"He is the worst!" ani Jion, kausap nito sa telepono ang kapatid nitong si Juno, "hindi lang si Yra ang kamuntik napahamak, pati na rin ang girlfriend mo kuya!"
Pinagmamasdan lang ni Yra ang nobyo niyang nakikipagusap sa telepono, halos hindi na ito natulog magdamag sa katitipa sa computer nito, maya't maya rin nitong kausap si Minjy sa kabilang linya.
"You don't have to worry about her kuya, nagawan ko na ng paraan ang bagay na yun, isa na lang ang hindi pa! I know what to do about that greedy man, Ill make him pay!" kuyom ang kamaong sabi pa nito.
Nagkunwaring busy si Yra sa pagbabasa ng mangga ng ibaba ni Jion ang cellphone nito. Lumapit sa kanya ang binata at kinuha ang hawak niya.
"Namaikizakari!" Pagbasa nito ng malakas sa title ng binabasa niyang mangga, "this kind of things really make you happy, isn't it?"
"Eh anong magagawa ko, yan lang ang pwede kong paglibangan! hindi naman ako pwedeng lumabas dito sa bahay mo." nahihiyang sabi niya dito, dahil sa edad niyang bente sais ay panonood ng anime, pagkahilig sa kpop/jpop at pagbabasa ng mangga ang libangan niya. "Wait lang, wag mong buksan yan!" pigil niya dito.
"Bakit ano bang meron di- ooohhh!!!" bumuo ng letter O ang bibig ni Jion ng makita ang nilalaman ng libro, "akala ko pambata ang isang to," saka binuklat ang sumunod na pahina. "senpai! gusto kong subukan ang isang to!" saka iniharap sa kanya ang pahinang binuklat.
tinakpan ni Yra ng isang kamay ang kanyang dalawang mata, ang nakaguhit kase doon ay larawan ng mag boyfriend na nagsesex sa kusina. Hiyang hiya sya kay Jion, baka isipin nito na mahilig siya!
"Pagnatapos na ang bidding namin sa Marquez at nakuha ko ang project na yun ay ihanda mo na ang sarili mo." nakangising sabi pa nito bago siya hinalikan sa labi, "sisiguraduhin kong gagawin nating lahat ang mga nakita mong posisyon sa librong yan." saka ito lumabas ng silid at iniwan syang namumula sa hiya.
Kasalukuyan naghihintay sa Conference room ng Marquez Corporation Sina Jion at Minjy, pitong Grupo ng Contractor ang nagtitipon doon ngayun dahil anumang oras ay ipiprisinta na nila ang kanilang mga plano para sa mga buildings na ipapatayo ng mga ito.
Manaka-nakang nahuhuli niya ang ibang naroroon na nakatingin sa kanila dahil isa siya sa pinakamatinding kalaban ng lahat ng tao doon, sa twing may ganitong bidding ay siya ang pinaghahandan ng mga ito dahil siguradong bago lahat ng idea niya at ang palaging may kakaiba syang istratihiya.
"Congratulations Mr. Guia" Iniabot sa kanya ni Mr. Erman marquez kamay nito at nakipagkamay kay Jion, " katulad ng inaasahan ko, Anak ka talaga ni Lorenzo, alam na alam mo kung papaano ako pabibilibin."
"Salamat po at pinagkatiwalaan ninyo kami Mr. Marquez, makakaasa po kayo na hindi namin kayo bibiguin." masayang tugon niya dito, syempre nakuha niya ang kontrata ng kumpanya nito.
"Oo nga naman, Mr. Marquez nakakahiya nga naman sayo kung puro satsat lang at hindi naman totoo ang ibibigay na detalye sayo, baka sa halip na maganda ang maging proyekto mo ay malugi lang ang kumpanya mo." matalim ang ngiti ni Mr. Amorillo kay Jion.
"Yang sinabi mong yan ay para sa lahat Mr. Amorillo," tugon niya dito "Kung gusto mong kumita, 'GALINGAN' mo, siguraduhin mung hindi lang ikaw ang makikinabang sa mga proyektong gagawin mo, at higit sa lahat siguraduhin nyong hindi ka gagawa ng krimen para lang makuha mo ang gusto mo." binigyang diin ni Jion ang salitang krimen para maipahatid sa kaharap na alam niyang ito ang nasa likod ng mga aksidente ni Yra. "And just to remind you all, Para lang akong salamin, kung anong ginagawa mo ay ibabalik kong lahat sayo."
"Sigurado ako Boss lalong titindi ang galit sayo ni Mr. Amarillo, lalo na ngayun nasungkit mo ang pinakamalaking kontrata ng taon!" tatawa tawang sabi ni Minjy sa boss nya habang sakay na sila ng kotse nito pabalik sa kumpanya nila.
"Hindi pa ako tapos sa kanya, sa ginawa nya kay Yra sisiguraduhin kong magdadalawang isip na syang lapitan uli si Yra o pupulbusin ko na ang kumpanya niya." ani Jion na prenteng nakaupo sa backseat ng kotse nya.
"Mahal ko, im home!" excited si Jion sa pagpasok sa kwarto nila habang hinahanap ang nobya. "Yra, Yra!" wala ito sa kwarto kaya dumiretso sya sa banyo pero wala rin doon ang dalaga. Abot abot ang kabang nararamdaman niya kaya Patakbo siyang bumaba sa kusina. "Yra"
"Ay kabayong nahulog!" nabitawan ni Yra ang hinuhugasan kawali sa labado ng biglang pumasok doon si Jion.
"Thanks God, your here!" nakahinga ng maluwag si Jion ng makita roon ang nobya.
"Nakakagulat ka!" sabi niya kay Jion at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Bakit ikaw ang naghuhugas nyan? nasan si Margarette?" tanong nito sa kanya.
"kakaalis niya lang, may tumawag sa kanya may emergency daw sa bahay nila kaya pinauwi ko muna."
"Ah," tatango tangong sagot nito saka lumapit sa nakahaing pagkainsa mesa, "Ikaw ang nagluto nitong lahat?"
"Oo, di pa kase nakakaluto si garette ng may tumawag sa kanya kaya ako nalang." Proud siya sa luto niya kahit lahat ay pinanood nya lang sa YouTube.
"Wow, para kang misis na naghihintay sa mister niyang umuwi ng bahay ah!" tumayo ito sa likuran niya, "isa nalang ang kulang!"
Napangiti si Yra sa tinuran ng nobyo, "At ano pang kulang?" tanong niya rito.
"Yung salubungin mo ako sa pinto, tapos sabihin mo sakin 'honey I miss you!' tapos hahalikan mo ako, ganon!" saka siya nito niyakap mula sa likuran.
"Wag kang mag alala darating din tayo jan, Sa ngayun kumain ka muna at alam kung pagod ka s trabaho para makapagpahinga na tayo." tinanggal niya ang kamay nitong nakayakap sa bewang niya.
"Uy si Yra, Excited nang magpahinga! gusto na agad pumasok sa kwarto!" tudyo sa kanya nito.
Bahagyang namula ang kanyang pisngi, " Hindi ako excited! alam ko lang na pagod ka kaya minadali kita." saka siya pumwesto sa mesa, " Kamusta nga pala ang bidding niyo kanina?" pagiiba niya sa usapan.
"Ayos naman, nakuha ko ang kontrata kaya kahit mag anak tayo ng lima ay magbubuhay reyna ka pa rin.!"