webnovel

Chapter Thirteen

Mabilis na lumipas ang mga araw at unti-unti ay natutunan ni Beatrix na pakibagayan ang kasimplehan ng buhay sa probinsya. Xander's mom taught her many things around the house, kagaya na lamang ng pamamalengke, pagluluto ng ilang mga paboritong pagkain ni Xander, maging ang paglalaba sa kamay. She found herself eagerly learning to do all these things para kay Xander. Sa pakiramdam niya ay isa siyang tunay na maybahay para sa binata kapag inaasikaso niya ito.

Today marks the third month of her moving to the province. Sa loob ng tatlong buwan ay naging maayos naman ang pakikitungo ng asawa sa kanya. Kagaya ng sinabi nito, hindi na nasundan pa ang gabing pinagsaluhan nila. Xander remained distant to her that way, na hindi nito pinapayagang magkaroon ng pagkakataong sobrang magkalapit silang dawala, although a lot of times ay ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila.

Kung minsan nga ay naisip niyang hindi pabor para sa kanya na doon tumira ang nanay ni Xander, dahil tila mas naging madali para sa lalaki ang iwasan siya. Ganoon pa man ay na-enjoy din niya ang makasama ang ginang dahil sadyang mabait at magiliw ito sa kanya.

Kung mayroon man siyang isang maipag-papasalamat ay ang hindi na niya muli pang nakita si Frances sa pamamahay na iyon, bagaman hindi niya maiwasang mag-alinlangan at masaktan sa kaisipang baka nagtatagpo ang mga ito sa ibang lugar?

***

Inangat niya ang takip ng niluluto at bahagyang itinapat ang mukha upang langhapin ang amoy ng nakasalang. She smiled, pleased. Mukhang hindi palpak ang luto niya ngayon. She glanced at the wall clock na nakasabit malapit sa kabisera - 6:00 P.M., tamang tama lamang ang luto niya sa dating ni Xander mula trabaho.

Sa mga nakalipas na buwan ay naging abala ang asawa sa pag aasikaso sa bukid na pag-aari ng pamilya, ngunit may dalawang linggo na ang nakalilipas ng mapakiusapan ito sa unibersidad sa bayan upang mag cover doon ng isang temporary position. Xander doens't really talk to her much about his job, pero ang alam niya ay isa ito sa mga pansamantalang magtuturo sa ilang subjects ng Agricultural Engineering course sa paaralan dahil walang makuhang qualified na guro ang unibersidad para sa kurso. Xander's parents are friends with the university dean apparently, kaya't napapayag ang lalaki na pansamantalang mag trabaho doon.

Masigla siyang naglagay ng plato at mga kubyertos sa hapag kainan. This is actually her first attempt in cooking pochero, mabuti na lamang at mukhang maayos naman ang kinalabasan.

"may maitutulong ba ako sa iyo, hija?" tanong ng byenan niya na noon ay kadarating lamang mula sa paglilinis sa ancestral house na pinamamahalaan ng mga ito.

Nagmano siya sa matandang babae "wala ho, inang. Sa tingin ko po pasado na ang luto ko ngayon!" she happily declared

"siya nga ba? aba'y magandang balita yan hija!" nasisiyahang sagot nito. Lumapit ito sa kalan at tinignan ang laman ng kaserola.

"ano po sa tingin niyo?" she asked excitedly

"mukhang masarap nga!"

"magustuhan po kaya ni Xander?"

Ngumiti ang ginang at hinimas ang kanyang braso "salamat sa pagmamahal mo sa anak ko, Bea"

She smiled back. Mabait ang mga magulang ni Xander at ni minsan ay hindi siya pinakitaan ng pagkainis nito kahit pa marami siyang nagawang kapalpakan kapag tinuturuan siya nito sa mga gawain. Ang ginang rin ang naging daan upang mas makilala niya ang asawa dahil marami itong kuwento ukol sa anak, dahil dito ang pakiramdam niya ay parang napapalapit na rin siya sa binata.

"Kadarating niyo lang din ho ba inang?" Anang tinig mula sa likuran.

Si Xander. Nilapitan nito ang ina at nagmano.

"Hi!" Masiglang bati niya. Xander looked at her and hesitantly smiled back.

"You came just in time! Kaluluto ko lang" aniya na nilapitan ito at hinila sa kamay patungo sa upuang inihanda niya para rito.

Tila naguguluhan itong napatingin sa kanya at sa ina ngunit nagpaubayang umupo.

"What's goin on?" He asked

"I cooked something special" she said "upo na rin po kayo dito inang" aniya sa matandang babae at hinila ang upuan para rito.

"Wait lang ha" nagmamadali niyang tinungo ang kalan upang maghango ng kanin at ulam "tadaa!" she said pleased as she puts down the steaming bowl of pochero on the table.

Xander eagerly looked at the bowl in front of him and then looked at her "you cooked this?"

"yes!" sagot niyang nakangiti and sat down at her place on the table "tikman mo na" aniyang sinandukan ito sa plato.

"mukhang pinagbuhusan mo ito ng panahon hija" kumento ng ina ni Xander na kumuha rin ng sariling pagkain mula sa lalagyan.

"aba syempre naman po, inang!" may pagmamalaking tugon niya habang magiliw na nakatingin kay Xander, inaantay ang pagsubo nito ng pagkain.

Xander cleared his throat bago sumubo ng isang kutsarang kanin at ulam. Beatrix eagerly waited for his reaction.

"so?" she asked broadly smiling at him

"it's good" tugon nito matapos lumunok "magaling ka na palang magluto ng caldereta" muli itong sumubo

Her eyebrows arched, she slumped on her seat looking devastated.

"B-bakit?" takang tanong ni Xander, nahinto ito sa pagkain

"Caldereta?" pag uulit niya sa sinabi nito, mukhang maiiyak na siya.

"hindi ba Caldereta 'to?"

Nakasimangot niyang tinignan ito "pochero 'yan, Xander!" Nagdadabog siyang tumayo sa kinauupuan at akmang aalis nang hawakan nito ang kamay niya.

"sorry, nagkamali lang pero masarap naman ang luto mo"

Tila batang sinulyapan niya ito "talaga?" paniniguro niya

Tumango ang ito "it's so much improvement since your last cooking experiment, princess. Now sit down and let's eat okay?" banayad siyang hinila nito paupo. She obediently did so at agad naisip ang huling pagluluto niya when her sinigang turned into adobo.

"masarap nga anak" ayuda ng biyenan niya na inabutan siya ng kanin.

"Thank you po but no rice for me. Diet po ako" she politely declined

"diet?" gulat na anang matandang babae "aba eh kaganda at ka-slim mo, nag di-diet ka pa?"

Without any word ay kinuha ni Xander ang bandehado at nilagyan siya ng kanin sa plato.

"what are you doing? I'm not eating any rice " she protested

"Just eat okay" he declared bago kinuha ang ulam at nilagyan siya "I don't want skin and bone for a wife"

Wife. He called her his wife. Gustong mangiti ni Beatrix, her heart dances to a tune only she can hear every time he addresses her as his wife. This must be the second time she ever heard him call her that.

Marahil ay napansin ng binata ang pananahimik niya at lihim na pagngiti. "what are you smiling about?" tanong nito

"ahh wala" she denied and placed a spoonful of food in her mouth. Well, her cooking doesn't taste bad at all! She thinks that with a little bit more practice ay mas magiging mahusay pa siya!

"Siya nga pala, sasamahan kita bukas sa enrollment sa St. Gabriel University" anito na ang tinutukoy ay ang unibersidad sa bayan na kanyang papasukan, the same university where Xander's currently working temporarily.

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot "will you be my prof?"

"I don't imagine" tipid na sagot nito "I'm covering subjects there related to Agricultural Engineering and your course is Journalism so..."

"kung sabagay" she agreed "saka masungit ka sigurong teacher" biro niya

Sumeryoso ito "I want to remind you that no one needs to know about us"

"Xander..." anang ina nito, giving him the eye.

"Okay lang po, inang" she said smiling at her mother in law "sanay na po ako sa anak niyo".

She turned to Xander "don't worry, hindi ko po nakalimutan"

"Good. Mabuti ng malinaw. Ayokong magkaroon ng tsismis lalo na sa trabaho"

She kept silent. She will do as he asks kahit pa kung siya lamang ang masusunod ay gusto niyang ipagsigawang siya ang asawa nito.

****

Kinabukasan ay maaga siyang bumangon upang maghanda sa enrollment. Xander's work starts at 8:00 AM at isasabay na siya nito papuntang eskuwelahan.

She looked at her reflection in the mirror and smiled contentedly. She wore her skinny ankle jeans and paired it with a simple Chanel shirt and Gucci sneakers. She tied her hair up in a pony tail. Bukod sa pulbos at konting blush on ay nagpahid lamang siya ng manipis na lipstick sa mga labi.

There! I look simple enough for the province!

She took out her small Gucci bag to match her shoes at kuntentong lumabas ng kanyang silid. She found Xander by the stairs waiting for her. He looked impatient, panay ang tingin nito sa relong suot. Napatingin ito sa hagdan at natigilan ng makita siya. Gustong isipin ni Beatrix na paghanga ang nakita niyang nakiraan sa mga mata nito, ngunit sandali lamang iyon dahil tila galit ang bungad nito sa kanya.

"what took you so long? We're gonna be late!" muli siyang sinipat nito "don't you have anything simpler to wear?"

"Good morning!" she said sarcastically to point out na hindi man lamang ito bumati ng magandang umaga. "Ano na naman ba ang mali sa suot ko?"

"baka pagkamalan kang artista sa eskuwela!" iritadong asik nito sa kanya

She stopped inches from him and sweetly smiled "I'll take that as a compliment, love" tukso niya rito.

"don't ever call me that sa eskuwela, Beatrix! I'm warning you!" banta nito sa kanya sa naninigkit na mga mata.

She laughed at nagpatiunang lumabas ng bahay.

Sa pila sa registrar ay hindi maiwasang makaagaw ng pansin si Beatrix. Both boys and even girls stared at her as if she was from another planet. Ang mga lalaki ay kakikitaan ng paghanga sa mga mata habang ang mga babae naman ay magkahalong paghanga at inggit.

Whatever. You can envy and hate me all you want, the little voice in her head said.

"nakita mo na ba yung guwapong teacher?" naulinigan niyang bulungan ng ilang babae sa likod niya na pumukaw sa kanyang atensyon. Disimuladong pinakinggan niya ang pinag uusapan ng mga ito.

"oo! Diyos ko super gwapo ni sir! sayang mukhang hindi natin magiging teacher, kase engineering daw yata ang subjects na hawak" kinikilig na sagot ng isa pang babae.

"eh kung mag transfer na lang kaya tayo sa engineering?" malanding anang isa pa sa tatlo bago nagkatawanan ang mga ito.

Napataas ang isang kilay ni Beatrix sa narinig. Mukhang gumagawa ng pangalan si Xander sa unibersidad. Sigurado siyang ang binata ang tinutukoy ng mga dalagang nag uusap sa kanyang likuran.

"gwapo ba talaga?" pagpapatuloy ng isa sa usapan.

"Hay oo!" eksaheradong sagot ng kausap "akala ko talaga si Jericho Rosales noong una kong nakita!"

"binata pa kaya si sir?"

"Ang balita ko binata pa! pero sabi ng ate kaibigan daw niya yung girlfriend, Frances daw yata pangalan at teacher din daw dito"

Muntik nang maubo si Beatrix sa narinig. Frances is also a teacher here?! This can't be! Her mind raced to the fact that those two will be sharing the same faculty room, would probably go on lunches together habang siya ay hindi man lamang maaaring sabihin kahit kanino na siya ang asawa ni Xander de Silva.

"As to what I know, he doesn't have a girlfriend" sabat niya sa usapan ng mga ito.

The three girls gave her a look as if she's a weirdo na bigla na lamang nakikialam sa usapan ng may usapan.

"Beatrix Montecillo" she held her hand out to the girls. She's not someone who easily gets intimidated by situations like this. She was Queen B after all sa dating unibersidad na pinapasukan sa Maynila.

Tinanggap naman ng mga ito ang kamay niya at nagpakilala rin. Their names were Mia, Alexa and Celine.

"Paano mo nalaman na walang girlfriend si Sir Xander?" curious na tanong ni Mia "sabi kasi ng ate ko kaklase daw niya dati yung girfriend"

Muling tumaas ang isang kilay ni Beatrix "well, your ate heard wrong. I should know because Xander, I mean sir Xander and I live in the same house" she felt a sense of pride saying that.

Nanlaki ang mga mata ng tatlo na nagkatinginan "magkabahay kayo ni sir Xander?" sabay sabay na bulalas ng tatlo na naging sanhi ng pagkaagaw ng atensyon ng ilan pang mga estudyanteng naroroon.

She looked around. Oh crap! She didn't want to start a rumor between her and Xander this early! Ni hindi pa nga nagsisimula ang pasok.

"I mean" bahagya niyang nilakasan ang tinig upang marinig ng iba "I'm boarding at their house dahil magkaibigan ang mga pamilya namin" sheesh! she hopes what she said is enought to clarify things , kung hindi, nakikita na niya ang galit ng asawa.

Matapos makapag enroll ay dumaan muna siya sa banyo. She took out her phone and texted Xander, ang sabi kasi nito kanina ay ihahatid siya pauwi kapag tapos na siyang mag enroll.

She stepped out of the ladies room while looking at her phone ng may isang kamay ang humila sa kanya sa gilid. She shrieked sa pagkagulat.

Xander quickly placed one of his hands to cover her mouth. Namimilog ang mga mata ni Beatrix habang nakatingin sa asawa. One of his hands was placed against the wall, and he was standing so close to her she could smell his breath.

Inalis nito ang pagkakatakip ng kamay sa bibig ni Beatrix at itinukod din iyon sa pader sa likod ng dalaga, trapping her between his body and the wall behind her.

"I thought we understood each other?!" mahina ngunit madiin ang salita nito. His eyes were obviously showing anger.

"what did I do?" she innocently asked. Her heart started to pound in her chest. It's been a long time since the last time Xander was this close to her. Hindi man niya gustuhin ay awtomatikong lumipad ang isip niya sa gabing namagitan sa kanila. She felt her heartbeat intensify even more at the thought.

"Didn't I tell you that no one should now about us?" asik nito sa mababang tinig.

"Wala naman akong sinabi, Xander" she said in a small voice. Bahagya siyang kinabahan sa galit na nakikita sa mga mata nito.

"wala? so how do you explain everyone knowing we live at the same place?" inilapit pa nitong lalo ang mukha sa kanya, habang ang mga mata ay galit na nakatitig sa mga mata niya.

"well... akala ko ba okay lang na malaman nilang nag bo-board ako sa inyo? isn't that what you said?" katwiran niya rito.

She heard him gave out an exasperated sigh, halatang tinitimpi nito ang galit.

"Just what were you thinking - "

Naputol ang sasabihin nito ng ilang mga estudyanteng babae ang napahinto sa di kalayuan nang makita sila. Mabilis itong tumayo ng tuwid at tila bale-walang nginitian ang mga kababaihang parang mga bulateng kinikilig sa ngiting ibinigay ng binata sa mga ito.

"sa bahay na tayo mag usap" he whispered to her while gritting his teeth, bago lumakad palayo.

Pinakawalan ni Beatrix ang hiningang pinipigil nang makalayo ito. Looks like she's in trouble with Mr. sungit again!

Bab berikutnya