Dylan Rafael's POV
"Pre anong sagot mo sa 5?" Tanong ng katabi kong si Chad. Tropa ko. Kasalukuyan kase kameng nagkuquiz sa Fluid Machinery. Isa sa mga mahirap na subject sa course namin pero kung aaraling mabuti kaya naman.
"2230 rpm. Letter C." Bulong ko.
"Yown. Salamat pre." Tumango lang ako at binalikan ang sinasagutan kong papel.
Bago pa man mag time ay natapos ko na yung quiz. Yung iba hinulaan ko nalang since medyo hirap na din ako. Naisipan ko munang tumingin sa labas ng room since tapat lang nito yung open field ng Universty. At kung sinswerte ka nga naman ay makakakita ka ng isang anghel. Yep, yung babae sa coffee shop.
"Grabe ang ganda mo talaga." Bulong ko. Sakto namang napalingon siya sa direksyon ng room namin. Nagtama ang mga tingin namin. Parehas kameng shocked pero siya ang unang nagbawi ng tingin. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o ano pero ang saya ko lang!
"Huy Dylan pasa na daw papel!"
"Ha? Ah eh eto eto abot mo na." Taranta kong sabi. Pagkalingon ko ulit sa field wala na siya.
"Ikaw talaga panira ka. Dapat kinuha mo nalang sa upuan ko yung papel ko nawala tuloy sa paningin ko yung baby ko." Sabay konyat ko kay Chad.
"Aba eh kung sipain kaya kita? Buti nga tinawag pa kita eh di sana zero ka. Makikita mo din yun bukas. Kain na tayo nagugutom na ako."
"Sus. Lagi ka namang gutom. Mauna ka na. 10:30 palang oh." Sagot ko.
"Gege. Mamaya nalang ulit." Paalam niya. Tinanguhan ko lang siya saka inayos mga gamit ko. Hindi ko pa din maalis mga ngiti ko. Hay ang sarap mabuhay.
Dumaan muna akong cafeteria para bumili ng Chuckie netong si Justin B bago pumunta sa room nila. Kahapon pa daw siya naglalaway dun. Inaway pa ata si Tita kase nakalimutan siyang bilhan nung naggrocery. Hays.
Pagdating ko sa room nila busy siyang nakikipagdaldalan sa katabi niya. Sumulyap ako sa may pintuan. Di pa rin ako napansin. Saka niya lang ako nakita nung nagbulungan at nagtitilian mga kaklase niyang babae. Sobrang pogi ko ba? Hahahaha. Nakapokerface lang siyang nakatingin sa akin habang inaayos yung eye glasses niya.
"Di mo naman sinabi na sikat pala ako sa room niyo." Bungad ko. Inirapan lang ako.
"Asan chuckie ko?" Sabay lahad niya ng kamay niya.
"Ay nakalimutan ko."pang aasar ko.
"Ano ba yan! Umalis ka na!" Sabay talikod sa akin pabalik sa upuan niya. Hinablot ko naman agad kamay niya. OA kase to magtampo. Minsan di ako kinakausap ng 1 week.
"To naman niloloko ka lang eh. Oh." Napangiti naman siya nung nakita niya yung chuckie niya.
"Sus. Isip bata." Bulong ko.
"Anong sabi mo?!" Saka niya isinaksak yung straw sa chuckie niya ng di nakatingin.
"Wala! May narinig ka ba? Tamang hinala ka." Lakas talaga ng pandinig neto. Palibhasa malaki tenga.
"Akala ko may sinasabi ka eh." Sabay upo niya. Nakiupo na din ako sa may bakanteng upuan sa tabi niya. Free time din kase nila kaya baka yung ibang kaklase niya ay nag early lunch na din.
"Wala man lang akong natanggap na pasasalamat." Sabi ko.
"Ay oo nga no. Thank you!!!"
"Ay ayoko ng thank you."
"Ang arte naman neto ano gusto mo?"
"Kiss." Sabay turo ko sa cheeks ko.
"Pakyu. Tigilan mo ako Dylan Rafael." Asar talo talaga to lagi. Natawa nalang din ako sa sinagot niya.
"May ibabalita nga pala ako Justin B." Bulong ko sa kanya.
"Ano na naman?" Sagot niya saka sumimsip ulit sa iniinom niya.
"Nagkita kame ni baby girl kanina." Tinignan niya lang ako na parang sinasabing 'oh tapos?'.
"Totoo nga. Not literally nagkita, pero nagtama ang mga tingin namin. Astig no?"
Tumango tango lang siya. The fuck? Ano bang pinagkakaabalahan neto? Pusang gala nang iistalk pala. Kinonyatan ko nga.
"Ano ba yun??? Ang sakit ha! Pumapatol ka sa bata!" Reklamo niya.
"Wow bata? Magkasing edad lang tayo uy. Bansot ka kase."
"Tanga. Matangkad ka lang." Saka siya bumalik sa inistalk niya.
"Ba't di mo pa kase iadd?"
"Yoko ng-- Dylan!!!!!!!" Tumakbo na ako agad right after kong pindutin ang add button sa account nung crush niya.
Ang bilis ding tumakbo netong bansot na to kaso asa naman siyang mahabol niya ako. Athlete ata to.
"Walanghiya ka talaga kahit kelan!!!!!"
"Alam ko. Salamat!" At kung sa kamalas malasan nga naman talaga tong bansot na to nadapa pa. Hays.
"Oh ano kaya pa? Hahahahaha" tanong ko saka ko siya inalalayan.
"I-ikaw kase eh... hik."
"Oh bat ka umiiyak? Hahaha malayo sa bituka yan." Sabi ko. "Kaya mo maglakad?" Tumango lang siya pero halatang hirap. Pumunta ako sa harap niya saka ako naglean down.
"Anong ginagawa mo... hik?"
"Sus. Kunwari ka pa. Lika na. Piggyback ride kita. Halata namang di mo kaya maglakad papunta sa clinic."
"Nakakahiya ka nasa school tayo kaya ko naman."
"Isa. Papasan ka o ibubuko kita sa crush mo?"
"Ang sama mo mamatay ka na." Saka siya sumampa. Dami pa arte eh.
Pagdating ng clinic nilinis lang sugat niya sa may siko. Minor lang naman daw ang pilay niya. Ipahinga muna daw niya sa paglalakad paa niya.
"Thanks Nurse Jane." Sabi ni Justin bago kame tuluyang lumabas ng clinic.
"Kain muna tayo? Nagugutom na ako eh." Suggestion ko.
"Pss. Lagi ka namang gutom. May bago ba dun?"
"Nagsalita ang timawa." Sinamaan lang ako ng tingin. See? Talo.
"Oh sampa na ulit sa likod at nagugutom na ako." Sabi ko.
"OA mo canteen lang naman tayo."
"Diba nga ipahinga mo muna daw paa mo kakalakad? Tagalog na nga di mo pa gets." Nakatanggap naman ako ng pektos sa sinabi kong yun. Sumampa na din naman siya. Pagkasampa niya saka ako bumwelo at tumakbo.
"Hinay hinay ka nga malaglag ako!!!"
"Baka maunahan tayo sa pila!" Sigaw ko.
Pagdating sa canteen naghanap muna kame ng upuan. Since medyo maaga pa ay madaming bakante.
"Ako na oorder dito ka na lang. Ano gusto mo Justin B?"
"Pwede ba tigilan mo nga ako sa kakaJustin B mo! Bili moko fried chicken. 2 rice."
"Gege."
Pagdating sa counter umorder na ako ng pagkain namin. Dinuguan nalang inorder ko since last week pa ako naglalaway dito. Pagbalik ko sa table namin may kausap si Justin. Sino kaya to? Ngayon ko lang nakita mukha eh. Usually kase lahat ng kaklase niya namumukhaan ko na sa twing dinadaan ko siya sa room nila.
"Oh to na order mong manok." Sabay lapag ko sa pagkain.
"Dylan, si Paul nga pala. Kaklase ko." Tipid at bored niyang sagot saka kinuha yung plato niya. Tinanguhan ko lang saka ako umupo.
"Justin una na ako. See you later baby." Paalam nung Paul. Inirapan lang siya ni Justin saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Mukhang maangas. Layuan mo yun." Sabi ko.
"Sinabi mo pa."
"Pag ginulo ka sabihan mo ko."
"Okay. Sa akin palang tiklop na yan."
"Naks angas ah. Lalake ka na ulit?" At sa sinabi kong yun nakatanggap ako ng sapak sa braso. Natawa lang din ako saka namin pinagpatuloy kumain.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kame sa room niya. Andun na rin yung Paul. Hindi talaga ako natutuwa sa mukha netong hayop na to.
"Sige na dito na ako. Pasok ka na magtatime na rin. Salamat ulit sa chuckie. Bukas ulit." Sabi ni Justin.
"Anong ulit? Kotong gusto mo?"
"Ay madamot. Wag kang kakain sa bahay namin mamaya ha?!" Pananakot niya. Paano wala sila Mama at Papa. Si Papa nagpunta ng Batangas, company outing daw. Si Mama naman nasa Tarlac binisita si Lola. Kaya ang ending dun ako kakain sa kanila mamaya dahil di naman ako marunong magluto.
"Oo na! Last na bukas ha?" Tumango tango naman siya na parang bata.
"Gege una na ako. Kita nalang tayo mamaya. Sabay na tayo uwi." Saka ko ginulo buhok niya.
"Ano ba?!!! Epal to. Unggoy!"
"Bansot." Sagot ko pabalik. Saka ako umalis.
Justin Klyde's POV
"Huy Baby este Justin, kelan nga tayo gagawa?" Wag niyo ng tanungin kung sino to.
"Hindi ka naman excited no? Next month pa naman yun."
"Mas okay ng matapos ng maaga. The sooner the better."
"Oh eh di simulan mo na." Tipid kong sagot.
"Eh kailangan kita dun eh. Kailangan ka ng puso ko."
"Ako nga Paul tantanan mo. Wala ako sa mood makipagharutan sayo. Kung gusto mo ng gumawa go. Walang pipigil sayo."
"To naman ang sungit. Meron ka ba?"
"Oo. Okay na?" Then nagring na yung bell. Hay salamat uwian na. Inayos ko na lahat ng gamit ko at inilagay sa bag saka ako nagmadaling lumabas.
Pababa na ako ng maabutan ako ni Paul. Asan na ba kase tong si Dylan??? Sabi sasabay. Kotong yun mamaya.
"Uwi ka na? Wait ayos ka lang?" Tanong ni Paul habang sinasabayan ako pababa.
"Hinde papasok palang." Bulong ko.
"Ha? Anong sabi mo?"
"Sabi ko oo uuwi na ako."
"Tara hatid na kita. Anong nangyari sa paa mo bat ganyan ka maglakad?" Kapag sinabi ko totoo tatawanan lang ako neto.
"Hindi ayos lang kaya ko naman. Na wrong step lang ako."
"Iniiwasan mo ba ako?" Out of the blue niyang tanong. Nilingon ko siya.
"Hinde." Sagot ko.
"Bat feeling ko iniiwasan mo ko?"
"Feeling mo lang yun. Nakukulitan lang ako sayo minsan."
"Ah. Hahahaha. Pasensya na. Gusto ko lang naman maging close sayo."
"Why?"
"Wala lang. Masama ba? Bawal ba?"
"Hinde. Ang weird lang." Sagot ko.
"Ng alin?"
"Na makipagclose ka sa gaya ko." Sagot ko habang tinetext si Unggoy kung nasaang lupalop na siya napunta.
"Ano naman? May bestfriend ka ngang lalake eh. I think wala naman akong nakikitang problema dun. Besides, hindi naman lahat ng gaya mo pare pareho. In fact, I find you quite unique." Sabi niya. Bahagya akong natigilan at napatingin sa kanya pero di ko pinahalata. Nakangiti lang din siya sa akin.
"Okay. Ikaw bahala. Malaki ka na. Ayoko lang na may marinig sa ibang tao na kesyo nalink ka sa gaya ko." Sagot ko.
"Sus. Wala naman akong pake sa kanila. So friends?" Saka niya inabot kamay niya. Kinamayan ko nalang din.
"So see you tomorrow? Since ayaw mo magpahatid." Tinanguhan ko lang siya.
"Okay. Ingat ka." Saka siya kumindat na di ko nalang pinansin at dumiretso na sa sakayan ng jeep.
***
Abala ako sa pagseset ng dining table ng may nagdoorbell.
"Nak, pacheck naman kung sino yun."
"Okay po."
Pagbukas ko ng pinto si Dylan lang pala. Umirap lang ako sa kanya saka bumalik sa kusina.
"Uy si Justin B. nagsusungit."
"Tigilan mo ko. Umupo ka na jan." Plain kong sagot.
"To naman. Sorry na, nag aya kase ng basketball sila Chad kanina eh tetext sana kita wala pala ako load kaya di na ako nakadaan." Tumango lang ako.
"Sorry na bati na tayo. May dala nga akong cake oh." Pagkasabi niya nun nilingon ko siya at may dala nga siyang cake. Hinablot ko sa kanya yung box saka ko nilagay sa may ref. Mamaya yun sa akin.
"Cake monster." Bulong niya pagkabalik ko sa dining area.
"Bubulong ka nalang maririnig ko pa. Sana nilakasan mo na." Saka ko siya piningot sa tenga.
"Aray! Awat na awat na masakit!!! Tita oh si Justin!" Bumitaw naman ako agad kase yare na naman ako neto kay Mama. Nagtatampo na nga ako kase mas kampi siya sa unggoy na to.
"Tumigil na nga kayo jan. Ang lalaki niyo na pero para pa rin kayong mga bata kung mag asaran." Sabi ni Mama.
"Ako lang po malaki. Si Justin po di na lumaki." Sinamaan ko naman siya ng tingin saka ko hinawakan yung tinidor na parang sasaksakin ko siya. Nag peace sign naman siya agad. Natawa lang din si Mama.
"Ay Ma, san nga pala si Papa?" Tanong ko.
"Di ba nga sabi ko sayo kagabe sumama sa Tito Dennis mo. Company outing nila."
"Ay oo nga pala. Magkatrabaho nga pala sila. Haha. Sorry na." Sagot ko. Si Tito Dennis ang Papa netong patay gutom sa tabi ko.
"Huy, kalma. Ilang araw ka bang di pinakain nila Tito ha?" Tinignan niya lang ako.
"Ikaw Justin wag mo nga pinapansin si Dylan. Sige lang iho kumain ka lang jan." Bumelat naman siya sa akin. Sarap tinidurin.
After kumain nagulat nalang ako ng nakasunod sa kwarto ko ang unggoy.
"Sa pagkakaalam ko hindi dito ang daan palabas ng bahay namin."
"Nagpaalam na ako kay Tita sabi ko dito ako matutulog kase wala kameng wifi."
"Oh pakealam ko? Labas!" Pagtataboy ko.
"Ang damot mo naman! Dali na may iistalk lang ako."
"Sus. Yung babae na naman sa coffee shop."
"Tang ina galing mo manghula ah." Umirap lang ako. Paanong di ko mahuhulaan eh bukambibig ba naman lagi.
"Okay fine jan ka sa sahig."
"Ay anu kaya yun? Kapag nakikitulog ka sa bahay di naman kita pinapahiga sa sahig." Atungal ng hayop.
"Fine. Tabi na tayo. Saka FYI natataon lang na dun ako natutulog kapag may celebration sa inyo at ayaw ako pauwiin ni Tita Rose." Depensa ko.
"Ganun din yun. Nakitulog ka pa din." Saka siya nahiga. Buti malaki naman yung kama ko. "Tin, wag mo akong momolestyahin ha?" Natatawa niyang sabi.
"Asa boy." Sagot ko saka nahiga. Sa sobrang pagod ko ay nakaidlip na ako agad. Wala pang ilang minuto ng mapansin kong may nakadagan sa aking mabigat. Hita pala ni Dylan.
"Dylan!!! Ang bigat ng paa mo!" Sabi ko habang pilit na inaalis at buti naalis ko. Parang wala lang sa loko pagkakabalibag ko sa paa niya kase ang sarap pa din ng tulog. Naghihilik pa.
Out of nowhere naman ng maalala ko yung sinabi ni Paul.
'I find you quite unique'
Bakit? Alien ba ako? Baka naman pinagtitripan lang ako ng hayup na yun. Pag nalaman ni Dylan na inaccept ko friendship netong Paul na to sandamakmak na sermon na naman abot ko. Eh mukha namang sincere eh. Bahala na. Sabihin ko nalang bukas lahat. Makatulog na nga ulit.