They were once a happy class-- a family to be exact. Until one day, during the midterm exams, someone came out and starts giving them riddles and problems. Once they failed to answer it, one of their class will die. Will they find the killer? A lots of secrets will be revealed.
Tagaktak ang pawis ko habang tinatakbo ang napakalawak na pasilyo ng STE class building.
Naiiyak na ako dahil sa takot at kaba pero kailangan kong magpakatatag para malaman at matalo ko na ang demonyong pumapatay sa klase namin.
Huminto ako nang marating ko na ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Huminga ng malalim at pilit na inaalala ang tulang narinig namin sa tulong ng intercom.
"ICEL! RUN!" Nakita kong tumatakbo pababa si LJ habang may dala pang fire extinguisher.
Nang makababa siya ay agad niya akong tinulak pabalik sa daraanan ko. Tila nagmamadali pa ito.
Pero hindi ako makagalaw. Bakit ngayon ko lang nalaman to. Sana'y nailigtas ko pa ang mga kaklase ko.
"As the days go by,
Your lies surives.
The one behind the mask,
Shall die tonight."
"I-I know." Sambit ko kaya napatigil si LJ sa pagtulak sa akin at agad na ibinaba ang hawak niya upang hawakan ang mga kamay ko.
"S-sino?"
"The killer's been talking about the STE Class' Black Sheep."