"Cheers! sa wakas natauhan ka din Yra, ang tagal bago mo nagising sa katotohanan ha!" kasalukayan silang nasa JnJ's at ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan este brake up nila ni Winston, " I'm so happy for you kambal! Di ko akalain na maiisipan mo ng makipag- brake sa hinayupak na yun. Akala ko kailangan ko pang ibrake yang leeg mo para lang hiwalayan mo ung lalakaying un." Abot tenga ang pagkakangiti ng kaibigan nya.
"Actually, wala naman talaga akong planong makipagbreak eh nabigla lang ako." biglang sumimangot ang kaibigan nya.
"Nabigla! Aba eh ayos ka rin palang mabigla, dapat pala noon kapa nabigla at nang hindi na tumagal ang relasyon ninyong dalawa." tatawa tawang turan pa nito.
"Pero alam mo, mukhang hindi naman niya tinanggap ang pakikipag break ko sa kanya eh." Naalala lang niya ang galit sa mga mata Winston nung huli silang magusap nito.
"Eh ano naman kung hindi nya tinanggap ang pakikipag hiwalay mo sa kanya?" biglang may sumabat sa paguusap nila ni Heshi.
Nanigas si Yra sa kinauupoan. Kilala nya ang boses na yon!, sino ba naman ang makakalimot dito?
"Hello, pasensya na sa pagsingit ko sa kwentuhan nyo, kamusta kana?" naupo ito sa tabi niya. Hindi si Yra makapagsalita, napahigpit ang pgkakawahak niya sa baso niya. "Hmm. ok lang naman." She didn't look at sa halip ay kay Heshi sya tumingin.
"Jion, salamat sa paghahatid mo sa kakambal ko ha! Hindi ko na sya inabutan nung last na punta namin dito, medyo busy kasi ako eh." Nahihiyang turan ni Heshi.
Nakatingin sa kanya si Jion "Ah yun ba, we forget about you last time kaya hindi na rin kami nakapagpaalam sayo." shit! Pigilan mo ng sarili mo Yra, wag kang masyadong magpahalata. Tinititigan na kasi siya nito ngayon. "And we enjoyed it last time, so it's ok."
Pinandilitan niya ng mata si Jion "Ah oo, medyo nadami din ang nainom ko noon, kaya naman napasayaw na rin ako." Wag kang ano Jion ha! Nagpalipat lipat ang tingin ni Heshi sa kanilang dalawa.
"Okey. Hindi mo naikwento sa akin na sumayaw ka pala noon, kala ko marami kalang nainom." Ugh… mukhangn delikado sya sa kaibigan ah.
"Hindi ko ba nasabi sayo? Ah baka nakalimutan ko lang." sinenyasan niya si Jion ng huwag maingay.
Bigla niyang binago ang usapan para hindi na ito magtanong pa. "Sya nga pala kambal, aatend kaba sa reunion ng batch natin nung highschool?" binigyan nya si Jion ng please behave look or ill gonna choke you to death.
"Bakit pupunta kaba?" balik tanong ni Heshi sa kanya nito "kung pupunta ka edi pupunta rin ako." Bestfriend goals talaga eh no!
"Pinagiisipan ko pa nga eh! Para kasing ayaw ko munang umuwi sa amin –" napatigil sya sa pagsasalita ng maramdaman na may gumuguhit sa likuran nya, B, E, D bed talaga! Sinulat ni Jion sa parting taas ng bewang nya gamit ang daliri nito, napalunok siya ng laway.
"Bakit? Natatakot kabang makita si Winston pag umuwi ka?.Wag kang magalala, magkasama naman tayo eh! Tsaka nakipagbreak kana sa kanya, kung hindi man niya matanggap na wala na kayo problema na niya iyon." Panghihikayat pa nito.
Hindi makapagreact si Yra, hindi kasi si Winston ang iniisip niya sa mga oras na iyon kung hindi ang lalaking katabi niya na mataman lang nakikinig sa paguusap nilang magkaibigan.
manakanaka kasi itong napapangiti, ano kayang iniisip ng hudyo? Sa isip isip na lamang ni Yra.
"Hindi naman sa ganoon," tinungga na niya ang laman ng baso niya "Iniisip ko lang kung nagkamali ba ako ng desisyon sa pakikipaghiwalay sa kanya o hin- ay kabayo!" nagulat siya dahil biglang itinampal ni Jion ang kamay sa mesa, napatingin silang magkaibigan sa direksyon nito. Ha, napano ba isang ito?
"Nakipaghiwalay kana diba? Ano pa bang pinagsisihan mo?" Mariing sabi nito. "Pagtapos na tapos na hindi na dapat balikan." Nakikisingit na naman to sa usapan nilang magkaibigan.
"Tama ka jan, bayaw!" sabay thumbs up pa ni Heshi kay Jion. "Pero alam mo ba kung bakit sya nakipaghiwalay sa impakto nyang boyfriend? kasi kaliwa't kanan ang BABAE ng ex nya ." inemphasize talaga nito ung word na babae.
"Ahm, hindi lang naman iyon ang dahilan," saad ni Yra "mayroon kasing napakaliit na pagbabago."
"Tulad ng ano?" pinandilatan sya ng mata ni Heshi "don't tell me may nakilala ka ng bago? Saan ha? Bakit hindi mo sinasabi sakin? kala ko ba magkakambal tayo bakit ka naglilihim ha!" dramatikong litanya pa nito.
"Parang ganon na nga!" Sabay kindat niya dito bago nilagok ang inuming hawak.
Napaumis naman si Jion sa habang kunwariy abala sa hawak na baso.
"Hi!" bati ng bagong dating na babae kay Jion. "Are you alone? can I join you?"
Aba! Teka! Bulag ba tong babaeng to? Hindi nya ba nakikitang katabi ako ni Jion!?
"I'm sorry but I'm with my Girlfriend."
Ni hindi man lang ito tinapunan ng pansin ng lalaki.
May girlfriend si Jion? Asan? Bat hindi nito kasama? Sinungaling ka! Sabi mo sa akin wala kang Girlfriend, hmmp!
Biglang hinawakan ni Jion ang kamay ni Yra, kaya napatingin siya dito, nginitian siya nito ng ubod tamis, suddenly the
memories of that night came crashing to her, natulala sya with that thought, nahagip ng kanyang mga mata ang babaeng nakatayo sa tabi ni Jion, naalala nya ang kasalukuyan at nginitian
ito. Nag walk out agad ang babae na parang lumalakad sa runway palayo sa kanila.
"Ok nakalayo na sya, pwede mo ng bitawan ang kamay ko." pinipilit hilahin ni Yra ang kamay niya, para kasi syang pinapaso sa init ng palad nito. "baka makita pa ako ng girlfriend mo at masabunutan pa ako."
"Bakit? Kaya mo bang sabunutan ang sarili mo!?" titig na titig ito sa kanya hang hindi parin nito binibitawan ang kamay niya.
"Hoy! Jion wag mong bolahin yang kakambal ko, hindi pa yan nakakarecover sa Ex nya." inirapan pa ni Heshi ang lalaki. "wag mong isipin na pwede mo syang ibilang sa mga babae mo ha!"
"Hindi ko naman sya binobola, sinasabi ko lang ang mangyayari!" kinindatan siya nito at biglang umalis iniwan syang nakanganga sa ere!.