Justin Klyde's POV
"Sige dikit mo na yan jan." Utos ko kay Paul na busy kakadikit sa ginagawa naming group project. Actually dito kame sa bahay nila gumagawa ngayon. Ofcourse he insisted. Wala na din akong nagawa. Okay din naman siya kagroup. Hindi naman pabigat since pinatunayan niyang maasahan siya.
After 1 hour of brain storming about sa project na ipapasa namin kay Ursula Baklita, we decided to construct a mini Island. At yun na nga ang tinatapos namin ngayon.
"Justin paabot nung coconut tree." Inabot ko naman sa kanya yung piece saka niya ulit dinikit. Napansin ko namang nakatingin siya sa akin.
"Wala sa mukha ko yung ibang pieces na ididkit jan." Pagsita ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Meron kaya. Ayan sa tenga mo yung isang tao oh. Nakaipit." Saka siya lumapit para kunin. Halos maduling naman ako sa paglapit niya kaya medyo umatras ako. Nung makuha niya saka niya pinakita sa akin. Pahiya ka bakla. -__-
"Tara break muna tayo. Patapos na din naman tayo." Tumango ako saka tumayo. Inabot naman ni Paul kamay niya para alalayan ako. Sa sahig kase kame gumagawa.
"Anong gusto mo?" Tanong niya ng makarating kame sa kusina.
"Kahit ano."
"Okra gusto mo? Hahaha." Ngek paano niya nalaman?
"Kung itatanong mo kung paano ko nalaman tinanong ko kay Bry." Sagot niya since mukhang nababasa niya ang nais kong ipahiwatig.
"Kahit kelan talaga yung bibig nun."
"Haha okay lang. Para alam ko mga ayaw at gusto mo."
"Para saan?" Nginitian lang niya ako bilang sagot.
"Sige na antayin mo nalang ako sa sala." Sabi niya.
"Hindi tulungan na kita."
"Sweet naman ng Babe ko."
"Sira. Bilis na." Natawa nalang siya saka kinuha yung cake sa ref. Bakla wag pahalata na laway na laway ka sa cake. Inutos niya na kunin ko nalang yung juice.
Pagdating namin sa sala agad na akong kumuha ng plato ko.
"Mahilig ka pala talaga sa sweets no?" Wala sa sarili na tumango tango ako saka nagslice.
"Sarap!!!!"
"Hahaha buti nalang pala natanong ko si Bry nung isang araw at nakabili ako kahapon. I'm glad you liked it."
"Uhm salamat. Okay lang naman sa akin kahit ano wag lang talaga okra."
"Okay noted." Saka siya kumuha ng isang slice.
"Justin."
"Hmm" sagot ko since punong puno ng cake bunganga ko.
"Nagkaboyfriend ka na?" Pagkasabi niyang yun ay naubo ako.
"Oh oh eto juice!" Taranta niyang sabi saka inabot sa akin saka ko naman ininom. "Okay ka na?" Tumango naman ako bilang pagsang ayon.
"Ano bang klaseng tanong yan?" Sabi ko
"Eh di tanong." Inirapan ko nga. "So ano nga? Nagkaboyfriend ka na ba?"
"Hindi pa. Walang nagbabalak. Haha." Sagot ko.
"Ahh I see. So single ka pala ngayon?"
"Stating the obvious." Sagot ko saka inayos yung salamin ko.
"Pero nagkakacrush ka naman siguro?"
"Oo naman. Normal lang naman yun." Saka ko naalala si Kasoy. Napangiti naman ako.
"Base sa ngiti mong yan meron nga." Sabi niya.
"Crush lang naman. Hanggang dun lang yun."
"May kaagaw pala ako."
"Ha? Ano yun?"
"Ah wala. Sabi ko ligpitin ko na to." Nagkibit balikat nalang ako.
"Tuloy ko na yung project natin ha?" Tumango naman siya bilang sagot.
Matapos ayusin ni Paul yung pinagkainan namin ay bumalik na din siya agad para tulungan ako.
"Tin, why not pagalawin natin yung tubig? Parang waves."
"Oo naman! Mas matutuwa si Sir kase parang realistic na island yung project natin. Kaya lang paano?" Sabi ko.
"Just leave it to me."saka siya kumindat.
Pinagmasdan ko lang siya magtrabaho. May mga tiny motors siyang kinakabit sa ilalim ng base ng island. Tapos konting wirings at kung anu anuman at panghuli naglagay siya ng switch na gagamitin para mapagana yung waves.
"Try mo na daliiiii!" Atat kong sabi.
"Okay eto na." Pagkapindot niya nagsimula ng magkaroon ng malilit ng movement yung water and eventually turned into mini waves.
"Ang galing mo Paul!!!" Tuwang tuwa kong sabi.
"Ako pa ba?" Pagmamayabang niya. "I think I deserve an extra credit to this."
"Ano naman?" Sabi ko na nakatutok pa din sa creation namin.
"Kiss mo ko sa cheeks." Literal na napanganga ako sa sinabi niya.
"Ay tanggalin mo na pala yung mga kinabit mo jan." Sabi ko.
"To naman. Joke lang. Saka na kapag tayo na."
"Ha? Anong sabi mo?"
"Sabi ko joke lang. Patayin na natin para matipid yung battery." Tumango nalang ako.
"Bat di ka nalang nag electrical engineering? Magaling ka pala sa mga ganung bagay eh." Sabi ko habang inaayos namin yung mga kalat.
"Ayoko. Pagdodrawing talaga at pagpepaint hilig ko. Marunong lang ako sa ganung bagay kase nakikita ko lang kay Papa."
"Ahhh okay."
"Saka ayoko ngang maging kaklase yung bestfriend mo." Saka siya natawa.
"Haha sira. Mabait naman yun si Dylan. Protective lang minsan. Saka ME naman yun. Sa ibang subject lang naman kayo magiging magkaklase if ever." Sagot ko.
"He's way too protective. Akala mo naman masama akong tao. Sa pogi kong to." Umirap nalang ako na tinawanan niya.
"Ganun lang yun pero kapag naging close mo na eh okay naman talaga siya."
"Siguro nga." Sagot niya.
Matapos naming ayusin lahat ng mga ginamit namin sa project ay nagpaalam na ako na uuwi.
"Hatid na kita." Offer ni Paul.
"Hindi na malapit lang naman bahay namin."
"I insist. Wait lang." Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan niya.
Paglabas namin sa bahay nila nakita ko na motor ang gagamitin niyang panghatid sa akin.
"Kapit ka baka mahulog ka... sa akin." Inirapan ko lang siya saka sinuot yung helmet.
Ng makarating kame sa village namin ay inaya ko muna siya sa bahay.
"Wait Justin di pa ako ready na ipakilala mong boyfriend sa parents mo."
"Eh kung batuhin kita netong mga paso?" Turo ko sa mga vase na nakahilera sa gilid ng bahay namin.
"Hahaha sabi ko nga papakilala mo kong kaibigan mo. Tara na."
Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko si Mama na nanunuod ng TV.
"Hi Ma. Andito na po ako. Siya nga po pala si Paul po. Kaklase ko."
"Good evening po."
"Good evening din. Halika iho maupo ka muna. Nagmerienda na kayo? Wait lang at maghahanda ako."
"Ma nagmerienda na po kame."
"Anu ka ba Justin may bisita tayo oh. Asikasuhin mo muna ha wait lang." Saka dumiretso si Mama sa kusina.
"Saglit lang ha magbibihis lang ako."
"Sige take your time." Sagot niya saka ako umakyat papuntang kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay nagtataka ako bakit wala yung kumot ko sa higaan. Hindi ko nalang pinansin saka ako dumiretso sa cabinet ko.
"Booo!!!!"
"Ahhhhh!!!!!!!!!" Sigaw ko ng may bumulaga sa akin na malaking tao.
"Hahahaha nakita mo sana kung gaano kaepic yung reaction mo." Sabi ni Dylan ng alisin niya yung kumot. Sa inis ko ay lumabas ako.
"Huy san ka pupunta ang bilis mo namang mapikon." Hindi niya alam na pagbalik ko dala ko yung walis tambo saka ko siya sinugod. Nanlaki ang mata niya ng papalapit na ako.
"Kahit kelan talaga bwisit ka!!!!" Saka ko siya pinaghahampas.
"Aray! Aray! Huy ayoko na! Aww! Tama na sorry na!" Saka ko siya tinigilan.
"Ba't ba nandito ka na naman? Linggo linggo nalang andito ka. Wala ka bang bahay?" Irita kong sabi saka kumuha ng pambahay na damit sa cabinet.
"Bakit ba? Nagpaalam naman ako kay Tita na dito ako kakain."
"Tignan mo makikikain ka na naman! Parang last week nakikain ka na naman."
"Ano naman? Parang di tayo tropa ah."
"Ewan ko sayo Dylan. Tabi jan magbibihis ako."
"Ang arte magbabanyo pa akala mo naman babae."
"Eh kung lumalabas ka ng kwarto ko para dito ako mismo magbihis no?"
"Sus ano naman? Parehas naman tayong lalaki."
"Patawa ka din no? Sipain kita eh." Saka ako dumiretso ng cr.
"San ka pala galing?" Tanong ni Dylan matapos kong magbihis.
"Kina Paul." Sagot ko.
"Ano????"
"Bingi lang?"
"At ano namang ginagawa mo dun ha Justin Klyde????"
"Gumawa po kame ng project."
"Weh?"
"Oo nga. Tanungin mo pa siya dun sa baba."
"What??! Anjan yung unggoy na yun?"
"Oo. Hinatid niya ako pauwi." At ang ungta nauna pa sa akin bumaba.
"Hoy iwan mo nga yang kumot na yan!!!!" Paano dala dala palabas ng kwarto. Sinundan ko nalang din.
"Oh may bisita po pala kayo Tita." Sabi ni Dylan pagkababa niya.
"Ay oo kaklase daw ni Justin. Oh may merienda dito Dylan."
"Kaklase? Hindi ko po namumukhaan to." Saka siya dumampot ng muffin at naupo. Kinotongan ko nga.
"Aww. Para san yun?" Reklamo niya.
"Nagtatanong ka pa." Saka ako tumabi sa kanya.
"Kung di mo ko kilala magpapakilala nalang ako ulit. Paul pare."
"Wag mo kong mapare pare di tayo close." Tamad na sagot ni Dylan saka nilantakan yung muffin na hawak niya.
"Dylan sasapukin kita." Sabi ko.
"Pagpasensyahan mo na Paul tong bestfriend ko may saltik lang." Tumango lang si Paul.
"By the way Tita una na po pala ako baka gabihin din po ako sa pag uwi."
"Ah ganun ba? Oh sige iho mag iingat ka. Tin, hatid mo naman sa labas yung kaklase mo."
"Hatid hatid pa Tita hindi naman pilay yan." And after nun nakatanggap na naman siya ng kutos mula sa akin.
"Justin nakakailan ka na ha?" Tinignan ko lang siya saka umirap.
"Paul pasensya ka na ha. Ganun lang talaga yun." Sabi ko ng makalabas kame ng bahay.
"Okay lang. Ganun talaga ang bestfriends. Sige una na ako."
"Sige sige ingat." Sagot ko papasok na ako ng biglang...
'Tsup'
"Para saan yun?!" Sabi ko saka siya nilingon.
"Just getting my extra credit." Saka siya nag wink at sumakay agad sa motor.
"Humanda ka sa Monday kala mo ha?!"
"Hahaha sige see you on Monday Babe." Napahawak nalang ako ulit sa pisngi ko.
Nasa ganun akong posisyon ng lumabas si Dylan.
"Oh anyare sayo? Anong ginawa sayo ng kumag na yun?"
"Wala. Pasok na tayo."
"Weh? Ano nga???"
"Wala nga kulit." Saka ako naunang pumasok.
Dumiretso ako agad sa kwarto na sinundan naman ni Dylan.
"Ikaw Justin naglilihim ka na sa akin ha?" Sermon ni Father.
"Hindi no." Sagot ko.
"Tin ang akin lang naman dapat kinikilatis mo muna yung taong magugustuhan mo."
"Tigilan mo ko Dylan Rafael. Wala akong gusto kay Paul no!"
"Wala sa ngayon. Eh paano kung next month meron na or next week? Hindi mo alam ang magiging takbo ng mundo."
"Oo alam ko naman yun. Hindi ko naman hahayaang mahulog yung loob ko sa taong di ako sigurado kung gugustuhin din ako pabalik." Sagot ko.
"Wag ka ngang ganyan sa sarili mo. May darating din. Hindi nga lang ngayon pero meron at meron yan."
"Awww talaga?"
"Oo naman. Everybody deserves to be loved."
"Naks naman mga linyahan mo. Pakiss nga ako." Pang aasar ko.
"Wag!!! Magagalit si Mira." Saka siya lumayo.
"OA mo. Teka sino naman yung Mira na yan?"
"Yung baby girl ko." Saka niya pinakita yung phone niya sa akin. Nakawallpaper pa.
"Ahh yung Tourism student. Nakalimutan ko nga ikwento na nakasalubong ko yan nung Friday."
"Ba't di mo ako sinabihan agad???"
"Luh OA mo ha. Nakasalubong lang naman."
"Kahit na! Malay mo kung tinext mo ko agad baka napuntahan ko agad."
"Malabo chong. Malabo. Di bale next time." Sabi ko.
"Di bale next time din sasabihan kita na nakita ko din kahapon yung crush mo." Saka siya pasipol na pumasok.
"Dylan!!!!!"
"Ano?"
"Kainis ka!!!!" Irita kong sabi.
"Kainis ka din." Saka siya pumasok.
"Wag kang kakain sa bahay namin!!! Umuwi ka na nga!" Habol ko pang sabi saka pumasok ng bahay.
And ang ending nakikain pa din ang kumag. Nakitulog pa.
"Dylan mabigat nga sabi yung paa mo!!!"
"OA mo. Gaan gaan eh." Saka niya pinatong yung isa pa niyang paa.
"Mamatay ka na! Bwisit ka!"
"Eh di nawalan ka ng bestfriend. Bonus gwapo pa." Saka tinuloy ang pakikipagchat ng di pa din inaalis yung paa niya.
"Hindi ako makapagreply ng maayos!" Sagot ko dahil kachat ko din si Bryan. Nagtatanong kung kelan daw ako bakante at kung pwede daw tulungan ko sila sa project nila. Jusko kaya nga ginawang by pair. Sinabi ko busy ako since yun din naman ang totoo. Malapit ng mag prelims kaya need na magreview.
Wala na ring akong nagawa kundi indahin ang paa netong damulag sa tabi ko. Chat lang kame ng chat ni Bry ng may nag popped na notification.
Seth Miguel Maximilian accepted your friend request.
"OMG!!!!!!!!" Saka ko naitulak si Dylan na ikinalaglag niya sa sahig!
"Tang ina ang sakit nun ha?!"
"Ay sorry!" Saka ako nagtitili ulit.
"Ano ba yan at bigla kang lumakas at natulak mo ako???" Tanong niya habang hinhimas yung likod niya.
"Inaccept niya na ako!!!"
"Nino?"
"Ni Kasoy Baby Miguel ko."
"Luh. Baby agad?"
"Pake mo. Pinakealam ba kita kapag tintawag mong Baby yung Mira mo." Saka ako nagfocus ulit sa phone ko. My gosh.
"Maihi ka naman jan."
"Okay lang kwarto ko naman to."
"Yuck kadiri ka. Diba tropa niyan yung bago mong 'friend'?" He's pertaining to Paul.
"Yep." Tipid kong sagot.
"Gulo yan."
"Huh?"
"Eh diba may gusto ka kay Paul? Tapos crush mo yung isa."
"Hindi ko nga gusto si Paul ang kulit mo!"
"Weh? Wag ako Justin B."
"Bahala ka nga jan. Hindi nga eh. Pinipilit kase."
"Hahahaha chill. Tulog na nga ako para makapag jogging bukas. Sama ka ha?"
"Ayoko nga. Matutulog na lang ako."
"Hinde sasama ka bukas." Hay buhay. Kahit pa ipilit kong di ako sasama kakaladkarin ako niyan bukas. Kaya ayokong dito yan natutilog eh. Sinasama ako sa daily routine niya. Pusang gala.
Maya maya pa narinig ko nalang na humihilik si Dylan. Ang bilis talagang makatulog neto.
Oh Kasoy Baby. We are one step closer. Hahaha charot. Haysss. Ang sarap naman ng tulog ko neto.