webnovel

#FL 10

#FL

Mugto ang mga mata ko habang nakikinig ako sa harapan. Ang isipan ko ay hindi nakikisama sa mga nasa paligid ko. Tanging ang natira sa utak ko ay ang nangyare kagabi. At sa tuwing iniisip ko 'yun ay kumikirot ang puso ko.

"Hindi pa rin ba kayo bati?"

Napayuko ako. Hindi ko masagot ang mga tanong nila Tina, Dindy at Boshie. Nakakahiya lang sa kanila dahil pinuntahan pa nila ako dito sa room ko.

"Camille, pwede ka naman mag open sa amin. Hindi kami kagaya ng iba na plastik at traydor." Pranka agad ni Tina sa akin.

Paano ko ba sabihin sa kanila? Ang akala nila boyfriend ko si Zev.

"Pero kung ano man na problema pa 'yan Camille. Mag usap kayo ng mabuti. 'Yung pareho kayo nakikinig sa isa't isa at intindihin kung ano ba sinimulan ng pag aaway niyo." Boshie.

"Sana pala hindi na lang kami sumama!" Sabi ni Dindy.

Lumagpas ang tingin ko sa pintuan at agad ko nakita si Raven na kumakaway sa akin.

"At dapat sinusuyo ka ni Zev eh. Hindi ka dapat niya hinahayaan dito." Ani ni Tina.

Hindi na ako susuyuin nun. Pinatigil ko na siya sa panliligaw.

"Tina is right. Kapag galit ang girlfriend dapat lang lambingin ng boyfriend. Hindi 'yun sa ibang babae sila magpaparaos." Dindy.

Medyo napangisi ako. Seems right. Nag away lang kami ni Zev about sa panliligaw niya pero kinaumagahan nakita ko lang siya sa ibang babae?

Ganyan ba sila mga lalake ha? Kapag magkaaway kayo maghahanap kayo ng ibang babae para makalimot kayo?

"Mali ata pinagsasabi niyo." Kunot noong sabi ni Boshie. "Hindi porket nag away sila. Maghahanap na si Zev. Iba rin isip niyo eh."

"Aba malay natin Boshie? Diba ganyan naman mga lalake? Karamihan ngayon ganyan na ang mga gawain nila. Galing sa jowa patungo sa panibagong babae tapos balik naman sa jowa." Dindy.

Pero ang tanong ba? Magjowa ba kami ni Zev? Kung sakaling gagawin 'yan ni Zev. Ang maghanap ng ibang babae. Ano ba karapatan ko? Pinagtulakan ko siya palayo. Pinatigil ko siya.

"Huwag mo lahatin gaga!" Boshie.

"Well, naiintindihan ko si Dindy, Boshie kase naman lalake sila. Madaling matukso. Atsaka babae ka diba? Kung may jowa ka dapat higpitan mo kung ayaw mo maagawan!" Tina.

Kung ganun ba? Matagal na ako naagawan ni Charity? Dahil hindi ko masyado hinigpitan si Zev? Hindi ko binakuran si Zev kaya siya madaling matukso? Ganun?

"Iba ukit ng utak niyo pambihira! Sabihin niyo wala lang kayo tiwala sa mga jojowain niyo kaya ganyan kayo makapagsalita sa mga lalake! Kung mahal mo ang tao. Malaki ang tiwala mo sa kanya! Atsaka choice yan ng lalake kung magtataksil 'yan or magpapaagaw kahit gaano mo pa higpitan o bakuran 'yan!" Mahabang pahayag ni Boshie.

Napanganga ang dalawa tila hindi nila inaasahan ang mga sasabihin nito.

"Nagkajowa ka na Boshie? Parang ang dami mong experience ha?" Gulat na tanong ni Tina.

Natigilan ako ng makitang umilaw ang screen ng phone ko. Nabasa ko ang pangalan ni Raven.

Raven:

Pwede ba tayo mag usap?

Napatingin ako sa labas ng room. Agad ko siya nakita na nakaupo sa bench habang nakayuko sa cellphone nito.

Me:

Para saan?

Wala pa sa segundo nagreply agad ito.

Raven:

About sa project natin sa contemporary arts. Gawin na natin para matapos na.

Napatango na lang ako. Tama siya. Para bawas stress dito sa school.

"Boys are boys Boshie! Paano mo sila mapagkakatiwalaan kung binigyan nila tayo ng ganyan tingin about sakanila?" Dindy.

"Well Dindy, bakit ka pa magjojowa kung ganyan ang pananaw mo sa mga lalake? Hindi ka nalang sana magjowa kung ayaw mo masaktan." Taray ni Boshie.

Tumayo ako dahilan para mapatingin sa akin ang tatlo. Hindi ata sila matatapos makipagdebate about sa relasyon. Masyado ata silang takot para sumagal kaya ganyan na lang reaksyon nila o suggestion nila sa akin.

Pero ako? Takot rin naman ako sumagal ha.

"Punta lang ako sa labas. Kakausapin ko kaklase ko about sa project namin." Paalam ko.

Tumango ang tatlo at pinagpatuloy nila ang usapan nila. Sana lang hindi sila magpatayan d'yan.

"Kailan ka available?" Agad na tanong ni Raven nang makalapit ako sakanya.

Umupo ako habang kaharap ko ang field. Ang daming estyudante pagala gala. Breaktime naman kasi.

Naramdaman kong nagdikit ang mga braso namin nang tumabi sa akin si Raven. Kunot noo kong nilingon siya at ang espasyo sa gilid niya.

Ang laki ng space sakanya. Bakit siya sumisiksik sa akin dito?

"Available ako kahit anong oras." Ani agad ni Raven.

Tumango ako at bahagyang umiwas sa kanya. Masyado siyang malapit sa akin.

"Nakahanap ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. "Meroon na. May exhibit si Tito at nakapagpaalam naman ako sa kanya about sa proj natin."

Tumango ako.

"So it's already settle na? Sa tito niyo na?"

Umiling siya at lumapit sa akin. "Not yet."

Napakunot noo ako. Alin pa ang kulang?

"Saan natin gagawin ang pr—aray!"

Nagulat ako nang mapasigaw siya sa harap ko.

"Tangina ang sakit nun! Sino nagbabato ha?!" Galit na sigaw ni Raven habang hawak hawak niya ulo niya.

Lumingon kaming dalawa habang ako nagtataka. May nagbato sa kanya? Napatingin ako sa hindi kalakihan na bato na nasa uniform ni Raven. Naipit.

Agad ko 'yun kinuha mula sa likod niya. Natigilan siya at tila napaliyad ang leeg nito.

"C-Camille.."

Nakuha ko naman ito nang mahulog ito sa loob ng uniform niya patungo sa inuupuan namin.

"Shit!!"

Muli ako napatingin kay Raven. Nakapikit ito na nakahawak sa leeg niya. Lumingon ako habang nililibot ang tingin sa likod.

Sino ba ang walang hiya nangbabato sa tao? Wala siyang modo ha.

"C-Camille alis muna tayo dito—"

Hindi natuloy ang sasabihin ni Raven nang may pinturang bumuhos sa kanyang ulo.

"Oh my gosh!" Agad ako napaiwas sa kanya. Takot na madaplisan ako ng pintura.

"Potangina.." Mahinang usal ni Raven nang mapagtanto niya ang nangyare sa kanya.

Napatingin ako sa taas at napakunot noo nang puro mga kalalakihan ang nakikita ko sa second floor. What the eff? Bakit nila ginawa ito kay Raven?!

"I swear! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo!" Nanglalaiting sigaw ni Raven at tumingin sa taas pero agad na nagtakbuhan ang mga lalake.

May galit ba sila kay Raven?

"Mga hayop na college department! Akala mo sila ang batas dito! Mga potangina nila!"

Lumayo ako kay Raven. Baka sa akin pa niya ibuntong ang galit niya sa nangyare sakanya ngayon.

"Let's talk later Camille! I'm sorry!" Aniya sabay takbo.

Naiwan akong nagtataka at kunot noo. Mga wala rin modo ang mga college department huh? Kaya nilang gawin 'yun sa mga senior high school? Grabe sila.

Naiinis akong humakbang patungo sa room. Kawawa naman tuloy si Raven dahil sa mga panggagago ng mga College department. Mga wala ba silang magawa at grabe sila makapangtrip?

"Camille.."

Natigilan ako nang makita si Zev sa hagdan tila kagagaling niya mula sa taas.

Hindi ko siya pinansin pero agad siya nagmadali patungo sa akin.

"Let's talk baby please."

Napasinghap ako nang maamoy ko ang alak sa bunganga niya. What the. Galing ba siya sa pag inom?

"Baby.."

Dumagundong ang puso ko nang halikan niya ang kamay ko. Agad niya ako hinila para yakapin.

"Bati na tayo baby please?"

Nanghina ako. Stop it Camille. Patigilin mo siya kung hindi man. Tuluyan ka bibigay sa kanya. Sure ako.

"Baby please. Wag na tayo mag away.." Hinawakan niya ang mukha ko. "I'm still courting you baby.. I don't want to stop it. Mahal kita.."

Nanginig ang mga daliri ko sa sinabi niya. Kumalma ka Camille. Dinadaan ka sa mga mabulaklakin na salita kahit alam mong pinaghintay ka niya!

"Mahal kita baby.. I love you so much.. Mahal kita.." Paulit ulit na aniya habang pinagmamasdan niya ako. Kapansin pansin ang malalaking eyebag nito habang ang mga mata niya ay nakaguhit ang pamumungay ng kanyang mga tingin at paghihirap.

"Magsalita ka naman oh.. hindi ko kaya tumigil baby.." Lumapat ang labi niya sa ilong ko.

Napalunok ako nang maamoy ko ang alak mula sa bibig niya.

"N-Nakainom ka ba?" Tanong ko sa kanya. Hinarap ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Concern ka baby?" Namumungay na aniya.

"Sagutin mo ako." Mariin na tanong ko sa kanya.

Ngumuso siya at tumango tango. "Oo baby nakainom ako." Tumawa siya.

Napabuntong hininga ako. Papaano siya nakapasok dito na nakainom?

"Dalhin kita sa clini—"

Umiling siya at hinila ako palabas ng school. Nanlaki ang mata ko habang kinakaladkad niya ako.

"Z-Zev ang bag ko! Naiwan ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Babalikan ko 'yun.." Aniya nang tumigil kami sa tapat ng bigbike niya.

"Dito ka lang. Hindi ka aalis."

Napatango na lang ako bago siya umalis sa harap ko. Napakurap ako nang maiwan ako dito kasama ang big bike niya.

Parang may mali sa sinabi ko kanina ha? Pero nevermind.

Wala pa sa isang minuto ay nasa harap ko na si Zev habang sout niya ang bag ko.

"Akin na.."

Hindi niya ako pinansin at nagulat ako nang hawakan niya ako sa bewang at kargahin.

"Zev!" Tili ko.

Pero ang gago lumampas ang kamay nito sa hita ko pagkatapos niya ako mailagay sa big bike niya. Sinamaan ko siya ng tingin kasabay ang pagkahalakhak niya.

"Kumakain ka ba? Ang gaan mo baby eh."

Mas lalo ko siya sinamaan.

"Akin na nga bag ko!"

Umiwas siya sa akin. At nagulat ako nang sumakay siya sa bandang likod ko.

"Ako na magdadala baby.. at ako rin magdadala sayo." Kinilabutan ako nang maramdaman ko agad ang kanyang bibig sa aking leeg.

"P-Pero nakainom ka Z-Zev.." Shit. Para akong nauutal.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.

"Don't worry baby sa akin ka lang mahuhulog." Aniya kasabay ang pagpapaandar niya ng motor.

Bab berikutnya