Bumili yung kaibigan ko ng pagkain, at syempre inalok naman niya ako. Medyo gutom na din ako kaya humingi na din ako.
Habang kumakain ako medyo hindi ko nasasarapan ang pagkain, kaya sinabi ko sa kaibigan ko "Ano ba yan hindi naman masarap." Sagot niya sa akin "Wala kang karapatan magreklamo kasi nakikihingi ka lang".
Napaisip ako sabay sabing "May point ka naman. Bakit nga ba ako magrereklamo eh nakikihingi lang naman ako."
"Kung hindi ka na nasasarapan, tigilan mo na. Kaya maghanap ka na lang ng iba." Dagdag pa nito.
"Wait lang pagkain pa ba ang usapan natin dito?" Sabi ko naman
Sabay kaming nagtawanan. Kasi alam naman namin na hindi na tungkol sa pagkain yung pinaguusapan.