webnovel

26. Heart beat

"H-hoy, san mo ba ako dadalhin?" nagtataka kong tanong sa kanya habang hila-hila niya nang naka-hawak siya sa braso ko.

Hindi siya umimik at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hanggang sa napansin ko na binitawan niya na ako ng tumigil na siya sa paglalakad.

"Get in." pag-uutos niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Problema ng halimaw na 'to?

Pag-pasok ko sa loob ay, ikinabit ko ang seatbelt ko. Kasunod ay, pumasok na rin siya sa loob, ng umupo siya sa drivers seat.

Pinag-masdan ko lang ang ginagawa niya. Napa-kapit nalang ako bigla ng pina-harurot niya yung pag-papatakbo niya ng sasakyan. Muntik na ring masusubsob ang mukha ko sa harap.

Lintek na halimaw 'to! papaliparin pa ata ako ng hindi-oras eh.

Inapakan niya ang break at tumigil sandali yung takbo ng kotse. Napansin ko naman na lumapit siya sa'kin at napa-atras ako.

"Don't move. I'll just fasten your seatbelt. Tss." masungit niyang sabi. Pinag-masdan ko lang ang ginagawa niya at parang ilang boltahe naman ang umakyat sa ulo ko.

Nang maikabit na niya iyon ay bumalik siya sa pwesto niya at sinubukang paharurutin yung sasakyan ulit.

Ano ba talagang trip ng halimaw na 'to?

Aangal sana ako dahil sa bilis pa rin ng takbo ng kotse, ipinikit ko nalang ng ilang sandali ang mga mata. Pagkatapos ay, ibinaling ko nalang ang tingin ko sa dinadaanan namin.

Ewan ko ba kung bakit parang nagiging halimaw na naman 'tong si Logan, baka siguro kaya siya nagkaka-ganyan dahil sa nangyari kanina.

Sinubukan ko pang sipatin yung tingin nun si Xy, at nakita ko na umalis nalang siya bigla.

Naawa tuloy ako sa kanya kanina. Kailangan kong maka-usap siya para humingi ako ng tawad. Hays, letse kasi 'tong si Logan eh. Bigla nalang umeepal at 'yon tuloy, nadismaya ata si Xy. Hindi ko tuloy siya nasamahan kanina.

Speaking of Logan, nag-faflashback pa rin sa isip ko yung mga nakita ko kahapon. Ugh! Lintek na halimaw 'to, binahiran pa ng dumi yung utak ko.

Sinubukan ko siyang lingunin at nakita kong seryoso ang aura ng mukha niya, kahit naka-side view siya. Napansin ko na parang bumagal na ang pag-takbo niya ng sasakyan.

Inalis ko nalang muna ang tingin ko sa kanya at itinuon ko nalang ang tingin ko sa daan.

Kino-concentrate ko ang sarili ko pero binabagabag ako ng bagay na 'yon na paulit-ulit tumatakbo sa isip ko.

Ugh! Okay, kasalanan ko talaga eh. Hindi sana ako magkaka-ganto eh. Kung alam ko lang na 'yon ang ginagawa nila don, Hindi na sana ako mag-babalak na pasukin sila don. Hays.

"L-logan.." Sinubukan kong mag-bitaw ng salita ng iikot ko aking katawan sa gawi niya at humarap ako sa kanya.

Hindi siya tumingin at hindi siya umimik. Huminga ako ng malalim at sinubukan ko uling ibukas ang bibig ko.

"S-sorry ha. N-nakita kasi kita kanina na may kahalikan sa office mo. H-hindi ko naman 'yon sinasadya." sabi ko at sinusubukan kong ituwid ang mga salita ko, sabay dumepensa ako gamit ang mga kamay ko.

Hindi ko na siya hinintay pang mag-salita ng mabilis akong tumalikod sa kanya. Parang nag-iinit tuloy yung pisngi ko dahil sa kahihiyan. Ugh!

Ano bang pinasok mo Marsha! paktay ka talaga.

Napansin kong bumagal na ang takbo ng sasakyan. Sumilip ako sa labas at mukhang nasa parking area na kami.

Pag-patay niya ng makina ng sasakyan ay agad naman siyang lumabas ng sasakyan.

Umikot siya sa bababaan ko, inaasahan ko pa naman na pag-bubuksan niya ako pero hinintay lang niya ako na lumabas.

Ang gentledog ng halimaw na 'to.

Mabilis na akong lumabas at sinundan ko lang siya sa paglalakad habang naka-talikod siya sakin ngayon, at mukhang nasa mall ata kami at dun ang tungo namin.

Saan kaya ako dadalhin ng halimaw na 'to?

"Aray!" pagalit kong sabi.

"Tss." rinig kong sabi niya ng bumunggo ako sa likuran niya habang ginagala ko yung paningin ko sa paligid.

"Hold me." pang-uutos niya ng mapansin kong huminto siya sa paglalakad.

"Ha?" taka kong sabi.

"Tss." rinig kong sabi niya. Napa-tingin naman ako sa kamay ko ng hawakan niya iyon. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit habang naka-hawak ang kamay namin sa isa't-isa.

Parang nakuryente naman ako ng hawakan niya ako sa kamay. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

Ugh! Bakit ba eto yung nararamdaman ko palagi kapag magka-hawak kami ng kamay?

Napa-uwang ng bahagya ng aking bibig ng makita kong dinala kami ng aming mga paa sa isang store na bilihan ng mga cellphone.

"L-logan, anong gagawin natin dito?" taka kong tanong ng pag-buksan kami ng pinto ng isang lalaki.

"I'll buy you a phone." aniya ng tumigil siya sa at tinignan yung mga naka-display na cellphone.

Napa-yuko nalang ako sandali ng marinig ko iyon sa kanya.

Totoo? Bibili niya ako ng cellphone? Pero bakit?

Napa-ngiti nalang ako na parang timang ng tawagin niya yung lalaki na nag-bebenta ng cellphone at ipinakuha niya iyon.

Mabilis naman iyon binalot ng lalaki. Pagkatapos ay dinukot niya ang wallet sa kanyang bulsa sa likuran gamit ang isa niyang kamay.

Kinuha niya ang card niya doon at yun naman ang pinang-bayad niya.

"Thank you sir, we wish your come back again!" masayang sabi nung lalaki ng iabot na niya sa'min yung paper bag na may laman ng bili niyang bagong cellphone.

Binitawan muna niya ako sandali sa kamay ng kinuha niya sa loob ng paper bag yung kahon ng cellphone, pagkatapos ay binuksan niya iyon at inilagay niya yung battery at sim card. Pagdaka'y, ibinigay niya iyon sakin.

Get this. This will be your phone from now on." sambit niya at di-makapaniwalang kinuha ko iyon sa kanya.

Seryoso? binili niya talaga 'tong cellphone para sa akin? isang halimaw kong boss ang bumili ng cellphone sakin?

Masaya ko iyon pinag-masdan habang hawak-hawak ko iyon. Mabilis ko siyang binalingan ng tingin at nagsalita ako.

"T-thank you, Logan!" masaya kong sabi sa kanya. Pero wala manlang ekspresyon ang kanyang mukha, sa halip ay hinawakan niya ulit ako sa kamay ko at hinila palabas doon.

Hindi pa rin ako maka-paniwala na binilhan niya ako. Naka-ngiti lang ako habang nagpa-patianod sa kanya habang hila-hila niya ako papunta sa kung saan.

Napansin ko na habang naglalakad kami ay pinag-titinginan kami ng ibang tao at yung iba ay parang kinikilig pa. Napa-tingin naman ako sa magka-hawak naming kamay sa isa't-isa ng mapansin kong tinitignan nila iyon.

Napa-yuko nalang ako. Sinubukan ko namang bumitaw sa pagkaka-hawak niya sakin pero mas lalo pa niya iyon hinigpitan.

"Good evening ma'am, sir. Welcome to BJ Restaurant." rinig kong pag-greet sa'min nung lalaking attendant ata at napa-lingon ako sa kanya ng pag-buksan niya kami ng pinto.

After niya ako bilhan ng cellphone, sa restaurant naman? Aba. Baka isipin nitong lalaking to na nag-papalibre ako sa kanya. Saka sabihin niya na abuso ako. Jusme! Sa ganda kong 'to.

Sinubukan kong pigilan siya sandali bago kami naka-pasok sa loob ng restaurant.

"L-logan. Este, sir. Dito ba tayo kakain? saka sobra naman 'tong ginagawa niyo. Thank you ha pero okay lang kahit na hindi ta--"

Hindi pa tapos ang sasabihin ko ng putulin niya iyon. "Tss. Don't mind it. Beside, it's I want." sabi niya. Pagdaka'y hinila na niya ako papasok doon sa loob.

Umupo kami sa bakanteng area ng i-guide naman kami nung attendant pag-pasok namin.

Nilibot ko sandali ang mga mata ko sa paligid at parang nalula naman ang mga mata ko. Paano kasi, mukhang pang-mayaman lang 'tong restaurant at siguro kung tatantiyahin ang sweldo ko na pam-bili ng mga pagkain dito ay kulang pa.

"Ma'am. How about your order?" napalingon ako sa waiter ng mapansin kong naka-tayo na pala siya sa harap namin.

Mukhang nakapag-order na ata si Logan at mukhang hinihintay na ang order ko.

Kinuha ko muna yung menu sa ibabaw ng table at tinignan ko isa-isa iyon.

Napa-lunok ako ng makita ko yung presyo ng mga dishes na nakalagay doon.

"A-ahh..juice nalang." sabi ko dun sa waiter at inilista naman niya iyon. Pagkatapos ay umalis na siya.

Nilingon ko si Logan na ngayon ay naka-tingin lang sa'kin habang naka-sandal sa ang likod niya sa sandalan, naka-pulupot ang mga bisig sa kanyang dibdib at naka-dekwatro.

"I'll brought you here to eat but you just ordered a juice." masungit niyang sabi.

"N-nakakahiya na kasi sir, saka sobra na 'tong binigay mo sa'king cellphone. Babayaran ko na--"

"Did I told you to pay that? Tsk. I just buy you that phone so I have a contacts on you regarding in business. So, don't think beyond and out of it." mariin niyang sabi.

Ahh. oo nga naman. Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Hays. Lintek kasi 'tong nasa isip ko eh, sa trabaho pa rin bagsak kaya niya ako binilhan ng cellphone.

"A-ahh. hehe. Okay po sir.." parang napahiya tukoy ako sa sinabi niya. Hays. Ang sama talaga ng halimaw na 'to.

"And by the way, Marsha. Don't you ever called me again sir. Didn't I told you about that?"

Napaisip ako sandali sa sinabi niya. Kaso lang,. hindi ko na matandaan na sinabi niya sa'kin yung ganung bagay. Hays. Well, parang ang landi ko tuloy kapag tinatawag siyang Logan. Dapat halimaw nalang. Haha.

"Is it funny?" tanong niya ng mahuli niya akong napa-ngiti. Ikinagat ko ang ibabang labi ko sandali.

"A-ahh, hehe. Hindi." pag-mamaangan ko. Pero sa totoo lang, pinipilit kong hindi matawa. Kaloka 'tong halimaw na 'to.

Wala pang thirty seconds at dumating na yung waiter. Inilagay na niya yung mga inorder namin sa ibabaw ng table, pagkatapos ay umalis na siya.

Pinag-masdan ko lang siyang kumain habang ako dito, takam na takam rin lumatak ng mga pagkain niya. Bakit ba kasi juice lang i-norder ko? nililibre na nga ako nitong halimaw na 'to, pa-chossy epek pa ako. Jusme. Wala ka talagang utak Marsha, ganda lang.

Habang tahimik siyang kumakain at sumisimsim ako ng juice ko, naisipan kong kunin 'yung phone sa maliit kong bag na naka-lagay sa lap ko. Isinara ko naman iyon pagkatapos ng makuha ko na 'yon.

Sinubukan kong buksan yung cellphone na binigay niya sakin. Napa-uwang ang labi ko sa tuwa ng mabuksan ko na 'yon.

Sa totoo lang, ngayon lang ulit ako naka-hawak ng cellphone. Nasira na kasi yung dati kong cellphone ng naibagsak ko iyon.

Tinignan ko muna yung mga kontaks at wala manlang ni-isang numero ang naka-save doon. Nalalala ko na sabi ni Logan kanina na pang-contact niya sa'kin 'to.

Eh, paano niya ako matatawagan kung wala siyang number sakin o wala akong number sa kanya?

Sinipat ko muna ng tingin sandali si Logan na ngayon ay nag-punas ng ibabang labi niya ng napkin. Napa-lunok naman ako ng pagmasdan ko iyon.

Ugh! masama 'to! inalis ko kaagad ang tingin ko doon, pagkatapos ay parang may kinuha siya sa bulsa niya at parang may dinidipa siya doon sa cellphone na ngayon ay hawak niya.

Napansin kong tuloy pa rin siya sa pag-dipa ng cellphone niya. Sinubukan ko namang magsalita.

"Pwede ko bang hingin yung number mo?" napa-tigil muna siya sa pag-tytype ng lumingon siya sakin sandali.

"You don't have to worry about that, besides I know already your number and I can contact you." pagkasabi niya niyon ay ibinaling niya ulit yung tingin niya dun sa cellphone na hawak niya.

"Okay." tanging sambit ko.

Ang arte ng halimaw na 'to. Baka kapag tininggal ko yung simcard dito, hindi na niya ako ma-kontak. Eh, hindi nga niya alam yung number ko. Hays. Huhulaan muna niya siguro bago niya ma-kontak ako.

Naispan ko nalang na pumunta sa camera at at pinicturan yung mga nasa ibabaw ng table. Sinubukan ko ring i-front camera iyon at nag-selfie ako.

Napa-ngiti ako ng maalala ko na may mga social media palang alam si Dwayne. Kaya sabi niya dati sa'kin na kapag nagka-cellphone na ako ay siya mismo ang mag-uupload doon ng mga pictures ko.

"What are you doing?" napa-aawat ko sa pag-seselfie ng mapansin kong nagsalita si Logan.

Naka-kunot noo siyang naka-tingin sa'kin habang naka-posed ako na pang-selfie at naka-angat ng bahagya ang kamay ko na naka-hawak sa cellphone.

"Nag-pipicture. Gusto mo dalawa tayo?" naka-ngiti kong sabi sa kanya.

"Tss." Rinig kong sabi niya at bumalik ulit ang tingin niya sa hawak niyang cellphone at mukhang nag-hihintay siya doon ng text.

Naisipan kong ilapit sa kanya yung upuan ko ng bahagya, napansin nama niya iyon ng napa-lingon siya sa gawi ko.

Inayos ko muna ang sarili ko pagkatapos ay ipinosisyon ko na ang hawak kong cellphone at mabilis kong ki-nilik yung bilog ng makuhaan na kami ng picture.

Mabilis kong tinignan ang gallery at tinignan ko naman yung naging labas ng picture namin.

Napa-tawa ako ng marahan ng pinag-masdan ko yung picture namin. Naka-kunot noo si Logan pero masasabi ko na ang guwapo pa rin niya. Ay hindi pala, halimaw pa rin.

"Why you are chuckling?"

"Ang guwapo mo kasi dito kahit na naka-kunot noo ka oh." sabi ko sabay pinakita ko sa kanya iyon.

Sinabi ko ba talaga 'yon? napakagat-labi nalang ako.

"Tsss." rinig kong sabi niya at napa-tawa nalang ulit ako ng marahan.

"Siya nga pala, may fb ka ba?" Sabi ko ng maalala ko yung sinabi sakin ni Dwayne na gagawan daw niya ako ng fb.

"I don't know what is it. Why?" taka niyang tanong.

"Hays. sayang. I-uupload ko kasi 'to at para makita mo yung picture."

"What's fb?" napa-baling ako sa kanya at nakita ko sa mukha niya na parang gusto niyang malaman.

"Yung social media na ano..."

Ano nga ba ulit 'yon? Hays. Nakalimutan ko na sinabi ni Dwayne.

Napansin kong mukhang nainip siya, narinig ko namang nag 'tss' siya.

"By the way, I'll not be there at work within two days. And if I'll go back, you should teach me about that." Saad niya. Pagkatapos ay sumimsim siya ng wine.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Aalis siya at hindi ko siya makikita ng dalawang araw? Saan siya pupunta? Tapos magpa-paturo siya sa akin sa fb?

Parang nanikip ang dibdib ko sandali, at parang natuwa at na-excite naman ako na ewan dahil magpapaturo siya sakin.

Relax Marsha! Magpa-paturo lang siya. At walang mean 'yon.

Pero alam ko naman 'yon eh. Ewan ko ba. Nagtataka nalang ako madalas sa sarili ko kapag kasama ko si Logan, parang nag-iiba yung pakiramdam ko. Parang ang saya ko na ewan. Hays. Nahihibang lang siguro ako.

Napansin kong napa-tayo na siya sa kanyang kina-uupuan, kaya tumayo na rin ako.

Sinundan ko nalang siya habang papalabas na kami ng restaurant. Napansin ko na parang nag-mamadali siya na ewan.

Huminto ako sa paglalakad ng marating namin yung parking area kung saan nandun yung kotse niya.

Kusa na akong sumakay sa loob at inilagay ko sa lap ko yung bag ko ng maka-upo na ako. Pagkatapos ay sumakay na rin siya sa loob.

Napansin ko na parang tumahimik siya sandali. Ano kayang problema niya?

Nilingon ko siya sa kina-uupuan niya ng paandarin na niya yung kotse.

"Saan tayo pupunta?" pagsira ko ng katahimikang bumabalot sa'min ng sabihin ko 'yon.

"I'll send you off in your home." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Ahh, okay." tanging sambit ko at wala pang thirty minutes ay nasa harap na kami ng bahay ko.

Sinubukan kong lingunin siya sandali bago ako bumaba.

"T-thank you pala sa cellphone at sa treat mo sa'kin kanina ha.." naka-ngiti kong sabi. Tatalikod na sana ako sa kanya para bumaba ng saskayan ng marinig Kong tinawag niya ako.

"Marsha.." maamo niyang sambit ng naka-tingin siya sa'kin ngayon.

"Y-yes?" kinakabahan kong sabi.

Napansin kong lumapit sandali ang mukha niya sakin. Naamoy ko naman yung hininga niya ng mag-bitiw siya ng salita.

"My flight to States will be later. And I'll not see you in two days. But I'll try to contact you.." malamig niyang sabi.

Parang kinilabutan ko na ewan habang sinasabi niya 'yon, at napa-tulala ako sandali sa kanya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

Napukaw ang atensyon ko ng malaman kong naka-tingin na pala siya ngayon sa daan at inilayo na niya ang mukha niya sakin.

Mabilis na akong bumaba sa kotse niya. Pagkababa ko ay, pina-takbo na niya iyon.

Pinag-masdan ko ang papalayo niyang kotse hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

"Ehem." mabilis akong napalingon sa likuran ko ng makita ko si Dwayne na naka-tayo doon at malapad ang ngiti.

"Kanina ka pa ba diyan?"nagtataka kong sabi. Nag cross arms siya muna bago nagsalita.

"Uhh, hindi naman ganun katagal. Hanggang dun lang sa part na tutukain ka niya."

"Ha? anong sinasabi mo?" nahihibang na siguro 'tong si Dwayne. Kung ano ano nalang sinasabi. Hays.

Lumapit siya sakin at ipinulupot ang kanyang mga kamay sa braso ko.

"Ate, umamin ka nga sa'kin. Inlove ka no?" naka-ngisi niyang tanong sakin habang naka-tingin siya sa'kin at tumataas-baba pa yung kulay niya.

"A-ako? Inlove? Kanino naman?" bigla akong kinabahan. Parang may kumikiliti sa sikmura ko na ewan.

"Alam mo ate, huwag ka nang mag-maangan diyan. Halata naman eh.." bumitiw siya sa pagkaka-hawak sa braso ko at mapalad na ngiti ang binigay niya sakin habang naka-tingin siya sakin.

Inlove? Ano ba pakiramdam kapag inlove? Haist. Bakit parang may nalalaman na si Dwayne sa ganyang bagay.

Pero naisip ko sandali, itanong ko kaya sa kanya yung mga nararamdam ko tuwing kasama ko Logan?

Pero bago ko pa 'yon maitanong sa kanya, napa-hawak ako sandali sa sentido ko ng may pumasok sa isip ko na isang tao na hindi ko makita ang mukha. Mag-kasama kami at ang saya namin sa isa't-isa. Pinikit ko ang mga mata ko sandali.

"Okay ka lang ate?" mabilis kong binuksana ang mga mata ko. Inayos ko ang sarili ko ng marinig kong nagsalita si Dwayne.

"A-ahh, oo." tanging sambit ko, Kasunod ay humarap ako sa kanya.

"Dwayne.." mataman lang siyang naka-tingin sa'kin ng naka-tingin ako sa kanya. Napa-taas naman ang kilay niya.

"Aaminin mo na ba?" mapanukso niyang sabi. Pinitik ko naman siya sa noo.

"Aray!" Sabi niya ng mapa-dapo ang palad niya sa noo at hinihimas iyon.

Bumuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita.

"Hindi, ganito kasi.." parang bumibilis ang pintig ng puso ko. Bumuntong hininga ulit ako ng malalim bago ulit ako nagsalita.

"Dwayne, alam kong matutulungan mo ako dito. Kasi, sa totoo lang, tuwing magkasama kami, ang bilis ng pintig ng puso ko. Parang may kumikiliti sa sikmura ko kapag magka-hawak kami ng kamay sa isa't-isa at parang nakukuryente ako. Tapos parang ang saya ko kapag kapag kasama siya. Gusto ko mang ipa-check up sa doctor pero nakakalimutan ko naman. Siguro ay, baka abnormal lang talaga ako." sabay kamot ko sa ulo.

Nakita ko ang pag-uwang ng bibig niya kasunod napa-takip siya sa bibig niya.

"Ate..Inlove ka nga!"Saad niya na parang nama-mangha ng alisin niya ang pagka-katakip sa kanyang bibig.

"Ha? Ako? sa kanya inlove? Loko ka talaga!" sabay pitik ko ulit sa noo niya. Hinimas niya ulit iyon ng mapa-aray siya.

"Hays. Ang slow mo ate. Ikaw na rin yung nagbigay ng kahulugan sa tanong ko eh. Saka, bakit ba ipapa-doctor mo pa 'yan? abnormal. Inlove ka nga kasi!" kinikilig na sabi ni Dwayne. Nakuha pa niyang pumalakpak sa kilig

So, ako? inlove, sa kanya?

Napa-ngiti ako sandali.

Hays. No, no. Mali 'to. Hindi dapat ako magkaka-gusto sa halimaw na 'yon. Hindi siya nababagay sa exotic kong kagandahan.

"Oh, ano 'to te? Ganda ng cellphone ha? Hula ko, bigay niya sayo 'to no? wuahh.." kinikilos niyang sabi at may pasigaw pa siya. Mabilis ko naman siyang pinitik sa noo.

"Naka-kailan ka na ate ha!" angal niyang sabi. Binalewala ko lang ang sinabi niya.

"Dwayne. Turuan mo nga ako mag fb." masayang sambit ko.

"Weh. Baka siya magpapaturo sa'yo?" naka-ngisi niyang sabi.

"Paano mo nalaman?" mabilis kong tugon.

"Sus. ako pa ba! Tara sa loob. At nang para maituro mo na rin sa boss mo, este soulmate mo. Madedevelop talaga kayo sa isa't-isa nito." mapa-nukso niyang sabi.

"Hep-hep!" pagpigil niya sakin ng pipitikin ko sana ulit siya.

Ewan ko ba at natatawa nalang ako sa Dwayne na 'to. Hindi nalang ako nag-rereact at gusto pa ring malaman kung inlove talaga ako kay Logan.

Jusme. Sa ganda kong 'to? maiinlove sa halimaw na 'yon? Pero mukhang totoo rin kasi yung sinasabi ni Dwayne eh. Hays ewan ko ba. Pero, mukhang imposible kasi.

Mabilis na akong hinila ni Dwayne papasok sa loob ng hatakin niya ako sa braso ko.

wahhh!!

Alam Kong matagal Ang update. sorry guys. Bawi nalang me. May tinatapos kasi akong story.

Aja!

thank you and I hope you like this another part of story!

loveluts :-)

Rate

Comment

Send gifts ;-)

Maiden_pinkishcreators' thoughts
Bab berikutnya