"Pakasalan mo ang anak ko" matigas ang tinig na wika ni Emilio.
Xander glanced at Beatrix, nakayuko lamang ito at walang kibo. He was somehow expecting for her to say something, to sort out this misunderstanding, subalit nanatili lamang itong walang kibo.
"tito..." he wanted to say no, dahil alam niya sa sarili niyang walang namagitan sa kanila, and this is Beatrix's plan dahil hindi ito makapayag na hindi makuha ang gusto!
"I am hoping you will take full responsibility of this situation, Xander. Mabuting tao ang pagkakakilala ko sa iyo. Natitiyak ko ring hindi papayag si Gener na hindi mapanagutan ang pangyayaring ito" saad ni Emilio, na ang tinutukoy ay ang kanyang ama na mabuting kaibigan din ng huli.
"wala ka bang sasabihin, Beatrix?" tanong ni Laura sa anak "nais mo bang magpakasal? kung hindi ay-"
"hindi maaaring hindi niya gustuhing makasal!" galit na putol ni Emilio sa sinasabi ng asawa "hindi ko hahayaang ang nag iisa kong anak na babae ay magdadala lamang ng kahihiyan sa pamilyang ito!"
"Emilio...bakit hindi muna natin pakinggan ang sasabihin ng anak mo? Hindi naman siguro sapat ang isang pagkakamali para matali sila sa isang relasyong hindi nila gusto?" malumanay na sagot ni Laura
"G-gusto ko pong magpa...k-kasal, Ma" sa wakas ay tugon ni Beatrix. Nag angat ito ng ulo at tinignan siya "mahal ko po si...Xander"
"kung gayon ay wala naman palang magiging problema!" tila nabuhayan ng loob si Emilio sa narinig sa anak
"Kaya lamang ay masyado pang bata si Bea, Emilio..." ani Laura
"at ano ang gusto mong gawin sa anak natin?! hayaang disgrasyada?"
"Siya nga naman ma" sang ayon ni Zach. Matalim siyang tinapunan ng tingin nito "hindi naman pwedeng hindi managot si Xander"
He gritted his teeth. Nagrerebelde ang kalooban niya sa mga nangyayari!
"I will do it" tiim bagang na sagot niya. Bahala na! Tutal naman ay mukhang wala rin siyang ibang lusot sa pamilya ni Beatrix. Masyado ring malaki ang utang na loob niya sa pamilya at natitiyak niyang hindi rin makakapayag ang tatang niyang hindi niya pakasalan ang anak ni Emilio kapag nalaman nito ang nangyari.
"Well then it's settled!" Emilio said pleased "I will be expecting your parents here next week para mapag usapan ang kasal! At wala kayong dapat intindihin, kami na ang bahala sa lahat ng kailangan. It will be the wedding of the decade! I will make sure my daughter's wedding is-"
"I want to spend for the wedding, tito Emilio" aniya "it won't be a grand one but let me pay for it. Isang simpleng kasal lamang naman ay sapat na, hindi ba Beatrix?" He glimpsed at her. Knowing how spoiled and privileged she was growing up, natitiyak niyang hindi ito papayag na hindi magkaroon ng celebrity-like wedding.
"O-of course!" Sagot nito sa kanyang pagkabigla "hindi ko naman kailangan ng marangyang kasal. I am okay with whatever you want Xander"
"Pero hija, minsan ka lamang ikakasal. It needs to be a memorable one" ani Laura
Marahang umiling si Beatrix "no Ma. As long as I'm getting married to Xander, I'm fine with a simple, low key wedding" alanganin siyang nginitian nito.
His face remained straight, void of emotion at this point. Sari-sari ang tumatakbo sa kanyang isip. Yes, he had planned on marrying Frances soon, as soon as he graduates, but it's nothing compared to this one! Paanong sa isang iglap ay napalitan ang kanyang fiancee? And worst, hindi pa alam ng nobya ang nangyari! Paano niyang sasabihin ditong hindi na matutuloy ang kasal nila dahil ikakasal siya sa iba? Ano ba itong gulong nasuungan niya?
When Frances proposed that they get married, hindi rin niya malaman kung bakit siya agad pumayag. Dalawang taon pa lamang niya itong nobya at sa loob ng panahong iyon ay hindi niya masabing naging exciting din ang relasyon nila. Hindi sila nag aaway at palagi ay submissive ito sa kanya kaya siguro naisip niyang magiging mabuti rin itong maybahay. Isa pa, sabay silang lumaki ni Frances sa San Gabriel, he used to be a notorious womanizer in his hometown simula ng umapak siya sa high school kaya't madalas siyang mapasangkot noon sa gulo. Si Frances lamang ang nag iisang babaeng nakapagpatino sa kanya. Frances is calm, quiet and kind, simple lamang ito at hindi naghahangad ng mga materyal na bagay, in short, the total opposite of Beatrix. Not that Beatrix isn't kind, kilala niya ito at alam niyang may taglay itong kabutihan na madalas ay natatakpan ng pagka bratinella nito. Still, Beatrix has always been like a younger sister he never had, a kahit pa hindi niya maitatanggi ang kagandahang taglay nito, ay hindi niya kailanman naisipang tawirin ang linyang inilagay niya sa pagitan nila, sapagkat malaki ang utang na loob at respeto niya sa pamilya nito at hindi niya nainis mapag isipang nagsasamantala siya. Still, he can't deny that there's been a number of times that she was able to penetrate him and affect him as a man.
"Sasabihan ko po sila tatang at nanang para gumayak dumalaw rito sa susunod na linggo" iyon lamang at tumayo na siya upang magpaalam.
Si Zachary ay sinundan siya sa kanyang paglabas ng library. Mukhang naibsan na ang galit ng kaibigan.
"Welcome to the family, bro" Zachary said at tinapik siya sa balikat "pasensya na sa suntok ko kanina. Beatrix is my little sister so I hope you understand why I got so frustrated"
Isang nakakaunawang tango ang kanyang ibinigay rito bago tuluyang nagpaalam.
*****
Matuling lumipas ang linggong iyon, at kagaya ng ipinangako ni Xander ay isinama nito ang mga magulang upang pag usapan ang kanilang kasal. Wala siyang narinig na pagtanggi sa mga magulang ni Xander bagaman nabigla rin ang mga ito sa pangyayari.
Mahirap pala ang may itinatago sa kunsensya dahil sa buong pagkakataon ng pamamanhikan ng mga ito ay halos hindi magawang salubungin ni Beatrix ang tingin ng mga magulang ni Xander, pakiramdam niya ay makikita ng mga ito sa kanya ang panlilinlang na ginawa niya.
Sa huli ay naitakda ang kanilang kasal dalawang linggo mula sa pamamanhikan ng mga ito. Tulad ng gusto ni Xander ay isang simpleng kasal ang napagkasunduan. She must admit that she had pictured herself wearing a Rajo Laurel gown for her wedding day, and a wedding complete with pre-nup shoots and one attended by the most influential people in the country, given her family's standing in the business world, ngunit kaya niyang i-give up ang pangarap na iyon para lamang maging kanya si Xander.
*****
"Masaya ka na?"
Gulat na napalingon si Beatrix sa pinanggalingan ng tinig. Si Xander. Ang buong akala niya ay umalis na itong kasama ng mga magulang matapos ang pamamanhikan.
She feels anxious kaya matapos ang hapunan ay naisipan niyang maglakad sa parte ng hardin nila kung saan naroroon ang isang pond na pinaninirahan ng mga koi fishes na alaga ng kanyang kuya. Sa ibabaw ng pond ay mayroong isang maliit na tulay na gawa sa kahoy, nakapaarko ito, connecting both ends of the pond. Ang tulay ay naaadornohan ng maliliit na fairy lights na siyang nagsisilbing liwanag sa gabi. Sa paligid ng pond ay sari saring mga halaman at bulaklak na nag riot ang iba't ibang kulay.
"I thought you left already" she replied, ang paningin ay ibinalik sa mga koi fishes.
"I need to talk to you" walang emosyon ang tinig ng binata
"Hindi magbabago ang pasya ko, Xander. I will marry you..." humarap siya rito. Ang binata ay prenteng nakasandig ang likod sa railing ng tulay, ang mga braso nito ay magkasalikop sa dibdib.
Bea gently sucked in a breath. Why is he so damn good looking? The guy really does look like a modern day greek god! Hindi niya mapigilan ang mapatanga habang nakatitig dito. Matangkad ito sa taas na 6'2", moreno at maganda ang pangangatawan. He has strong square jaws, matangos ang ilong, and very expressive eyes that could just melt any woman kapag tumitig. Ang itim na itim na buhok nito ay natural na may alon. His lips were full and sensous na tila ba kaysarap halikan.
Xander's lips twitched into a sly smile, na para bang nabasa nito ang pinapantasya niya sa kanyang isip.
"Liking what you see, huh?" Patuya nitong tanong sa kanya.
Napahiya man si Bea ay hindi siya nagpahalata. Matapang niyang sinalubong ang tinging ibinibigay nito sa kanya. "Well, I'm not denying that I like you, kaya nga kita pakakasalan"
Xander slowly stepped towards her.Napaatras siya hanggang sa maramdaman ang railing ng tulay sa kanyang likod.
"Can you really handle being my wife, Beatrix?" he asked huskily, ipinatong nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya, trapping her. He lowered his head upang magpantay ang kanilang mga mukha "maybe you don't know what you're getting yourself into.." naroon ang warning sa tinig nito
Oh my gosh! Ang lapit nito sa kanya at nalalanghap niya ang amoy nito. His scent tingled her senses, making her heart beat even more wildly.
"Y-yes. Anything for you, Xander" buong katapatang sagot niya. Naiilang man ay sinalubong niya ang titig nito. Hindi ito kumukurap sa pagkakatitig sa kanya, kung galit man ang nakabadya sa mga mata nito ay hindi niya matiyak.
"I told you don't try me..." lalong inilapit nito ang mukha sa kanya, his lips were just inches away from hers! Napalunok si Beatrix. Halos magwala ang puso niya sa kanyang dibdib.
"What exactly do you want from me, princess? Hindi ako parang laruan na pwede mong idagdag sa kapristo mo" may diin ang bawat salitang binitawan nito, tila asido iyon sa kanyang pandinig. He paused, and for the first time ay nakita niyang hinagod siya nito ng tingin. Did she just see desire cross his eyes?
"Sex ba ang gusto mo? Pwede naman kitang pagbigyan...We don't need to get married for that!" he ruthlessly said bago walang paalam na bumaba ang mga labi nito sa kanya, punishing her with a brutal kiss!