webnovel

Chapter 20

Chapter 20 Family

"Clarity and acceptance can make you grow stronger and advance in life, just like how pain and mistakes can change you."

-UnleashingDesire

~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~

Nang makariting na sila sa isang napakalaking Villa ay inabot na sila ng madaling araw. Unti-unting nagbukas ang napakalaking gate, nung ang kotse na minamaneho ni Clide ay malapit na rito. Pumasok ang kotse at makikita agad ang napaka laking mansion na nasa dulo ng daan. Puno na mga halaman at bulaklak ang paligid. Halatang inaalagaan ng mabuti ang mga halaman at bulaklak sa sobrang ganda ng kulay ng mga nito. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi nakita ng tulog na si Celindra.

Huminto ang kotse sa tapat ng mansion. Bumukas ang pinto at lumabas si Clide. Agad namanng sumalubong ang butler at mga katulong na naka-uniporme. Pumunta sila sa kanilang mga posisyon at gumawa ng daan.

"Eldest young master." kaagad namang bati ng mga ito. Binigay ni Clide ang susi sa Butler.

"Go. Celindra doesn't like this kind of thing and remember to not let her see you at all. If Celindra needs you, she will call anyone and you must all obey her, without question. Do you understand?" The maid and butler bowed.

"Yes, eldest young master." Even though the maids didn't know who Celindra is and curious about her, no one dared to speak.

"Disperse." Lahat sila ay nagsi-alis na maliban sa butler at isang lalake na magmamaneho ng kotse ni Clide papuntang garahe. Binuksan ni Clide ang pinto at ginising na ang natutulog na si Celindra.

"Little sister. Little sis, wake up." Celindra pushed the hand that have been shaking her and glared at the owner of the hand. Napansin naman niyang nasa labas na si Clide at nasa tapat na sila ng pamiliar na mansion. Tinulak niya si Clide paalis ng pinto ng kotse at bumaba na.

"Young Miss." The butler and the man bowed when they saw Celindra went out the car.

"Uncle Marco? Torren?" Umayos na ng tayo ang dalawa at makikitang sobrang saya ni Marco ng kaniyang makita si Celindra.

"Young miss, you're back." Nakangiting umiling si Celindra kay Marco.

"Uncle Celindra na lang po." Ngumiti lang si Marco kay Celindra at hindi na nagsalita pa. Tumingin si Celindra kay Torren pagkatapos niyang sabihin iyon. Nakita niyang nakatingin lang ito sa baba.

Lahat ng katulong ay hindi pwedeng tumingin ng diretsyo sa mata ng pamilyang Lim. Ang pamilya nila Celindra. Dahil masyadong mapapaniwalain pa ang buong angkan sa ganitong situation. Galing ito sa ninuno nila na nakapag-asawa ng pure blood Chinese at pinasa na ang mga ito sa mga sumunod na henerasyon. Matagal na panahon na ito at paniguradong wala na sa kanila ang dugong Chinese pero ang ibang mga pananaw at mga hakahaka ay nanatili sa kanilang pamilya.

Nagtataka naman si Celindra kung bakit yata sinusunod na ito ni Torren. Torren is a childhood friend of hers. Anak siya ni Marco sa dating headmaid nilang si Auralyn. Ngunit namatay ito nung ipinanganak niya na si Torren. Kaya close rin siya kay Torren dahil ang turing na nila rito ay kapatid. Then she remembered, Torren already matured at this time. He is 30 now. Besides, ilang taon na rin silang hindi nagkikita. Inalis niya na ang tingin dito at nginitian si Marco.

"Let's go, Mom might be throwing tantrum in the house for being late." Nauna ng maglakad si Clide at sinundan naman siya nila Celindra. Habang naglalakad ay napatanong si Celindra.

"Is mom even awake at this time?" Clide didn't answer kaya naman tumingin si Celindra kay Marco. Tumango naman si Marco ng makita niyang nakatingin si Celindra sa kaniya.

"Madam wanted to wait for young miss arrival and didn't sleep. Master is persuading madam to go to sleep, yet madam is persistent." Nang marinig ni Celindra yun ay napakunot ang kaniyang noo. Halata sa kaniya na hindi niya nagustuhan ang narinig niya. Hindi na rin niya pinansin ang patuloy na tawag ng young miss sa kaniya ni Marco.

"Even father haven't slept yet then." Celindra muttered and Marco heard it.

"Yes, young miss." Marco answered. Celindra sighed knowing her mother will really throw tantrum at her.

Nagsimula ng mag-isip si Celindra ng pwedeng idahilan sa kaniyang ina. Nang papalapit na sila sa sala ay rinig na rinig nila ang boses ng kanilang ina at ama.

"Bakit ba kasi ang tagal nila? Hindi pa makontak yung anak mong yun! Anong akala niya? Famous siya? Famous? Aba't! Nako, Lorrence! Yang anak mong yan ah! Pagsabihan mo yan!" Napakalakas ng boses nito at rinig na rinig nila Celindra ang bawat salita nito. Tumingin naman si Celindra kay Clide. Napansin agad ni Clide ito at tinaas ang kaniyang cellphone. Pinindot niya ito at nakita ni Celindra na hindi ito bumukas. Duon niya nalaman na lowbat pala ito. Tumango na lang si Celindra kay Clide.

"Yes. Yes. I will. Huminahon ka. Iyan ba gusto mong ipakita sa anak natin pagdating niya? Calm down, okay?" Sumunod namang boses ay ang kanilang ama na nagpapahinahon sa kaniya asawa na si Amanda.

"Mom. Why did you even drag me into this? I want to sleep." Nakarinig ulit sila ng boses ng lalake. Halata sa boses nito na pagod at inaantok na. Nang makita ni Celindra ang situation nila ay napailing ito. Nakaupo si Amanda at si Lorrence sa couch at nakahiga naman ang kaniyang kapatid sa isang couch. Halata sa mga mata na linalabanan nila ang kanilang antok.

"Hmp! Since I, your mother is suffering, you must join as well. Aren't you my son? How can you be so heartless?" Binato ni Amanda ng unan ang kaniyang anak. Napaupo naman si Clarence dahil dun.

"I'm the heartless one?" nanlaki ang mata ni Clarence at tinuro ang kaniya sarili na hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Look! Your son is saying I'm heartless! Why did you even have a son like that? Teach him well!" Pinalo naman ni Amanda si Lorrence sa hita at sinamaan ng tingin si Clarence.

"Honey, calm down. Clarence can you stop glaring? She's your mother."

"Hmp! If my daughter sees this because of you--." Duon na napansin ni Amanda ang papalapit na grupo at nanlaki ang kaniyang mata. Biglang nag bago ang itsura niya at para siyang tigreng bigla na lang naging pusa. Kung hindi nila nakita ang nangyari kanina ay aakalain nilang napakabait ni Amanda at hindi siya gagawa o sisigaw ng ganun, pero nakita nila yun.

Walang magawa si Celindra kung hindi mapalunok sa ingay na ginagawa na kaniyang pamilya habang sila ay papalapit na sa pwesto nila. Hindi pa rin sila nagbabago. Lalo na ang kaniyang ina. Kailan kayo ito magmamature? She shook her head with that thought. Alam niya na ang sagot sa kaniyang tanong. It will be, never. Anyway, atleast her mother can control herself when she's outside the house. Ngumiti si Celindra at binati sila.

"Mom, dad, second brother."

Bab berikutnya