webnovel

Chapter Three

"ANAK ng tokwa!" mahina niyang mura habang nakahawak sa malapad na dibdib ng lalaking maagap na nakahawak sa magkabila niyang braso.

Mabuti na lang dahil mabilis siya nitong nasalo kaya hindi siya tuluyang natumba. Ngunit bigla niya rin naalala ang mga alak na hawak niya kanina lang. Natapon na ang lahat ng iyon!

Biglang sumagi sa kaniyang isip ang galit na mukha ng kanilang manager. Dahil doon ay mabilis siyang nag-angat ng mukha at ang suot ng lalaking white dress shirt na natapunan din ng alak ang unang bumungad sa kaniya. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata.

"S-Sorry po! Sorry po, sir!" paghingi niya ng tawad.

Mabilis siyang tumayo at inalalayan naman siya ng lalaki. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha rito, at kahit na sa malamlam na ilaw ng paligid, hindi niya maiwasang hindi humanga sa nanghihipnotismong kulay tsokolate nitong mga mata. Napalunok pa siya nang makita ang pagtaas ng isang sulok ng mamula-mula nitong mga labi. Bigla niyang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.

Napansin niya ang biglang pagsilay ng ngiti mula sa mga labi ng lalaki.

"Are you okay?" tanong nito sa malamig at malalim na boses.

Kahit ang boses nito ay parang musika sa kaniyang pandinig. Tila na-estatwa siya habang nakatitig dito. Pakiramdam niya ay nakaharap siya sa telebisiyon at nakatitig sa mukha ng lalaking artista sa Hollywood.

Tango lang ang naisagot niya sa tanong nito. Patuloy lang siya sa pagtitig sa mga mata ng lalaki.

Naisip niyang may lahi siguro ang lalaking nasa harap niya ngayon. Ang mga mata nito ay hindi tulad sa mata ng mga ordinaryong lalaking kilala niya sa kanilang lugar, pati ang makakapal nitong kilay at pilik-mata. Hula tuloy niya ay kalahati itong arabo, pero hindi nga lang mukhang arabo, mukha nga kasi itong Hollywood star. Ang gaganda ng mga mata. Bumagay rin sa guwapo nitong mukha ang ilang balbas na tila nagsisimula pa lang tumubo sa panga nito.

"S-Sir, sorry po... 'y-yong damit n'yo," nagawa niyang sabihin kahit na nakatuon pa rin ang kaniyang paningin sa mukha nito.

Kahit ang mga natapong alak ay nawala na rin sa kaniyang isip. Masiyadong inuukyupa ng guwapo nitong mukha ang isipan niya. Lumapad naman ang ngiti sa mga labi ng lalaki.

Nakita niya ang pagbuka ng bibig nito tanda na may sasabihin, ngunit bago pa man ito makapagsalita ay bigla nilang narinig ang galit na boses ng kaniyang manager.

"Anong ginawa mo, Luningning? Diyos ko naman! Ang mahal-mahal ng mga alak na 'yan at pati ang mga baso! Hindi ka man lang nag-ingat! Tatanga-tanga ka kasi!" galit nitong turan bago siya inirapan at binaling sa lalaking kaharap niya ang atensiyon. "I'm very sorry, Master Arellano. She's just new at wala pang proper training. Please, order whatever drink you want. It's on the club, master."

Kumunot ang kaniyang noo sa narinig. Nagtataka siya kung bakit 'master' ang tawag ng kanilang manager dito, pero nang muli siyang sulyapan ng babae na may nakapapasong mga tingin ay mabilis na siyang nagyuko ng ulo.

Paniguradong ikakaltas sa suweldo niya ang mga alak na kaniyang natapon, idagdag pa ang mga baso. Baka wala siyang maiuwi na pera sa gabing iyon.

"It's okay," wika ng lalaki bago muling binaling ang tingin sa kaniya. Napakurap naman siya nang mag-angat ng mukha at muling nagtagpo ang kanilang mga mata. "Charge everything on me, Terrese; the alcohol, the snifter glasses, and a night with . . . Luningning?"

Namilog ang kaniyang mga mata sa huling parte ng sinabi nito. Mabilis siyang bumaling sa manager nila na ngayon ay tulala rin habang nakatitig sa lalaki. Napakurap ito ng ilang beses bago binaling ang tingin sa kaniya.

"M-Master Arellano, she's just a dancer. Hindi siya lumalabas—"

"I'll triple the price."

Halos mapanganga si Carmina sa narinig. Ganoon na rin ang manager nilang si Terrese habang nakatitig pa rin ito sa mukha ng lalaking isa sa tatlong nagpapasok ng malaking pera sa club nila.

Mabilis na lumingon ang babaeng manager sa bago nilang dancer na si Luningning. Ang kaniyang kaibigan at isa ring bugaw kagaya niya ang nagpasok sa babae, si Betla, kaya kahit na wala itong training para maging dancer or hostess sa kanilang club ay napapayag siya ng bakla na gawin itong dancer.

Aaminin niyang maganda ang babae at nasisiguro niyang marami ang magkaiinteres dito, pero hindi niya inaasahan na isa sa tatlong Trios ang mabibighani sa babae.

Binabalak niyang kausapin ito o pilitin na pumayag na sumama sa lalaki, hindi bibiro ang binabayad ng Trios sa kanila kung naglalabas ang mga ito ng babae. Pero heto ang isa sa tatlo at nag-aalok na magbabayad ng triple, malaking pera na iyon para sa buong club.

Ibubuka na sana niya ang bibig upang kausapin ang bagong dancer nang bigla itong magsalita.

"Payag ako!" diretsong wika ng bagong dancer.

Napalunok si Carmina nang makita ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng lalaki. Sandali itong may kinuha sa sariling bulsa, isang kulay itim na leathered wallet, matapos kunin sa loob ang black card ay inabot nito iyon sa kanilang manager. Narinig naman niyang nagpasalamat ang manager nila bago nito tinanggap ang card.

Naiwan silang dalawa ng lalaki nang walang imik. Muli siyang nagtungo ng ulo habang hinihintay ang susunod na mangyayari.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin o ano ang sasabihin, hindi niya alam kung paano maging pokpok kaya mas pinili niyang manahimik na lang habang hinihintay ang pagbabalik ng manager nila.

Muli siyang lumunok at lumingon sa paligid. Hindi niya kayang salubungin ang nakapapasong tingin ng lalaki kaya nagdesisiyon siyang ibaling sa iba ang atensiyon. Ganoon na lang ang kaniyang pagtataka nang makitang nasa kanila ang atensiyon ng halos lahat ng taong naroon.

Malikot ang iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid, ngunit nakikita niya ang ilang nagbubulungang mga tao habang nakatingin sa kanila. Particular na ang mga babaeng kagaya niya, dancer, hostess, o prostitute.

Kumunot ang noo niya habang yakap ang sarili. Mali ba ang desisiyon niya? Maling tao ba ang napili niya? Alam niyang walang maganda sa mga nangyayari, ngunit kahit papaano ay gusto niyang magpasalamat dahil hindi siya babagsak sa mukhang goon o kaya ay sa matanda na may asawa na. At least, kahit pa sabihing ibinenta niya ang kaniyang pagkababae, ay masasabi niyang sa maayos na lalaki niya ito binenta.

Ngunit bakit parang may kakaiba sa tingin ng mga tao sa paligid niya? Naisip ni Carmina, hindi kaya mamamatay tao ang lalaking nasa kaniyang tabi?

Natigil lang siya mula sa malalim na pag-iisip nang muling bumalik ang manager nilang si Teresse.

"Here, Master," anito at inabot sa lalaki ang black card. "Master Arellano, I just want to warn you. Bago lang siya sa amin, hindi namin napa-test kung wala ba o mayro'n siyang sakit. Hindi namin alam ang background niya at—"

"It's fine, Teresse," putol ng lalaki sa sinasabi nito.

Bahagya namang nainsulto si Carmina sa mga narinig. Iniisip ba ng manager nila na may nakahahawa siyang sakit? O kaya naman ay may ketong kaya ganoon na lamang ito kung magsalita. Kumunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa babae. Gusto niya itong sagutin, kung wala lang siya sitwasiyon na kailangang-kailangan niya ng pera ay hindi niya ito pagtitiisan.

Tumango naman ang lalaki sa kanilang manager bago hinubad ang suot nitong suit jacket at ipinasuot sa kaniya.

Napaigtad pa siya nang maramdaman ang palad nito sa kaniyang balat. Parang siyang napapaso na ewan.

"Serve him well," mariing utos ng kanilang manager.

Bab berikutnya