"I miss you kambal!" isang mahigpit na yakap ang isinalubong ni Heshi kay Yra, straight na isang linggo na silang hindi nagkikita mula ng magtrabaho siya sa kumpanya ni Jion at ito naman ay kasalukuyang naghahanap ng trabaho. Hindi kase nito tinanggap ang trabahong inioffer ng boyfriend nito.
"Ako din kambal, sobrang miss na kita!" ganting yakap niya dito. "kain tayo gutom na ako eh!" aya niya dito dahil ang usapan nilang alas diyes ng umaga ay inabot na ng alas onse y medya dahil sa sobrang traffic papuntang MOA.
" Bakit naman kasi dito mo pa naisip pumunta? alam mo namang pag sabado ang kapal ng tao dito." nakangusong tanong nito sa kanya.
"Kase kambal nakita ko ung sale na mini figure sa internet at dito lang available, kaya kita niyaya dito." sagot naman niya.
"Ano? Laruan na naman! kala ko ba andami mo ng binili nung nagpunta ka sa Japan? bakit bibili ka na naman?" nandidilat ang mga mata ni Heshi sa kanya.
"Di naman yun basta laruan lang, Collectors item yung nakasale nila tsaka may cosplay event sila ngayun gusto kong mapanood!" excited na sabi niya sa kaibigan, kahit lagi syang pinagagalitan nito dahil sa pagiging addict niya sa anime at kpop ay hindi naman siya mahindian ng kaibigan pag nangangailangan siya ng kasama sa mga ganitong pagkakataon.
Panay ang pa-picture ni Yra sa mga costplayer nandoon ng mamataan niya lalaking nakacostume ng Shikamaru Nara, Kaagad niyang hinila si Heshi para makapagpapicture doon sa lalaki, inakbayan siya nito at pareho silang ngumiti sa harap ng camera na hawak ng kaibigan.
"One, two, Three!" click, nagflash na ang camera. "Uy nice shot!" habang tinitingnan ni Heshi ang picture ni Yra sa Screen ng cellphone nito.
Nawala naman ang ngiti sa mata ni Yra ng makita niya kung sino ang nasa likuran ng kaibigan. Ang boyfriend nito na si Juno ay nakaakbay sa isang magandang babae na kung hindi sya nagkakamali ay ang sikat na wedding dress designer na si Marley. Ikinurap niya ang mata at baka nagkakamali lang siya ng nakikita.
"Oy, eto na! ang ganda ng kuha niyong dalawa." iniabot sa kanya ni Heshi ang cellphone niya. Pero hindi niya ito nagawang abutin, Sa halip ay itinuro niya ang direksyon ng boyfriend nito.
"Salamat ha!" saad ng costplayer kay Yra dahil basta nalang niya ito iniwanan ng walang paalam para sundan ang kaibigan niyang papalapit sa boyfriend nito. Lagot na, nagaamoy Giyera!
"Sya ba ang dahilan kung hindi ka nagpapakita sakin buong linggo?" parang tigreng tanong ni Heshi kay Juno ng makalapit na ito sa lalaki.
"Heshi!" gulat na gulat si Juno ng makita ang girlfriend nito.
"So ganyan ka busy na kahit pagsagot sa text ko ay hindi mo magawa?" halos ay lunukin ni Heshi ng buo ang boyfriend nito. "Pwes! kung busy ka sa ginagawa ay ako rin, magpapakabusy sa gagawin ko!" bago umalis ay binigyan muna nito ng napakatalim na tingin ang kasintahan at kasama nitong babae.
"Heshi wait!" hinabol ito ni Juno at naiwan si Yra na kasama si Marley.
"Haay naku! girls nowadays is such a big pain in the ass!" saad ng designer bago sya tinalikuran nito.
"Hey, wait!" pigil ni Yra sa babae. "Girlfriend kaba ni Juno?"
"Ask him not me!" Yun lang ang sinabi nito bago siya iniwanan.
Sinundan na rin ni Yra ang naghahabulang magnobyo. Naabutan naman niya ang dalawa habang papasakay na ng taxi ang kaibigan at pinipigilan ito ni Juno.
"Hon please wag ka munang sumakay dyan, magusap muna tayo." iniharang ni Juno ang katawan sa pinto ng taxi.
"Tumabi ka dyan!" pilit itong hinahawi ni Heshi.
"Hon, pag hindi mo ako kinausap magpapasagasa ako dito." banta dito ni Juno
"Wala akong pake! kung gusto mong magpasagasa don, dun ka pumunta sa LRT para sigurado." matapang na sagot ng kaibigan niya
Naitakip ni Yra ang kamay sa noo niya, susmaryosep! hindi niya alam kung maaawa sya o matatawa sa itsura ng dalawang ito. Sa bandang huli ay mas pinili niya ang awa! nagtagumpay parin si Heshi na paalisin sa pinto ng taxi si Juno at nakasakay ito.
"Kawawa namang ung lalaki no? sayang ang guwapo pa naman." sabi ng isang babaeng dumaan sa tabi ni Yra.
Nilapitan niya si Juno sa tabing kalsada habang nakatanaw ito sa lumalayong taxi.
"Halika kana!" yaya niya kay Juno. "kahit patakan ka ng meteor dyan ay hindi na yun bababa sa taxi."
"Ano ba kaseng nangyari? sino ba yung babaeng kasama mo?" tanong niya kay Juno ng makasakay sila sa kotse nito.
"She's my bestfriend in college." matamlay na sagot nito. "She just came back from Paris last week kaya nagkita kami."
"Eh ano yung sinasabi ni Heshi na hindi mo sya nirereplayan?" she smell something fishy!
"May bago kase akong project kaya hindi ko nasasagot ang mga text at tawag nya." inistart na nito ang kotse
Hindi man naniniwala si Yra sa Alibi nito ay hindi na sya nagsalita dahil wala naman siyang karapatan na husgahan ito. Sinubukan niyang tawagan ang kaibigan pero out of coverage area ang numero nito at dahil kilala niya ang bestfriend niya ay sigurado rin siyang wala ito sa bahay niya.
"Well, hindi ka ba nangalay sa pagtayo dyan?" tanong ni Yra kay Heshi, nadatnan niya itong nilalamok sa labas ng apartment niya.
"Ang tagal mo?" reklamo nito sa kanya. "buti hindi mo isinama ung demonyitong yun dito!" tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng mabuksan niya ang pinto.
"Iniwan ko sya sa bahay mo, hindi daw sya aalis hanggat hindi ka umuuwi don. Hindi kapa ba uuwi?" tanong niya dito.
"Hayaan mo syang ubusin ng lamok doon! pinagpalit na nga niya ako sa iba eh kaya pabayaan mo siyang mamuti ang mata sa paghihintay, bwiset sya!" nangigigil na sagot nito sa kanya.
Hindi nya naman masisisi ang kaibigan dahil mas malala pa siya dito pag nagseselos, kaya pakikinggan niya muna ang ito hanggang sa mawala ang galit nito.
"Inom tayo!" Yaya nito sa kanya, "wala namang pasok bukas."
"Wala ka talagang pasok kase wala ka namang trabaho!" sagot niya dito. nagkatinginan silang mag kaibigan at sabay nagtawanan.