webnovel

Chapter 23: Who's that girl?

"What are you doing here?Kailan ka pa dumating?Hindi ka man lang tumawag para masundo kita!"Tanung ni Jethro kay Mariz habang hawak-hawak ang kamay nito, na halata sa mukha niya ang saya ,na nakita niya ito". Kahapon lang, dami kasi akong inaasikaso kaya di ako nakatawag. Ang importante ay nandito ako ngayon.I really missed you honey. "Tugon ni Mariz sa kasintahan, at pinisil nalang siya nito ng madiin halik. "Punta ka sa condo mamaya hon,okey?or ngayon na tayo pupunta?Miss na miss na din kita and I'm glad that your here."Sambit ni Jethro habang humahangos sa pagkawala ng halikan nila ni Mariz. "You know naman honey na hindi ako basta bastang makapunta don, dami naming ginagawa at mahirap na ,baka may mga paparazzi na nakasunod sa akin.Tumakas na nga lang ako ngayon eh."Palanding sagot ni Mariz habang nilalaro ang kanyang kamay sa dibdib ni Jethro.Naghalikan nalang ang magkasintahan, na para bang wala ng bukas,halatang na miss nila ang bawat isa.Tinanong ni Mariz kung sino yung babae na kasama niya kanina,Si Jeanlie ang ibig niyang sabihin.Sinagot naman ni Jethro na isa iyong bagong modelo sa kompanya.Biglang natahimik si Mariz."Baka naman ma inlove ka sa babaeng iyon,nakita ko pa naman kanina na masaya kayong bumaba ng kotse."Parang nagseselos na tinig ni Mariz."Alam mo naman na ikaw at ikaw lang ang mahal at mamahalin ko hon."Sabay hagod ni Jethro sa matangos na ilong ng nobya."I'm just kidding hon!alam ko naman yan eh ,kahit ilang babae pa yang kalandian mo,alam kung ako at ako lang ang mahal mo..So I really need to go hon!Bye Iloveyou."Nakangising sambit ni Mariz habang dumeretso na itong naglalakad patungo sa sarili nitong kotse.

Walang nalang nagawa si Jethro kundi panoorin nalang ang nobya na papalayo.Parang nasanay nalang din si Jethro, kasi everytime na magkikita sila ng nobya ay para itong palaging nagmamadali.Naintindihan na lamang niya ito dahil alam niya na busy ang buhay ni Mariz dahil sa trabaho nito. Si Mariz ay isang sikat na modelo sa isang kilalang kompanya sa Pilipinas at sa abroad, isa siyang dating modelo ng Montenegro, pero nung may nag offer sa kanya na dalhin siya sa Paris para maging modelo sa kilala at sikat na brand ng Gucci, ay agad niya itong sinunggaban. Naging sila ni Jethro mula nung nag-umpisa pa siya sa Montenegro company at hanggang ngayon na pabalik balik nalang siya sa abroad at Pilipinas.Isang ambisyosa si Mariz, at kayang gawin ang lahat para lang matupad ang mga pangarap niya. Hindi naging bukas sa publiko ang relasyon nilang dalawa ni Jethro , dahil na din sa kagustuhan ni Mariz.Hindi kasi magandang emahe sa kanyang posisyon kung malalaman ng publiko na may boyfriend na siya, kung kaya ay nilihim nalang nila ito. Sa tuwing uuwi si Mariz sa Pilipinas para bisitahin ang branch ng kompanyang pinagtatrabahuan niya ay bigla lang itong pinupuntahan si Jethro. Alam ni Mariz na madaming babae ang nauugnay kay Jethro,pero wala lang sa kanya yun.Dahil hindi lingid sa kaalaman ni Jethro ay isang mistress si Mariz sa may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan niya. Yan din ang rason kung bakit pinili niyang ilihim ang relasyon nila ni Jethro.Kaya pala naging madali ang pag-asenso ni Mariz, dahil binigay sa kanya ang lahat ng pangangailangan niya at sa mga magulang at kapatid niya,pati na ang mga luho nito ay suportado sa lihim na karelasyon ni Mariz na may-ari ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho.Kung kaya pag-uuwi si Mariz sa Pilipinas ay palihim lang ang kanyang pagpunta kay Jethro,dahil hindi pwedeng malaman ng kanyang karelasyon ang lihim niya, dahil lahat na meron siya ngayon ay pwedeng pwedeng kunin sa kanya.Hindi na kasi naging kontento si Mariz interms of money,hindi din kayang higitan ni Jethro ang kayang ibigay sa kanya ni Pablo ang may-ari ng Gucci.At hindi na din alam ni Mariz kung mahal pa ba niya si Jethro ,dahil ang importante lang sa kanya ngayon ay ang karangyaan na meron siya.

****

Bumalik na si Jethro sa silid kung saan nandoon si Jeanlie para sa photoshoot nito. Mula nung nakita niya ang nobya, ay hindi na siya mapakali, palagi na siyang nakatingin sa kanyang cellphone dahil baka tatawag ito sa kanya. Mahal na mahal ni Jethro si Mariz, kaya nga handa siyang gawin lahat ng mga sinasabi nito sa kanya. Gusto niyang bumuo ng pamilya kasama si Mariz,kahit na maraming babaeng nauugnay sa kanya ay iba talaga si Mariz sa buhay niya. Binaling nalang niya ang kanyang pagkamiss sa nobya, sa pamamagitan ng mga babae na gusto din siya, sabi nga niya sex lang yun, pero ang puso niya ay nandoon parin kay Mariz. Buong alam ni Jethro na nagtatrabaho lang ang dalaga sa abroad, at hanga din kasi siya nito dahil wala pang isang taon na nagtatrabaho si Mariz sa Gucci ay nakapundar na ito ng bahay para sa mga magulang at mga negosyo para sa mga kapatid niya. Hindi niya alam ang baho na tinatago ng kanyang nobya.Napatingin nalang siya sa gallery ng kanyang cellphone at tiningnan isa-isa ang mga picture nila ni Mariz. Hindi niya napansin na papalapit na pala si Jeanlie sa kanya. Nang marinig niya ang boses nito, ay pasimple niyang nilagay ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon na suot. "Hi! so kumustah ang photoshoot? You look so nice! "Puri niya kay Jeanlie na nakangiting papalapit sa kanya. "Okey lang naman, nag-eenjoy din ako at the same time. Ahm. Sino pala yung babae kanina?Ang ganda niya at seksi ng pangangatawan niya ano?"Tanung ni Jeanlie sa kanya habang nakaupo na ito sa kanyang tabi. "Ahmmm yun? Ah si Mariz yun, dating model sa kompanya namin.Pero ngayon ay nasa International na siya nagtatrabaho sa isang sikat na brand. Yeah! she is so beautiful and hot. "Sagot naman ni Jethro na nakangiti, na para bang masayang masaya sa kanyang sinasabi. "Ouch! parang masakit yun ah, totoo kayang nobya niya iyon? Tanung ni Jeanlie sa kanyang isipan. "Is she your girlfriend? "deretsong tanung niya kay Jethro. "Ahmm.Jeanlie I really need to go, nakalimutan ko na may meeting pala ako ngayon, ipakuha nalang kita sa driver pagtapos kana sa shoot mo ha. Take care. "Palikong tugon sa kanya ni Jethro, na para bang hindi narinig ang tanung niya. Tumayo na ito at binibiso biso na siya at umalis na ito. Tumayo nalang din si Jeanlie at bumalik na siya kung saan siya nagphotoshoot. Nakadama ng pagkadismaya si Jeanlie, at baka totoo nga ang sinasabi ni Pula na girlfriend niya iyon. Niyugyog niya ang kanyang ulo, ano ba ang nagyari sa kanya, bakit nakadama siya ng sakit at selos ,eh wala namang sila. Masyado kasi siyang nagpadala sa kasweetan at pag-alala ni Jethro para sa kanya. Kaya ngayon ay alam na niya kung saan siya lulugar. Hanggang paghanga nalang siya kay Jethro.

Bab berikutnya