webnovel

Untitled

"Remembering him comes in flashbacks

And echoes

Tell myself it's time now

Gotta let go

But moving on from him is impossible

When I still see it all in my head

In burning red

Burning it was red"

- Red by Taylor Swift

NARRATOR

Naging palaisipan na kay Kyle ang napanaginipan niya. Naging dahilan rin ito upang minsan ay lalong nalulutang ang kanyang pagiisip at nagiging sanhi ito nang hindi pagkakaintindihan nila ni Ally.

"Kyle ano ba?! Dito ka na lang ba talaga sa bahay na to?! I mean hindi ka ba nababagot kasi ako bagot na bagot na dito!" Bulyaw sa kanya ni Ally. Nagkibit balikat lamang si Kyle habang nagtitimpla ng kape niya.

"No one told you to stay here with me. If you wish to go, then go ahead. No one's forcing you to stay here." Cold niyang sabi at tinalikuran na si Ally ngunit hindi pa man din siya nakakalayo ay biglang nagsalita si Ally..

"Alam mo, lalong lumalala ang coldness mo saakin magmula nang mahimatay ka sa forest. Ano bang nangyayari sayo, Kyle ah?! Hindi kita maintindihan! Hindi ka naman ganyan dati ah!" Sigaw ni Ally sa kanya. Lumingon para tignan siya ni Kyle saka ito tumingin sa kanya ng tila bang walang emosyon.

"I don't know and I don't care." Sabi niya at muling naglakad papuntang kwarto niya. Naiwang nakatulala si Ally sa kanyang kinatatayuan at tila bang nanginig siya sa inis..

"Bwisit na buhay to.. Wala na ngang Elle, lalo namang naging cold si Kyle saakin. Ano pa bang gagawin ko sayo, Kyle ah?!" Frustrated niyang tanong sa sarili.

--

Sa kabilang dako..

Pagkapasok ng kwarto niya, ay umupo sa gilid ng kama si Kyle..

Nakaharap siya ngayon sa malaking salamin niya na nasa closet.. Huminga siya ng malalim makaraang makita niya ang kanyang sariling repleksyon sa salamin.

Tumaba..

Mahaba ang buhok.

Hindi nakapag-ahit ng balbas.

Minsan na lamang naliligo..

Sa madaling sabi, wasted.. Totally wasted..

"I miss you so much, Elle.. I'm so sorry for everything that I've done.." Bakas sa boses niya ang matinding kalungkutan..

"Please come back, Elle.. I really need you now." Tila may kirot sa pagkakasabi niyang iyon. At maya-maya pa'y biglang umagos na kung anong mainit na bagay sa kanyang pisngi.. Agad niya itong pinawi nang mapansin niya ito..

Sandaling napapikit siya at agad na minulat ang mga mata.

Bahagya siyang nagulat sa nakita niya sa salamin.

Isang hulma ng babae..

Nakasuot ito ng pulang bestida at nakaburda ng rosas at mga laso..

Napansin niyang may bitbit itong hulma ng isang sanggol.

Bahagya siyang napangiti nang marinig niya ang munting pagbungisngis ng sanggol habang nakatingin sa kanya.

Tila may paru-parong naglalaro sa kanyang tiyan at naghatid ng matinding kasiyahan sa kanyang puso..

Bigla niyang nasambit ang salitang matagal niya na sanang nasabi..

"Anak..." Tawag niya dito habang patuloy pa rin sa pag-agos ang kanyang mga luha patungo sa kanyang pisngi..

Napansin niyang sandaling tumitig sa kanya ang sanggol. Tumingin siya sa babaeng nakatitig sa kanya..

Hindi siya pwedeng magkamali..

Kilalang-kilala niya ang hulma ng babaeng ito..

"Elle..." Tawag niya dito.. Ngumiti naman ito sa kanya at tila nasisiyahan siya lalo nang mapansin niyang nakangiti ito.

"Gusto ko kayong makasama.. Sunduin niyo na ako.." Atubiling sabi ni Kyle at nginitian ang mga ito. Ngunit agad napawi ang ngiti niya at napalitan ito ng kalungkutan.

Umiiling ang babae..

"B-but...." Akmang tatayo na sana siya upang lapitan sila ngunit agad itong nawala..

"Elle....?" Tawag niya dito.. "ELLE!!" Sigaw niya.. Naghanap siya, hinanap niya sa kanyang paligid ngunit wala na ang mga ito..

Nanlumo siya at napaluhod dahil sa nababalot ng sobrang katahimikan ang paligid..

Matinding pagsisisi ang nararanasan niya ngayon..

Hiling niya na sana bigyan siya ng pagkakataong bumalik sa nakaraan at itatama niya ang kanyang mga pagkakamali..

"I love you, Elle... so much... I'm sorry.." Bulong niya bago siya madala sa matinding kalungkutan at pagod sa pag-iyak..

Bab berikutnya