"P-Paanong..." Nauutal kong saad.
"Oo, biktima rito ang iyong mga magulang." Ani niya. "Matutuklasan mo rin ang lahat ng iyon. Ayaw ko na biglain ka sa mga impormasyon tungkol sa pagkamatay nila. Mas mabuti nang ikaw mismo ang makatuklas sa sarili mo." Dag-dag pa niya.
Hindi ako makapaniwala na biktima ang mga magulang ko sa kung anong nangyayari ngayon. Dahil ba ito sa mga invention na napagaralan at naisagawa ni ina? O sa pagiging parte ng gobyerno ni itay?
Natahimik na lang ako sa kinatatayuan ko. Galit at hinagpis ang nararamdaman ko ngayon. Pinatay ang mga magulang ko ng walang kalaban-laban! Ang gusto lamang nila ay ang mapabuti ang komunidad na tinitirahan namin at upang ang mga tao ay umunlad.
Simula ng lumayas ako sa bahay ampunan ay namulat ang mga mata ko sa mga ginagawa ng aking mga magulang dahil may mga taong nagpatuloy ng kanilang layunin at mga gawain. Pero hindi ko lubos maisip na ginagamit ito ng ibang tao para sa kasamaan, at higit pa sa lahat, eto pala ang dahilan kung bakit nila nagawa iyon sa amin.
Kung sino man ang may pakana ng lahat ng ito. Tiyak na mananagot sa aking mga kamay. Pero. Pero anong magagawa ng isang tulad ko? Isa lamang akong binata na namatayan ng magulang na hindi man lang nakapagtapos ng kolehiyo?
Naupo na lamang ako sa kakaisip ng biglang lumapit sakin si Naenco at umupo rin sa harapan ko. Mula sa mga ungol niya ay mapapansin mong masakit parin at sariwa parin ang kanyang sugat. Hinawakan niya ako sa aking mga balikat at, "Gusto mo bang ipaghiganti ang iyong mga magulang?" Tanong niya.
Hindi na ako nakasagot pa at tumingin na lang ako sakanya ng diretso. Punong-puno ng galit, sakit at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Tumayo naman siya at pumalak-pak muli upang baguhin ang anyo ng kwarto. Bumalik ito sa pagiging simple na puting kwarto.
Ngunit mayroong isang pintuan ang lumabas na lang sa kawalan at tumayo siya sa tabi nito. "Halika, sumama ka sakin maglakad." Paganyaya niya.
"Saan mo naman ako dadalhin?" Tanong ko habang nakayuko.
"May ipapakita ako sayo."
Napagdesisyunan ko nang tumayo at sumunod sakanya papasok sa isang lugar. Lugar na kung saan makikita mo ang kabuohan ng kalawakan. Mula sa mga galaxy, mga bituin at mga magagandang tanawin at kulay na binubuo ng malawak na kalawakan.
Mayroon namang hagdan sa di kalayuan kaya't doon kami nagtungo. Tahimik lamang kaming dalawa na naglalakad habang mga mata ko'y siniyasat at pinagmasdan ang paligid. Hindi man halata sa aking ekspresyon na ako'y namamangha, pero sa loob-loob ko ay, sobrang ganda ng nakikita ko.
Napansin ko naman na paigkang-igkang ang lakad ni Neanco, kaya naman ay inalalayan ko na lamang siya sa kanyang paglakad. Ipinatong ko ang kanyang balikat sakin at sabay kaming naglakad patungo sa hagdan.
"Salamat." Ani niya ng matunton namin ang hagdan na gawa sa marmol na kulay ginto. "Oras na para ipakita ko sayo ang dapat mong malaman." Saad niya.
"Sa bawat nilalang na namumuhay sa mundo ay may iba't-ibang galing at talino ang bawat isa na ibinigay sakanila ng kalawakan." Paliwanag niya.
"Halimbawa, ang mga tao. Ang abilidad ng mga tao ay ang kanilang angkin na pagiging pursigido at gutom sa kaalaman, kaya naman ay marami sa mga tao ay matatalino. Itong regalo na ito ay nagmula sa kalawakan mismo bago sila mabuhay sa kanilang mundo." Humakbang siya paakyat ng hagdan at agad itong nagliwanag na nagbigay ng kulay puti at asul na liwanag.
"Katulad ng mga Tauron, ang abilidad nila na pagkakaroon ng pisikal na lakas na hindi matutumbasan ng mga tao ay ang kanilang regalo mula sa kalawakan. At dito iyon nanggagaling sa tuktok ng hagdan na ito."
"Ano ba ang nasa tuktok nitong hagdan na ito?" Tanong ko sakanya habang sinusundan siya pa-akyat ng hagdan. Sa bawat yabag namin ay umiilaw ito ng puti at asul na talaga namang nakakamanghang tignan.
"Ang puno ng buhay." Saad niya.
"Ang world tree?! Yggdrasil?!" Gulat kong tanong.
"Bakit para atang nagulat ka?"
"H-hindi naman sa ganon. Hindi ko lang inaasahan na doon tayo pupunta. Naniniwala na ako na kayo, mga galing sa lahi ng diyos ay sapat na para mag sink-in sa utak ko kaya naman ay hindi ako natataranta at nagpa-panic. Pero ang world tree o Yggdrasil kung tawagin sa amin mula sa mga history, ay talaga namang ikagugulat ko.
"Wag ka na mabahala, dito sa Spirit Realm ay totoo ang lahat ng nalalaman ninyo, dahil nagawa na rin naming tumawid noon at impluwensyahan ang kaalaman ng bawat nilalang na nasasakupan namin upang maging maunlad ng lahat." Sagot niya na kalmado.
"Maiba naman tayo. Kung ito nga ang Spirit Realm, ngunit hindi ito ang langit, bakit ito tinawag na Spirit Realm?" Pagtatanong ko.
"Ah, iyon ba? Ang tangi lamang na makakapunta sa Spirit Realm ay ang mga nilalang na may matataas n antas na koneksyon sa kalawakan. Pamilyar ka ba sa enerhiya na nanggaling sa kalawakan na nagbibigay buhay sa lahat?"
"Oo."
"Kung mataas ang enerhiya na nanggagaling saiyo at malakas ang koneksyon mo sa Spirit Realm ay agad-agad mo itong matutunton sa pamamagitan ng Astral Projection. Hindi naman talaga ito ang lugar na para sa mga kaluluwa ng mga namatay na. Kundi kaya ito tinawag na Spirit Realm ay ito ang lugar kung saan mabubuksan ang iyong espirito sa mga kaalaman at mga bagay na hindi nakikita ng normal na mata."
Matapos niyang ipaliwanag ang iyon ay medyo nakahinga ako ng maluwag, akala ko talaga patay na ako at hindi na makakabalik pa.
"Narito na tayo." Saad niya.
Nang marating namin ang tuktok at bumungad sa aking dalawang mata ang kagandahan ng lugar. Isang napakalaking puno na nakapwesto sa ibabaw ng ulap.
Ang mga halaman ay nagsilakihan na magaganda at makulay. Ang mga hayop na tahimik na naninirahan at payapa. Sobrang ganda! Hindi mo ito makikita sa mga ibang planeta at lalo na sa earth!
Malamig ang simoy ng hangin at ang sinag ng araw ay kakaiba, kulay kahel na may kaunting dilaw! Napakaganda na parang aayawan mo ng bumalik pa.
Pero nandito kami sa hindi ko malamang rason. Patuloy parin kami sa paglalakad ng makarating kami sa paanan ng puno ng bubay. May isang kubo roon at sa likod nito ay isang ilog na nakapalibot sa puno.
Pumasok kami sa loob at puro libro at papel lamang ang makikita namin. Sa mga aparador na puro libro. Luma na ang kubo na ito ngunit maganda ang pagkakagawa na para bang pumasok ka sa isang bahay ng magsasaka noong medieval period.
Sa sahig ay mga nakakakalat na papel at mga gamit pangsulat. Sa bandang dulo ay may isang lamesa kaya naman pumunta ako doon at pinagmasdan ito.
Magandang uri ng kahoy ang ginamit dito dahil kahit luma na ay matigas parin at maayos ang lamesa. Buti na nga lang din nakabukas ang mga ilaw ng kandila kaya agad naming nakita ang kagandahan at kasimplehan ng kubo na ito.
"ehem"
Nagulat ako sa pagkaubo mula sa isang hindi ko killa mula sa aking likuran, kaya naman napatakbo ako at nataranta.
"O magaling at matalinong Oni, naparito kami upang gampanan ang aming misyon." Saad ni Naenco habang nakaluhod sa isang nilalang na parisukat ang hugis ng ulo at nakaupo sa lumulutang na upuan. Ang laki niya ay parang kasing-laki ng sanggol at ang kulay ng kanyang balat ay berde at puti. Habang ang kanyang buhok at nakalugay at mahaba.
Wala rin siyang mukha katulad ni Naenco pero mapapansin mo na ito ay matanda na dahil sa mga kulubot na nanggagaling sa kanyang mga kamay.
"Ah ganun ba, humayo ka na at sabihin mo sakin ang iyong pakay." Saad ng matanda.
"Nais po naming makarating sa bulwagan ng karunungan."
Agad namang nagulat ang matanda sa kaniyang sinabi. "At bakit?! At sino nga pala itong tao na kasama mo?! Hindi ba't ipinagbabawal ang makihalubilo sa mga tao?!" Pasigaw niyang sabi.
"Patawarin niyo po ako sapagkat ako mismo ang humingi ng permiso sa aking mga kapatid upang makarating itong tao na ito dito."
"Kung gayon, ano ang kanyang pakay dito?" Tanong niya habang tumalikod siya sa amin habang pinupulot ang mga papel na nasa sahig.
"Siya po ay personal kong napili upang tulungan tayo sa ating misyon sa Reality Realm."
Nagisip-isip muna ang matanda habang patuloy paring nagpupulot ng mga papel na nakakakalat sa sahig.
Ilang minuto ang lumipas ay nagsalita muli ang matanda. "Anong pangalan mo, tao?"
"Xavier ho. Xavier Azrael."
"Ilang taon ka na, Xavier?"
"Bente dos anyos ho."
Natahimik siyang muli. At kumuha ng isang malaki at mahabang libro mula sa aparador na malapit sa lamesa. Inilapag niya ito at binuklat ang libro. Sa bawat pahina na dumaan ay talagang sinuri niya ito ng mabuti nang makarating siya sa isang pahina at napasigaw siya.
"Ha! Huli ka pero di ka kulong!" Saad niya.
Teka, bakit alam nitong mga to kung paano kami magsalita sa earth?
"Xavier Azrael, bente dos anyos. Araw ng kapanganakan Pebrero Katorse taong dalawang libo, siyam na raan at siyam na put walo. Tama?" Eksakto niyang sabi.
"A-ah O-opo. Pano niyo ho nalaman?" Tanong ko.
"Heto oh." Hinarap niya ang libro sakin. Nakita ko naman ang aking mukha, pangalan edad atbp na para ba akong nakatingin sa isang resumé na ginawa sa computer.
Pero yung libro na hawak niya ay hindi ordinaryo na libro. Para na siyang tablet ngunit sa katawan ng libro, at s bawat pahina ay ang mga detalye ng bawat tao.
Siguro mahilig lang siya sa mga vintage na bagay kaya niya gusto ang ganyang style ng pagtago ng mga records ng bawat tao at nilalang.
"Isa kang aquarius, tama diba?" Tanong niya muli.
"Oho." Magalang kong sagot.
"Matalino, mas matalino pa kumpara sa ibang zodiac. May angking katamaran, ngunit pursigido sa sarili, balanse at mapagkakatiwalaan ng husto. May pagmamahal sa lahat ng bagay na nakapaligid sakanya, ngunit masama kung magalit. Protektor ng mga naaapi at naniniwala sa hustisya. Tama o mali?"
"Ah-eh hindi ko po alam. Siguro po?" Saad ko na nakakamot sa ulo.
"Totoo po ang lahat ng iyon, mahal na Oli. Sapagkat pinagmasdan ko at pinanuod ang kanyang paglaki mula pagkabata." Matiwasay at diretsong saad ni Naenco.
"Hmmmmm..." Napaisip ng malalim ang matanda. Hindi ko alam kung ano man ito, pero napakatagal niya magdesisyon sa gusto mangyari ni Naenco.
Hindi ko man alam kung ano ang gusto ipaalam sakin ni Naenco, pero parang gusto ko na rin alamin. Malay natin isa ding lugar iyon na maganda at kaaya-ayang tignan.
Lumipas ang ilang minuto at nagsimula na muling magsalita ang matanda.
"Mapagkakatiwalaan natin itong taong ito sapagkat sa siya sa mga kakaunting tao na kilala ko na may sign ng Aquarius na talaga namang mga mabubuting tao ngunit mabangis kung magalit na dumadating sa punto na wala nang sinasanto, pero bahala na. Sige! Maaari mo siyang dalhin sa bulwagan ng karunungan. Humayo na at simulan ang dapat nang tapusin, Naenco." Saad ng matanda.
"Masusunod, o mahal na Oli." Pagpapaalam ni Naenco.
Hindi na din nagtagal ay lumiwanag ang aming kinatatayuan na para bang may sinag na nanggagaling sa itaas at may namumuong mga texto na hindi ko maintindihan sa aming lupa na tinatayuan.
Isang iglap lang ay nasa ibang lugar na kami na kulay asul na itim na pinaghalo. Ang paligid ay nababalutan ng lumulutang na liwanag na para bang mga alitaptap. Sa gitna ng lugar na ito ay may isang maliit na lupa na nakaangat at isang bato na may mga nakaukit na texto na hindi ko alam.
Tinuro naman sakin iyon ni Naenco "Doon mo malalaman ang tinutukoy ko."
Hindi na ako nagatubili pa at sa oras na umalis siya para puntahan ang batong iyon, ay sumunod na ako sakanya ng walang pagaalinlangan. Ano kaya ang meron sa bato na iyon na gustong ipakita sakin ni Naenco?
Tignan na lang natin para malaman natin.