Masakit na sa balat ang sikat ng araw ng magising si Yra, ngayun lang niya nakita ng maayos ang lugar na kinalalagyan niya, isa iyong napakaliit na silid na may sementadong sahig at kawayan ang dingding kaya nakikita niya ang liwanag sa labas ng bukas ng bintana. Naririnig niya ang mga mga taong nagsisikilos sa labas ng kwartong iyon.
"Kumain na kayo ng madami dahil siguradong mapapalaban tayo mamayang gabi."
"Siguradong malaking pera to pag naitumba natin ang kalaban ni boss!"
"Sayang yung babae, maganda pa naman!"
"Di yan pwedeng galawin sabi ni boss kanya daw yan!"
Nangilabot si Yra sa mga naririnig niyang usapan ng mga nakabantay na tao sa labas, sinubukan niyang kumilos pero hindi niya magawa dahil sa posas niya sa kamay at tali sa paa, kahit umupo man lang ay hindi niya magawa.
Napatigil sya sa pagkilos ng biglang lumingon ang lalaking nakabantay sa labas ng pinto, nakasuot ito ng pangsundalong jacket.
"Kuya," lakas loob niyang tawag dito, " pwede mo ba akong tulungang umupo,"
Tinitigan siya nito, "Sige na po kuya, hindi naman po ako makakatakas dito, uupo lang ako kuya parang awa mona." pakiusap niya dito.
Napabuntong hininga nalang ito saka lumapit sa kanya, hinawakan siya nito sa dalawang braso at tinulungan syang makaupo tapos ay walang imik iyong umalis at bumalik sa pwesto nito.
Dahan dahan kumilos si Yra, paunti unti siyang gumalaw hanggang makarating siya sa pinakasulok na parte ng kwarto at sumandal sa kawayang dingding malapit sa bintana. "Diyos ko po tulungan po ninyo akong makaalis sa lugar na ito!" dalangin niya habang nakatanaw sa labas ng bintana.
Inonserbahan niya ang buong silid, wala iyong laman na kahit ano maliban sa kanya, ano kaya ang pwede kong gamitin para makatakas dito? kailangan makaisip ako ng paraan, kailangan makaalis ako dito o mamamatay kaming pareho! yun ang mga iniisip niya sa mga oras na yun.
Yung posas hindi ko magagawan ng paraan pero yung tali sa paa, baka sakali! sibukan niyang igalaw ang dalawang paa, pero napakahigpit ng pagkakali noon ng cable tie, buti nalang nakapantalon sya kung hindi ay bumaon na yun sa balat niya.
Wala na syang panahon para umiyak dahil tulad nga ng sinabi ng mga lalaki sa labas kanina, mapapalaban sila mamaya kaya sigurado siyang darating si Jion para sa ransom na hinihingi ni khalix kapalit niya. Kung kasing dali lang sana ng mga napapanood niya sa mga pelikula ang pagtakas wala sanang problema kaso baka mapatulad siya don sa ibang pelikula na patay na ang bihag bago pa dumating ang bida. Teka anu bang iniisip niya? hindi ito ang oras ng pagiging nega!
Napansin siguro ng bantay niya na hindi sya mapakali dahil mayat maya siyang sinisilip nito kaya lumapit ito sa kanya at pinainom sya ng tubig pagkatapos ay bumalik na uli ito sa pwesto nito.
Lingid sa kaalaman ni Yra at lahat ng taong naroroon ay nagkalat na ang mga sniper sa paligid kubong iyon, kahit napakalawak ng palayan at napakaraming bantay sa paligid at nasa pinakang gitna sila noon ay kitang kita sila sa maliliit na teleskopyo ng mahahabang armas na iyon.
Nagsisimula ng dumilim sa labas at abot abot na rin ang kaba ng dibdib ni Yra dahil hindi niya alam kung anung maaaring mangyari sa mga oras na yon,
darating kaya si Jion? ililigtas kaya sya nito? pano kung hindi? mamatay na ba sya ng ganon nalang? sunod sunod na tanong niya sa sarili.
"Sya ba yung babae?" tiningnan ni Yra ang mga bagong dating na sina Khalix, may kasama pa itong isang lalaki na sa wari niya nasa edad singkwenta na.
"Sya nga po Sir!" tugon ni Khalix dito.
Sir? ibig sabihin ito ang boss ni khalix? sakto ang mukha nito sa ginagawa, mukhang hindi pahuhuli ng buhay ang isang to! nasa isip ni Yra.
"Siguraduhin mong ibibigay nya ang pera at siguraduhin mo ring hindi na sya makakalabas ng buhay dito!" sabi pa nito.
"Sa report ng asset natin wala pa ring alam ang mga pulis hanggang ngayun. wala pa daw kumikilos sa kanila ngayun, naihanda na rin daw yung pera at naghihintay nalang daw ng tawag natin si Jion."
Napaiyak na si Yra, hanggang ngayun nangangapa parin sa dilim ang nobyo niya, wala paring kaalam alam sa nangyayari sa knya.
"Tawagan mo na sya at sabihin mong dalhin na dito ang pera. Sa loob ng isang oras at hindi sya nakarating, patayin ang babae!" Utos nito.
Kaagad naman kinuha ni Khalix ang telepono at tumawag roon, sa hinala niya ay si Jion ang tinatawagan nito.
"Bibigyan kita ng isang oras para dalhin sa akin ang pera kung hindi parang bulkang sasabog ang utak ng girlfriend mo!" sabi nito sa kausap, "Ah clue? hanapin mo kami sa probinsya ng Quezon." tapos ay pinutol na nito ang tawag.
Quezon? jusko! aabutin ng dalawa hanggang tatlong oras bago pa makarating dito sa Quezon tapos hahanapin pa nito kung saan lugar siya itinago ng mga walanghiyang ito. tapos isang oras lang ang ibibigay nito kay Jion, pano na ito? hindi na sya maililigtas ng mga ito. Wala na syang magawa kundi umiyak ng umiyak sa sobrang takot habang hinihintay ang oras ng kamatayan niya.
Jion's POV
Lumilipas ang bawat oras at naiinip na sya sa paghihintay sa tawag ng mga dumukot kay Yra, hindi pa rin umaalis ang mga pulis sa bahay niya at gayundin ang mga magulang ni Yra na paulit ulit sa pagdarasal. Sa bawat report ng tauhan ni Minjy sa kalagayan ni Yra ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya. Kung hindi lang masisira ang plano nila ay susugurin na niya roon ang kuta ng mga kalaban at ililigtas ang nobya niya.
Pero hindi niya pwedeng gawin iyon dahil baka malagay sa alanganin ang buhay ni Yra, kaya kinailangan niyang magtiis para hindi niya masira ang plano nila.
Alas nuebe na ng gabi ng magring ang cellphone niya at tumawag ang kidnappers sa kanya at sinabing isang Oras lang ang palugit para mahanap niya si Yra, at kinakailangan pa niya itong hanapin sa probinsya ng Quezon. Sinigurado ng mga itong maikli lang ang oras nya para mataranta sya sa paghahanap at hindi sya umabot sa oras.