Sinalubong si Yra ng yakap ng kanyang mga magulang ng makauwi sila sa bahay ni Jion, napawi ang lahat ng kanyang takot ng makita ang ama at ina gayundin din si Heshi na walang tigil ang kaiiyak.
"Salamat sa Dyos anak at nakaligtas ka," habang hindi sya binibitawan ng kanyang ina.
"Ang mabuti pa Yra ay umuwi na muna tayo sa atin at ng makabawi ka sa mga pinagdaanan mong hirap.." ani Mang Hener habang nagpupunas ng luha ito, "Ayoko na ng nandito ka sa maynila anak, malaki nga ang kinikita mo pero lagi ka naman napapahamak, maige pa don sa atin kahit simple ang buhay ng mga tao ligtas naman sa gulo."
"Nagkataon lang po ito tay! saka okey na naman po ako, nakaligtas naman ako ng buhay." aniya sa kanyang ama kahit sa totoo lang ay nanginginig pa sya sa takot.
"Hindi ito nagkataon anak, sinadya ito ng mga taong yon dahil Dyan sa boyfriend mo!" Lumabas ang galit na kinikimkim ng kanyang ina, "Nung una kang maaksidente ay pinagsabihan na kita na baka mapahamak ka na naman, hindi ka nakinig sa akin, tingnan mo kung anong nagyari sayo ngayun? nakidnap ka ng dahil pa rin sa kanya! Pano kung napatay ka ng mga kidnaper?"
"Mam sorry po sa nangyari, hindi na po ito mauulit," pakumbaba ni Jion sa mga ito.
"Talagang hindi na ito mauulit dahil makikipaghiwalay kana sa anak ko sa ayaw at sa gusto mo!" Galit ding sabi ni Mang Hener. "Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit napahamak ang anak ko!"
"Nay, tay! wag naman po kayong ganyan, hindi naman po ginusto ni Jion na mangyari sakin yun," amo niya sa mga magulang.
"Hindi nga niya ginusto pero sya parin ang dahilan kung bakit ka napapahamak!" hindi malaman ni Yra ang isasagot sa mga magulang dahil tama naman ang mga ito.
"Tita wag po nating daanin sa init ng ulo ito, alam po naming pagod kayo kaya magpahinga muna tayo, para makapagusap tayo ng maayos." awat ni Heshi sa mga ito. "Sige na po, pagpahingahin muna natin si Yra,"
"Hindi na kailangang pagusapan dahil hanggat kasama ng anak ko ang lalaking yan ay palagi lang syang malalagay sa alanganin." Ani mang Hener, "Siguro naman ay naiintindihan mo naman ako Jion! yung unang nangyari sa anak ko ay pinalampas ko lang, pero sa pagkakataong itoy hindi na."
Walang ni isa man sa mga tao roon ang nagsalita dahil alam nilang mahirap paliwanagan ang mga magulang na nagaalala sa kanilang mga anak. Lalo na siguro kung nalaman pa ng mga ito ang ibang nangyari sa kanya noong mga nakaraan..
"Yra, magusap muna tayo sandali." inalalayan siya ni Jion paakyat sa kanilang silid.
Nang maisara ni Jion ang pinto ay niyakap siya nito mahigpit na parang dinarama ang huling oras na magkakasama sila saka siya nito hinalikan ng mariin sa labi.
"Im so sorry Yra, sorry kung palagi ka nalang nasasaktan dahil sa akin," habang muli siyang niyakap nito ng mahigpit. "Sorry kung lagi ka nalang napapahamak at nalalagay sa alanganin ng dahil sa akin."
"Ano na bang sinasabi mo? hindi mo naman yung ginusto, tsaka isa pa matanda na ako para sabihan nila ng tama at mali, alam mo ko na ang ginagawa ko!" nagsisimula na syang kabahan sa sinasabi nitong may himig pamamaalam.
"Kahit na Yra, magulang mo pa rin sila at tama ang sinasabi nila, mahal kita Yra, mahal na mahal kita alam mo yan. Pero kung susuwayin mo ang mga magulang mo pagkatapos ng nangyari sayo, baka lalo lang silang magalit."
"Iniisip mo yung galit nila? Pano naman ako? hindi mo ba iniisip ang nararamdaman ko?" tuloy tuloy ang pag agos ng kanyang mga luha, mas nakakatakot pa ang sinasabi ni Jion sa kanya ngayun kaysa pagkakakidnap sa kanya. "Pano nako Jion? hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Malalampasan natin ito, maiintindihan rin tayo nina inay at tatay, sa ngayun galit pa sila pero lilipas din yon.a" pagmamakaawa niya rito.
Lumuhod sa kanyang harapan si Jion, "Patawarin mo ako Yra, kahit mahal na mahal kita Yra, kahit ikaw ang hangin na bumubuhay sakin, kahit alam kong mamatay ako pag nawala ka sakin, kailangan kong tanggapin kung iyan ang makakabuti sayo." hindi na rin nito napigil ang ang pagluha habang nakayakap sa bewang niya. "tama sila Yra, tama ang mga magulang mo. Hindi ko maipapangako sayo ang kaligtasan mo habang magkasama tayo."
Napakasakit, sobrang sakit ng nararamdaman niya na parang dumudurog sa pagkatao niya, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya, pagkatapos ng lahat ng panganib na nalampasan niya saka pa ito makikipaghiwalay sa kanya.
Pinunasan ni Yra ang kanyang mga luha at tinanggal ang mga kamay ni Jion na nakayakap sa kanyang bewang, "Tandaan mo ito Jion, ikaw ang may gustong mangyari nito, ikaw ang nakipaghiwalay sakin kahit pilit akong lumalaban para sayo. San man tayo makarating, san man tayo magkita, isipin mo nalang na hindi mo ako kilala."
Pagkasabi niyon ay iniwan niyang nakaluhod si Jion sa loob ng kanilang silid.
Pagbaba niya ng hagdan ay sinalubong sya ng kanyang ama at ina pero nilampasan niya lamang ang mga ito.
"Minjy, Vince! maraming maraming salamat sa pagligtas nyo sa buhay ko, tatanawin kong malaking utang na loob ito sa inyo. Juno, Ingatan mo sana ang kaibigan ko. Mauna na kami maraming salamat." Nagpatiuna siya palabas ng bahay ni Jion.
Nagpahatid siya sa driver ni Jion pabalik sa apartment niya kasama ang mga magulang niya.
"Anak, alam kong masakit para sayo ang lahat ng nangyayari pero ito ang makakabuti para sayo!" ani ni Aling Mercy habang hinahaplos ang kanyang likuran.
"Anak iniisip lang namin ang kapakanan mo kase ayaw naming nararanasan mo ang ganitong klase ng kapahamakan, anak isipin mong mabuti, mga magulang mo kami, at lahat ng magulang hindi kakayanin kung may mangyayaring masama sa mga anak nila. Sanay maintindihan mo kami Yra." pang aalo aa kanya ng kanyang ama.
Kahit sa puso niya ay galit siya sa mga magulang dahil sa ginawa ng mga ito ay hindi niya maisatinig iyon dahil alam niyang nagawa lang iyon ng mga ito dahil sa pagmamahal sa kanya.