webnovel

Forget It

Kanina pa siya nakauwi sa apartment ngunit kahit na pagal ang kanyang katawan ay hindi siya dalawin ng antok. Naalala niyaang ginawang paghalik ni Daniel sa kanya.

"My God! Why did I let it to happen?" Bulong niya sa sarili saka kinuyumos ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan. Malalim ang paghingang kinuha niya ang cellphone at nag-dial. Alam niyang dahil nabigla siya sa mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang magsalita pagkatapos ng paghalik sa kanya ng lalake.

"Kami na ba? Oh no…Hindi ako pwedeng magpaloko sa lalaking 'yun!" Babala ng utak niya dahil sa realidad na alam niyang madali lang para sa lalake ang magpaibig dahil sa pagiging artista nito. Hindi lamang basta artista, sikat ito at kinahuhumalingan ng halos lahat ng babae sa bansa. Kamaikailan lang ay nabigyan na naman ito ng parangal as the Most Influencial Bachelor ng bansa.

Sinimulan niyang i-type ang kanyang mensahe para dito.

MR. DANIEL DHANES…I REGRET THIS NIGHT WITH YOU.

Napakagat siya sa labi ng pindutin niya ang send. Parang ayaw niyang basahin ang mensahe nito ng makita niya ang message notification.

I AM SORRY. I SHOULD HAVEN'T DONE THAT. LET'S FORGET ABOUT IT?

Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng kirot sa puso.

"I am right. He's someone who will not take things seriously. At sino nga ba ako para magustuhan niya?" Bulong niya sa sarili. Ramdam niya ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

YES. LET'S FORGET ABOUT IT.

Kasabay ng pagpindot niya ng SEND ang pagpatak ng kanyang luha.

"My God! Why I am crying? Sino ba siya para iyakan ko!" Paghahamig niya sa sarili. Maya-maya pa ay nag-ring ang kanyang cellphone. Pangalan ni Daniel ang nakarehistro ngunit imbis na sagutin niya ito at inoff niya ang cellphone. Magdamag siyang hindi nakatulog.

"Yna! Yna!" Nagising siya sa malalakas na katok ng pintuan ng kwarto niya at sa malakas na pagtawag ni Shine. Napabuntong-hininga siya. Maghapon na hindi niya kasi kinausap ang kaibigan dahil sa pagsusumbong nito kay Mrs. Corpuz.

"Bakit?!" Tinatamad niyang tanong.

"Male-late na tayo. Nakabihis na ako." Ani nito. Napakunot naman ang ulo niya at tiningnan ang oras. Para siyang binuhasan ng malamig na tubig ng makita na late na nga sila. Hindi na niya nakuha pang mag-almusal. Pagkaligo at pagkabihis ay nagmadali na sila ni Shine na pumasok sa opisina.

Bumungad sa kanya ang dalwang bunton ng mga rosas sa kanyang mesa.

"OMG, Yna. Not just one..but two?!" Nanlaki ang matang bulalas ni Shine na halatang excited na malaman kung kanino galing.

Napabuntong-hininga siyang kinuha ang mga bulallak. Imbis na surin pa kung kanino galing ang mga iyon ay walang pakundanagn niyang itinapon sa basurahan malapit sa pinto.

"Hey, what are you doing Yna? Sayang.." Nagtatakang wika ni Shine.

"Eh di sayo na.." Balewala naman niyang turan saka ipinatong ang shoulder bag sa mesa at naupo na.

Kinuha naman ni Shine muli ang mga bulaklak at nagpasimulang basahin ang nasa card.

I AM SORRY, YNA. I HOPE YOU CAN FORGIVE ME. –Gian

Malakas na pagbabasa ni Shine sa nakasulat sa card sa isang bouquet of roses na hawak nito. Napasimangot naman si Yna ng marining ang pangalan ng lalake.

"At ito namang isa..kanino kya ito.." Pagsisimula ng babae bago buksan ang maliit na sobre.

YOU TELL ME TO FORGET ABOUT IT…BUT I DON'T WANT TO..

Pagsisimula ni Shine. Napaangat ang ulo niya at napatingin sa kaibigan na kunot-noong binabasa ang pangalang mensahe.

I DON'T WANT TO FORGET ABOUT IT BECAUSE IT'S THE HAPPIEST MOMENT OF MY LIFE.

Pagtatapos ni Shine.

"Walang pangalan? Nakakaintriga siya ha? Do you know him, Yna?" Tanong ni Shine.

Nagkibit balikat lamang siya saka tahimik na binuksan ang laptop.

"He's really a celebrity. I hate him!" Inis na bulong niya sa sarili. Sinisisi niya ngayon ang sarili kung bakit hindi niya man lang sinampal ito ng malakas tulad ng ginawang paghalik ni Gian sa kanya. Alam niyang binagyan niya tuloy ng isipin ang lalake na gusto niya rin ito.

"This is my fault!" Ani niya sa sarili. Masyado siyang nadala sa kagwapuhan ng lalake- ang mga nangungusap nitong mga mata na tila tumatagos sa kanyang pagkatao ang bawat titig nito, ang mga ngiti nitong nakakapagbigay ng kakaibang kirot sa kanyang puso, at ang mga salita nito na tila ba musika sa kanyang pandinig.

"Anyway Yna, pinapasabi pala ni Mrs. Corpuz na THE REGAL AGENCY is inviting us tomorrow evening para sa press conference ni Daniel Dhanes para sa bago niyang pelikula.

Bahagyang napaiktad si Yna ng marinig ang pangalan ng lalake. Agad siyang napasulyap sa babaeng kaharap.

"I know this is the job that you like the most, hindi ba friend?" Panunudyo ng kaibigan dahil alam nito kung gaano siya namumuhi noon sa nasabing artista. Napabuga naman sa hangin si Yna at pinilit na hamigin ang sarili dahil sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Bab berikutnya