webnovel

Chapter 35

Triton's Point of View

"Dude, matagal ka pa ba diyan?" boses iyon ni Apollo na ngayon ay nasa loob ng kwarto ko habang hinihintay niya akong matapos maligo.

"Patapos na ako. Huwag ka ngang atat diyan!"

"Bakit ba kasi naligo ka pa? Pool party naman iyong theme ng birthday ni Lei."

Pinatay ko naman ang ginagamit kong shower at saka ko kinuha ang tuwalya na nakasabit at pinunasan ang katawan ko at nagsuot ng boxer bago ako lumabas ng banyo.

"Ano bang problema mo kung naligo ako?" inis na tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng banyo at saka ibinato ko sa kanya ang tuwalya na ginamit ko.

Nakaupo kasi ito ngayon sa kama ko habang nakatuon ang atensyon niya sa hawak niyang cellphone kaya hindi niya napansin na ibinato ko sa kanya ang tuwalya ko kaya naman tumama ito sa mukha niya.

"Kausap mo na naman siguro iyang girlfriend mo no?" biro ko sa kanya habang naglalagay ako ng damit.

Isang plain na mint green na V neck t-shirt ang isinuot ko at kulay cream na khaki shorts na pinaresan ko ng flip-flop slipper.

"Puwede bang daanan natin siya sa kanila mamaya? Wala kasi siyang masakyan e." sagot nito sa tanong ko sa kanya kanina habang nakatuon pa rin ang atensyon niya sa cellphone na hawak.

"Ayoko." biro ko sa kanya kaya napatingin siya sa direksiyon ko habang naniningkit ang mga mata niya.

"Sige na! Tutal iyong sasakyan naman ni Tito ang gagamitin natin papunta sa mansion nila Lei kaya daanan na natin si Astraea." wika nito na parang bata na may ipinapabili ito sa nanay niya na ayaw siyang bilhan nito.

"Okay."

"Yes!" napasuntok pa ito sa hangin. "Tara na! Excited na ako!" masayang sambit nito at saka tumayo na at naglakad papunta sa nakasarang pinto ng kwarto ko.

"Saan ka naman excited? Sa pagsundo natin sa girlfriend mo o sa party na pupuntahan natin?"

"Both." sagot nito at saka ito ngumiti sa akin bago niya binuksan ang kwarto ko at lumabas na ito na agad ko naman siyang sinundan.

"Aalis na kayo?" rinig kong tanong ni mama kay Apollo na ngayon ay nasa sala. "Nasaan si Triton?"

Napatingin naman sa direksiyon ko si mama nang ituro ako ni Apollo. Pababa pa lang kasi ako ng hagdan.

"Nagmamadali kasi si Apollo mama. Akala mo siya iyong may birthday." tumawa lang naman silang dalawa.

Natigil naman sila sa pagtawa nang magsalita si papa na nakaupo lang sa sofa habang abala sa mga papeles nito sa eskwelahan.

"Kung may problema tumawag ka agad dito sa bahay, Triton." anito at saka napatingin sa akin.

Tumango lang naman ako sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo, Hon? Bakit naman sana magkakaproblema mamaya?" natatawang tanong ni mama kay papa at saka umupo sa tabi nito.

Nagkibit-balikat lang naman sa kanya si papa. Hindi kasi alam ni mama ang tungkol sa pinag-usapan namin ni papa kahapon. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa tula na nabasa ko na ginawa ni Lei. Ayaw kong dumagdag pa ako sa iisipin ni mama.

"Sige po, alis na po kami." paalam ni Apollo sa mga magulang ko.

"Bantayan mo iyang kaibigan mo, Apollo. Tumawag ka agad dito sa bahay kung may problema." pahabol ni papa kaya ngumiti lang ng tipid ang kaibigan ko at tumango.

Nakita ko naman kung paano hampasin ni mama ang braso ni papa.

"Bakit ka naman nang hahampas?" inis na tanong sa kanya ni papa.

"Nakakainis ka kasi! Kanina ka pa diyan sa problema na sinasabi mo! Hindi ba puwedeng sabihan mo na lang sila na mag-enjoy?" inis na sagot sa kanya ni mama at inirapan siya.

Nagkatinginan naman kami ni Apollo at saka nagkibit-balikat bago kami tuluyang lumabas ng bahay.

Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay tinanong naman ako ni Apollo. Nasa tabi ko kasi siya. Ako ang nagmamaneho at nasa passenger seat naman siya. Puwede na akong magmaneho ngayon dahil may eighteen naman na ako at may lisensya na ako. Kaya nga nakakapag-drive na rin ako ng motor papunta sa school.

"Nasaan pala iyong regalo mo kay Lei? Wala akong nakitang paper bag na bitbit mo nang lumabas tayo." tanong nito habang naghahanap ng regalo sa loob ng sasakyan.

Ako naman ay abalang inilalabas ang sasakyan sa garahe.

"Secret." nginitian ko siya at sakto namang nailabas ko na sa garahe ang sasakyan at handa ko nang ilabas ito sa gate ng bahay namin.

"Secret? Grabe, Triton parang hindi naman tayo magkaibigan." kunwaring nagtatampo ito pero nginitian ko lang siya.

"Basta, susurpresahin ko siya mamaya."

"Surprise-surprise ka pa diyan, mamaya ikaw ang ma-surprise." natatawang sambit nito nang tuluyan na kaming makalabas ng bahay at tinatahak na namin ang daan papunta sa bahay nila Astraea, ang girlfriend niya.

"Kanan o kaliwa?" tanong ko sa kanya ng may dalawang daan papasok sa bahay nila Astraea.

"Kaliwa tapos diretso ka lang. Tapos huminto ka sa bahay na may kulay green na bubong. Iyon na ang bahay nila." sagot naman ng kasama ko.

Tumango lang naman ako at muli kong pinaandar ang sasakyan.

Napatingin naman ako sa pambisig na orasan ko. Mag-a-alas-sais na.

"Doon ka sa may babaeng nakatayo huminto. Iyon na iyong mahal ko." napairap naman ako sa hangin nang marinig ko ang huling sinabi niya.

"Ang corny mo talaga, Zapata." tumawa lang naman siya at saka binuksan na ang pinto ng kotse nang tumigil ako sa tapat ng babaeng nakasuot ng bestida na kulay dilaw.

Nang makalabas si Apollo sa sasakyan ay nakita ko naman kung paano niya yakapin at halikan sa noo si Astraea.

"Halika na sa loob." iginaya ni Apollo si Astraea sa backseat ng sasakyan at saka ito pinagbuksan. "Huwag kang mahiya sa kaibigan ko, wala rin naman siyang hiya kaya okay lang na makisakay tayo." wika nito at saka tiningnan niya ako.

Matalim na tingin naman ang ibinigay ko sa kanya.

"Triton, dito na rin pala ako uupo. Tabi kami ni Astraea." paalam nito bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Napailing na lamang ako.

"Huwag mong sabihin na miss mo na naman si Astraea? Lagi na nga kayong magkasama sa school." wika ko at saka ko pinaandar ang makina ng sasakyan para umalis sa lugar na iyon dahil malapit na mag-start ang party ni Lei.

"Sinabi mo pa, Triton. Pinaglihi yata sa magnet itong kaibigan mo dahil kung lumapit sa akin ay laging nakadikit. Akala mo naman iiwan ko siya." rinig kong saad ni Astraea.

Natawa na lamang kami ng kaibigan ko.

Mapayapa at tahimik ang naging biyahe namin papunta sa mansion nila Lei. Kaya heto na kami ngayon at inaayos ko ang pagkaka-park ng sasakyan bago kami tuluyang lumabas at pumasok sa loob.

Habang nagpa-park ako kanina ay napansin ko ang dalawang kotse na nakaparada rin sa labas ng mansion ng mga Vizconde.

Sino kaya ang mga bisita ni Lei?

Pagpasok namin sa loob ng mansion nila Lei ay agad naman kaming sinalubong ng isang katulong nila na sa tingin ko ay mas matanda lang ito sa akin ng isa o dalawang taon.

"Mr. Triton Ventura?" tanong nito sa akin nang tingnan niya ako kaya tumango naman ako.

"Mr. Apollo Zapata?" ngayon naman ay ang kaibigan ko ang binalingan niya.

"Yes."

"And?" binalingan niya ang babaeng katabi ni Apollo. Mukhang hindi niya ito kilala.

"She's my girlfriend. Astraea Querobin." pagpapakilala sa kanya ni Apollo.

"Ow. I'm sorry Ms. Querobin." yumuko pa ito sa harapan nila Apollo at Astraea.

"It's okay." nginitian siya ni Astraea kaya ngumiti rin ito.

"Tara na po sa pool. Nandoon na po ang ilang kasama niyo at ang birthday celebrant." pagkasabi nito ay nauna na siyang naglakad papunta sa likod ng mansion nila Lei kaya sinundan naman namin siya.

Nang malapit na kami sa pupuntahan namin ay naririnig na namin ang malakas na tunog ng musika. Nang tuluyan na nga kaming makalapit sa lugar ay bumungad sa amin ang iba't ibang ilaw na nakasabit sa labas ng mansion nila Lei kung nasaan ang pool at malakas na tugtugin.

"Akala ko hindi na kayo makakapunta." napatingin naman ako sa babaeng lumapit sa amin.

Nakasuot ito ng maiksing short na maong at ang damit nitong suot pang itaas ay isang sando na kulay asul nakikita ang pusod nito habang ang kanyang buhok na natural ang pagkakakulot ay nakalugay.

"Happy eighteenth birthday, Eileithyia."

"Thank you, Triton." ngumiti ito sa akin.

"Happy birthday, Lei." napatingin naman si Lei sa mga kasama ko.

"Salamat, Apollo. Teka, ikaw ba iyong girlfriend niya?" tanong ni Lei sa babaeng katabi ng kaibigan ko.

Napatango naman si Astraea at saka may iniabot itong paper bag sa kanya.

"Hindi ko alam na ikaw pala ang apo ni Principal. Hindi kasi sa akin sinabi ni Apollo agad edi, sana napaghandaan ko iyong regalong ibibigay ko sa'yo. Sana magustuhan mo iyong regalo na nabili ko para sa'yo. Happy birthday nga pala." nahihiyang sambit ni Astraea.

"Thank you, Astraea. Don't worry, kung ano man itong regalo mo sa'kin ay for sure magugustuhan ko. Hindi naman ako mapili." nginitian siya ni Lei at inaya sila na pumunta sa pool.

Nang naglakad na palayo sina Astraea at Apollo sa amin ay kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para lapitan si Lei na ngayon ay nakatalikod sa akin para ilagay ang kuwintas na binili ko noong nakaraang linggo pa. Isang silver necklace ito na may pendant na hugis bituin.

"What's this?" gulat na tanong sa akin ni Lei nang lingunin niya ako nang mailagay ko ang kuwintas sa leeg niya.

"My birthday gift for you." ngumiti naman siya sa akin at nagulat ako sa ginawa niya.

Humawak siya dalawang balikat ko para kumuha ng puwersa rito para abutin ang pisngi ko para halikan niya.

Tatlong segundo lang ang ginawa nitong halik sa pisngi ko pero iba ang epekto nito sa akin.

"Thank you, Triton." rinig ko pang sagot nito bago naglakad palayo sa kinatatayuan ko.

Parang natuod naman ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin lang ako sa papalayong bulto ng babaeng humalik sa pisngi ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog nito at anumang oras ay puwede itong sumabog.

"Okay ka lang?" naialis ko naman ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Shania sa tabi ko. "Dapat makita mo iyang itsura mo ngayon, para kang virgin na lalaki na ngayon lang mahalikan." natatawang wika nito at saka niya ako nilampasan.

Gago talaga ang babaeng 'to porque siya ang unang nakahalik sa'kin.

Hindi ko alam kung ilang sandali pa akong nakatayo sa puwesto ko bago ako lumapit sa kanila. Pito lang kaming nandito sa pool area ng mansion nila. Akala ko nga kaninang papunta pa lang kami rito ay marami ang bisita ni Lei dahil sa sobrang lakas ng music pero wala palang katao-tao at kami lang pala na pito, si Lei, ako, si Apollo, Astraea, Damon, Shania at si Katherine na isang kasambahay dito sa mansion na kaibigan ni Lei.

"Nasaan pala iyong mama at Lola mo?" tanong ko kay Lei nang lapitan ko siya.

Nag-iihaw kasi ito ngayon ng hotdog.

"Baka mamaya pa sila pupunta rito. Busy si Lola sa paperworks niya e, si mama naman ay nagluluto ng spaghetti sa loob." sagot nito sa akin habang pinapaypayan nito ang niluluto. "Sina Tito at tita, bakit hindi mo sila tinawag?" nilingon naman niya ako.

"Busy din kasi sila. Night shift si mama ngayon sa trabaho tapos si papa naman, kagaya ng Lola mo na busy din sa paperworks." paliwanag ko sa kanya at ako na ang nagtanggal ng mga hotdogs na luto na at naglagay ako ng panibago para lutuhin.

"Bakit pala star itong pendant ng kwintas?" rinig kong tanong nito sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.

"You're my star. My one and only star."

Walang nagbalak na nagsalita sa amin nang sabihin ko iyon. Nagtititigan lang kaming dalawa hanggang sa makarinig kami ng sigaw.

"Hoy! Kayong dalawa diyan, tama na iyang titigan na iyan! Nasusunog na iyang niluluto niyo!" boses iyon ni Damon kaya naman sabay kaming napatingin ni Lei sa hotdog na niluluto namin.

Natawa na lamang kami pareho nang makita naming halos masunog na ang mga ito kaya agad na naming inalis ang mga ito at inilagay sa lalagyan.

Pagkatapos naming magluto ni Lei ng hotdog ay lumapit na kami sa kinaroroonan ng mga kasama namin. Nasa side sila ng pool habang nakalublob ang mga paa nila rito.

"Ito na iyong hotdog!" anunsiyo ni Lei nang makalapit kami sa kanila habang hawak niya ang mga hotdog na niluto namin.

"Hotdog na sunog." dagdag ni Damon na siyang kasama kong kumuha ng maiinom na softdrinks at ilang alcoholic drinks.

"Seriously? Talagang kumuha kayo ng mga alcoholic drinks?" Hindi makapaniwalang tanong sa amin ni Shania.

"Wow, Shania parang hindi ka naman umiinom ng alak. Ilang taon ka na ulit? Nineteen?" biro ko sa kanya na ikinairap naman niya.

"Gago ka talaga."

"Thank you." sagot ko naman sa kanya na ikinatawa ng lahat.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Masaya silang nag-kwe-kwentuhan at nagtatawanan, pero sa kabila no'n ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko.

Why do I get this feeling that whenever something good happens, something bad will follow?

". . . happy birthday ulit, anak." nangingilid ang mga luha ng mama ni Lei nang magsalita ito sa harapan kung saan may mini stage na ginawa sa gilid ng pool para sa birthday ni Lei.

Kanina pa kasi nag-start ang program at heto kami ngayon at isa-isang magbibigay ng birthday wish para kay Lei. Dahil tapos na si tita Lilia at ang iba pa ay ako na ang susunod. Sinabi kasi ng MC ng program na si Shania ay ako raw ang mahuhuling mag w-wish dahil alam niyang may surprise ako para sa birthday celebrant.

"Okay let's hear naman iyong birthday wish ng isa sa mga taong importante rin sa buhay ng ating birthday girl. Let's call, Triton Ventura!" masayang anunsyo ni Shania kaya naman nagpalakpakan ang mga ito.

Bago ako tumayo sa kinauupuan ko ay binigyan ko naman ng go signal sina Apollo at ang iba pa para gawin ang surpresa ko para kay Lei kaya naman tumayo ang mga ito at saka pumasok sa loob ng bahay nila Lei para kunin ang mga gamit para sa surpresa ko sa kanya.

Nang tumayo ako sa kinauupuan ko ay tiningnan ko naman ang DJ na nasa malapit sa stage at sinenyasan itong i-play na ang tugtugin na ibinigay ko sa kanya kanina. Habang papalapit ako sa kinaroroonan ni Lei ay nagsimula na rin na mag-play ang kanta.

🎶 Take my hand, take a breath

Pull me close and take one step

Keep your eyes locked on mine,

And let the music be your guide. 🎶

"Can we dance?" tanong ko sa kanya nang tuluyan na akong makalapit sa kinatatayuan niya ngayon.

Isang ngiti at tango lang naman ang isinagot nito sa akin kaya naman nginitian ko muna siya bago ko inilahad ang aking kamay sa harapan niya para ayain siyang magsayaw.

🎶 Won't you promise me (now won't you promise me, that you'll never forget)

We'll keep dancing (to keep dancing) wherever we go next 🎶

"Happy eighteenth birthday, Lei..." mahinang bulong ko sa tainga niya nang magsimula na kaming magsayaw.

Nakahawak ako ngayon sa magkabilang bewang niya at siya naman ay nakahawak sa mga balikat ko.

"Thank you, Triton."

"You're so beautiful tonight, Lei." isang malakas na hampas naman sa dibdib ko ang nakuha ko mula sa kanya.

"Bolero ka talaga kahit kailan." namumula ang mga pisngi nito ngayon.

Nginitian ko lang naman siya at inilayo ko siya sa akin habang hawak ko pa rin ang kanyang kamay nito at saka ko siya ipinaikot na tila isa siyang prinsesa na nagsasayaw.

🎶 It's like catching lightning the chances of finding someone like you

It's one in a million, the chances of feeling the way we do

And with every step together, we just keep on getting better

So can I have this dance (can I have this dance)

Can I have this dance 🎶

Ilang saglit pa ang itinagal namin ni Lei na nagsasayaw bago kami natapos at ipinaupo ko muna siya sa upuan na nasa stage kung nasaan siya kanina.

"Just sit here and watch me sing for you, my star."

Pagkasabi ko iyon ay bumaba na ako ng entablado para kantahan siya. Kinuha ko naman sa DJ ang isang mikropono na gagamitin ko para sa pagkanta pero bago ako kumanta ay sinenyasan ko na ang mga kaibigan ko at ilang kaklase namin na tinawag ko kanina na lumabas na kung nasaan sila habang hawak ang mga ibinigay kong karatula sa kanila na may nakalagay na HAPPY 18TH BIRTHDAY EILEITHYIA at isang malaking cake.

Nakita ko naman sa mukha ni Lei ang pagkagulat nang makita niya ang mga kaibigan namin at mga kaklase namin ngayon habang may hawak silang tig-iisang karatula.

"Triton, ano 'to?" Halos pabulong na nitong tanong sa akin na kaming dalawa lang ang makaririnig.

Isang ngiti lang naman ang ibinigay kong sagot sa kanya bago ako nagsalita.

"Happy birthday, my star. This song is for you."

Nang sabihin ko iyon sa kanya ay sinimulan ko nang kantahin ang sikat na kanta ni Ed Sheeran na Perfect.

🎶 I found a love...for me

Darling just dive right in, and follow my lead

Well I found a girl...beautiful and sweet

I never knew you were the someone waiting for me

Cause we were just kids when we fell..in..love

Not knowing what...it...was, I will not give you up this ti-ime

But darling just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes you're holding mine

Baby... I'm...dancing in the dark, with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling you look perfect tonight 🎶

Pagkatapos ko namang kantahin ang chorus ng kanta ay lumapit ako sa kinariroonan ni Lei, pero bago iyon ay kinuha ko muna ang isang bouquet ng sunflower na hawak ng isa kong kaklase para ibigay ito sa kanya.

Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay kumakanta pa rin ako habang hawak ang isang bouquet ng sunflower.

🎶 Well I found a woman, stronger than anyone I know

She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home

I found a love, to carry more than just my secret

To carry love, to carry children of our own

We are still kids, but we're so...in...love, fighting against all odds

I know we'll be alright this ti-ime 🎶

Nang nasa harapan na niya ako ay inilahad ko naman ang aking kamay.

🎶 Darling just hold my hand, be my girl, I'll be your man

I see my future in your eyes 🎶

Napangiti naman ako nang ipatong niya ang kamay niya sa palad ko kaya naman pinatayo ko siya kaya naman ngayon ay mag kaharap kaming dalawa habang magkahawak ang aming kamay habang kinakantahan ko siya.

🎶 Baby... I'm...dancing in the dark, with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When I saw you in that dress, looking so beautiful

I don't deserve this, darling you look perfect tonight

Baby... I'm...dancing in the dark, with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

I have faith in what I see, now I know I have met an angel

In person, and she looks perfect

No I don't deserve this, you look perfect tonight 🎶

Nang matapos ko ang kanta ay ibinigay ko sa kanya ang isang bouquet ng sunflower.

"Salamat," pagkasabi niya iyon ay inamoy nito ang mga bulaklak.

Natigilan naman siya sa kanyang ginagawa nang sumigaw ang mga kaklase namin na ngayon ay hawak ang mga karatula na ibinigay ko sa kanila kahapon.

"Happy 18th birthday, Eileithyia!" sabay-sabay na sigaw ng mga ito habang nakataas ang hawak nilang tig-iisang karatula kung saan nakalagay doon ang mga letra ng sinabi nila.

"Thank you, guys I didn't expect-" natigilan si Lei sa kanyang sasabihin nang sinenyasan ko ang mga kaibigan at kaklase namin na baliktarin na nila ang hawak nila kaya naman ang makikita mo ngayon na nakasulat sa karatula na hawak nila ay, CAN I COURT YOU NOW EILEITHYIA?

"Lei..." tawag ko sa kanya habang may ngiti sa aking mga labi.

This is it! I'm going to ask her now. Good luck, self!

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o dahil lang sa ilaw na nasa venue ngayon kaya parang nakita kong kumislap ang mga mata ni Lei. Hindi dahil sa saya kundi lungkot.

Bakit siya malungkot? Hindi niya ba nagustuhan iyong surpresa ko sa kanya?

Umiling naman ako.

Triton, relax. Pinapamgunahan mo na naman kasi kung ano iyong sinasabi ng utak mo e.

Huminga naman ako ng malalim bago ko hinawakan ang dalawang kamay ni Lei at saka pinisil ang mga ito.

"Eileithyia Mharie Francheska Isabelle Vizconde, can I court you now?" isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang tanungin ko siya.

Napatingin naman kami pareho sa mga kaklase at kaibigan namin na ngayon ay sumisigaw ng 'yes'.

Tiningnan ko naman ang babaeng nasa harapan ko. Nakatingin lamang siya sa mga bisita niya at hindi tumitingin sa akin kaya naman muli ko siyang tinawag kaya nakuha ko ang atensiyon niya.

"Lei, pwede na ba kitang ligawan?"

"Triton, sorry."

Bab berikutnya