webnovel

Fallacy

Chapter 46: Fallacy 

Haley's Point of View 

 Nanaginip ako. Isang panaginip na kailan man ay hindi na yata matanggal tanggal sa utak ko. Ito 'yung panaginip na palaging humahabol sa 'kin ilang taon ng nakakalipas. 

 Kumakaripas ng takbo sa dilim na hindi mo malaman kung saan pupunta. "Ate!" Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya mula sa aking isipan. 

 Palaging bumabalik sa alaala ko 'yong panahon na nawala si Lara, hindi mapigilan na sisihin ang sarili sa pagkawala niya. Nandoon 'yung kaisipan na kung hindi lang sana ako nakatulog, at nabantayan ko siya nang maigi. 

 Hindi sana siya mawawala. 

 "Kasalanan mo lahat ng 'to." Paninisi ng konsensiya ko. 

 Iminulat ko ang mata ko mula sa pagkakatulog at napagtantong na sa mismong kwarto ako ng bahay namin. Ibinaling ko ang tingin sa wall clock, alas otso na pala. 

 Inilipat ko naman ang tingin sa harapan. At nandoon si Lara't nagbibihis, mukhang kauuwi lang niya mula sa kung saan. 

 Buhay ang kapatid ko at na sa aking harapan. Pero pakiramdam ko, napakalayo niya't wala sa 'king tabi. 

 Tinitigan ko ang malamig niyang mata nang mapansin niyang gising na ako kaya humarap siya sa akin. "You're finally awake." aniya. 

 Hindi na siya 'yung kapatid na nakilala ko, pero siya pa rin 'yung anak ni Lesley Montilla at Rachelle Rouge. Hindi pwedeng mawala 'yung katotohanan na 'yon. 

 Subalit kapag nakikita ko siya ngayon, sumisikip pa rin ang dibdib ko. 

 Kasi kahit nakikita ko ngayon si Lara, nandoon pa rin ang katotohanan na napabayaan ko siya kaya hindi siya makabalik sa 'min. Lalayo pa rin siya, aalis din pagkatapos ng lahat ng mga ito. 

 

 Tinanguan ko ang kapatid ko bago ko tingnan ang posas sa kanan kong pulso habang na sa manipis na bakal naman ng head board ang kabila nung posas. "Wala ka talagang patawad." 

 "It's because you might run away again." Tugon niya. 

 I clicked my tongue and looked away. "I'm not." Sagot ko saka siya naglakad palapit sa akin para umupo sa edge ng aking kama. Iniiwas ko pa lalo ang tingin ko pero inilapit lamang niya ang sarili sa akin. 

 "Listen, listen Haley. We're no longer a kid any--" 

 Kumunot-noo ako. "Kid?" Ulit ko sa sinabi niya. "Ate, I should be angry at you! I'm your sister! It's natural for me to get worried ngayong alam ko kung anong buhay mayroon ka matapos mong umalis sa Rouge Reside--" 

"I know." Salitang nagpaputol sa sinasabi ko. "Pero gaya ng sabi ko, hindi na tayo bata. Darating pa rin ang mga araw na maghihiwalay tayong dalawa." 

"Krr." Panggigigil ko bago ko ikuyom ang aking kamao. Tiningnan ko na siya sa mismo niyang mata. "Pero dapat ba sa ganitong paraan? Muntik ka ng mamatay, Lara!" 

 Tumayo siya para pumunta sa may bandang bintana ko, sumilip siya sa labas at nanahimik sandali bago ko marinig ang kanyang pagbuntong-hininga. "This is not easy for me, Haley. Huwag mo na 'kong pahirapan." Malumanay niyang sabi. She's begging... Does she think I'm a nuisance to her? 

 "You'll just get in the way." 

 Salitang nagpakirot sa puso ko dahilan para mapatungo na lamang ako. 

Mayamaya pa noong may magbukas ng pinto. Bumungad si Jasper at naramdaman ang kanyang paglipat ng tingin sa akin. Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ako sumagot. 

 "Iwan mo na lang 'yung pagkain sa side table. Kakainin niya 'yan pag nagutom siya." Wika ni Lara bago maglakad paalis sa kwarto kaya kami na lang naiwan ni Jasper. 

Nakalingon si Jasper sa pintong nilabasan ni Lara nang ibalik niyang muli ang tingin sa akin. Muling tinawag ang pangalan ko. 

 "Sorry, Jasper. I'm happy that I got to see you again. Pero pwede bang iwan mo muna ako ngayon?" Pakiusap ko nang maiangat ko ang aking ulo para makita siya. "Gusto ko munang mapag-isa." 

 Bumuka nang kaunti ang bibig niya bago tumangu-tango nang mabilis at iniwan lang muna sandali ang pagkain ko sa side table na nasa aking kanan bago umalis ng kwarto ko. 

 Humiga ulit ako sa kama at nagtalukbong ng kumot para umiyak. 

"Nakakainis…" Kung palagi na lang akong iiyak ng ganito, wala talagang mangyayari. 

 Hindi talaga ako makakatulong sa kanya kahit na anong pilit ang gawin ko. 

 

Jasper's Point of View 

 

 Isinarado ko na ang pinto ni Haley at naglakad. Subalit napahinto rin nang makita si Lara na nakasandal sa harapan ng pinto ng kwarto nila Tita Rachelle at nakahalukipkip na nakababa ang tingin. "Absent ako bukas. Ipagpaalam mo na lang sa adviser n'yo." Pagbibigay alam niya sa akin at ibinaba ang mga nakakrus niyang mga braso. 

 "Ah, s-sige. Pero ayaw mo bang si Haley na lang 'yung mismong pumasok bukas?" Tanong ko. 

 

 "Hindi ko pwedeng papasukin si Haley. Knowing her, she's too stubborn. Who knows what will happen if someone from those organization confront her? So I'll bring Roxas here by tomorrow, para mayroon siyang bantay." aniya at tumagilid ng tayo para humarap kung nasaan ang hagdan. 

 "May aayusin lang ako sa baba." Paalam niya't naglakad na. 

 "Lara, ano 'yung sinabi mo kay Haley?" Tanong ko pero hindi niya sinagot kaya hinabol ko siya upang hawakan ang pulso niya. 

 "Sandal--" Mabilis niyang tinabig ang kamay ko 'tapos ay ako naman ang hinawakan sa pulso para bigyan ito ng pwersa't pilayan. "A-Aray!" Binitawan din naman niya ako kaya paatras akong napahawak sa sarili kong pulso. 

 Malamig siyang nakatingin sa akin. "Don't touch me." 

 Sandali akong napaawang-bibig bago iyon itikum. Kaya pala. 

"I don't know what happened but it looks like you two had an argument before I came earlier." Wika ko at ibinaba ang mga kamay ko. "Pero Lara, gusto ko lang sabihin kahit alam mo na rin 'to sa sarili mo. Kahit ganyan si Haley, She's the most sensitive of all of us her friends. Kung mayroon man siyang nasabi na mas nagpapaalala sa 'yo, it's because she loves you. She can't just leave you alone even if, like let's just say she'll be a nuisance to you--" 

 

 "She's not." Mabilis niyang sagot na nagpangiti sa akin. 

 "You sisters sure are really similar." Pag hagikhik ko kaya napatingin siya sa akin at binigyan ako ng nakakainis na tingin. Kaya tumikhim ako't mabilis na bumaba. "Mauuna na muna ako. Baka hanapin ako ng ate ko!" Paalam ko para umalis. 

 Nang makalabas na ako ng bahay ng Rouge, dumiretsyo na 'agad ako motorsiklo ko't kinuha ang aking helmet. 

Isusuot ko pa lang nang marinig ko ang pagtawag ng babae sa pangalan ko. Noong makalingon ako, nakita ko si Mirriam na may dala-dalang supot. 

 Nanlaki ang mata ko't humarap sa kanya. "O-Oh. Nandito ka rin, gabi na, ah?" Pasimple kong tiningnan ang bintana ng kwarto ni Haley bago ibinalik ang tingin kay Mirriam. "Na sa loob si Haley--" 

 "Oo, alam kong nasa loob siya." Sabat ni Mirriam na may malamig na tono sa kanyang boses kaya bumuka ang bibig ko. Nakita ko pa ang paghigpit ng hawak niya sa dala-dala niya. "Jasper, pwede ba tayong mag-usap?" Pagbaba ng balikat niya. 

Napalunok ako ng wala sa oras. 

Bab berikutnya