Third Person's POV:
Flashback
"Uy bata, naliligaw ka ba?" tanong ni Lei sa babaeng hanggang dibdib lamang niya ang taas. Nakasuot ito ng itim na pantalon at white t-shirt na may mukha ni Patrick Star. Naka-twin bun ang buhok nito. Kanina pa nila hinahanap kung saan ang room nila, kanina niya pa din napapansin ito na nakasunod sa kanila.
"Paano nakapasok ang elementary dito sa school natin? Siguro sumalisi ka sa guard no?" Nagtatakang tanong naman ni Austin.
Matalim na tumingin sa kanila ang babae. Namumula ang tainga nito, halata din sa pagsasalubong ng mga kilay nito na hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nila.
"Hindi ako bata! Hindi rin ako elementary student! Grade 10 na ko!" naiinis na sambit nito.
"Grade 10 ka na? Bakit ang liit mo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Austin habang tinitignan ito mula ulo hanggang paa. Unang araw palang ng klase kaya naka-civilian ang mga estudyante. Mapagkakamalang elementary student talaga ito kung hindi magsusuot ng uniform ng school nila.
"Hindi ako maliit! Sadyang matangkad lang talaga kayo!" bulyaw nito. Malakas na tinapakan ng babae ang paa ni Austin. Napadaing na lamang si Austin dahil sa sakit. Hindi na niya magawang habulin ito dahil mabilis na nakatakbo ito sa may hallway.
"Ano ka ngayon? Wala ka pala eh!" pang-aasar pa ni Lei sa kaibigan na iika-ika na sa paglalakad. Inakay na lamang niya ito at hinanap na muli kung saan ang magiging room nila.
******
"Ang ganda," halos malaglag na ang panga ni Austin habang nakatitig sa babaeng nakaupo sa bandang unahan nila. Hindi maalis ang tingin niya dito mula nang masilayan niya ito.
"Hello! I'm Delfina Elmoste, just call me Fina for short. Nice to meet you."
"Crush mo na agad?" pabulong na tanong ni Lei. Tila nawala na sa sarili ang kaibigan. Nakangiti lamang ito, parang hindi rin nito pinapakinggan ang sinasabi niya.
Sang-ayon siya sa kaibigan. Maganda naman talaga ito, yung ganda na hindi nakakasawang pagmamasdan. Maputi ito, natural ang pamumula ng kanyang pisngi. Lagpas balikat ang buhok nito. Sigurado siya na maraming lalaking magkakandarapa dito, kasama na ang kababata niyang si Austin. Tinamaan talaga ito ni kupido.
Nung breaktime nila, halos magsiksikan na ang mga estudyante dahil maraming tao sa canteen, medyo natagalan sila bumili ng pagkain dahil sa haba ng pila. 15 minutes din ang itinagal nila sa pagpila. Ngayon naman ay pahirapan sa paghahanap ng mauupuan.
Nilibot ni Lei ang kanyang paningin. Napakalaki ng canteen, pero kulang naman sa mga lamesa at upuan. Hindi kayang i-accomodate ang mga estudyante lalo na kung sabay sabay ang breaktime nila.
Sa bandang dulo ay napansin ni Lei ang isang lalaki. Natatandaan niya ang mukha nito, kaklase nila ito.
"Tara," yaya niya kay Austin. Kakapalan na niya ang mukha niya. Gustong gusto na niyang maupo at kumain dahil gutom na gutom na siya.
"Hello, may iba ka bang kasama?" nakangiting tanong ni Lei. Saglit na tinapunan lang siya nito ng tingin bago tumango. Mukhang tapos na itong kumain at nanunuod na lang sa cellphone nito. Umupo sila sa tapat nito. Napansin ni Lei ang suot suot nitong t-shirt.
"Amidamaru!" bulalas niya. Gulat na napatitig sa kanya ang lalaki.
Sobrang fan si Lei ng anime, kaya di na niya maiwasan ang excitement niya. Si Austin lang ang kaibigan niya na mahilig din sa anime gaya niya. Hindi na baleng feeling close siya. Gusto niya ng bagong kaibigan na kaparehas ng hilig niya.
"Uy, ayos! Alam mo yung Shaman King?"
"Oo naman. Isa sa favorite shounen anime ko yan."
"Mukhang magkakasundo tayo!" sambit pa ng lalaki. Itinaas pa nito ang isang kamay niya sa ere.
"Nice!" Umapir naman si Lei dito.
"Elliot nga pala. Kaklase ko kayo di ba?"
"I'm Lorelei, but just call me Lei."
"Austin, pre!" pagpapakilala din ni Austin.
Seryoso silang tinignan ni Elliot. Agad naman silang napalunok dahil sa kakaibang tingin nito.
"Magjowa ba kayo?" tanong nito.
"Hindi no!" sabay nilang tanggi. Mabuti na lamang at hindi pa sila nakakasubo ng pagkain nila kundi nabulunan na sila.
"Ah, akala ko magjowa kayo eh," dagdag pa ni Elliot bago binaling muli ang atensyon niya sa pinanunuod niya.
"Uhm, hi! Pwede ba kaming maki-share?"
Napalingon agad si Austin. Kilala na niya agad ang boses nito kahit na saglit niya lang itong narinig na nagsalita. Nabulunan pa siya dahil hindi niya inaasahan ang pagsulpot nito. Inabutan naman siya ng tubig ni Lei, mahina pa siyang siniko ng kababata. May mapang-asar na ngiti na sumilay sa labi nito. Pinandilatan na lang ng mata ni Austin ang kababata.
"Sure! Upo kayo!" Tinuro ni Lei ang dalawang bakante pang upuan sa tabi ni Elliot.
"Thanks!" Nakangiting sambit nito.
"Fina right? Lei nga pala," pagpapakilala niya. Dumako ang tingin niya sa babaeng kasama nito.
"Uy, bulinggit! Kaklase ka din namin di ba?" namamanghang tanong ni Lei. Napagkamalan nila itong elementary student kanina, sinong mag-aakala na kaklase pala nila ito.
"Hindi ako bulinggit," nagpout ito. Napangiti na lamang si Lei. Ang cute cute kasi nito. Para siyang si pikachu ng pokemon.
"So what's your name, bulinggit?" pang-aasar pa ni Lei. Hindi niya alam pero tuwang tuwa siya dito. Ang gaan gaan ng loob niya sa babaeng ito.
"I'm Glessy and I'm not bulinggit!"
******
Lei
"Lei, Glessy is you. She's a part of you, a fraction of your true powers. Lei, you are the real Sehria."
"Ano? Tita, ano ba yang sinasabi niyo?"
"Totoo ang sinasabi niya. Ikaw si Sehria." Pumasok sa kwarto ko ang papa ni Austin. Tulad ng mama ni Janus, ang seryoso rin ng mukha nito.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ng mama ni Janus.
"Listen to me, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat," malambing na saad pa ng mama ni Janus. Muling kinukuha ang loob ko.
Napailing na lamang ako. Tinakpan ko ang makabilang tainga ko. Ayoko nang pakinggan pa ang sasabihin nila. That doesn't make sense.
"Tinatanong ko lang naman po kayo kung nasaan si Glessy. Tita naman, huwag niyo naman po akong binibiro ng ganya," bahagya pa akong tumawa.
Nakakainis. Sino bang nagpasimuno nito? Bakit ba nila ako pinagtitripan? Siguro pakana na naman ni Austin 'to. Mahilig pa naman yun mag-prank.
Hinawakan ng mama ni Janus ang mga nanginginig kong kamay. Ramdam ko din ang panlalamig nito. Kumakabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Parang may matutuklasan ako na hindi ko magugustuhan.
"Lei, ikaw si Sehria. Si Glessy, nilikha siya ng ama mo gamit ang bahagi ng iyong kapangyarihan para maitago ang tunay mong katauhan, nang sa gayon mahirapan si Daphvil at ang mga tauhan niya na mahanap ka habang nandito ka sa mundo ng mga mortal."
Hindi ako makapagsalita. Nanatili lang akong nakatitig sa mga mata niya, umaasa na babawiin niya ang mga sinabi niya pero wala akong mabakas sa boses niya na nagbibiro siya.
"Masakit man tanggapin, but that's her purpose in life. Darating at darating ang araw na kakailanganin niyang bumalik sa kung saan siya nararapat. Kailangan niyang bumalik sa'yo para tuluyang magising ang natutulog mong kapangyarihan. Sehria, ito ang nakatakdang mangyari. Ito ang nararapat mangyari. You have to accept it, Lei. It was for the best."
'Si Sehria ang pinakamasasaktan sa kanilang lahat, lalo pa't kailangang mawala ang isa sa kanila para tuluyang magising ang kapangyarihan niya.'
Kusang bumalik sa isip ko ang isang alaala na parang binura sa akin. Natatandaan ko ang gabi kung saan narinig ko ang mga pag-uusap nila.
'Simula ngayon magkasama na nating haharapin ang lahat. Ikaw at ako ay magiging isa. Poprotektahan natin sila.'
'In order to regain your power, I must come back to where I belong. I must come back to you.'
Napahagulgol na lamang ako nang maalala ko ang mga sinabi ni Glessy. Napahawak na lang ako sa dibdib ko, naninikip na naman ito dahil sa sobrang sakit.
Iyak ako nang iyak. Hindi ko matatanggap na kinailangang mawala ni Glessy sa amin. Mas gugustuhin ko pa na walang kapangyarihan, kesa mawala sa akin ang kaibigan ko.
"I don't want this! Please! Ilabas niyo na si Glessy. Prank lang naman 'to di ba? Ilabas niyo na siya!" panay na ang pagwawala ko. Sigaw ako nang sigaw sa pag-asang susulpot si Glessy sa harap ko at sasabihing joke lang ang lahat.
Ayoko na maging si Sehria. Ayoko na maging makapangyarihang nilalang kung may kapalit ito.
Naramdaman kong niyakap ako ni mama. Hindi ko na napansin ang pagdating niya. Mahigpit at mainit ang yakap niya pero sa kauna-unahang pagkakataon, hindi naging sapat ang yakap niya para tuluyang malusaw ang sakit na nararamdaman ko.
*****
"Anak, kumain ka naman muna. Kanina pa walang laman ang tiyan mo."
"Wala po akong gana ma," matamlay na tugon ko.
Narinig ko siyang napabuntong hininga, hanggang sa maramdaman ko na tumayo siya at lumabas ng kwarto ko.
Napatalukbong na lang ako at mariing pinikit ang mga mata ko. Ramdam kong namumugto na ito dahil sa kakaiyak ko kanina. At muli na namang umagos ang luha ko nang maiwan akong mag-isa.
Sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Gusto ko na lang bumalik sa dati. Gusto kong bumalik sa normal ang lahat. Gusto kong bumalik sa normal kong buhay bilang si Lorelei Avila, isang normal na estudyante.
Isang normal na teenager.
Walang kapangyarihan.
Walang mabigat na misyon na dapat gampanan.