Nay Caring at Temyo ay nauna na raw umuwi dahil may dalang sasakyan din ang mga ito.

Nilingon niya si Mael nang mapansin na hindi papunta sa mansion ang tinatahak nila. Mukha namang nabasa nito ang iniisip niya kaya agad na nagpaliwanag.

"Hindi na tayo sa mansion titira. Pansamantala do'n muna tayo sa log house habang hindi pa tapos ang bahay natin malapit sa kapitolyo," paliwanag nito.

"P-pero malayo ang log house sa opisina mo at sa eskwelahan."

Bumuntong hininga ito. "Nag-leave muna ko habang hindi pa tayo nakakalipat para samahan ka do'n. Mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ko. Lagi rin naman akong naka-monitor thru internet kaya walang magiging problema." Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. Parang tinatantiya pa siya bago sabihin ang gustong sabihin. "At tungkol naman sa pagtuturo mo... I think dapat hindi ka muna babalik sa pagtuturo."

Napalingon siya dito. "Pero bakit? Diba pumayag kana?"

"Yeah. Pero buntis ka at maselan ang pagbubuntis mo, I can't take a risk at payagan kang magturo kahit alam kong anytime pwede ka na namang duguin diyan," pinal na sabi nito. Sa tono nito mukhang hindi niya na mababali ang desisyon nito. Saka may punto rin ito. Maselan ang pagbubuntis niya. Sa kulit ng mga studyante niya hindi malabo na ma-stress na naman siya.

Napahawak siya sa tiyan niya. She can't risk her child too.

"Wag mong sisihin ang anak ko," tiim bagang na sabi ni Mael.

"Ha?" takang tanong niya dito.

"Wag mong sisihin ang pinagbubuntis mo kung bakit di ka muna makakapag turo--"

"Bakit ko naman sisisihin ang ipininagbubuntis ko?" inis na tanong niya dito. Hindi niya maintindihan kung saan nito hinuhugot ang mga sinasabi sa kanya.

"You look disappointed," gigil na sabi nito.

"Oo, disappointed ako pero hindi gano'n ka kitid ang utak ko para isisi yon sa walang muwang na nasa sinapupunan ko Mael!"

Hindi na niya napigilan ang mapasigaw. Naiinis siya na pinagbibintangan siya nito ng kung ano-ano.

"Wag kang sumigaw baka makasama sayo!" sigaw din nito.

Napasinghap siya sa biglang pagsigaw nito. Nangilid ang luha niya. Ang sama sama ng loob niya. Ano bang ginawa niyang masama bakit naman lagi itong nakasigaw sa kanya?

Nilingon siya nito at bumakas ang guilt sa mukha nito.

"I-Im sorry... Sorry na... Don't cry na makakasama yan kay baby," alo nito sa kanya. Inihinto nito sa gilid ang sasakyan at mabilis siyang niyakap. Hinimas-himas nito ang likod niya. "Sssh... sorry na nga eh... Please, tahan kana," parang maamong tupa na alo nito sa kanya.

Lalo siyang napaiyak dahil sa pagiging gentle nito. Hindi niya kasi maiwasan pero parang lalo lang siyang nahuhulog sa asawa, na hindi naman dapat dahil wala naman itong balak na patagalin ang pagsasama nila. Magpa-file din ito ng annulment at babalikan si Suzette.

"Shhh..." Bumitaw ito sa kanya. Seryoso ang mukha nito na tumitig sa kanya. Pagkatapos ay bigla na lang nitong sinampal ang sarili. "bad.... Bad... Bad..." sabi pa nito tapos sunod-sunod na sinampal ang sarili. Napatanga siya dito. Natigil siya sa pag-iyak. "Oh, ayan iginanti na kita. Wag ka nang umiyak, please?" samo nito.

Tigalgal pa rin siya sa ginawa nito. Pero pagkatapos makabawi ay napangiti siya na nauwi sa malakas na pagtawa.

Nangunot ang noo nito. Tila napikon sa pagtawa niya. Sumimangot ito at ibinaling sa iba ang paningin.

Hinaplos niya ang namulang pisngi nito.

"Para kang sira," nakangiti ng sabi niya dito.

Ngumiti na rin ito at ginagap ang kamay niya na nasa pisngi nito.

"Yeah. I look like a freaking fool but at leastI made you smile." Nguinitian siya nito. Ngiti na lalong nagpapabilis sa tibok ng puso niya. Kainis gusto na naman niyang maiyak. Ano bang nangyayari sa kanya bakit ba lahat na lang nang kibot ng asawa eh parang lalong lumalalim ang nararamdaman niya dito.

Hormones. Dahil siguro sa hormones.

Sana pwede niya ring isisi sa hormones ang nararamdaman niyang pagmamahal para sa asawa. Na kapag nakapanganak na siya mawawala rin ang pagiging imbalance ng damdamin niya.

KASAMA nila sa log house si Nay Caring. Ang sabi ni Mael kung saan daw silang mag-asawa titira doon na rin daw si Nay Caring. Ayos lang naman sa kanya iyon dahil malapit ang loob niya sa matanda. Hindi niya lang alam kung paano napapayag ni Mael ang Mommy nito na sa kanila na titira ang mayordoma sa manstyon.

Kumuha rin ng isa pang katulong si Mael para siyang gagawa ng mga gawaing bahay. Halos hindi na kasi siya palabasin ni Mael sa kuwarto dahil sa takot nito na duguin na naman siya.

Sa tingin niya magiging isang mabuting ama si Mael sa magiging anak nila. Dahil ngayon pa lang sobrang pampered na ang ginagawa nito wala pa man. Lagi itong nakaalalay sa kanya pati sa panliligo ay inaalalayan siya nito. Gusto rin nito na ito ang magsusubo sa kanya kapag kumakain. Kapag naman pinipigilan niya ito ay napakadaming katwiran kaya naman hinahayaan niya na lang.

Buti nga ngayon at busy ito sa kabilang kuwarto na ginawa nitong opisina kaya naman nakalabas siya sa bakuran at nakapagpa-araw.

Nage-enjoy siyang pagmasdan ang mga nakatanim na mga rosas. Tahimik ang lugar at tanging maririnig mo lang ay mga huni ng ibon at insekto, may naririnig din siyang lagaslas ng tubig.

"Hey, you should rest, Angela."

Napalingon siya kay Mael. Nakapamulsa ito at nakatanaw sa kanya. Napaikot niya na lang ang mata niya.

"Malulumpo na ko kakapahinga Mael," katwiran niya dito.

Bumuntong hininga ito at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito mula sa likuran na ikinapitlag niya. Naramdaman niya ang labi nito sa leeg niya. Kinikiliti ng hininga nito ang balat niya do'n.

"M-Mael..." tawag niya dito na halos ungol na. Napapikit siya sa sensasyon na hatid ng pagkakalapit nila. May nararamdaman siyang tumutusok sa likuran niya. Mukhang pareho sila nang nararamdaman ng asawa.

"I want you... Pero baka masaktan natin si baby," paos na sabi nito sabay haplos sa tiyan niya

Napakagat labi siya. Gusto niyang i-assure ito na okay lang na gawin nito ang gusto nitong gawin sa kanya dahil gusto rin niya at walang mangyayari sa baby nila, pero ayaw naman niyang magpakababa ng ganoon. She felt like begging him to make love to her.

Damn hormones...

to be continued...

Bab berikutnya