webnovel

HER UNKNOWN IDENTITY

Napansin niyang inaantok na ang matanda kaya hinawakan na niya ito sa kamay at pinahiga sa malambot na kama ngunit bumangon ito at nahiga sa tiles na sahig.

"Anak, bakit ayaw mong mahiga sa malambot na kama?" usisa niya.

"Nanay, d'yan po sila natutulog. Kaya dito lang po ako," sagot nito.

Nagtaka siya sa sagot nito, 'di niya agad naunawaan. Kaya kinuha niya 'yong kumot at inilatag sa sahig saka do'n sila magkatabing nahiga ng matanda gamit ang dalawang malalambot na unang kinuha niya sa ibabaw ng kama.

Habang nakatagilid paharap sa nakapikit nang matanda ay pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Ano kaya'ng dahilan bakit ito tumakas sa bahay na 'yon eh pagkaganda-ganda naman at mayaman ang anak nito? 'Pag tumanda siya, gano'n din ba ang mangyayari sa kanya, magiging ulyanin din siya?

Kumusta na kaya ang kanyang mga magulang? Sana ayos lang sila kasi heto na naman siya, maayos na ang kinalalagyan.

Napansin niyang pabaling-baling ito ng higa, maya-maya'y bumangon.

"Nanay, bumalik po tayo sa Luneta. 'Di ako makatulog dito," reklamo nito.

Naisip niya, seguro noong bata pa ito'y doon nga marahil ito at ang ina natutulog. Ngayong nag-uulyanin na'y hinahanap ng katawan nito ang bermuda.

Tumayo ito at hinila ang kanyang kamay para bumangon siya. Napilitan na rin siyang bumangon.

"Bumalik po tayo sa Luneta, Nanay," giit nito.

"Gusto mo ba'ng humiga sa bermuda?" tanong niya.

Tumango ito.

Napangiti siya saka nagpatiuna na sa paglabas ng kwarto.

"Halika, sa bermuda tayo matulog," an'ya.

Tila sila mga magnanakaw na dahan-dahang bumababa sa hagdanan at todo ingat na may makakita sa kanila hanggang sa wakas ay marating nila ang sala ng bahay.

Eksakto namang kalalabas lang nila sa bukas na pinto ng bahay ay lumabas rin mula sa kusina sina Vendrick at Chelsea. Nakita sila ng mga itong nakatalikod na.

"Hey, what are they doing? 'Yon ba 'yong sinasabi mong taong grasa kanina?" tanong ni Chelsea.

"Yeah! Wala namang ibang estranghero maliban sa patpat na 'yon," sagot ng binata.

Sa wakas ay nakalabas sila ng bahay. Nang akmang pupunta na ang matanda sa malapit sa gate ay saka niya hinawakan ang kamay nito.

"Dito tayo sa bermuda humiga. Merun naman dito," yaya niya rito.

"Nanay, 'di po ba magkakaroling tayo mamaya?" balik-tanong nito sa kanya.

"Dito tayo mamgaroling. Marami namang tao dito eh," sagot niya.

Ngumisi ito.

"Oo nga. Dito na lang tayo mangaroling," anito't tumakbo sa malawak na bermuda saka umupo ruon tulad ng ginagawa nila sa Luneta.

Hindi nila alam nakamasid lang sa kanila sa taas ng bahay ang mag-asawa kasama ang Geriatrician ng matanda.

"Sa tingin mo Doc, may magandang epekto kay papa ang pagdating ng kasama niya ngayon?" usisa ni Keven sa bisita habang nakatanaw sa labas ng bahay kung saan naruon ang ama.

"Ayukong magcomment ngayon dahil maaga pa. Pero sa nakikita ko sa ama mo, naaaliw siya sa ginagawa niya kasama 'yong bata. 'Pag nagtuluy-tuloy 'yon, 'di man siya gumaling sa Alzheimer's disease, at least madudugtungan pa ang kanyang buhay," paliwanag ng Geriatrician habang nakadungaw din sa bintana at nakamasid sa dalawang naglalaro na sa bermuda.

"Doc, sa kondisyon ni Papa ngyon, ilang taon na lang po ba ang posibleng itagal ng buhay niya?" tanong ni Cielo na humawak sa braso ng asawa.

Bumaling sa dalawa ang tinanong.

"I'm afraid 'di na siya aabutan next year. Pero kung magtutuluy-tuloy siya sa pagiging masiyahin tulad ng nakikita ko ngayon sa kanya, who knows, baka umabot pa siya ng isang dekada," sagot nito.

Napangiti ang dalawa.

"Sana nga Doc," sabay na sambit ng mag-asawa.

*************

Lumabas sina Vendrick at ang kababata at hinabol ang dalawang nagtungo sa likod ng bahay. Akala niya'y maliligo ang dalawa sa swimming pool pero huminto lang pala ang mga 'to at umupo sa bermuda grass.

"Drick, pinatira na ba talaga nina tita at tito ang taong grasa na 'yan rito? What if masama pala ang intensyon niya at magnanakaw pala siya, may kakuntsaka pala sa labas," ani chelsea na nagdududa sa patpat na kasama ng kanyang lolo.

Hindi siya kumibo. Pero kilala niya ng kanyang lolo nung wala pa itong Alzheimer's disease. Hindi ito basta nagtitiwala sa tao lalo kung kahina-hinala ang mga kilos nito. Seguro naman kahit merun itong ganung sakit ay di pa rin naman nito nakakalimutan ang ganung ugali.

Tsaka tingin naman niya'y mabait din ang payatot na 'yon.

"Drick! Where's Grandpa?" Tawag ni Gab sa kanila.

Nagmamadali itong lumapit at tinanaw ang tinatanaw nila.

"Sino ang lalaking 'yon?" usisa nito agad.

"'Yong sinasabi kong taong grasa," sagot niya.

"Hindi naman siya mukhang pulubi eh. Come, let's talk to him. Gusto ko ring makausap si lolo," yaya nito ngunit pinigilan niya itong lumapit.

"Kababalik lang ni Lolo kanina. Hindi seguro makakabuti sa kanya kung may makikita siyang pamilyar na mukha ngayon. Hayaan muna natin silang maglaro," an'ya sa kaibigan saka ito inakbayan.

"Halika, nagpaluto si mama ng Lasagna. Lantakan muna natin 'yon. Nagpalagay din ako ng Red wine sa ref, baka malamig na 'yon. Magmeryenda muna tayo," pag-iiba niya ng usapan.

Agad na lumapit si Chelsea sa kaibigan at do'n naman ito umabrasete.

Hindi na lang siya nagsalita. Gusto sana niyang humingi ng tawad sa ginawa niya noon pero tila wala itong balak pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon kaya tumahimik na lang din siya.

"Gab, segurado na ba talagang do'n kayo sa Canada mag-aaral ng college?" usisa ni Chelsea sa binata habang papunta sila sa kusina.

"Hindi, hangga't 'di ko nakikita ang first love ko," prangkang sagot nito.

Gusto na niyang batukan ang kaibigan sa sinabi nito. Alam niyang yung bampira na namang ang tinutukoy nito.

"Dude, andaming babae d'yan, ba't do'n ka pa sa pangit na 'yon nagkagusto?" aburido niyang wika rito.

"Dude, gusto ko lang siyang makita. 'Pag nakita ko siya, baka mawala na ang pagkagusto ko sa kanya."

"Hey, what does that girl look like?" nagtatampong usisa ni Chelsea.

"Kasimpangit nung taong grasang 'yon," sagot niya.

Hindi nila inaasahang magtatantrums ang dalaga at magmamartsa palabas ng bahay.

Nagkatinginan sila ni Gab at nag-unahang humabol sa babae.

"Hey, where are you going?" habol niya sabay hawak sa braso nito nang maabutan.

"Palalayasin ko rito taong grasa na 'yun," pagalit na sagot nito.

"You just misunderstood something, Chelsea," awat niya.

"Sabi mo kasimpangit ng taong grasang 'yon ang crush ni Gab. Ayukong makakita ng pangit simula ngayon kaya palalayasin ko 'yon," giit nito, halatang ayaw magpaawat.

"Hey, he wasn't that bad," salubong ang kilay na sabad ni Gab.

"He?" litong napabaling ang dalaga sa crush na binata.

"What do you mean He?" confused na tanong nito.

"Alright, I admit. I'm a gay. Nagkaka-crush ako sa isang pangit na lalaki. What is it to you now?" pag-amin ni Gab.

Napaatras si Chelsea sa pagkagimbal sa sinabi ng binata.

Siya nama'y salubong ang mga kilay na bumaling sa kaibigan.

Ang lakas ng tama nito! Tila balewala lang ang ginawang pag-amin na bakla ito. Paano pa kaya 'pag nalaman nitong sa babae ito nagka-crush?

Damn! Mababaliw na siya sa ipinapakitang ugali ni Gab ngayon.

Biglang tumalikod si Chelsea at umiiyak na tumakbo palabas ng kanilang bahay.

"Damn Dude! Bakit mo sinabi 'yon? Alam mo namang crush ka ng tao," sermon niya sa kaibigan.

"What should I do, Dude? I just don't like her," prangkang sagot nito.

"Fuck!" matalim ang tinging ipinukol niya sa kaibigan saka hinabol si Chelsea.

Bab berikutnya