webnovel

Prologue

Tuluyan na nga bang ibinaon sa tubig ang nakaraan?

Tuluyan na nga bang inanod ang pangakong walang bitawan at iwanan?

Tinangay na nga ba ng alon ang pagmamahalang maraming beses nang pinigilan?

Pag-ibig..

Marahil ay masarap sa pakiramdam ang maranasang ito.

Na gigising ka sa araw-araw na may nagpapaalala sayong sapat ka at hindi mo na kailangang maging 'iba' sa paningin niya.

Pag-ibig na magpapaalala sayong ayos lang na magkamali, na ayos lang na hindi maging perpekto sa paningin ng taong iyon.

Ngunit hindi ito pelikula o kung anong klaseng palabas sa sinehan na nagtatapos sa masayang wakas.

Ang tanong, may magandang wakas nga ba ang istoryang ito?

O nababalot pa rin ito ng misteryo?

Kaakibat pa rin ba nito ang problema?

Problemang maituturing mang maliit o malaki.

Problemang magpapatibay nang kung anong pundasyong meron ang isang relasyon.

Problemang magpapatibay ng kung anong pinanghahawakan ninyo, ang pag-ibig.

Kaso..

Paano kung unang bumitaw ang taong pinangakuan ka ng "walang hanggan?"

Paano kung ang taong nagligtas sayo sa labis na kalungkutan at nagdala sayo ng matinding kasiyahan ay siya ring dahilan nang matindi mong kalungkutan?

Ang taong pag kasama mo'y mala-langit ang iyong nararamdaman ngunit siya rin palang dahilan ng iyong pagkasadlak sa lupa at hindi na nakabangon?

Tuluyan na nga bang ililibing sa hukay ang pagmamahal na yun?

Tuluyan na nga bang matatangay ng malalakas na alon ang pag-ibig na mayroon kayo?

Tuluyan na nga bang mawawala ang pangakong sinimulan?

Bab berikutnya