webnovel

THE NAUGHTY CUTIE!

Five years later....

"Pasensya na, ngayon lang ako nakadalaw. As usual, na-endo na naman ako. Kailangan ko na uling maghanap ng trabaho. Ang hirap ng gan'to, walang mag-offer sa'kin ng permanenteng work," kwento niya habang nakaupo sa harap ng puntod na napapalibutan ng puro orchids niyang tanim sa bawat pagdalaw niya roon.

"Pero 'wag kang mag-alala. 'Pag sunod na linggo at wala pa rin akong work, dadalawin uli kita."

Biglang kumulog, patunay na nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan kaya tumayo na siya lalo at kumulimlim na ang buong paligid.

"Ba-bye muna. Mag-iingat ka lagi, ha?" paalam niya saka dinampot ang dalang payong at tumalikod na para umalis.

Habang naglalakad papunta sa dalang Yamaha Mio i125, naagaw ang kanyang atensyon ng mga taong nakikipaglibing sampung metro marahil ang layo sa kanya. Dinig na dinig pa niya ang hagulhol ng mga ito.

May isang nangingibabaw ang boses, kasintinis ng pusa ang boses habang ngumangawa. Kung 'di lang libing, baka napahagikhik na siya. It makes her remember of someone in the past. Pero agad din niyang inalis 'yon sa isip saka muling napatanaw sa mga nakikipaglibing hanggang mapadako ang kanyang tingin sa lalaking nasa harap ng kabaong subalit ano't hindi ito lumulubay ng tanaw sa gawi niya? Napatingin tuloy siya sa kanyang likuran kung may iba pa bang tao, pero wala.

Huminto na siya upang titigang mabuti ang mukha nito. Baka kilala niya? O baka kilala siya?

Nagtama ang kanilang mga mata kahit sa malayuan. Sandali siyang natigilan at kunut-noo itong pinagmasdan. Bakit pakiramdam niya pamilyar sa kanya ang tindig nito? Do they know each other? Napangiti siya, nakita 'yon ng lalaki, umawang ang labi nito at akmang hahakbang patungo sa kanya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Oh what a day!" bulalas niya at agad binuksan ang dalang payong saka naglakad na palapit sa kanyang Mio.

Buti na lang nadala niya ang kanyang raincoat at agad iyong isinuot saka pinaharurot na ang motor palayo sa lugar na yun ngunit nahagip pa niya ang lalaki sa side mirror na patakbong humahabol sa kanya.

Ngumiti na uli siya. Curious din siyang malaman kung sino ito, pero may naghihintay sa kanyang pagdating. Magtatampo na naman 'yon 'pag nalate siya ng uwi.

Tila kakaiba ang araw na 'yon. Kanina lang ay ang lakas ng ulan sa sementeryo. Pero nang makarating siya sa salon, nakakapaso sa balat ang sikat ng araw.

Ipinarada niya sa mismong harap ng salon ang kanyang motor.

"Mommy!"

Nagtinginan ang mga naglalakad sa kalsada pagkarinig sa boses na yun ng isang batang patakbong sumasalubong sa kanya.

"Hey, careful cutie!" salubong niya rito't magmamadali itong nilapitan at kinarga.

"Mommy! You're an hour and five minutes late! I told you to come at 11 sharp. What time is it now? I'm already hungry," sermon sa kanya ng bata.

m

Isang hagikhik lang ang kanyang isinagot.

"Mom's just an hour and five minutes late and here you are, scolding her. Kawawa naman si Mommy 'pag gano'n. Sabihin pa lang ng mga nakaririnig, ander ako ng anak ko," kunwa'y humihikbi niyang sagot habang papasok sila sa loob ng salon.

"Daddy Lan, mom's already here. Where are we going to take our lunch?" baling naman nito sa lalaking malapad ang ngiting lumapit sa kanila at nakipag beso-beso sa kanya.

"Aminin, nakukulitan ka na sa kanya 'no?" pabiro niyang saad sa binatang pumapalatak na lang.

"Hay naku, todo paliwanag ako kung bakit ka na naman late. Mabuti na lang may pumasok na customer, siya ang pinaggupit ko. Ayun, timigil din. Nabigyan pa siya ng bonus na 200. 'Di ba ang yaman ng anak mo na 'yan?" kwento ng binata, nasa boses na nga ang pagkairita.

"Masanay ka na kasi. Para namang 'di sa'yo lumaki 'to. Hayaan mo 'pag nakapagtrabaho ako, may bonus ka din sa'kin," anya.

Tumaas lang ang isang kilay ng binata.

"Kelan pa. Sa loob yata ng limang taon, 'di ko pa naalalang nilibre mo ako kahit burger man lang," panunumbat nito.

"Grabe naman 'to, wala talaga?" nakaismid na niyang bara saka pumasok sa opisina ng binata at kinuha ang bag ng anak.

Sumunod naman ito sa kanya, kinuha rin ang nakalapag na phone at inilagay sa bulsa ng suot nitong pantalon.

"Naalala ko, softdrink lang. Sa tag-ulan pa. Kelan pa 'yon, noong gawin kitang model sa salon ko."

Tumawa siya nang malakas.

Tanda pa niya, 'yon ang araw na nagpaalam siya sa guard na may bibilhin lang pero tumakas siya rito. Eksakto namang may mga nakapilang mga kadalagahan sa labas ng salon nito, nakipila din siya at nag-apply bilang model, palakasan ng loob makakain lang nung araw na yun. At sa tuwa niya, siya ang napili nitong gawing model sa mga nakapost nitong pictures sa labas para ipromote ang salon nito. Bilang pasasalamat, binilhan niya ito ng sofdrink, eksakto namang umulan din nang sandaling yun.

"Hayyy Marble, napakuripot mo talaga." Pukaw ni Erland sa naglalakbay niyang isip.

Humagikhik uli siya.

"Mommy, Let's go to Mang Inasal. Gusto ko po ang chicken do'n," yaya ng anak.

"Okay, cutie. Pero 'wag kumain nang madami ha? Hati na lang tayo sa ulam," bilin niya sa bata.

"Nakakahiya ka. Sabihin pa lang, wala kang pambayad," bulong ng kasama sa kanya habang palabas sila ng salon.

Siniko niya ito.

"Ikaw talaga. Palibhasa kasi'y ang yaman mo kaya wala kang alam sa salitang pagtitipid."

"Magpakasal ka na lang kaya sa'kin nang 'di ka na mamoroblema sa pera," tudyo nito pagkalabas lang nila sa salon.

"Ano naman ang mapapala ko sa pera mo? Sakit lang 'yan ng ulo." Taas-kilay na inirapan niya ang kausap.

Pumalatak na uli ang binata.

"Grabe ka talagang babae ka. Parang may galit ka yata sa'ming mga lalaki eh."

Ewan kung bakit bigla siyang natahimik. napansin ng binata, pabiro siyang inakbayan.

"Yaan mo, sagot ko ang pagkain natin ngayon. "

"Tse! May pera ako," pasupla niyang sagot.

Tumawa lang ito nang malakas at 'di tinanggal ang kamay sa pagkakaakbay sa kanya hanggang sa makapasok sila sa kotse nito.

Siya namang pagdating ng isang mamahaling sports car, Lamborghini veneno ang tatak. Huminto ito sa mismong harap ng salon, muntik na ngang masagi ang kanyang Mio.

Habang siya nama'y nagmamadaling pumasok sa kotse ni Erland sa unahan lang ng pumaradang sasakyan. Pagkalabas ng driver ng sports car, siya namang pagpasok ni Erland sa sasakyan. Maya-maya'y pinaharurot na nito ang kotse.

Napatingin pa ang lalaki sa sinasakyan nila, napatitig duon.

"Mommy, look! What a nice car. Look Mom! Let's buy like that Mommy," turo ni Kaelo sa labas ng sasakyan sa tapat ng salon ng binata.

Pero hindi niya ito pinansin at nagsimulang maghalungkat ng pera sa kanyang sling bag.

Kinalabit na uli siya ng anak.

"Mom, look at that car! It's a very nice one!" pangungulit ng bata, hindi tumigil hanggat 'di niya tinitingnan ang itinuturo nito.

Nang makulitan ay nagpatianod na lang siya kung kelan nasa malayo na sila at paliko na sa may kanto.

Nangunot ang kanyang noo. Bakit parang nakita na niya ang lalaking nasa labas ng sasakyan?

Habang ang lalaking nakasunglass ay kunut-noo ring napatitig sa poster sa pinto ng salon.

Maya-maya'y lumapit ito sa mismong mga larawan at hinimas ang mukha ng model.

"Hello po, Good Noon po. Magpapagupit po ba kayo?" salubong ni Melvin dito.

Tinanggal nito ang suot na sunglass at bumaling sa nagtanong.

"Is Erland here?"

"Si Sir po? Kaaalis lang po nila ni Maam kasama po ang anak nila," tugon ng tinanong.

"Ah-" anang lalaki at muling sumulyap sa larawan.

"Fool guy. He didn't even tell me he's already married," palatak nito saka bumalik sa sasakyan ngunit lumabas din uli.

"That lady in the picture, nagwowork ba siya dito?" usisa nito kay Melvin.

"Si Maam po 'yan, ang sinasabi kong kasama ni sir umalis pati ang anak nila," paliwanag ni Melvin.

Natahimik bigla ang lalaki, muling tumitig sa larawan, tila nalito, pagkuwa'y tuluyan nang pumasok sa sasakyan at pinaharurot iyon.

Bab berikutnya