Umaga ng Lunes ngayon at may pasok nang maaga si Denver ngunit dahil sa pagod kagabi sa paggawa ng limang narrative reports ay hindi nya nagawang magising upang makapagprepare para sa school.
Unti-unting idinilat ni Denver ang mga mata.
"ang silaw" sabi ng utak nga kaya muli syang napapikit. Pagkalipas ng isang minuto'y nagdilat muli. "ano ba, ng sakit sa mata ng araw" inis na sambit nya sa isip nang biglang magsink in ang reyalidad.
"ARAAW?!" napabalikwas sya ng bangon at agad hinanap ang cellphone nya.
"Putch* naman oh! Late na ko!" at napatakbo sya sa banyo para mag ayos ng sarili. 7:10 Am na at may klase sya ng 7:30 Am kasabay nun ay deadline ng submission ng narratives nila tungkol sa mga nakaraang events sa school.
"ano bang iniisip mo Denver?!" inis nyang tanong sa sarili habang nagbubutton ng polo.
Bago magkalimutan, let's define Denver. Isa siyang IT student sa isang sikat na unibersidad sa Mindoro. Ang Mina de oro University o mas kilala sa tawag na M.U Mamburao Campus. Meron na itong Campus sa iba't ibang panig ng lalawigan kasama na rito ang katatayo palang sa Sta. Cruz. Third year na si Denver at alam nyang ito ang pinakakomplikadong taon o yugto ng pag-aaral ngunit para sa mga magulang nya'y hindi sya susuko. Bukod pa sa mga projects at assignments ay kailangan pa rin nyang magfocus sa paggawa ng system na talaga namang halos sinusukuan ng ibang estudyanteng gaya nya.
Sa hitsura naman, 21 years old na si Denver. 5'7 ang height nya at syempre isa sa mga nagagwapuhang lalaki sa campus nila and to be honest maraming gwapo sa Mindoro. Makapal na kilay, malamlam na mga mata, mapupulang labi at matikas na pangangatawan ilan lamang yan sa mga hinahangan kay Denver bukod pa riyan ang ugali. 1st year college noon si Denver nang malaman nyang iba ang ang gusto ng puso at katawan nya. Dati madali syang maattract sa mga babae pero isa lang ang babaeng seneryoso at minahal nya nung 4th year high school sya at yun ay noong mga panahon na pinipilit nyang labanan ang kanyang paghanga sa kapwa nya lalaki.
Ngayon alam na nya ang kanyang gusto pero mas priority nya ang pag-aaral. Bukod pa rito, hindi pa nalalaman ng pamilya nya ang tungkol sa pagkatao nya at kinakailangan nya pa itong itago at pigilin dahil alam nyang hindi papayag ang mga ito. Bunso sya sa apat na magkakapatid at lahat ng mga kapatid nya ay may asawa na kaya sya na lamang ang pinag-aaral ng pamilya. Kahit hirap sa buhay noon ay nagawang pagtapusin ng pag-aaral ng mga magulang nila ang tatlo nyang kapatid. Engineer ang panganay nila, Nurse naman ang ate nya sa Provincial Hospital ng Occidental Mindoro, at Businessman naman ang kuya nya na may-ari ng isang department store sa San Jose at Mamburao. Hindi lang halata sa kanya pero ngayon ay maginhawa na ang buhay nila. Mas pinipili lang ni Denver na maging simple at sanay syang pinaghihirapan ang mga bagay na gusto nya. Sa ngayon wala pa talagang oras para sa pag-ibig si Denver dahil bukod sa schedule nya, kailangan nyang magfocus pa sa pag-aaral nya.
Lakad takbo ang ginawa ni Denver para makahabol sa oras, 7:45 AM na nang makarating sya sa school buti nalang at magaan ang trapikoat hindi sya natagalan s biyahe. Halos hindi na nya nagawang batiin ang mga professor na nakakasalubong nya dahil sa pagmamadali. Nasa third floor pa naman ang room nya.
"Mr. Custudio, too early for the next class" sarkastikong bungad ni Ms. Tria nang dahan dahan syang pumasok ng pinto.
"I'm sorry maam, natrapik po kasi" pagdadahilan nya. Kahit alam nyang nakamotor sya at wala naman talagang trapik.
"Anyway' your narrative report? " agad syang tumuloy sa unahan at ipinasa ang mga gawa nya.
"Goodness you made it well huh," sabi pa nito "Okay class see you on Wednesday" paalam nito.
Buti nalang at walang discussion ngayong araw at nangolekta lang ng mga reports. Pumunta sya sa upuan nya.
"Anong problema bakit nalate ka yata?" bati sa kanya ni Jameson-bestfriend nya simula high school. May hitsura rin ito at tulad nya bisexual din si Jameson ang pinagkaiba nga lang, nag out na ito simula pa nung first year at may boyfriend itong Education student.
"Tinanghaleko ng gising eh" pagtatapat nya sa kaibigan.
"oh? Imposible yata yun sa isang Denver Custudio na katulad mo! Hahahah" pang-aasar pa nito
"Pero nangyari na buti na nga lang di ako pinagalitan ni Ms. Tria, syangapala yung tungkol sa dorm mo? May bakante pa ba? Kelangan ko na talaga makalipat masyadong malayo yung boarding house ko sa school."
"Di kana nasanay matatapos na rin tayo oh" sagot naman ni Jameson.
"Basta mas maigi nang mas malapit, naitanong mo na ba sa landlord nyo?"
"Oo, mamayang hapon sumama ka sakin kaso di tayo magkasama ng kwarto alam mo naman" at ngumiti ito. Kasama kasi nito sa room ang bf nya. Bukod pa roon good for two lang ang bawat kwarto pero malawak naman medyo may kamahalan nga lang.
"Oo na kahit sa ibang tao nako sumama makalipat lang" pilit nya rito.
"Oh sige mamaya pagkatapos ng klase natin kung magugustuhan mo mamaya kana rin lumipat." alok pa nito.
"Okay deal" tugon nya dito sabay ngiti.
Kinahapunan hindi na sya umuwi sa boarding house balak nya kasing dumeretso na sila ni Jameson sa dorm nito. Bago sila dumeretso ay sinundo muna ni Jameson si Melvin(Boyfriend nya) sa room nito. Habang hinihintay naupo muna sa bench sa minipark ng school si Denver. Sa di kalayuan ay may isang lalaking napansin nyang nakatitig sa kanya kaya napatingin rin sya rito ngunit konting segundo lang ito dahil lumabas na ito ng school gamit ang kanyang bike. Hindi na lang nya ito pinansin dahil di rin naman nya kilala at medyo malayo nga ito sa kanya. Maya maya pa ay dumating na yung dalawa at nagpasya na silang lumabas. Malapit lang ito at walking distance lang kaya naglakad nalang sila. Nagkukulitan sina Jameson at Melvin habang naglalakad habang si Denver ay nakikitawa nalang sa kanila. Ang sweet ni Melvin kay Jameson at halatang mahal na mahal nya ito.
"Tama na nga may naiinggit eh" pang-aasar ni Jameson kay Denver.
"Inggit? Tumigil ka nga hahaha" napatawa nalang sya rito.
"Ikaw kasi bakit kasi dika pa maghanap mauubusan kana ng gwapo sa Campus ikaw rin" asar pa nito.
"Tumahimik ka nga Jameson baka may makarinig sayo!" saway nya rito.
At nagtawanan lang ang mga ito napatawa lang rin sya.
Mayamaya ay nakarating na sila sa Dorm, mataas ito ay may limang palapag.Puro lalaki ang mga nakaboard dito at halos lahat estudyante. Unang pumukaw ng pansin kay Denver ay ang bisikletang nakaparada malapit sa pinto nito. Agad silang nagtungo sa may-ari nito buti nalang at naroon ang landlord kaya't nakausap ito ni Denver. Ipinakilala sya ni Jameson kay Alex ang kanilang landlord. Binata pa ito at pagmamay-ari ng mga magulang nya ang dorm na ito. "Kuya Alex" ang tawag nila rito dahil di rin kasi nalalayo ang edad nito sa kanila. Sa pangalawang palapag sila dumeretso, doon din kasi ang kwarto nina Jameson.
"May isang bakanteng kwarto sa dulo ng hallway. Pero kung okay lang sayo na isama na lang kita dun sa isang lalaki malapit roon, mag-isa lang din kasi sya mukha namang mabait kung papayag na sya this time di kasi yun nagsasama sa kwarto eh." alok ni Alex.
"Maari ko bang tingnan?" tanong nya.
"Oo naman halika sumunod ka sakin.
Nasa kwarto na sina Melvin at Jameson kaya naman sya nalang ang sumama kay Alex nang biglang magring ang cellphone nito.
"Excuse me, sige tumuloy kalang dun sa kwarto sa dulo, room 301 at 302, sagutin ko lang to" paalam ni Alex.
"sige po kuya Alex"
Agad syang dumeretso sa room 301. Kakatok sana sya nang mapansin nyang bahagya itong nakabukas. Sinilip nya ng loob, walang tao kaya tumuloy sya. Malinis ang kwarto nakaayos ang mga gamit kahit ang isang kamang walang nagmamay-ari ay halatang nililinis din.
Lumapit sya sa may side table sa gilid ng kama. May picture frame doon na may picture ng isang lalaki, tinitigan nya ito dahil familiar ito sa kanya.
"Sino to?" tanong nya sa sarili.
"Ako yan, bakit?" halos mabitawan nya ang picture frame dahil sa gulat. Agad syang humarap sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo sa harap nya ngayon ang isang lalaking maliban sa tapis nitong tuwalya'y wala ng ibang saplot. Mukhang galing bathroom ito at kakatapos lamang maligo.
"-ahh" sambit lang ni Denver.
"SINO KA?!!" sabay nilang sabi. Natigilan naman sila pareho at natahimik. Isang minuto rin silang nagkatitigan, titig na parang nagtagpo na dati.
"P-pasensya na, naghahanap kasi ako ng malilipatan at ito yung kwartong itinuro ni kuya Alex" paliwanag ni Denver.
Kagat labi at tango lang ng isinagot ng binata sa kanya. Alam nyang ito ang lalaking tumitig sa kanya sa campus kanina dahil na rin sa bisikleta na nakaparada sa labas ng dorm.
Unti unti itong lumapit sa kanya at dahil dun napaatras si Denver dahil narin sa titig nitong hindi sya nilulubayan hanggang sa napasandal sya sa dingding.
"B-bakit? Anong problema mo? Ano bang nang-" naputol ang mga sasabihin pa sana nya ng hablutin nito ng picture frame na hawak nya. Nakahinga sya nang maluwag dahil dun.
"Ito ba ang napili mo?" biglang tanong ni Alex, nakabalik na pala ito. Sabay silang napalingon dito.
"Oh, nagkita na pala kayo ni Cyron, sya ang mag-isang nakatira sa room nito." paliwanag ni Alex. Si Cyron naman ay bumalik sa banyo dala ang mga damit nitong kanina'y nasa kama.
"Oh pano, ito na ba napili mo? Para narin may kasama ka. Wag kang mag-alala mabait yang si Cyron, medyo tahimik nga lang." paglilinaw ni Alex.
"Sige kuya, dito nalang po ako. Kelan ba ako pwedeng lumipat?" tanong nya.
"kahit kelan basta free ka at kakausapin ko din si Cyron."
"Ah sige kuya, salamat"
"Okay, oh pano, may lakad pa ako, ikaw na bahala, explore mo yung place" nakangiting paalam nito at umalis na rin.
"Dito ka titira?" biglang tanong ni Cyron, Nakalabas na pala ito ng banyo. Humarap sya rito.
"Ah, Oo, pero kung ayaw mo naman, walang kaso, pwedeng dun ako sa kabila." tugon nya dito.
"Hindi naman, ayos lang. May lakad ako, magtatagal ka pa ba sa kwarto? Iiwan ko sayo tong susi ikaw na magkandado" alok pa nito na may seryosong mukha, hindi nya tuloy alam kung sarkastiko at nang-aasar ito para umalis na sya.
"Naku hindi, aalis na rin ako. Sige, bukas ng hapon ako lilipat." at dirediretso syang lumabas.
"Seryoso ba sya? Ang angas nya ha akala naman nya matatakot ako sa kanya? tss" sabi pa nya sa isip habang naglalakad.
"Oh Denver, nakita mo na yung mga kwarto? Nakapili kana ba? Tanong agad ni Jameson nang pumasok sya sa kwarto ng mga ito.
"Oo, dun ako isasama sa lalaking nasa dulo sa room 301" nakalimutan agad nya ang pangalan nito dahil narin sa medyo nainis sya sa ugali ni Cyron.
"si Cyron? Di nga? Pumayag sya? " maang na tanong ni Jameson.
"Oo may magagawa ba sya eh si Kuya Alex ang nagsabi" sabi nya. At tumawa naman si Jameson.
"May nakakatawa dun?" tanong ni Denver.
"Hahahaha. Buti pumayag na sya this time, alam mo ba hindi yun nagpapasama sa kwarto hanggang maaari binabayaran nya ang buong kwarto para di na lipatan pero dahil sa may ibang bakante pa naman hindi na sya sinisingil ni kuya Alex, ewan kung bat ngayon pumayag na sya?" nakangiting paliwanag ni Jameson.
"Ganun?" takang tanong ni Denver.
"mismo, unless crush ka nya hahaha" at kinindatan pa sya ni Jasmeson sabay tawa ng nakakaloko.
"Hmm.. Ano bang sinasabi mo eh ang yabang nga yata nun" dipensa naman nya rito.
"Kaklase yun ni Melvin, matalino lang talaga yun kaya ganun ang ugali, di ba?" baling nito kay Melvin.
"Oo, madalas pati na mag-isa yun, maraming maygustong sumama dun at makipagbarkada kaso wala eh, di yata marunong ng socialization" paliwanag naman ni Melvin.
"Ganun? Pano nalang pag nagturo sya?" tanong nya rito.
"ewan, baka wala syang balak magturo, may usap usapan nga na magdidire-diretso ng pag-aaral yun eh." tugon lang ni Melvin.
"Bakit, type mo ba Denver ha?" pang-aasar naman ni Jameson habang iniaabot ng kapeng tinimpla nito.
"Ano? Hindi noh," maikling tanggi nya at humigop ng kape. Pero sa totoo lang, napatitig talaga sya kay Cyron habang nakatapis lamang ito kanina. Ang amo ng mukha nito at mapungay ang mga mata, halatang maalaga din ito sa katawan dahil mukhang malinis talaga ito at hubog na hubog. Halos nakailang lunok din sya ng laway habang nakatitig dito kanina kahit di nya aminin sa sarili nya alam nyang excited syang lumipat bukas at baka hindi na sya makatulog mamayang gabi sa kakaisip tungkol dito.
"hayyyyyy" bigla nyang nasambit.
"oh? Bakit?" tanong naman agad ni Jameson.
"wala, sige uuwi na ako, maaga pa klase ko bukas eh, salamat sa kape, bye" paalam nya.
"sige ingat, tulungan nalang kita bukas" habol pa ni Jameson habang papalabas sya at tango lang itinugon nya rito.
"in love yan, pustahan tayo" baling ni Jameson kay Melvin at nagtawanan sila.
6:30 PM na nakauwi ng boarding house si Denver. Agad syang nagtungo sa kwarto at nag asikaso para maligo. Nakagawian na nyang maligo kapag gabi para presko sa pakiramdam at masarap din ang tulog nya.
Hindi pa rin maalis sa isip nya ang imahe ni Cyron. Ang mga tingin nito n parang nangungusap, alam nyang hindi nito gustong may ibang tao sa kwarto nya pero iba ang nakikita nya sa mga mata nito. Para bang matagal na syang hinhintay na makita at makasama. Napapapraning na talaga si Denver hindi nya namalayang mahigit isang oras na syang nakababad sa shower at nakatulala.
Pagkatapos maligo ay nahiga sya sa kama nya. Nakaramdam sya ng gutom at gusto nyang lumabas dahil tinatamad syang magluto. Nang biglang magring ang cellphone nya-si Jameson tumatawag.
"Hello, oh bakit? Tanong nya agad.
"wala, namiss lang kita hhahhaha" pang-aasar nito. Alam nyang nasa labas ito dahil sa malakas background noise.
"umayos ka nga, bakit ka nga tumawag?" tanong nya.
"Punta ka rito"
"saan??"
"Sa plaza, nandito kami ngayon kasama ang ibang boardmates" yaya nito sa kanya. Hindi nya maintindihan pero nabuhayan sya ng loob sa narinig kahit hindi talaga sya mahilig magala ay may nagtutulak sa kanyang sumama sa mga ito.
"Ano pupunta ka? Dito na rin tayo kumain" paglilinaw ni Jameson.
"Oo sige antayin nyoko jan," at ibinaba nya ang telepono. Natataranta na di maipaliwag ang nararamdaman ni Denver gayung parang may nais syang makita ngayong gabi. Agad syang nagbihis at umalis gamit ang motor nya.
Dalawang minuto lang ay nasa plaza na sya, agad nyang tinawagan si Jameson at madali naman nya itong nahanap. Nakaupo ang mga ito sa bench at kumakain ng popcorn habang nagtatawanan. Medyo maraming kabataan sa plaza ngayon kahit wala namang event. Kasama nina Jameson ang ilang boardmates dahil halos magkakaclose sila at magkakalapit lang ng kwarto. May ilang straight gaya nina Andrew, Jelo at Racky pero karamihan ay gay at bisexual gaya nina Ryan, John, Zoren, Luis, at Marvin.
Lumapit sya sa mga ito.
"Oh, andito na pala si Denver. Ang bagong housemate natin sa bahay ni kuya Alex haha" pagpapatawa nito at syempre nagtawanan naman lahat. Ipinakilala sya ni Jameson sa mga ito. Isa isa nyang kinamayan ngunit palingon lingon sya at parang may hinahanap. May kulang talaga pakiramdam nya at napansin naman agad ito ni Jameson.
"Looking for someone?" mahinang sabi nito at ngumiti ng may pang aasar.
"No, ano kaba" tanggi nya.
"Sorry nalang kasi di mahilig sa ganito yung crush mo eh." dugtong pa nito.
"Crush? Agad? Tumigil kanga at manahimik ka jan" saway nya dito.
"Agad?!, so may balak ka nga?" at tumawa ito.
"tumahimik ka uuwi na ako pag di ka tumigil" medyo pinagpawisan sya sa mga sinasabi nito sa kanya.
"joke lang ito naman high blood agad, oh popcorn masarap to" alok nito kahit alam nitong di sya kumakain ng popcorn.
"Opps haha oo nga pala." pang-aasar pa ni Jameson.
"San tayo kakain? " tanong ni Melvin.
" Oo nga nakakagutom" dagdag pa ng iba.
"Ayan oh sa RB's Resto" turo ni Jameson sa kaharap lang na restaurant sa labas ng plaza..
"Masarap jan at alam nyo ba pwede tayong umorder ng light drinks kasabay ng pagkain." pagyayabang nito dahil alam nyang mahilig uminom ang mga kasama nya.
"talaga?" tanong ni Marvin.
"Oo romise, diba boss?" baling nito kay Melvin.
"Oo nga, nasubukan na namin, masarap yung sisig nila" pagsang-ayon nito.
Tumawid sila ng kalye para makarating dito. Pagpasok nila, puno lahat ng table dahil narin sa marami talagang kumakain dito kaya naman naghintay pa sila ng konti sa may gilid, may provided rin namang upuan doon. Para di matagalan ay nag-order na agad sina Melvin at Jameson.
Inilibot ni Denver ang mata. Malawak ang loob ng Resto. Napako ang tingin nya sa isang table kung saan nakaupo kasama ng ilang kabataan din at mukhang tapos na ito kumain. May isang lalaki doon ang biglang ngumiti sa kanya sabay kindat. Hindi naman nya ito kilala pero napangiti nalang din sya. Gwapo ang lalaki at mas lalong naging cute ito sa suot denim jacket. Nakatingin lang ito sa kanya. Siguro napansin nitong naghihintay sila at bigla nitong niyaya ang mga kasamahan para tumayo na at umalis. Agad namang nagsilapitan sina Luis at Marvin sa nabakanteng table at sumunod ang iba pa bilang kasama. Ngunit hindi naman makahakbang si Denver dahil nakatitig parin sa kanya ang lalaki habang palabas ito. Nagkasalubong sila, ngumiti pa ito at sinadya nitong masagi ang kamay nya bago tuluyang lumabas.
"huy Denver! Halika na!" tawag ni Marvin. Natauhan naman sya at agad lumapit sa mga kasama.
"May problema ba?" tanong ni John.
"Wala" maikling tugon nya.
"Siguro nahihiya kalang samin kaya ganun, wag ka mag-alala mababait naman kami" sabi naman ni Jelo at ngumiti pa ito.
"Oo nga tsaka magiging housemate mo kami kaya dapat di kana mailang samin" sabat ni Racky.
"Okay lang ako wag kayong mag alala, gutom lang siguro"pagpapatawa nya. Maya maya bumalik na sina Melvin at Jameson kasunod na rin nila ang waiter na may dala ng order nila. Sisig nga ang ulam na inorder nito.
"Lafang na mga bes!" hirit ni Andrew na nagbakla baklaan pa ng boses. Nagtawan naman ang lahat.
Tama nga si Jameson, pwede ngang umorder ng beer at kasama itong dinala ng waiter sa table nila. Gayunpaman, hindi na nakigulo si Denver sa mga ito dahil hindi talaga sya umiinom ng alak. First time nyang nalasing nung outing nila noong first year high school sila at hindi nya nagustuhan ang pakiramdam at mga nagawa nya.
"uy Denver, tumikim ka naman kahit konti, hindi naman tayo maglalasing" yaya pa ni Jameson.
"talagang hindi pwede, may pasok bukas ha, at hindi ako titikim nyan okay na ako" tanggi nya rito.
"Ikaw ang bahala" at nagpatuloy na ito sa pag inom.
"labas lang ako saglit, magpapahangin ako" paalam nya kay Jameson, pumayag naman ito.
Naupo sya sa may bench sa labas ng resto. Tahimik syang nagmamasid lang sa mga dumaraan at sa mga tao sa plaza. Nang biglang.
"Hi!" bati nga isang lalaki at agad tumabi sa kanya. Hinarap nya ito at napag-alamang ito pala yung nasa loob kanina ng resto.
"hello" maikling sagot nya.
"hmm, bat mag-isa kalang?" tanong nito.
"Ah..hindi kasi ako umiinom, alam kong pipilitin nila ako pag di ako lumabas." paliwanag nya.
"ahh, by the way I'm Lorence" at iniabot nito ang kamay.
"Denver" pakilala naman nya at nagshakehand sila.
"Akala ko pa naman suplado ka, hahha" pagbibiro ni Lorence.
"Mukha lang, marami nga nagsasabi na suplado ako" paliwanag nya.
"May itatanong ako sayo, kung okay lang" sabi nito.
"basta alam ko, okay lang" tugon nya lang dito.
"bisexual ka ba?" diretsong tanong nito. Napatingin naman sya dito. Medyo nagulat sya sa biglaang tanong nito.
"Anong klaseng tanong yan?" balik nya rito.
"Okay lang kung ayaw mong sagutin" sabi lang nito. Ayaw nyang napag-uusapan ang tungkol dito kaya hanggat maaari ay iniiwasan nyang mapag-usapan ito.
"Ang totoo isa-"
"Denver andito ka lang pala" biglang singit ni Jameson at nakahinga naman ng maluwag si Denver.
"Oo, teka, tapos na ba kayo?" tanong nya.
"Oo, baka di makapagpigil eh. Teka, sino to?" turo nito kay Lorence.
"ah si Lorence, bagong kakilala ko, Lorence si Jameson, bestfriend ko" pagpaakilala nya sa mga ito at nagshakehand naman sila. Nakangiting tumingin si Jameson sa kanya na parang nang-aasar.
"Oh pano, uuwi na kami." paalam nya kay Lorence.
"okay sige bye, ingat kayo" sabi namn nito.
Hinintay lang nilang makalabas ang mga kasama at sabay sabay na silang umuwi sa kani kanilang bahay.
******************************************************************************************************************************