webnovel

A LADY WITH FULL OF TRICKS

Limang minuto marahil ang dumaan bago siya bumalik sa kinauupuan kanina.

" Madam, ano pong gusto niyong gupit?" tanong sa kanya ni Melvin.

" Gusto ko ng bago naman, yung fringe style. Basta yung bangs, paiklian mo lang, gusto ko hanggang sa taas ng kilay." sagot niya, pakaswal lang.

Nagulat si Melvin, ngayon niya lang kasi palalagyan ng bangs ang kanyang buhok.

Pinandilatan niya ito nang ayaw pa ring kumilos.

" Yun nga ang gusto ko, sige na. Simulan mo na." kunwari'y inis niyang utos rito.

Wala namang nagawa ang lalaki kundi sumunod.

Sumenyas din si Chelsea sa bakla sa wakas.

" Fringe style ang gusto kong gupit." malakas nitong sambit, pasimple lang din.

Ngumiti lang siya sa narinig.

Ganun nga ang ginawa ni Melvin, ginupitan siya ayon sa gusto niyang style ngunit nang makita ang sarili sa malapad na salamin--

" Melvin, ano ka ba? Mahaba pa rin tong bangs ko, paiklian mo pa." reklamo niya.

Wala na uling nagawa si Melvin kundi sumunod.

Eksakto namang tapos na rin sa ginagawa si Audrey kay Chelsea.

Ganun din ang reklamo ng dalaga.

" Paiklian mo pa." utos nito kay Audrey.

Ganun nga ang ginawa ng inutusan.

Pagkatapos ay napapalatak na naman siya pagkakita sa sariling mukha sa salamin.

" Ang pangit naman ng pagkakagupit mo Melvin, gawin mo na lang kayang shaggy nang bumagay sa bangs ang haba ng buhok ko." Suhestyon niya sa napangiwing lalaki.

Pinandilatan na uli niya ito nang akmang magrereklamo na naman.

" Ano ba yan, ang pangit naman!" bulalas ni Chelsea.

" Eh yun po ang gusto niyo ma'am eh." sagot ni Audrey.

" Gawin mo na lang shaggy, ibagay mo sa bangs ko." utos nito sa bakla.

Hindi siya umimik pero sa totoo lang tawa na siya nang tawa sa kanyang isip.

Napatingin na si Vendrick, naniningkit ang matang nanunuring nakatitig sa kanya.

Nagtama ang kanilang mga mata sa salamin, umismid lang siya rito. Napangisi naman ito.

Pagkatapos ng ilang minuto, magreklamo na naman siya.

" Melvin, ano bang nangyayari sayo? Bakit di mo makuha ang gusto kong gupit? Ang pangit ng ginawa mo sakin." pagalit niyang sita sa lalaking namumula na ang pisngi sa inaasal niya.

"Gawin mo na nga lang Pixie ang gupit ko." utos niya uli.

" Pixie!?" bahagya itong pumiyok sa pagkakabulalas.

" Oo pixie. Sige na tapos bawasan mo kunti ang bangs ko, 2 inches mula sa mga kilay ko." utos niya uli.

" Madam, baka gusto mong magpakalbo na lang." di nakatiis si Audrey at sumabad na sa kanila ni Melvin.

" Tse! Tumahimik ka jan!" sita niya.

"Melvin, ituloy mo." utos na naman niya sa lalaki.

Ganun din ang pinagawa ni Chelsea subalit nang mapansing pinutol ng bakla ang mahaba nitong buhok hanggang sa may tenga ay napatili ito.

" Anong ginawa mo! Bakit mo pinutol nang ganun ang buhok ko?!" sigaw sa bakla, napatayo na ito sa galit.

" Eh maam, sabi niyo po Pixie, hindi niyo po ba alam ang gupit na yun? Sinusunod ko lang naman kung anong gusto niyo." pabara nang katwiran ni Audrey.

" Idiot! Of course i know what pixie is! Ituloy mo!" nanggagalaiting singhal nito sa bakla.

Mahina siyang napahagikhik, napansin yun ni Melvin, gulat na iniyuko ang ulo sa may likod ng kanyang tenga, at nang may makita'y pasimple itong tumawa.

Wala sa sariling napasulyap siya sa binata, nakatitig pa rin ito sa kanya, ngumisi na naman, tila sinasabing, 'Silly girl.'

Napahagikhik siya.

Nang matapos na ni Melvin ang ginagawa sa kanya'y tumayo na siya, sinuklay ang boy cut nang buhok.

" Hmm, bagay sakin ha?" nangingiti niyang saad saka kinindatan si Melvin na pigil ang matawa sa kalokohan niyang ginawa.

Pakaswal na naman siyang bumaling kay Vendrick na naaaliw yatang pagmasdan siya.

"Aalis na ako. Gusto kong mapag-isa ngayon. May pupuntahan lang ako." aniya sa binata.

" Sama ako." sagot nito.

" Love, look. Bagay sakin ang gupit ko di ba?" agaw ng pansin ni Chelsea.

Sandaling napatingin si Vendrick dito, napangiti lang.

Sinamantala naman niya ang pagkakataong may kausap ang lalaki, nagmadali na siyang lumabas ng salon, sumakay na agad sa kanyang Mio na nakaparada sa harap ng salon. Dala naman niya ang susi niyon lagi kaya agad na niya iyong pinaharurot palayo. Nang masegurong malayo na siya sa salon ay saka niya tinanggal ang suot na wig at panay ang tawa habang nagmamaneho at nakikita sa balintataw ang klase ng gupit ni Chelsea, parang paru-parong pinutulan ng pakpak. Hahaha! Ang sagwa ng gupit! Hahaha! Di bagay sa mukha nito. Hahaha!

Pero napansin marahil ni Vendrick na wig ang gamit niya kanina kaya ito nakangisi sa kanya. bakit di ito nagalit, hinayaan lang siya sa ginagawa?

Sabagay, may nakapagtataka pa ba sa ugali ng hambog na yun? Puro din naman kalokohan ang laman ng utak nito noon kaya seguro agad siya nitong nabuking.

"Ang engot naman ni Chelsea, 'di agad napansing wig ang gamit ko," sambit niya sa sarili.

Sabagay, sa kulay at ganda ng wig na hinablot niya sa kanyang dressing room, idagdag pa na kasingkulay at kasinghaba 'yon ng kanyang buhok, sinong mag-aakalang wig pala 'yon?

"Malas lang niya, ako pa ang ginaya niya."

Bab berikutnya