webnovel

Chapter 25: Confused

Kinabukasan, ng dumating si Jeanlie sa opisina ,ay agad siyang sumulyap sa opisina ni Jethro, mukhang wala pa ito. Pasimple siyang nagtanung kay Feisha na nasa isang mesa lang na nakaupo, na nag-aayos ng mga schedule ni Jethro. "Hala ka, kayo kaya ang magkasama kahapon, tapos ako ang tatanungin mo kung nandyan naba siya? "Nakangising sagot ni Feisha, habang umiiling iling ito. "Nauna kaya siyang umalis sa photoshop kahapon, dahil may meeting daw siya, nagmamadali nga siyang umalis eh".Sagot naman ni Jeanlie habang nakasimangot. At agad siyang nilapitan ni Feisha at malapitang tinuro ang kanyang baba. "Hoi! hoi! anong arte yan? Bakit parang maka arte ka eh parang ikaw ang nobya.! Hoi Jeanlie umayos ka! kabata bata mo pa eh! Huwag ka kasing magpadala sa kasweetan niya, kasi ganyan din siya sa ibang babae. Likas na gentleman talaga si Sir Jethro, kaya huwag mong lagyan ng kahulugan! At kahapon wala siyang meeting na pinuntahan,ako ang sekretarya niya diba? Kaya ako ang may alam sa lahat ng pupuntahan niya kung tungkol sa trabaho.Kaya alam kung wala siyang meeting kahapon. Malamang may ka date yun. "Sabay tawa ni Feisha, para bang nang iinis kay Jeanlie.Nagulat at nasaktan si Jeanlie sa mga sinasabi ni Feisha. Totoo naman din talaga na binigyan niya ng kahulugan ang lahat ng mga mabubuting ginawa ni Jethro sa kanya. Hindi kasi siya nakakaranas na ganoong pagsisilbi at pagrerespeto na nagmumula sa isang lalaki,at sa katulad pa ni Jethro. Pero bakit kailangan pa nitong magsinungaling, na kesyo may meeting daw siya kahapon? Hindi nalang umimik si Jeanlie sa mga sinasabi ng kaibigan, Nag aba-abalahan lang siya.Hindi na niya talaga alam kung bakit kay bilis siyang nahulog sa taong alam niya na hindi bagay para sa isang simpleng dalaga na katulad niya.

****

Maya-maya ay hindi na napansin ni Jeanlie ang pagdaan ni Jethro sa kanyang harapan, papunta sa opisina nito. Dahil sa naging abala siya sa kachat niya. May nagforward kasi sa kanya na isang larawan ng kuya niya ,na umiinum kasama ang mga kamag-aral nito. At halatang oras pa yun ng klase kasi nga naka uniform pa ang kuya niya. Tinanung niya ang nagsend kung sino ito, pero ang sinagot lang nito ay "concern lang po ako sa inyo, at gusto kung ipaalam sa inyo na madaming subject ang dinadrop ang kuya mo. ".Sinubukang tawagan ni Jeanlie ang numero, pero hindi na ito ma kontak pa. Lumalakas ang kaba ng kanyang dibdib kase natatakot siyang malaman kung talagang hindi ba nag-aaral ng mabuti ang kuya niya. Inaasahan pa naman ng Papa niya ang pagtatapos nito.Kaya siguro na gusto nitong mag summer class,kasi dami palang subject na dinadrop. Nalilito siya kung sasabihin ba niya sa mga magulang niya ang tungkol dito o kimkimin nalang muna niya, at kailangan na siya mismo ang makakakita sa mga pinag gagawa ng kuya niya. Ayaw niyang magpadala sa taong nag text sa kanya,pero di niya maiiwasan na mag-alala. Napukaw nalang ang malalim niya iniisip ng tawagin siya ni Feisha. "Pssst.girl!tawag ka ng prinsipe mo, este ni Sir Jethro pala. Ngayon na daw kasi importante. "Nagmamadali namang pinunasan ang kaunting luha na pumatak sa mukha ni Jeanlie, dahil sa iniisip niya tungkol sa kuya niya, at agad na siyang tumayo at pumunta sa loob ng silid ni Jethro. "Hi Sir Goodmorning. Pinatawag mo po raw ako? "Saad ni Jeanlie na nakatayo na sa harapan ng mesa ni Jethro habang ito'y nakaupo na nakatalikod ."Yes Jean! E remind lang kita sa launch ng bago nating barko bukas. Don't be late, kase kasama ka sa ribbon cutting bukas. Susunduin kita bukas ng alas otso ng umaga, dahil nine in the morning pa naman ang event. "Bigkas nito habang pinaikot paharap ang chair na inuupuan niya paharap kay Jeanlie. "Huwag na sir, ako nalang ang pupunta sa location alam ko naman po. Nakakahiya naman kung susunduin mo pa ako. "Tanggi ni Jeanlie sa inaalok ni Jethro. "No! I insist! I'll pick you up by eight in the morning tomorrow.All you have to do is to get yourself ready for tomorrow, kasi ikaw ang attraction bukas, kasi ikaw ang new ambassadress ng Montenegro Shipping Lines. That's all Ms. Cruz and goodmorning. "Sabay tayo nito at papunta sa coffee table niya. Sa boses at tinig ni Jethro ay ayaw nitong tatanggihan, kung kaya ay yumuko nalang si Jeanlie sa kanya bilang paalam at lumabas na ito sa opisina niya. Nakasimangot si Jeanlie habang lumalabas sa opisina ni Jethro, bakit kaya ganun siya sa akin,gusto na niyang baliwalain ito, pero pilit itong lumalapit sa kanya. Siguro ganun din siya sa ibang babae na nakasalamuha niya. Naputol nalang ang pagkakausap ni Jeanlie sa sarili ng tawagin siya ni Feisha habang siya ay papalapit dito,."Jean,nasa labas daw ang kaibigan mo na si Nathalie".Biglang lumiwanag ang mukha ni Jeanlie sa narinig,at agad na nagpaalam siya kay Feisha na puntahan na muna niya ang kaibigan,at agad naman itong tumango, tinatahak na ni Jeanlie ang daan papunta sa elevator para sumakay papunta sa ground floor,kung saan naghihintay ang kaibigang higit dalawang buwan na itong hindi nakita,dahil nag tatrabaho na siya at abala din ito sa pagka collage niya sa Manila.Nang bumukas na ang elevator na kanyang sinasakyan ay agad na siyang nagtungo sa waiting area ng gusali,nakita niyang abala sa kausap sa telepono si Nathalie,pero nung nasulyapan na siya ay agad nitong binaba ang telepono at nakangisi na nagmamadaling lumapit sa kanya,at ganun din siya.Nagtitilian sila habang yakap ang isa't-isa,halatang na miss nila ang bawat isa."Sssshhhh!baka sitahin tayo ng gwardya.Namiss kita subra Nath.Kumusta kana ?kumusta na ang enrollment mo sa Manila."Pangising tanong ni Jeanlie sa kaibigan na nakayakap parin sa kanya."Okey lang ako,mas na miss kita nuh,nakakastress pala sa Manila besh,subrang init at traffic,natagalan ako don kasi naghahanap ako ng apartment na malapit sa unibersidad namin ,yung walking distance lang ba,kasi malalate ako pag sasakay pa ako dahil sa traffic don.Kakarating ko lang kanina,kaya dumeretso na ako dito,para makita ka nuh, at nakapag enroll na kasi ako,kaya after two weeks ay babalik na ako don para ayusin ang apartment ko at maghanda na para sa klase.Ikaw ba nakapag enroll kana ba?Mahabang banggit ni Nathalie sa kanya habang hawak- hawak siya at umupo na sa may upuan."Mabuti naman kung ganun.Ako eh nextweek pa ako makapag enroll besh kasi bukas eh mag lalaunch na sila sa bagong barko,at isa daw ako sa magka cut ng ribbon.Kaya sakto na nandito ka ,kasi sasamahan mo ako bukas.At huwag kang mag alala kasi ihahatid kita sa Manila at tutulungan kitang ayusin ang apartment mo."Pangising tugon ni Jeanlie sa kaibigan."Wow!totoo ba besh?Hala thank you thank you.Sige sige baka naabala na kita lalo,uwi muna ako para magkapag pahinga at pupuntahan kita mamaya sa bahay niyo ah. Balik ka na don kasi working hours pa.Ba bye na,see you later,at pakisabi kay Tita na doon ako maghahapunan please."Nakangising tugon ni Nathalie sa kanya,na halatang subrang excited na ito sa mga gaganapin sa susunod na araw.Agad na itong tumayo at nagbisi-biso na sila.Pinapanood nalang ni Jeanlie ang kaibigan habang palabas na ito ng building.

Bab berikutnya