webnovel

Chapter Three

HINDI mapigilan ni Rainie na pagmasdan nang matagal si Maken habang tumutugtog ito ng gitara at inaawitan siya. He was so amazing. Ang galing-galing nitong tumugtog at kumanta. She missed his voice so much.

Nasa labas sila ng kanilang bahay nang gabing iyon. May isang malaking papag sa hardin. Nakahiga roon si Rainie habang nakaupo naman si Maken. Napakaraming bituin sa langit. They were beautiful. Doon lamang niya nakikita nang malinaw ang kinang ng mga bituin. Sa siyudad kasi ay nasasapawan ang mga iyon ng mga kinang ng ilaw.

Ngunit mas masayang pagmasdan si Maken. Parang mas makinang pa ito kaysa sa mga bituin.

"You were great," sabi niya nang matapos ito sa pagkanta. "You improved a lot. You can be a bright star if you want to, you know."

Natawa si Maken. "Hindi iyon mangyayari."

Tumingin siya sa mabituing langit. "Why not? You are so talented."

"Malabo `yang sinasabi mo. Ang tanging pangarap ko lang ay maging kompositor. Hindi ko pinangarap maging isang makinang na bituin."

She smiled while looking up at the stars. She could easily imagine him up there shining. Everyone would love him. Girls would go gaga over him. A talented man like him deserved to be on top. He should shine.

Her smiled vanished when she realized something. She realized she was selfish. Hindi niya inakalang napakadamot pala niyang tao. "Maken?" tawag niya.

"O?"

"I don't want you to be a star. Oh, well, I want you to be a star but my personal star. I want you to shine just for me. You are my Maken. Ayokong i-share ka sa iba. Ang damot ko, `no?"

Natatawang pinisil nito ang ilong niya. "Bratinella ka talaga. Tama ka, ang damot mo." Wala naman siyang nahimigang inis sa tinig nito. Tila naaaliw pa nga.

"Gusto ko, ako lang ang darling brat mo," aniya na bahagyang nakalabi.

Kitang-kita ni Rainie ang panlalaki ng mga mata ni Maken. She giggled softly. Ang akala siguro nito ay hindi niya alam ang lihim nitong tawag sa kanya.

"P-paano..."

She grinned. "Nakita kong pakalat-kalat sa bahay n'yo ang isang picture ko na ibinigay ko sa `yo dati. May nakasulat na 'my darling brat' sa likod. I'm gonna be your darling brat as long as you're my Maken. Deal?"

Napailing si Maken. "Para kang sira. Puwede ba `yon?"

"Oo naman."

"Tuturuan mo pa akong maging maramot. Marami pang mga darating sa buhay natin. Marami ka pang mga makikilala na mas espesyal sa `kin. Sino lang ba ako? Nakakagulat nga na hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo mo sa akin. Gusto ko ngang sanayin ang sarili ko na tawagin kang 'Señorita,' ayaw mo naman."

"Don't you think it's amazing that we have this kind of connection? Kahit matagal tayong hindi nagkita ay gaya pa rin tayo ng dati. It's like, you've always been a part of me. Siguro, ikaw ang soul mate ko."

"Soul mate? Walang kaso sa `yo kahit na ganito lang ako?"

"Ganyan na ano?"

"Mahirap. Trabahador ng dad mo. Hindi tayo magkapantay."

Bumangon si Rainie at pinitik ang ilong ni Maken. "Kailangan ba pantay para maging soul mates? Halos pantay na tayo sa tangkad, ah. Ang bagal mo kasing tumangkad, naabutan tuloy kita. At kailan ako naging matapobre? Brat lang ako."

"Salamat, Rain."

"For what?"

"Sa pagiging soul mate ko."

"You are welcome."

"ANG GALING-GALING mo kanina, Ken."

"Ang ganda ng boses mo."

"Dapat sumali ka sa mga singing contest. Siguradong mananalo ka."

Nginitian ni Mark Kenneth nang matipid ang mga kaklase niyang babae. Uwian na nila at sumabay ang mga ito sa kanya sa paglabas ng eskuwelahan. Sa music class kanina, isa-isa silang pinakanta para sa quiz. Bakas na bakas ang paghanga sa mga mukha ng mga ito. Flattered siya sa atensiyong ibinibigay sa kanya ng mga kaklase niya, ngunit naiilang na siya minsan.

"Maken!"

Bigla siyang napalingon nang marinig niya ang pamilyar na tinig na tumawag sa kanya. Hindi siya nagkamali, si Rainie nga iyon. Ano ang ginagawa nito roon? Tila wala pa itong kasama sa pagpunta roon.

Nang mga nakaraang araw, lahat ng libreng oras niya ay ginugugol niya kay Rainie. Masaya siya tuwing kasama niya ito. Sino naman ang hindi masisiyahan kung kasingganda ni Rainie ang lagi niyang kasama? Ang laki ng iginanda nito mula nang huli silang magkita. Halos kapantay na nga niya ito sa tangkad. Dalagang-dalaga nang tingnan kahit pa katorse pa lang.

Kaagad na lumapit si Rainie. Ipinaikot nito ang braso sa braso niya. "Hello," bati nito sa mga kasama niya, may matamis na ngiti sa mga labi. Hinila siya ni Rainie palayo. "Bye-bye," anito sa mga kaklase niyang napatanga na lang.

Nais matawa ni Mark Kenneth sa inasal ni Rainie. Sigurado siya, ang akala ng mga kaklase niya ay girlfriend na niya ang dalagita.

"Ba't napadpad ka rito sa bayan?" tanong niya habang naglalakad sila sa plaza.

"Wala lang. Nabagot na ako sa bahay, eh. Sino ang mga `yon?"

"Kung hindi mo ako hinila palayo, naipakilala sana kita sa kanila nang maayos."

Lumabi si Rainie. "Mukha silang malalandi. Halatang nagpapa-cute sa `yo ang mga `yon. May pa-beautiful-beautiful eyes pang nalalaman `yong isa."

Natawa si Mark Kenneth. "Wala kang magagawa roon. Pogi ako, eh," aniya, natatawa pa rin.

"May kayabangan ka na ngayon, ha," sabi nito na pumuwesto sa likuran niya. Tinanggal na niya ang kanyang backpack dahil nahuhulaan na niya ang nais nitong gawin.

Sumampa ang dalagita sa likod niya. Mahigpit ang kapit nito sa kanyang leeg, halos masakal siya. Inalalayan niya ang mga binti nito upang maging maayos ang puwesto ng mga iyon sa balakang niya.

"Gusto ko ng fishball at gulaman," ungot ni Rainie.

Ayaw sana niyang kumakain ng mga ganoong pagkain si Rainie dahil baka masira ang tiyan, ngunit namimilit ito sa tuwina. Gustung-gusto nito ang mga street food sa Pilipinas.

Dinala ni Mark Kenneth si Rainie sa nagtitinda ng fishball. Bumaba ang dalagita mula sa likod niya at tuwang-tuwang kumuha ng isang stick. Nakakatuwa itong pagmasdan habang tumutusok ng mga fishball. Para itong mauubusan. Nginitian siya ni Rainie bago sumubo. Mukhang enjoy na enjoy ito sa kinakain.

Kahit mukhang natutuwa si Rainie sa kinakain ay hindi maiwasan ni Mark Kenneth na humiling na sana ay higit pa sa fishball at gulaman ang kaya niyang ipakain dito. Sana ay madala niya ang dalagita kahit man lang sa isang fast-food restaurant. Sana ay mapakain niya ito ng matinong pagkain.

Bahagya siyang nagulat nang ilapit ni Rainie sa bibig niya ang isang stick na may nakatuhog na fishballs. Nahihiyang kumagat siya. Iyon ang unang pagkakataong ginawa nito iyon. Sanay na siyang siya ang gumagawa niyon kay Rainie. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama.

Ipinangako niya sa sarili na pagsusumikapan niyang umunlad sa buhay. Darating ang araw na maibibigay na niya kay Rainie ang buong mundo. Hindi lang fishball ang maipapakain niya rito. Aangat siya balang-araw. Magiging pantay silang dalawa. Pipilitin niyang abutin si Rainie.

"DARLING?"

Nakangiting nilingon ni Rainie ang kanyang ama. Nasa hardin siya isang umaga at masayang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Magandang-maganda ang mood niya nang araw na iyon. Mamaya ay makakasama uli niya si Maken. Nasa eskuwelahan pa ito kaya mag-isa lamang siya roon.

She loved every moment she spent with Maken. She was always happy. Tuwing kasama niya si Maken, wala na siyang ibang nais hilingin sa buhay. She had to admit to herself, she got a crush on Maken—again. A terribly huge crush this time.

"Dad," bati niya. Umupo ito sa isang bench. Tinabihan niya ang ama.

Tuwing nagbabakasyon siya roon, hindi gaanong nagpapakaabala ang daddy niya sa mga gawain sa hacienda. Mas marami ang oras na inilalaan nito para sa kanya. She appreciated that from her father. Siyempre nga naman, umuwi siya roon upang makasama ang ama, pagkatapos, magpapakaabala lang ito sa trabaho?

Parang nais na niyang lumipat doon. Maiinis lang kasi siya sa Amerika. Kahit na maganda ang mansiyon ni Mr. Bass, mas gusto niya ang bahay ng kanyang ama. Isa pa, walang Maken sa Amerika.

Inakbayan siya ng kanyang ama. "May itatanong ako sa `yo," anito sa napakasuyong tinig.

"Ano po `yon?" Inihilig ni Rainie ang kanyang ulo sa balikat ng daddy niya.

"Are you fond of Mark Kenneth?"

Hindi siya nakasagot. Bahagya siyang kinabahan. Bakit siya tinatanong ng ganoon? Nahahalata na ba ng kanyang ama na crush niya si Maken?

"Answer me, darling."

"Yeah, why?" tugon niya sa nag-aalangang tinig.

Ngumiti ito. "You want to be with him? For always?"

Napangiti siya nang maluwang. "Yes, Dad, yes!"

He looked satisfied. Niyakap siya nito nang mahigpit. "May isa pa akong tanong, anak."

"Ba't ang dami mo pong tanong?" nagtatakang tanong niya.

"Tutal, pinayagan mo na ang mom mo na magpakasal uli, papayagan mo rin ba akong magpakasal na rin uli?"

Nanlaki ang mga mata ni Rainie. Itinulak niya ang ama palayo. "You can't be serious!" she said indignantly.

"Anak, intindihin mo naman ako. I don't want to be alone all the time. Gusto kong may makasama sa pagtanda ko. Gusto kong may makasama sa malaking bahay na ito. Hindi mo alam kung gaano ako kalungkot tuwing wala ka. I want to love someone again."

Nagtubig ang kanyang mga mata. Hindi pa nga niya natatanggap na ikinasal na sa iba ang kanyang ina, heto na naman ang panibagong hindi katanggap-tanggap na bagay.

Why were they so cruel? Bakit hindi muna siya hayaan ng kanyang ama na makahinga muna bago ito naman ang sumige?

"You can't do this to me, Dad," aniya sa garalgal na tinig. Hindi pa siya handang magkaroon ng stepmother! Ayaw niyang madagdagan ang mga stepsiblings niya.

Muli siya nitong niyakap. Nagpumiglas siya ngunit hindi siya pinakawalan. "Walang magbabago, darling. Hindi ba, gusto mo ng kompletong pamilya?"

"Hindi iyon magiging pamilya ko! Pamilya mo iyon. Pamilya ni Mom. I'll be an outsider. An intruder!" Tuluyan na siyang napaiyak.

What happened to her dream family? She wanted her mom and dad together! Why did they have to find someone else?

"Don't say that, darling. You're always my darling, my baby, my princess. Can't you just be happy for Dad? She's a decent and strong woman. We love each other. I want to marry her."

"Who's she?"

"Lydia, Maken's mother."

"No!" She was horrified. It couldn't be! Any woman would do except for Aling Lydia.

"I thought you were fond of Maken?"

"Ayoko siyang maging kapatid. Ayoko, Dad, ayoko! Hindi puwede!" Buong lakas na nagpumiglas si Rainie. Pinakawalan naman siya ng ama. Nagtatakbo siya papasok sa bahay. Patuloy sa pagtulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Hindi siya papayag. Kahit na hindi sila magkadugo ni Maken, kapag nagpakasal ang kanilang mga magulang, sa paningin ng ibang mga tao ay magkapatid na sila. Ayaw niyang maging kapatid si Maken.

Bab berikutnya