webnovel

Who Is She

"Daniel, help me!!!" Napabalikwas ng bangon sa Daniel mula sa pagkakatulog ng may tila narinig na tinig. Nasapo niya ang ulo lalo ng maalala ang malakas na pagbangga niya sa iang kotse na biglang sumulpot sa kaniyang harapan.

Muli ay tila may lumitaw na eksena sa kaniyang utak: "Good morning..babe!" Bati niya sa babae saka nita ito sinalubong ng isang halik.

"Who is she?" Tanong niya sa sarili na hindi niya maaninag ang mukha nito. "Is it Carol?" Pag-aalala niya sa fiance. Huminga siya ng malalim saka idinayal ang numero ito.

"I said, we're over." Panimula nito.

"I just have one question. Answer me & I will not disturb you again." Ani niya sa babae sa kabilang linya.

"What's that?" Tanong nito na nagpagaan sa kaniyang kalooban. Sa halos limang buwan kasi nilang pagsasama ay naging open ito sa kanya. Alm niyang hindi nito kayang magsinungaling.

"Have we met even before I had the accident?" Tanong niya.

"No. I have just met you in the US after your successful surgery. I was your physical therapist then." Sagot nito. Napapikit siya at bumuntong hininga.

"Hey, Daniel. I wish for your happiness. Bye." Paalam nito. Nakaramdam siya ng lungkot ngunit alam niyang ito nga ang dapat. Tama ang ama- kailangan niya munang mas kilalalin pa ang sarili at balikan ang bakas ng nakaraan upang tuluyan siyang gumaling.

Natagpuan niya ang sarili sa studio ni Herman.

"Daniel! Naku, ang alaga ko..wala namang ipinagbago!" Maluha-luhang bati nito.

"I feel like you've changed nothing at all din, Herman…but I think I'm missing something?" Tanong niya dito habang iginagala ang paningin sa paligid na parang may hinahanap.

"Maybe you're looking for Felice. She's been in jail for almost a year now. Halos kasabay ng pagpunta mong US." Paliwanag nito.

Kahit hindi niya maalala ang babaeng binanggit ay nakaramdam siya ng pag-aalala.

"Why?" Tanong niya sa bading na tila pagal na naupo sa swivel chair nito.

"Well, the NBI found out na siya ang mastermind sa pag-aambush sa mga ABM News Reporters at tangkang pagpatay kay Mrs. Reyes." Paliwanag nito. Pilit niyang inaalala ang mga sinasabi nito ngunit blanko pa rin ang kanyang utak.

"Who's Mrs. Reyes?" Muling tanong niya saka seryosong naupo sa upuang katapat ng manager.

"The paparazzi na sunod ng sunod noon sa'yo at gumagawa ng mga controversial reports noon sa'yo. Nakaligtas siya sa unang ambush pero ikinamatay iyon ng dalawa niyang kasama." Kwento ni Herman.

Nakaramdam ng pagguhit ng kirot sa ulo sa Daniel kasabay ang muling pag-alaala niya sa maliit na bahagi ng kanyang nakaraan:

"You're pretty." Nakangising ani niya sa babaeng kaharap saka palihim na pinagaralan ang itsura nito.

"And so?!" Maanghang na sagot nito. "Mas mabuting aminin mo na, Daniel Dhanes, na ikaw ang pakana sa pagkamatay ng mga tauhan ko. Baka sakaling mapatawad pa kita." Matigas na sabi ng babae.

Napatawa naman si Daniel at saka sinapo ang ulo. Bahagya niyang inilapit ang katawan upang maiparinig sa babae ang mga sasabihin.

"First of all, Miss Paparazzi, I want to extend my sincere condolences to your lost. But God knows that I don't have any participation on that!" Mahinahong paliwanag niya. "Second, you should be the one to apologize in destroying my name, Miss Paparazzi." Madalim ang mukhang pagpapatuloy niya.

"I am just doing my job." Matigas na saad ng babae.

"Are you ok?" Pagpukaw ni Herman sa atensyon niya.

"Y-yes." Sagot naman niya. "Then what happened to her?" Tukoy niya sa paparazzi.

"Then the last incident was at your condo. Doon siya muling tinambangan pero nakaligtas naman siya at napaabot agad sa pulis ang mga pangyayari. Then NBI conducted an investigation. At ayun, it was Felice pala. She's obsessed with you" Pagpapatuloy ng kwento ni Herman ngunit tila hindi na niya naririnig pa ang iba pang sasabihin nito.

"I have a condo? Why is my mom not telling me about it?" Tanong niya sa sarili.

"I have a favor, Herman." Balik na wika niya sa bading. "Will you tell me where my condo is?" Pagpapatuloy niya.

Bab berikutnya