webnovel

Ang Pagsuong sa Bitag

Tahimik lang si Shine habang nakadapa sa sahig na kawayan sa loob ng kubo at hawak ang smartphone.

Sa kanyang mundo, pakiramdam niya, hindi siya mabubuhay ng walang phone na kahit sa loob ng CR ay dala-dala niya iyon, kunwari ay umiihi siya pero ang totoo naglalaro lang siya ng mobile legends sa loob o 'di kaya'y nanonood ng chinese at korean drama sa youtube at WeTV upang huwag lang masita ng mga magulang at huwag mautusan.

Sa kanyang kwarto bago siya matulog, nagbabasa siya kunwari ng libro pero sa ilalim niyon ay ang kanyang phone, ka-chat si Miko. Kapag pumapasok ang kanyang mama para usisain siya'y saka niya binubuklat ang aklat, busy siya kunwari sa pag-aaral.

Ganoon ang mga kalokohan niya noon. Pero ngayon, walang silbi ang kanyang phone sa lugar na iyon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan ang inikwento ni Makisig kanina. Nakakalungkot lang isiping hindi niya maramdaman ang adhikain ni Liwayway sapagkat hindi naman niya pinagdaanan ang hirap na pinagdaanan nito. Ang tanging laman ng kanyang utak ngayon ay kung paanong makakausap si Miko nang makaisip sila ng paraan upang makabalik na sa kanilang pinanggalingan, pangalawa na lang ang pagpapakasal niya kay Hagibis. Subalit hindi niya pwedeng kalimutang kailangan niyang alamin kung ano na ang lagay ni Agila ngayon.

"Kidlat!" mula sa labas ng kubo ay tawag ni Makisig.

Hindi siya sumagot pero nang maalalang siya pala si Kidlat sa kanyang itsura ngayong may balbas, begote at putong sa ulo, napabalilwas siya ng bangon saka umayos ng upo sa sahig hawak pa rin ang phone.

"Halika, Makisig. Pumasok ka!" ganti niyang tawag sa binatang kumaripas ng takbo palapit sa kanya.

Siya nama'y muling isinilid sa sling bag ang phone at isiniksik ang bag sa pinaglalagyan ng kanyang mga damit saka humarap sa binata, nagpalinga-linga muna bago pahulong na nagsalita.

"Samahan mo ako mamayang gabi. Babalik tayo sa kapatagan para alamin ang lagay ni Agila."

Nanlaki bigla ang mga mata ng alipin sabay iling.

"Hindi maaari, Kidlat. Mahigpit na ipinagbilin ni Agila na hindi ka maaaring lumabas ng bahay," tutol nito.

Irap lang ang kanyang isinagot, pagkuwa'y tumayo.

-------

Tutol si Makisig sa balak niyang gawin subalit nang makita siyang tumatakas na naman mula kay Mayumi, naratnan niya ang binatang nakatayo na sa labas ng kubo, bitbit ang balanggot na sumbrero kung saan tinahian ng manipis na bandana ang dulo niyon upang gawing pantakip sa kanyang mukha.

Ito man ay nakadamit ding pambabae, mas maganda pa nga marahil ang pambabaeng suot kesa sa kanya, nakatakip din ang mukha gamit ang sumbrerong tulad ng sa kanya.

Lihim siyang napangiti sabay hablot ng sumbrero at nagmamadaling inilagay sa ulo saka nagpatiunang naglakad palayo.

Tulad ng nakita niya kagabi, nagsasayawan na ang mga kababaihang alipin sa harap ng mga datu habang malakas ang apoy ng campfire sa gitna ng plaza at nagpakapalibot ang lahat ng mga taga-Dumagit.

"Makisig, duon tayo sa unahan," bulong niya sa kasama. Sa isip ay gusto niyang makita sina Miko at Agila. Paneguradong naroon ng kanyang boyfriend. Baka sakali makausap na niya ito, ipapakita niya ang mukha rito nang makilala siya.

Nakipagsiksikan sila sa mga tao papunta sa unahan, mula roon ay naaaninag niya ang bawat mukha ng mga nagsasayaw na kababaihan habang ang dalawang datu ay halata sa mga mukha ang pagkaaliw sa napagmamasdang kagandahan ng mga sumasayaw.

Napansin niya rin si Hagibis na tila hindi mapakali sa kinauupuan habang panay ang tingin sa palibot na tila may hinahanap.

Lalong hindi makakaligtas sa kanyang paningin ang lalaking nakatalukbong sa tabi ng anak ng datu ng Rabana, ang babaeng gumawa ng eksena kagabi at gustong maging alipin si Agila. Napakunot ang kanyang noo, natuon ang pansin sa babae. Bakit para yatang kamukha niya ito? O nagkakamali lang siya ng tingin?

Nagkibit-balikat siya pagkuwan, sunod na hinanap ng tingin ang nobyo ngunit sa lalaking nakatalukbong naman napako ang kanyang pansin lalo na nang biglang kumabog ang kanyang dibdib. Bakit pakiramdam niya, nakapako din ang tingin ng lalaking iyon sa kanya? Feeling niya, hindi ito kumukurap kakatitig sa dako niya. Npahawak tuloy siya sa braso ni Makisig na nasa kanyang tabi lang, maya-maya'y itinago na ang katawan sa likod ng alipin.

Noon lang niya nakita si Miko na papalapit sa kinaroroonan ng lalaking nakatalukbong. Nagbulungan ang dalawa, pagkuwa'y napasulyap ang nobyo sa kanyang gawi, tuloy ay naikaway niya ang kamay upang makita siya nito, ngunit tulad kagabi'y wala man lang naging reaksyon ang huli. Ni hindi nagtaka sa kanyang ginawa. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ng misteryosong lalaki.

Natapos ng sayawan.

Hinipan ang tambuli.

Nagmartsa palapit sa harapan ng mga datu ang mga kalahok sa paligsahan para sa pagpili ng magiging kawal ng anak ng datu ng Rabana.

"Teka, asan si Agila?" takang usisa niya nang mapansing wala roon ang binata sabay baling kay Makisig.

Pagkalito lang ang iginanti ng alipin saka umiling.

"Hindi ko alam," sagot sa kanya.

Ang kakaibang kabog ng dibdib kanina'y lalo pang sumidhi, masakit sa dibdib. Ano'ng nangyari kay Agila? Bakit wala ito doon?

"Ama, nasaan si Agila?" Napatayo na si Hagibis, takang bumaling sa ama.

Ngunit biglang umalingawngaw ang halakhak ni Datu Magtulis, nakangising sumulyap kay Hagibis pagkuwa'y sa mga taong nagsimulang magbulungan sa isa't isa.

"Hindi ba't ang pangako mo, Datu Matulin, ay ibibigay sa akin ang pinakamagandang binukot sa Dumagit, si Liwayway, upang aking maging kaisang-dibdib? Subalit siya'y nasaan?" sabad ng datu.

Natigilan siya sa narinig. Ang alam niya, kay Hagibis siya ikakasal, bakit ngayo'y nakisawsaw na itong Datu Magtulis at gusto siyang pakasalan? Nang sapilitan?

Napatingin siya kay Makisig pero kunut-noo lang itong sumulyap sa kanya, wala ring alam sa nangyayari.

Lalong lumakas ang bulungan ng mga nakapalibot.

Sasagot na sana si Hagibis nang hawakan sa kamay ng ama saka pilit na pinabalik sa pagkakaupo.

"Iya'y aking tutuparin, mahal na Datu Magtulis. Subalit ang binukot na yao'y hindi nahanap ng mga kawal sa buong araw nilang pag-iikot sa kagubatan," dahilan ni Datu Matulin.

Lalo siyang kinabahan. Hula niya'y ang masamang datu ng Rabana ang dahilan kung bakit hindi kasama sa mga kalahok na naroon si Agila.

Doon lang siya nakaramdam ng magkahalong galit at takot para sa datu. Takot na baka may masama itong gawin kay Agila, at galit dahil sa narinig na ipapakasal siya rito.

'Ang kapal ng mukha ng gurang na 'to!' hiyaw ng kanyang isip, gigil na naikuyom ang kamao habang matalim na nakatitig sa datu.

"Dalhin sa harapan ang sinasabi nilang magiting na datu ng Dumagit!" hiyaw nito sa mga naroong kawal ng Rabana.

Napahigpit lalo ang hawak niya sa braso ni Makisig nang mula sa kung saan ay lumapit ang dalawang kawal, buhat-buhat ang isang malaking putol ng kawayan kung saan mayroong taong nakagapos ang buong katawan roon, parang lilitsoning baboy, maliban sa bahag ay wala na itong ibang saplot.

'Agila!'

Naitakip niya ang kamay sa bibig nang 'wag maibulalas ang laman ng isip.

Si Agila! Ito ang nakagapos sa kawayang iyon!

Lupaypay ang ulo nito't tila binugbog muna bago itinali sa kawayan kaya't nawalan ng lakas para lumaban.

Lalong napalakas ang bulungan ng mga naroon, nakaramdam na din ng takot ang mga ito.

Tumayo ang datu ng Rabana, itinaas ang kamay upang kunin ang atensyon ng lahat.

"Makinig kayo sa akin! Narito ang magiting na kawal ng Dumagit, isa nang bihag ng datu ng Rabana. Hangga't hindi nakatayo sa aking harapan ang binukot na si Liwayway, ang kawal na iya'y aking itatapon sa naglalablab na apoy!" sigaw nito sabay turo sa campfire sa gitna ng plaza.

Napaatras ang lahat sa pagkagimbal, napalayo sa malaking apoy. Kung hindi siya nahila ni Makisig paatras ay hindi pa niya magagawang ihakbang ang mga paa.

Hindi! Hindi siya papayag na may mangyaring masama kay Agila. Kailangan niya itong tulungan.

Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili sakaling may mangyari sa binata. Namatay na ang kapatid nito sa pagliligtas sa kanya.

Kaya lakas-loob siyang kumawala mula sa pagkakahawak ni Makisig at lumapit sa harap ng datu.

"Ako ang iyong hinahanap! Palayain ang aliping bihag mo ngayon din!" matigas niyang utos na ikinagulat ng lahat, maging ng lalaking nakatalukbong ang ulo.

"Ama, totoo nga ang iyong hula, narito ang binukot na iyong hinahanap!" sabad ng anak ng datu ng Rabana, tila humahalakhak ang mga matang lumapit sa kanya.

"Ama, ako lang ang marapat na makilala bilang pinakamarikit na binukot sa buong kapuluan ng Rabana," wika nito.

Napaatras siya bigla nang magliwanag sa kanyang paningin ang mukha ng babae.

Bab berikutnya