webnovel

Chapter 2: Guild Master

Chapter 2: Guild Master

"Hoy, Hoy, Hoy!!" Patuloy na tinapik-tapik ng isang lalaki ang pisngi ni Brenda para gisingin siya.

Pagmulat ng kanyang mga mata ay isang leon ang bumulat sa kaniya dahilan ng kanyang pagkagulat.

"Yyyaaaaaahhhhhhh." Napasigaw na lamang si Brenda sa pagkabigla. Napatigil na lamang siya ng batukan siya ng isang lalaki.

"Aarr ayy! Ansakit nun ah!" Pasigaw na kumpronta niya sa lalaki.

"Psszzzzhhh hahaha hahaha hahaha! Natakot ka sa balabal kong Leon." Napatawa nalang ang lalaki sa inasal ni Brenda sa kanya. 

"Anong nakakatawa?! Ha?!" Asar na tanong ni Brenda sa lalaki.

"Norman!" Ika ng lalaki sabay abot Ng kanyang kamay sa kanya.

Si Norman ay isang Assassin type na adventurer. (Nakadepende sila sa bilis at umaatake ng patalikod sa kalaban. Para silang mga ahas na humahanap ng tiyempo sa pagatake. Madalas silang bayaran ng mga Maharlika para tumapos ng buhay.) Si Norman ay isang binatang nasa 21 ang edad at nasa 5'8 ang tangkad, katamtaman ang katawan at may pulang mga mata. 

"Huh?!" Pagtataka ni Brenda.

"Norman pangalan ko. Ikaw?" Tanong ng lalaki sa kanya.

"Brenda! Brenda Estrellia." Sagot niya sa lalaki.

Napalitan ng pangamba ang masayang mukha ng lalaki at lumayo siya kay Brenda. Agad humingi ng tawad si Norman sa kanya na para bang mayroon siyang nagawang napakalaking kasalanan. 

"Patawad! Hindi ko alam. Patawad!!" Agad tumayo si Norman at tumalikod paalis ngunit bigla siyang hinawakan ni Brenda sa kamay at nagtanong.

"Bakit?! Pagtapos mo akong sampal sampalin bigla kang aalis. Ano bang problema mo?!" May pagkairita at pagtatakang tanong niya kay Norman.

"Patawad po! Dapat hindi ko ginawa iyon sa inyo. Nagawa ko lang po iyon dahil muntik ko na kayong masagaan ng aking karwahe at bigla kayong tumilapon sa ere at nang pabagsak na kayo ay sinalo ko kayo. Nawalan kayo ng malay kaya naman, tinapik tapik ko ang mukha ninyo." Takot na pagpapaliwanag ni Norman.

"Aaahhh. Oo nga! Naaalala ko na. Pero huh huh?!!!!! Huuuuhhhhh???!!!!!!" Mas lalo pang dumami ang katanungan sa ulo ni Brenda.

"Hindi ko po sinasadya! Hindi ko po alam na isa kayong Maharlika! " Pagsambulat ni Norman para depensahan ang sarili.

"Huhhhhh??? Aaahh?! Huuuuuhhhhhh????!!!!" Hindi na alam ni Brenda ang nangyayari. 

Sa pagkabigla ay nahilo na lamang siya at nawalan ulit ng malay.

*Pag-gising ni Brenda ay nakahiga na siya sa isang kama. Napatingin siya sa gilid at nakita niya si Norman.

"Nasaan ako?" Tanong ni Brenda sa kay Norman.

"Nasa bahay ko po kayo." Sagot ni Norman.

"Huh?! Anong ginagawa ko sa bahay mo? Rapist ka no. Layuan mo ako!" Pasigaw na simbat ni Brenda.

"Wala po akong balak sa inyo. Nandito lang po kayo sa aking bahay dahil nawalan po kayo ulit ng malay." Pagpapaliwanag ni Norman kay Brenda.

Napatigil si Brenda sa pagsasalita at inisip ang mga nangyari.

Kinuha ni Norman ang pinakamalinis na tubig na maaari niyang ibigay kay Brenda.

"Tubig po para mahimasmasan kayo." Sabay abot ng isang baso ng tubig kay Brenda. 

Hindi kinuha ni Brenda ang tubig sa pagaakalang may nakahalong gamot dito, bagkos ay tinapik ito dahilan na mabasag ang baso.

Nagalit si Norman sa ginawa ni Brenda ngunit hindi niya ito ipinahalata sa dalaga. 

"Baka may drugs yan! Tulong!" Histerikal na pagsigaw ni Brenda.

Tinakpan ni Norman ang bunganga ni Brenda at ipinaliwanag ang mga nangyari. 

Nahimasmasan si Brenda at humingi ng tawad kay Norman.

"Patawad! Natakot lang talaga ako. Tsaka nasaan ba ako?" Tanong ni Brenda.

"Nandito ka sa bahay ko. Patawad kung ito lang ang maiaalok ko sayo. Adventurer lamang ako." Sagot ni Norman.

"What I'm asking is. Where exactly? What town?" Tanong ni Brenda. 

"Patawad ngunit hindi po ako lubos na nakakaintindi ng salita ng mga Maharlika." Sagot ni Norman sa kaniya.

"Wait lang! Maharlika? Pero hindi naman ako maharlika ah." Sagot ni Brenda sa kanya ng may pagtataka.

"Pero mayroon kang pangalawang pangalan. Ibig sabihin kasapi ka sa isang pamilya. At mga Maharlika lamang ang may karapatang magmay-ari ng pangalawang pangan." Paliwanag ni Norman sa kaniya.

"Pero pano naman yung pagiingles ko? Sabi mo salitang Maharlika? Eh Englis lang yun." Pagtanong ulit nI Brenda sa kaniya.

"Mga Maharlika lamang po ang may karapatang makapagaral. At ang salitang iyong binigkas ay tinatawag naming SENGRED. Ginagamit nila ang salitang iyon para sa mga kalakalan at mga batas na pinapatupad. Ganun din sa mga establishimento." Pagpapaliwanag ulit ni Norman.

"Ibig sabihin, gumagawa sila ng batas na sila lamang ang nakakaintindi?! At kung mga Maharlika lang ang may karapatang mag-aral, ibig sabihin hindi mo alam ang batas. Kaya pala nagkanda-ugaga ka kanina nang marinig mo apelyido ko dahil pwede kang ipaaresto ng kahit na sinong maharlika kahit hindi mo alam ang kasalanan mo. Ibig sabihin din kayong mga pangkaraniwang tao ay walang karapatan." Ika ni Brenda. 

Habang nagsasalita si Brenda ay tumulo ang dugo sa bibig ni Norman dahil sa nakagat niya ang labi niya sa sobrang galit.

Napawi lamang ang galit ni Norman nang marinig ang mga salitang….

"Tutulungan kita." Sabay ngiti kay Norman. 

"Pero kailangan ko munang malaman kung nasaan akong lupalop ng Earth?!" Pasimbalit ni Brenda.

"Earg?" 

"Earth!" 

"Eark?"

"Di bale na nga. Kung hindi mo alam ang Earth, pero marunong ka ng salita ko. Ibig sabihin wala ako sa Earth. Eehhh!!!??? Eeeeeeehhhhhhh???!!!" Pagkabigla ni Brenda.

"Ang mundong ito ay tinatawag naming Grandia. At nandito tayo ngayon sa Histeria. Nasa Silangang bahagi ng Grandia kung magbabase tayo sa mapa na ginagamit naming mga adventurer." Pagpapaliwanag ni Norman.

"Kung hindi ka taga dito sa mundo namin. Taga-saan ka? At pano ka napunta dito sa mundo namin? Tsaka mas mabuti pa sigurong maligo ka muna. Sunog pa mga damit mo. Papahiramin nalang kita ng mga damit ng nanay ko." Mungkahi pa ni Norman.

"Ay! Hehe hehe he he he. Oo na!" Sumang-ayon nalang si Brenda. 

Matapos makaligo at makapagpahinga si Brenda ay agad siyang nakatulog sa sobrang pagod at puyat. Nakatulog siya ng halos isang buong araw. Paggising niya ay umaga na at paputok na ang araw.

Grrrrrggggghhhhh!!!!

"Naku! He hehehe he he. Mukhang nagagalit na si stomach-chan." Nakakatuwang bigkas ni Brenda sabay himas niya sa kaniyang tiyan.

"Wala pa naman si Norman dito. Nasaan kaya siya? Naiihi ako." Kinakausap niya ang kaniyang sarili.

Pagbukas niya ng pinto ay… 

"Eh? Eh?! Aaaaaaaaahhhhhhhh" Isang mahabang bunga ang bumulat pagkabukas niya ng pinto. Hindi niya inasahan ang napakagandang tanawin na agad nagpagising sa kaniya.

"Wala ka bang balak kumain huh? Nagugutom na ako." Paghikayat ni Brenda kay Norman habang nakahawak sa kaniyang mukha.

"Tara. Samahan mo'ko. Pupunta tayo sa Guild para iparehistro ka bilang adventurer." Mungkahi ni Norman kay Brenda.

"Wow! Magandang ideya yan. Tutal, hindi ako pamilyar sa mundong to at kung paano to tumatakbo. Siguro makakahanap ako ng paraan kung paano makakabalik sa mundo ko. Kung may Entrance, may Exit din 'di ba?" Masayang sagot ni Brenda. 

Kinuha ni Norman ang karwahe at inaya si Brenda upang sumakay. 

"Sakay na! Medyo malayo yun." Ika ni Norman

"Sige! LARGA!"

"Huh?"

"Larga na!!"

Ilang minuto pa ay nakarating na nga sila sa Guild upang iparehistro si Brenda.

"Andito na tayo!" Sambit ni Norman.

 Naglakad sila papasok sa Guild, ngunit habang naglalamd ay nakita ni Brenda ang isang lalaking nakatingin sa kanya at agad siyang hinawakan sa braso.

"Norman! Sino 'tong kasama mo? Maganda siya huh. Pwede ko bang mahiram?!" Ika ng lalaki sabay lapit ng mukha nito kay Brenda.

Hindi nagsalita si Norman at hinugot ang kutsilyong hawak niya ambang puputulin ang kamay ng lalaki.

Binitawan ng lalaki si Brenda at dumistansya sa kanila para iwasan ang atake ni Norman. 

Nagtayuan ang lahat ng nasa loob ng guild at naghiyawan.

"Sige!!!! Isang daang pilak para kay Norman."

"Walang problema. Tatapatan ko yan."

"Limang ginto para kay Gordon. Sinong tatapat."

"Sige! Akin yan. Haha!"

"Sino kayang mananalo? Isang Assassin na nasa kulob na lugar o isang Enhancer? Maganda to."

Si Gordon ay isang Enhancer (Ginagamit ang Mana sa kaniyang katawan para palakasin ng ilang doble ang kaniyang physical na lakas)

Siya ay isang lalaking nasa 20 ang edad may malaking pangangatawan at matatalim na mata. Tinatawag din siyang Minotaur ng iba dahil sa pagpapatumba niya sa isang Minotaur gamit lang ang kaniyang isang kamay.

Magsasagupaan na sana ang dalawang lalaki ng bigla silang mawalan ng malay. 

Bago sila bumagsak sa lupa ay hindi namalayan ng lahat ang pagdating ng Guild Master. Hinawakan niya ang dalawang mainiting lalaki sa ulo at pinag-untog na parang bata. Sa bilis ng pangyayari ay napanganga ang lahat ng nasa loob ng gusali maliban sa isa. 

"Huh! Ang Guild Master nandiyan na siya!." Sigaw ng mga adventurer sa loob ng Guild.

Ang Guild Master ay isang Dwarf. Nasa 4ft ang taas may kulay dilaw na buhok at balbas. Makikilala siya base sa kaniyang baluting gawa sa balat ng dragon. 

"Anong kaguluhan to?" Tanong ng Guild Master sa lahat.

"Ah eh nagkakasiyahan lang na..." 

BHUGGGGG!! Hindi pa natatapos ng isang adventurer ang sinasabi niya ay tumumba na siya sa sahig ng Guild.

Agad na lumapit si Brenda sa Guild Master at sinampal ito.

"Bakit mo naman sinuntok agad yung lalaki? Nagpapaliwanag palang siya. At sino ka ba para gawin yun?" Galit na pagkumpronta ni Brenda sa Guild Master.

"Kung ganon may isang tao palang kayang makita ang ginawa ko." Interesadong sagot ng Guild master.

"Huh?" Pagtataka ni Brenda.

"Hoy tao, anong sadya mo at nandito ka sa Guild ko?" Tanong ng Guild Master sa kaniya.

"Hoy ka din dwende. Nandito ako para iparehistro ang sarili ko bilang adventurer pero binabawi ko na. Hindi ako papasok sa punso ng isang mabahong dwende kung ikaw din lang ang sasalubong sakin." Galit na galit na pagkumpronta no Brenda sa Guild Master.

Natakot ang lahat sa kanilang mga narinig. Ang iba ay pinagpawisan ng malamig. Natakot na parang nasa loob ng guild si kamatayan.

"Aaaahhhh!!! Magsilabas na kayo. Mamamatay tayo dito."

"Uhu uhu. Umalis na tayo dito!"

"Baka mapatay pa tayo ng Guild Master.!" 

Nagtulakan ang lahat papalabas ng Guild. Natira lamang ang tatlong walang malay na lalaki, si Brenda at ang Guild Master.

Nabalot ng tensyon ang hangin na para bang may nagbabadyang panganib. 

Sa mga panahon na yun ay nagising na si Norman at Gordon, ngunit hindi sila bumangon mula sa pagkakabagsak. Maging silang dalawa na parang mga leon na nagaaway para sa isang babaeng leon ay naging mga sisiw na kaharap ang ahas. 

Nanginginig ang dalawa sa takot, sa kung ano ang gagawin ng Guild Master pagkarinig niya sa mga salitang iyon. . . . . 

Bab berikutnya