webnovel

Chapter 16

(( Sheena ))

Malapit na kami sa kanya kanyang bahay namin ng maunang magpaalam si Van sa amin.Nag beso ito kay Anne at sa akin.Hindi ko pinahalata na nagulat ako sa ginawa nya pero masaya ako kasi nagiging komportable na ako pag kasama sya.Nasa tapat pala namin ang bahay nya.Dati pa walang nakatira sa bahay na yun kasi nag migrate na sa U.S ang nakatira.

Nagpaalam na rin si Anne at pumasok na ito ng bahay nila.Ako na lang mag isa ang nakatayo sa harap ng bahay namin,tiningnan ko naman ang bahay nila ni Vanellope.Nakita ko ito sa taas ng bahay nila siguro dun yung kwarto nya.Pumasok na rin ako ng bahay,pagdating ko ng kwarto binuksan ko agad ang kurtina ng bintana at nakita ko sya na kumakaway sa akin.Magkaharap pala ang kwarto namin kahit medyo malayo ay kitang kita ko sya.Kinawayan ko rin sya pabalik.

Palagi na kaming magkasamang tatlo.Minsan sa bahay na kami ni Vanellope tumatambay.At may kapatid pala sya,kamukhang kamukha nya.Sya si Penelope.Matanda ito kay Vanellope ng isang taon.Maganda din ito katulad ni Van pero hindi ito pala kaibigan,kaya siguro sa ibang school ito nag aaral.Ang sabi ni Vanellope minsan lang sila mag usap ni Penelope kasi palaging nasa kwarto nya ito.Mayaman din sila kagaya ni Anne,madami silang business hindi lang dito sa pilipinas kundi pati na rin sa ibang panig ng bansa.

Sobrang bait din ng parents ni Vanellope.Kamukha sya ng daddy nya at nakuha naman nya ang dimple nya sa mommy nya.

Fourth year high school nang marealize kong tama ang nararamdaman ko,na babae din ang gusto ko,na hindi lang ito basta paghanga lang.Bawat araw ang lumipas mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.

"Uy Sheena labas naman tayo,wala naman akong gagawin sa bahay"yaya nya sa akin.Umabsent kasi si Anne masama daw ang pakiramdam kaya dalawa lang kami ngayon ni Vanellope magkasama.

I nodded.

Ito na siguro yung time para sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Pumunta kami sa isang mall na malapit sa school,dumiretso na muna kami sa book store kasi may bibilhin daw itong bagong libro.

"Mahilig ka sa mga ganitong libro?"tanong ko dito habang binabasa nya ang likod ng librong hawak nya.

Bumaling din ito sa akin.

"Oo since elementary nagbabasa na ako ng mga ganito"sagot nito at muling naghanap ng ibang libro.

Nakapili na nga ito ng librong gusto nya,actually tatlo yung kinuha nya.At pumila na ito sa counter.Hinintay ko na lang sya sa labas ng store.

"Tara kain tayo"sabi nito ng makalapit na sya sa akin.

"Sure"

Naghanap kami ng pwesto at ako na ang pumila para sa amin.

Tiningnan ko sya mula sa kinauupuan nya.Nakatingin lang ito sa malayo.Magagalit kaya sya sa akin kung sabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko? Ang daming gumugulo sa isip ko.

"Van?May tanong nga pala ako sayo"sabi ko dito.Kumakain pa rin ito.

"Sure,ano yun"

"Pano pag may nanligaw sayong lesbian?Papatol ka ba?"

Alam kong nagulat sya sa sinabi ko.

"Ha?Bakit lesbian ka ba? sa ganda mong yan?"

Tumawa naman ako ng bahagya.Uminom muna ako ng juice bago nagsalita.

"Hindi,may kaibigan kasi ako na gusto ka daw eh lesbian yun"pagsisinungaling ko.Kahit alam kong alam nya na sila lang naman dalawa ni Anne ang kaibigan ko.

Napakunot noo ito.

"Lalaki ang gusto ko at tsaka baka pagalitan lang ako ng parents ko pag nalaman nila na lesbian pala boyfriend ko diba?"

Hindi na ako sumagot pa,pinatapos ko na lang muna sya sa kinakain nya kasi parang wala nang lalabas na salita sa bibig ko.Ang sakit pala talaga.

:)

JMP_beautycreators' thoughts
Bab berikutnya